• September 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2026

MAHIGIT 2,000 BENEPISYARYO NAKINABANG SA NHA SA PEOPLE’S CARAVAN SA SORSOGON

Posted on: August 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAHIGIT 2,000 benepisyaryo nakinabang sa isinagawang National Housing Authority (NHA) ang “People’s Caravan: Serbisyong Dala ay Pag-Asa” sa Capitol Compound ng Lungsod ng Sorsogon.

Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben A. Tai, pinamunuan nina Region V Acting Manager at Concurrent Sorsogon/Masbate District Manager Engr. Rolando G. Ramos ang aktibidad kasama ang 36 partner agencies.

Kabilang sa mga tanggapan na nakiisa ang Philippine Statistics Authority (PSA), Philippine National Police (PNP), Social Security System (SSS), PhilHealth, Pag-IBIG Fund, at Land Transportation Office (LTO), Sorsogon Civil Registry Office, at Sorsogon Police Provincial Office na naghandog ng serbisyo ukol sa aplikasyon ng ilang civil registry documents at valid IDs.

Para sa atensyong medikal, nagkaroon ng medical at dental missions ang Department of Health (DOH), Commission on Population and Development (CPD), Armed Forces of the Philippines (AFP), Provincial Government of Sorsogon, at Sorsogon City Health Office. 

Sa usaping trabaho at negosyo, naglatag ng information booth, orientation proper and skills demonstration, at job fair ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Migrant Workers (DMW), Department of Science and Technology (DOST), Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Public Employment Services Office (PESO) ng Sorsogon. 

Nagkaroon din ng KADIWA Pop-Up Store at pamamahagi ng seedlings at fingerlings mula sa Department of Agriculture (DA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at Office of the Provincial Agriculture. 

Ilan pa sa mga ahensyang naghandog ng kanilang serbisyo ay ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa kanilang libreng Wi-Fi connectivity at e-GovPH assistance; Public Attorney’s Office (PAO) para sa kanilang notarial at legal services; Philippine Information Agency (PIA) para sa orientation on dismissing fake news; GCash para sa financial literacy orientation; at ilan pang local na sangay ng Sorsogon para sa security at logistical support. 

Dumalo rin sa kaganapan sina Sorsogon Governor Edwin B. Hamor, Mayor Ma. Ester E. Hamor, at First District Representative Marie Bernadette G. Escudero. 

Ito ang unang caravan ng NHA sa buwan ng Agosto na inaasahang masusundan pa – isang pagpapatunay sa dedikasyon ng ahensya sa misyon nitong patuloy na maghandog ng kaginhawaan sa buhay ng pamilyang Pilipino, alinsunod sa hangarin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na isang Bagong Pilipinas. (PAUL JOHN REYES)

2 wanted sa carnapping sa Manila, nalambat ng NPD sa Malabon

Posted on: August 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TIMBOG ang dalawang indibidwal kabilang ang 29-anyos na bebot na kapwa wanted sa kasong carnapping sa Manila nang matunton ng pulisya sa Malabon City.

Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni ng Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili ang operation laban sa dalawang akusado na kapwa residente ng Brgy., 18, Caloocan City.

Nasukol ng mga operatiba ng District Anti-Carnapping Unit (DACU-NPD) ang lalaking akusado na edad 32, welder, sa Brgy., Longos, habang sa Barangay Tañong, kapwa ng Malabon City nakorner ang babaeng akusado.

Hindi na nakapalag ang dalawa nang arestuhin ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 36, Manila para sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (RA 10883) na may inirekomendang piyansa na tig P300,000 bawat isa.

Pansamantalang nakapiit ang mga akusado sa Custodial Facility Unit ng NPD-DACU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. (Richard Mesa)

Lalaking nagnakaw ng dalawang baril sa Malabon, timbog

Posted on: August 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki na nagnakaw ng dalawang lisensiyadong baril nang matiyempuhan ng mga pulis habang bitbit ang lalagyan ng armas sa Malabon City.

Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission, sinampahan na nila ng kasong pagnanakaw at paglabag sa R.A10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Malabon City Prosecutor’s Office ang suspek na si alyas “Tonyo”, 30.

