• November 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2026

Panukalang palawakin ang termino ng mga barangay at Sangguniang Kabataan officials nang hanggang limang taon, pinaboran

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KINATIGAN ng mga mambabatas ang panukalang palawakin ang termino ng mga barangay at Sangguniang Kabataan officials nang hanggang limang taon.

Ayon kay Aklan Rep. Florencio Miraflores, chairman ng House Committee on Local Government, pabor ang mga miyembro ng nasabing komite na itakda ang termino ng mga barangay officials sa limang taon.

Aniya, mas mabibigyan panahon ang mga barangay officials na sustentuhan at ipagpatuloy ang kanilang mga programa at proyekto sa mas mahabang pagkakataon.

“Our task, therefore, is to find the right balance and establish a term that will ultimately strengthen, rather than weaken, grassroots governance,” sabi ni Miraflores.

Sinabi ni Sorsogon Rep. Marie Bernadette Escudero, may akda ng House Bill 10656, ang panukala na five-year term sa mga barangay officials ay tutugma sa five-year comprehensive development plan, na magbibigay pagkakataon na isakatuparan ang kanilang mga programa.

“This is particularly important for barangays with very limited resources, where the time and capacity to implement development programs can be a significant challenge,” sinabi ni Escudero.

Pinaliwanag ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LnB) National President Maria Katrina Jessica Dy na mahigit 70 porsiyento ng mga barangay ay annual budget na P5 million o mas mababa. Dito kadalasan ay maiksi lamang ang ipinapatupad na programa dahil sa kakulangan ng budget. 

Kung mas mahaba ang termino ng mga barangay official, mas mahaba ang panahon at pagkakataon na ipatupad ang kanilang programa.

Tinukoy ni Dy ang ginagampanang papel ng mga barangay officials, particular sa mga kalamidad at emergencies, kung saan kinakailan ang matatag na barangay governance.

Sa parte naman ng Commission on Elections (COMELEC), nakahanda na ang lahat sa gagawing Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) na gaganapin sa November 2, 2026.

“Sa katunayan po ready na, meron na tayong final list of voters, nakapag-print na rin tayo ng mga balota, nakapag-procure na rin po tayo ng mga ballot boxes, mga forms and other supplies na gagamitin,” sinabi ni COMELEC Deputy Executive Director for Operations Rafael Olaño. 

Aniya, nakahanda rin tanggapin ng COMELEC kung ano man ang maging desisyon ng Kongreso kung ipagpapaliban ang BSKE at palalawakin ang termino ng mga barangay at SK officials. (VINA de GUZMAN)

Social media platforms, dapat may pananagutan sa kaligtasan ng mga bata

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA GITNA ng mga insidente ng karahasan na kinasasangkutan ng mga kabataan at patuloy na banta ng exploitation at trafficking online, isinusulong ni Nueva Vizcaya Lone District Representative Atty. Timothy Joseph “Tim” Cayton ang mas matibay na proteksyon para sa mga menor de edad sa social media.

Inihain ni Cayton ang House Bill No. 10760 o “Social Media Safety for Children Act,” na naglalayong obligahin ang social media platforms na gawing prayoridad ang kaligtasan, privacy at kapakanan ng mga batang gumagamit ng kanilang serbisyo.

Naging mas matindi ang usapin sa child safety kasunod ng mga trahedyang kinasasangkutan ng mga estudyante. Noong Hunyo, tatlong estudyante ang nasawi sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City. Nitong Agosto naman, isang estudyante ang napatay ng kapwa mag-aaral sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School, bago nasawi rin ang huli. Naiulat ding ini-livestream sa social media ang insidente.

Kasabay nito, nananatiling banta ang online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC), trafficking at iba pang uri ng exploitation, kung saan maaaring magamit ang digital platforms upang makontak at mapagsamantalahan ang mga menor de edad.

Sa ilalim ng HB 10760, kailangang gamitin ang pinakamataas na available privacy at safety settings bilang default para sa minors, higpitan ang unsolicited contact mula sa mga adult account, at limitahan ang exposure sa content tungkol sa sexual exploitation, suicide, self-harm at matinding karahasan.

