“MAGTRABAHO nang mahusay. Maglingkod nang tapat. At laging alalahanin kung para kanino tayo nagtatrabaho,”
Ito ang panawagan ni Executive Secretary Ralph G. Recto sa mga empleyado ng Office of the President (OP) bilang kabayaran sa tiwala ng publiko na may kaakibat na tapat na trabaho na aniya’y “good results that Filipinos can feel.”
Sa isang seremonya bilang pagkilala sa mga empleyado para sa kanilang mga achievements at mga taon ng serbisyo, sinabi ni Recto na lumalapit ang mga mamamayan sa gobyerno para sa tulong na kanilang kailangan.
“Every task in the Office of the President is an opportunity to answer that trust with action,” aniya pa rin.
Ani Recto, bilang civil servants, inaasahan nila na “to act as professionals, and not as partisans. The presidency is that privileged conduit through which one’s skills can be used to serve the people.”
Kaugnay nito, tinukoy at kinilala sa seremonya ang 15 empleyado na nakakuha ng master’s degrees sa Public Administration habang nagtatrabaho.
Kabilang sa mga indibiduwal na binalanse ang trabaho sa pag-aaral ay si Palace engineering office employee Joseph Timbol, nag-iisang awardee sa ilalim ng Lifelong Learners Program, nakakuha ng bachelor’s degree in Information Technology mula sa PUP Open University.
“The Filipino people deserve public servants like you who never stop learning, never stop improving, and never stop finding better ways to serve the country,” aniya pa rin.
Sa ngalan ni Pangulong Marcos, pinasalamatan ni Recto ang 20 loyalty awardees na naglingkod ng 30 hanggang 45 taon.
Pinuri rin ang 19 retirees, “who through multiple administrations responded to the demands of the OP, through years of changes and challenges.”
Pinarangalan din ni Recto ang mga pamilya na recipients ng Pamana ng Paglilingkod: dating Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Rolito Rodriguez ng Presidential Human Rights Committee Secretariat, at Joven Rodil of the Engineering Office.
Inalala ang mga taon na nakatrabaho si Enrile bilang kapwa-mambabatas, sinabi ni Recto na marami siyang natutunan mula kay Enrile.
Gayundin, nagbigay-pugay naman siya kay Rodriguez at Rodil para sa mga panahon, kasanayan at pagsisikap na ibinigay ng mga ito para paglingkuran ang bansa.
“Ang posisyon ay pansamantala. Ang titulo ay maaaring mawala. Ang parangal ay maaaring maluma. Pero ang mabuti at tapat na serbisyo ay nananatili habang buhay,” ani Recto.
“That service, lives on in stronger institutions, in younger colleagues inspired to do better, and in the Filipinos whose lives their work has helped improve,” ayon pa rin kay Recto. ( DARIS JOSE)