Sa ulat, naglalakad sa kahabaan ng Matahong St. Brgy. San Agustin ang suspek alas-11:20 ng gabi nang sitahin siya ng mga tauhan ni Col. Mission matapos makita ang bitbit niyang berdeng lalagyan ng baril, na tumutugma sa iniulat ng biktima na pinaglalagyan ng kanyang mga nawawalang baril.

Wala rin maipakitang patunay ang suspek na sa kanya ang lalagyan ng baril at nang buksan ay tumambad ang laman nitong dalawang kalibre .22 rifles, mga magazine at mga bala na positibong kinilala ng biktima na kanyang pag-aari.

Iniutos na ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili sa Malabon Police Sub-Station 6 na isailalim sa ballistic examination ang nabawing mga baril at beripikahin ang mga iprinisintang dokumento ng biktima. (Richard Mesa)

LTFRB, SINUSPINDE ANG OPERASYON NG TAXI DAHIL SA LABIS NA PANININGIL SA ISANG DAYUHANG TURISTA

Posted on: August 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINUSPINDE ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, sa loob ng 30 araw ang operasyon ng isang taxi matapos umanong maningil ng P2,000 sa isang dayuhang turista para sa limang minutong biyahe mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II, agad naglabas ang ahensya ng show cause order (SCO) laban sa operator matapos mamonitor ng LTFRB social media team ang vlog tungkol sa insidente.

Bukod sa paniningil ng sobrang pasahe, iniulat din sa vlog na pinasakay ng driver ang isa pang tao sa taxi.

“Malinaw itong paglabag sa mga patakaran at regulasyon ng prangkisa. Walang pasahero, lalo na ang mga dayuhang turistang dapat nating malugod na tinatanggap sa bansa, ang nararapat tratuhin nang ganito,” ani Chairman Vigor.

“Ngunit bibigyan natin ng pagkakataon ang operator na magpaliwanag bilang bahagi ng due process. Samantala, pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng nasabing taxi,” dagdag niya.

Sa inilabas na SCO, inatasan ang operator na isuko sa LTFRB ang plaka ng taxi at isailalim sa drug test ang driver na sangkot sa insidente.

Pinagpapaliwanag din ang taxi operator kung bakit hindi ito dapat patawan ng kaukulang parusa dahil sa umano’y kabiguang magbigay ng ligtas, maaasahan at maginhawang serbisyo, gayundin sa umano’y paniningil ng sobrang pasahe.

Itinakda sa Agosto 19 ang pagdinig, kung saan inaasahang magsusumite ang operator ng notarized na paliwanag hinggil sa insidente.

Nagbabala naman si Chairman Vigor sa mga operator at driver ng taxi na mahigpit na sumunod sa mga patakaran, dahil hindi mag-aatubili ang LTFRB na magsuspinde o magbawi ng prangkisa laban sa mga mapapatunayang lumalabag.

Hinimok din niya ang publiko na agad ireport sa LTFRB ang anumang pang-aabuso ng mga driver ng pampublikong sasakyan. Tiniyak niya ang mabilis na pagtugon sa mga reklamo sa pamamagitan ng hotline 1342 at online platforms. 

(PAUL JOHN REYES)

Pag-apaw ng La Mesa Dam asahan – PAGASA

Posted on: August 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BUNSOD ng walang tigil na mga pag-ulan, inihayag ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical (PAGASA) na asahan ang posibleng pag-apaw ng La Mesa Dam dala ng Habagat sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Ayon kay PAGASA hydrologist Richard Orendain, nasa 79.70 metro na ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City alas-5 ng madaling araw kahapon malapit na sa spilling level nitong 80.15 metro. Posibleng umabot sa spilling level ang La Mesa Dam ngayong madaling araw kung magpapatuloy ang malakas na pag-ulan sa watershed nito. Nagbabala ang PAGASA na maaaring magdulot ito ng pagbaha sa mga lugar na malapit sa Tullahan River.

Nabatid kay Orendain na bahagyang bumaba na ang lebel ng tubig sa Tullahan River matapos itong halos umabot sa kritikal na antas. Gayunman, may posibilidad itong umapaw kung magpapatuloy ang pag-ulan at aabot sa spilling level ang La Mesa Dam. Nasa ligtas pang antas na 161.12 metro ang Angat Dam bagama’t tumaas ito ng 2.23 metro, malayo pa rin ito sa spilling level na 210 metro. Tinatayang aabot lamang sa 170 hanggang 175 metro ang lebel ng tubig nito pagsapit ng katapusan ng Agosto.