Itinatakda rin ng panukala ang 16 taong gulang bilang minimum age para magkaroon ng sariling social media account nang walang parental consent, habang ang edad 13 hanggang 15 ay mangangailangan ng verifiable consent ng magulang o guardian.

Kasama rin sa panukala ang paghihigpit sa targeted advertising sa mga bata at pag-disable bilang default ng mga feature tulad ng autoplay, infinite scroll at streak mechanisms.

Sa pamamagitan ng Social Media Safety for Children Act, isinusulong ng mambabatas ang mas ligtas at responsableng digital environment para sa bawat batang Pilipino. (VINA de GUZMAN)

TINATAYANG P12.34 BILLION HALAGA NG SHABU, SINUNOG SA CAVITE

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINATAYANG P12.34 billion halaga na illegal drugs o shabu ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy Aguado, Trece Martires City Huwebes ng umaga.

May kabuuan na 2,224,679.9705 gramo ng solid illegal drugs, at 106,386.0500 milliliters na liquid illegal drugs ang sinunog sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis, isang proseso kung saan sinusunog ang mga ito na may 1,000 degress centigrade na init nito. .

Kabilang sa mga sinunog ay 1,1774,023.9425 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride, o Shabu na may kabuuang halaga na P12.06 billion kung saan ilang bahagi noto ay galing sa mga anti illegal drugs operation kabilang ang 876,000 gramo ng shabu mula sa MIMAROPA, isa sa pinakamalaking interdictions sa rehiyon. Dagdag dito ang 906,406.40 gramo mula sa Valenzuela.

Kasama rin sa sinunog ang 433,336.9546 gramo ng Marijuana; 21.2214 gramo ng MDMA o Ecstasy; 9.0571 gramo ng MDMA +Meth; 51 gramo ng Diazepam; 2.7076 gramo ng Ketamine; 22.1000 gramo ng Nitrazepam; 4.2500 gramo ng Psilocybin; 1,797 milliliters na liquid marijuana; 104,589.0500 milliliters na liquid Methaphetamine Hydrochloride at 15,000 gramo ng assorted expired medicines.

Ang mga droga at controlled precursors and essential chemicals (CPECs) ay bahagi ng mga na nakumpiska sa iba’t-ibang drug operations na isinagawa ng PDEA kasama ang kanilang counter part law enforcement at military units at hindi na kailangan na ebidensya sa korte.

Kabilang sa mga dumalo si PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez at iba pang mga opisysles maula sa PNP at Local Government Units (LGUs).

Sinaksihan din ito ni Dangerous Drug Board (DDB) Chairperson Secretary Oscar F Valenzuela. (Gene Adsuara)

5 pasaway, huli sa ‘Oplan Galugad’ sa Valenzuela 

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TIKLO ang limang indibidwal kabilang ang dalawang hinihinalang sangkot sa droga nang maaresto ng pulisya sa ‘Oplan Galugad’ operation sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ni Police Investigator PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 8 sa Sapa St., Brgy., Bagbaguin nang maaktuhan nila ang dalawang kelot na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ ala-1:20 ng Miyerkules ng madaling araw.

Nasamsam nina Pat Jay-R Verano at Pat Mikko Caballero sa dalawa ang P290 bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,400 na nakuha umano kay alyas “Jhayr”, 23.

Nauna rito, alas-11:50 Martes ng tanghali nang maaresto naman ng mga tauhan ng Police Sub-Station 1 ang tatlong individuals na nagsusugal umano ng ‘lucky 9’ Lord’s Candle Street, Barangay Paso De Blas.

Nakumpiska nina Pat Dan Aldrin Baladad at Pat Julius Valencia sa kanila ang P400 bet money, baraha at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P2,584 na nasamsam umano sa 35-anyos na construction worker na si alyas “Daryl”.

