• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

INSIDENTE SA NAIA NA SANGKOT ANG 2 BABAENG IMMIGRATION OFFICERS, KINUMPIRMA NG BI

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) ang isang insidente na kinasangkutan ng dalawang babaeng immigration offficers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong September 22, 2026 bandang alas-8:30 ng gabi.

Nilinaw ng Bi na ang nasabing insidente ay nag-ugat sa isang personal at pribadong bagay na kinasangkutan ng dalawang babaeng officers kung saan parehong naka-duty nang naganap ang insidente.

Inutusan na ng BI ang dalawang opisyal na magsumite ng kanilang written explanations hinggil sa insidente habang inaasahan naman ang iba pang mga pesonnel ng propesiyonalismo, proper decorum at disiplina anumang oras partikular habang ginagampanan nila ang kanilang mga opisyal na tungkulin .

Sinabi ng BI na hindi nila ito-tolerate ang anumang klase ng unprofessional conduct, misconduct, o behavior unbecoming of a public officer. Karampatang administrative action ang ipapairal base sa resulta ng imbestigasyon at sa umiiral na rules and regulations habang sinuguro naman ng BI na paninindigan nito ang professionalism, discipline, at integrity sa kanilang mga personnel gayundin ang pagbibigay ng epiyente at at magalang na serbisyo sa mga mananakay. (Gene Adsuara)