Ads August 10, 2026

Posted on: August 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Dahil sa birong walang plastikan ang mga Kapuso…Fans ni AC, galit at walang humpay na binatikos si SASSA GURL (ni: REY PINEDA) 

Posted on: August 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INULAN nang batikos si Sassa Gurl a.k.a. Felix Petate dahil sa birong binitiwan nito.

Hanggang sa ngayon at ‘di pa rin humuhupa ang galit ng fans ni AC Bonifacio dahil sa birong iyon.

Nagsimula iyon sa presscon ng movie nilang ’Saving Cherry’ kung saan nagpasalamat si AC na talent ng Star Magic, dahil sa magandang pakikitungo sa kanya ng kanyang co-stars na halos Kapuso stars.

Biglang-bigla na lang sumabat ito si Sassa Gurl at pabirong sinabing….”Naloka ka sa mga Kapuso, ‘no…walang plastikan, ‘no!”

Kung kaya’t sabay bumawi si AC na mahal niya ang kanyang network at ang Star Magic.

Dahil doon ay walang humpay ang negatibong komentong natanggap ni Sassa Gurl sa kanyang mga social media platform. 

Agad naman itong nag-apologize sa mga netizen na nam-bash sa kanya.     Nagpasalamat din ito sa mga basher na nagkomento. Dahil daw doon, natuto siyang lalo mag-grow sa bagong mundong kanyang pinasok.

Moral lesson, huwag kasi tayong basta-basta nagkokomento ng negatibo.     

Hayan, tuloy kung anu-anong masasakit na salita ang natanggap niya.

Ang masakit pa, pinababalik ng mga netizen si Sassa Gurl na mag-Tiktok na lang at lisanin ang showbiz!

***  

KASALUKUYANG nasa bansa ang dating aktres na si Bangs Garcia kasama ang kanyang asawang si Lloyd Brichmore, na isang Filipino-British businessman. 

Kasama rin nila ang at dalawang anak na sina Amelia at Isabella.  

Pansamantalang tinalikuran ni Bangs ang showbiz noong 2017 upang ituon ang kanyang atensyon sa binuong pamilya, at sa hobby nitong painting.

Matapos itong maging naturalized British citizen noong 2024, masaya nitong ibinahagi na na-reacquire niyang muli ang kanyang pagiging Filipino citizen.

Kumbaga, dual citizen na nga si Bangs ng Pilipinas at ng United Kingdom.     

Subali’t wala pang ibinigay na detalye ang aktres kung magtatagal ito sa bansa.  ‘Di rin nito binanggit kung may proyekto ba itong gagawin.

Sa loob ng halos labing isang taong pananatili sa UK, nanatili itong productive.     Pinagkakaabalahan nito ang kanilang London-based Filipino restaurant na D’Cocina.

Kasabay nito ang pagiging isang lifestyle vlogger, brand endorser at events host.     

Sa ngayon daw ay ine-enjoy muna ng buo niyang pamilya ang kanilang bakasyon.     Bukas naman daw ito kung sakaling may magandang proyektong dumating.

Bukas na para sa mga natatanging dulang Pilipino…Puregold,ipinagmamalaki ang paglulunsad ng ‘Teatro Panalo (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: August 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BUBUKAS na ang telon sa isa na namang ‘panalong’ karanasan mula sa Puregold.

Sa pagkakataong ito, ilalapit ang mundo ng teatrong Pinoy sa mga talentadong artista’t manlilikha, at sa mga Pilipinong nararapat lamang na matunghayan ang teatro.

Bilang pagpapalawak ng layuning itaguyod ang pagkamalikhain ng mga Pilipino, ipinagmamalaking ianunsyo ng Puregold ang pagbubukas ng ‘Teatro Panalo’, isang pista ng teatro na layuning makadiskubre, mapaunlad, at maitanghal sa entablado ang mga bago at mahuhusay na dula at musikal na may isang yugto, na gawa ng mga Pilipinong mandudula.

Kasama ang Wishbone Collective, Inc. bilang producer at organisador, ipinepresenta ng Puregold ang incubation theater festival na ito, isang plataporma kung saan ang mga orihinal na gawa, mula iskrip, ay maaaring maitanghal sa entablado nang may dramaturgical support, suporta sa mga kakailanganin sa produksyon, at kasiguraduhan na magkakaroon ng audience engagement o pagtangkilik mula sa mga manonood.