Sinampahan na ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law) habang karagdagan pa na kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isinampa kay ‘Daryl’ at ‘Jhayr’. (Richard Mesa)

P2.7 milyong shabu, 2 baril nasabat sa 2 lalaki Caloocan 

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT sa mahigit P2.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang lalaki na naaresto ng pulisya dahil sa pagpapaputok umano ng baril sa Caloocan City, Miyerkules ng umaga.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na alas-7:25 ng umaga nang respondehan ng mga tauhan ni Police Sub-Station 6 Commander P/Maj. Valmark Funelas ang natanggap na reklamo hinggil sa nangyaring pagpapaputok ng baril sa Del Rey, Brgy., 163 ng lungsod.

Pagdating sa lugar, sinamahan ang mga pulis ng Ex-Officio ng nasabing barangay na siyang nag-ulat sa insidente hanggang makita nila ang dalawang lalaki na kapwa umanong may bitbit na baril.

Gayunman, nang mapansin ng dalawa ang presensya ng mga pulis ay nagtangkang tumakas ang mga ito sakay ng isang itim na Nissan Terra subalit, nagawa silang maharang at maaresto nina P/MSg Aldrine Simeon at Pat Efril Boy Hipol.

Nakumpiska kay alyas “Rolly”, 51, ang isang kalibre .9mm pistol na may limang bala sa magazine at apat knot tied transparent plastic na naglalaman ng nasa 400 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,720.000.00 habang nakuha naman kay “Manny”, 55, driver, ang isang kalibre .45 pistol na may apat na bala sa magazine at isang basyo ng bala.

Kasama ring inaresto si alyas “May”, 41, dahil sa kasong Obstruction of Justice nang tangkain pigilan ang mga pulis sa pag-aresto sa kanyang asawang si ‘Rolly’.

Mahaharap ang dalawang lalaking suspek sa kasong Indiscriminate Discharge of Firearms, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

11 TAXI TIMBOG SA JOINT LAW ENFORCEMENT OPERATION KONTRA COLORUM AT OVERCHARGING SA NAIA

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGSAGAWA ng joint law enforcement operation ang mga tauhan ng LTO, sa direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) at Aviation Security Unit (AVSEU), laban sa mga colorum at overcharging na taxi sa NAIA Complex sa Pasay City.

Isinagawa ang operasyon noong Agosto 25, 2026, mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi, bilang bahagi ng pagpapatupad laban sa mga taxi na sangkot sa colorum operation, overcharging, contracting, at pagtangging magbigay ng serbisyo o maghatid ng mga pasahero sa kanilang destinasyon.

Sa isinagawang operasyon, kabuuang 11 Public Utility Vehicles (PUVs) na taxi ang inisyuhan ng Temporary Operator’s Permit (TOP) dahil sa breach of franchise.

Pinangunahan ang operasyon nina Ret. PBGen. Allan C. Nobleza, Director ng Law Enforcement Service (LES), at PMAJ Roderick Francis B. Salem ng Aviation Security Unit (AVSEU)-NCR. Katuwang din sa operasyon ang mga personnel ng Field Enforcement Division (FED) ng LES, sa pangunguna nina STRO Alvin Domingo at TRO Midel S. Timbang, gayundin ang mga personnel ng PCG, sa pangunguna ni PO3 David Arcanghel.

“Hindi dapat nagiging pagkakataon ang serbisyo sa pampublikong transportasyon para manlamang o magsamantala sa mga pasahero. Kailangang masiguro natin na ang mga PUVs ay sumusunod sa kanilang prangkisa at nagbibigay ng maayos at patas na serbisyo sa publiko,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

“Patuloy tayong makikipag-ugnayan sa ating mga katuwang na law enforcement agencies upang matukoy at mapanagot ang mga operator at driver na lumalabag sa mga itinakdang kondisyon ng kanilang prangkisa. Ang bawat pasahero ay may karapatang makatanggap ng ligtas, maayos at nararapat na serbisyo,” dagdag niya.

Tiniyak ng LTO na magpapatuloy ang koordinasyon nito sa iba’t ibang law enforcement agencies upang mapalakas ang pagpapatupad ng mga regulasyon sa pampublikong transportasyon, partikular sa mga lugar na mataas ang bilang ng mga pasahero. Sa pamamagitan ng mga magkakatuwang na operasyon, layunin ng ahensya na mapanatili ang maayos, ligtas, at patas na serbisyo sa publiko at matiyak ang pagsunod ng mga operator at driver sa mga kondisyon ng kanilang prangkisa.
(PAUL JOHN REYES)

MMDA, 4 LGUs nagtulungan kontra trapiko

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LUMAGDA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at apat na lokal na pamahalaan sa isang Memorandum of Understanding (MOU) upang palakasin ang koordinasyon sa pamamahala ng trapiko sa Marcos Highway.

Pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang paglagda kasama sina Pasig Mayor Vico Sotto, Marikina Ma­yor Maan Teodoro, Cainta Mayor Johnielle Keith Nieto, at Antipolo Mayor Casimiro Ynares III.

Sa ilalim ng kasunduan, pagtutulungan ng MMDA at mga LGU ang pagpapaalis sa illegal parking, mga sirang sasakyan, unauthorized terminals istruktura, at mga vendor na nakasasagabal sa daloy ng trapiko.

Maglalaan din ng traffic personnel para sa pa­tuloy na pagbabantay sa Marcos Highway at mga konektadong kalsada, depende sa available na tauhan at resources.

Layunin ng hakbang na maiwasan ang matinding pagsisikip tulad ng nangyari noong Disyembre 6, 2025, nang maipit sa halos anim na oras na trapiko ang mga moto­rista sa Marcos Highway.

Ban ng Facebook, online games ok sa Palasyo

Posted on: August 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SUPORTADO ng Malacañang ang posibilidad na ipagbawal ang Facebook at iba pang online gaming platforms sa gitna ng sunud-sunod na insidente ng karahasan sa mga eskuwelahan sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, panahon na upang pag-aralan kung nakabubuti pa ba sa bansa ang social media platform na Facebook o nakakadagdag lamang ito sa paglaganap ng fake news.

Reaksyon ito ni Castro matapos ang pahayag ng Cybercrime Investigation Coordinating Council (CICC) na ikinukonsidera ang mga suhestiyon na i-ban ang Facebook sa Pilipinas, kasunod ng mga kasong may kaugnayan sa karahasan sa mga paaralan.

Giit ng opisyal, bukas ang Palasyo sa ideya na ipagbawal ang anumang gaming o social media platform na nakakasira sa kabataan at sa bansa, lalo na kung hindi ito nagpapakita ng accountability at mabagal umaksyon sa mga pakiusap ng gobyerno upang maproteksyunan ang publiko.

Kung hindi rin aniya­ makatutulong sa pagprotekta sa mga kabataan, mas mabuti na silipin na kung dapat pa ba silang manatili sa sistema ng bansa.

May mga natuwa sa komento at meron ding nam-bash…LEA, sinabihan si STELL na ‘talented tapos ganyan ang itsura?’ (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: August 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAG-REACT nga ang Broadway icon na Lea Salonga tungkol sa pagpapakitang-gilas ni SB19 member Stell Ajero ng galing nito sa pagsasayaw.

Sa Instagram reels na ibinbahagi ng SB19, mapapanood ang paghataw ni Stell ng “Mi Chico” ni DJ Goja, naka-shades at black sando and pants.

May caption ito na, “[Y]our chico?” 

Napa-comment tuloy si Lea sa video ng, “Talented tapos ganyan ang itsura?”

Iba’t-iba na ang naging interpretasyon ng netizens at SB19 fans sa comment ng actress-singer, may mga natuwa at naaliw at meron ding nam-bash.

Narito ang ilan sa naging komento ng netizens:

“diba po? pinagpala yan sa lahat. Sana all na lang talaga kami pero kayo rin po ang galing-galing nyo rin po Pinoy pride”

“Thank you for the compliment Ms. Leah”

“binga miss. Lea, ni Glock 9, may ipagyayabang pero di nagyayabang. Kahit Anu Yan, mahal naming Yan”

“Thank you po sa pag-appreciate kay Stell”

“Omg @stell16_ you made it na talaga si Ms. Lea na ‘yan oh!”

Wish pa ng iba, “hoping na magkita po kayo ng SB19 and maybe have a collab cover song from a Disney Legend yung Reflection or yung A Whole New World for sure ganda ng magiging blending with SB19”

“baka pwede na ang ms lea and sb19 collab.”

Sabi pa nila…

“Walang disney princess disney princess dito miss lea, may mga nakapila pa po.”

“This been comment has been interpreted differently (naging pulutan na naman si stell).”

“Tita mo sa family reunion be like.”

“Hahaha magka-close ata sila nan dalawa keya ganyan sila. Inamin naman ni ms. Lea na talented si Stell hahah.”

“Laki problema ni tandang Lea.”

Pagtatanggol pa ng isang fan, “Parang hindi naman yata negative ang gustong sabihin ni Miss Lea Salonga. I see it like talented na tapos may itsura pa. Ganun.”  

Pumasok sa third place kahit na-ER bago ang laban… ALFRED at YASMINE, proud sa tagumpay ni CRISTIANO sa swimming competition (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: August 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments


PROUD na proud si Councilor Alfred Vargas at ng kanyang asawang si Yasmine, sa latest achievement ng kanilang anak na si Cristiano matapos na muling sumabak sa isang major swimming event.

Sa isang Instagram post kasama ang series of photos, ibinahagi ni Yasmine na kinatawan ni Cristiano ang Ateneo Grade School Boys swimming team sa Milo National Interschool Short Course Swimming Championship 2026. Ang koponan ay lumabas bilang four-peat champion.  Nagtapos din si Cristiano na pangatlo sa 37 batang lumahok.

Naging mas makabuluhan ang kanyang performance dahil ito ang unang kompetisyon ni Cristiano bilang bahagi ng Ateneo varsity team. 

Ibinahagi ni Yasmine na ang naging kondisyon kanilang anak bago ang laban…

“The night before the meet, at 9 PM, he was still in the ER getting hydrated and receiving IV medication because of persistent vomiting,” lahad niya.

“Thankfully, his labs were okay, and after being assessed, he got the go signal from his doctor.” 

Pahayag pa ni Yasmine, “We told him to rest, but he didn’t want to miss his first competition as part of the Ateneo Varsity, or let down his teammates. Despite everything, he placed 3rd in all his strokes out of 37 kids.”

Kaya naman proud mom siya sa commitment ng anak, “So proud of your determination, Cristiano! You showed up, gave it your all, and refused to give up, not just for yourself, but for your team. 

“Ad Majorem Dei Gloriam.

Pagtatapos pa ng post, “Congratulations to the Ateneo Grade School Boys 4-Peat Champions!”

Ni-repost naman ito ni Alfred sa kanyang Facebook at Instagram page. Samantala, ilang araw lang ang nakalipas nang ibahagi ng mag-asawa

 ang sobrang cute na photo ni Cristiano.

Kuha ito sa ‘Buwan ng Wika’ event ng  Ateneo De Manila University Grade School na may temang “Mula Sa Alon ng Kasaysayan tungo sa Teknolohiya: Wikang Filipino at AI, tulay sa yaman ng impormasyon”.

Si Cristiano ang nakakuha ng award bilang “Pinakamagandang Kasuotan.”

Ayon sa naging post nina Alfred at Yasmine, “Proud to be from Lumban, Laguna- the Embroidery Capital of the Philippines.

“The other day Cristiano won “Pinakamagandang Kasuotan”, wearing a beautiful barong that proudly showcases the artistry and craftsmanship our town is known for. Thank you, @liza_mondez_barong , for making him look extra gwapo!”

Congrats Cristiano!!!