Labindalawang (12) orihinal na gawa, walong (8) straight play o dula at apat (4) na musikal na gawa, ang mapipili upang makatanggap ng buong produksyon bilang bahagi ng festival, at ang bawat mandudula ay makatatanggap ng Php 100,000.

Matapos ang festival, isang dula at isang musikal ang makatatanggap ng mga full-length development grant, oportunidad na lalo pang umunlad ang sining ng mga likha, at komersyal na produksyon sa kalaunan.

Para sa Puregold, sinasalamin ng Teatro Panalo ang patuloy na paniniwala ng kompanya na ang makabuluhang mga karanasan ay dapat abot-kamay ng karamihan, dahil ito ay tunay na karanasang panalo.

“Puregold has always been present in the everyday lives of Filipino communities,” sabi ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold. 

“Through Teatro Panalo, we hope to be present in another meaningful way by creating spaces where people can come together, exchange new ideas, and see Filipino artistry come to life on stage.”

Pahayag pa ni Hayagan, ang inisyatibang ito ay nakaugat sa pag-unawa ng Puregold na ang paglilingkod ay higit pa sa transaksyonal.

“Being of service to a community is not limited to what happens inside our stores. It also means listening to what matters to people and supporting experiences that help communities feel seen, connected, and represented,” sabi niya. 

“Theater has the power to create that kind of shared experience.”

Binigyang-diin ng direktor ng festival na si Vincent de Jesus na ang Teatro Panalo ay tungkol sa pangangalaga sa mga artista, at paghahanap ng bagong mahusay na materyal.

“We’re looking for authentic voices, fresh perspectives, and stories that deserve to be seen on the stage,” sabi niya. 

“The festival is designed to help playwrights realize the full potential of their work through collaboration with experienced theater practitioners, while also giving audiences the opportunity to encounter exciting new Filipino stories.” 

Opisyal nang nagbukas ang pagsusumite sa mga bago at propesyonal na mandudulang Pilipino edad 18 pataas sa panahon ng aplikasyon. Maaaring nakasulat sa Filipino o Ingles ang mga entry, at dapat itong orihinal na mga dulang may isang-yugto, maaaring straight play o musikal. 

Hindi tatanggapin ang mga adaptasyon, pagsasalin, o mga nilikha gamit ang AI. Tumatanggap ang festival ng mga isusumiteng likha mula sa kahit anong genre, na may kahit anong estilo o anyong teatro, kung ito ay orihinal at nilikha para sa 35 hanggang 40 minutong pagtatanghal sa entablado.

Maaaring magsumite ang mga interesadong aplikante hanggang 11.59. n.g ng Setyembre 11, 2026. Kinakailangang magpasa ng kompetong iskrip ng dulang may isang yugto, synopsis, logline, development vision, mga dokumentong susuporta sa submission, at para sa mga musikal, mga demo recording.

Iaanunsyo ang paunang listahan ng labing-anim (16) na dula at walong (8) musika sa Oktubre 6. Iimbitahan ang mga kabilang sa shortlist na ipresenta ang kanilang mga gawa sa Selection Committee sa Oktubre 14 hanggang 16, at ang pinal na listahan ng walong (8) dula at apat (4) na musikal ay iaanunsyo sa Oktubre 16.

Lalahok ang mga mapipiling mandudula sa propesyonal na incubation program ng Wishbone, kung saan magkakaroon ng dramaturgical guidance, suporta sa produksyon, at oportunidad na maitanghal ang gawa sa mga manonood sa kauna-unahang festival, na kasalukuyang nakatada sa Pebrero hanggang Marso 2027.

Dagdag pa ni De Jesus, “Original stories have always shaped communities, reflected generations, and inspired change. With Puregold Teatro Panalo, the next great Filipino play may be waiting behind an unopened script. Puregold is inviting playwrights from across the country to bring those stories to the stage.”

Mababasa ang kompletong festival mechanics, mga kahingian sa pagsali, at detalye ng aplikasyon sa opisyal na submission form ng Puregold Teatro Panalo: https://bit.ly/PGTeatroPanalo.

Aminadong mas brutal ang latest single na ‘Pasta’…ANDREW E., sinisigurado na muling magmamarka ang mga bagong kanta (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: August 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAY inspirasyon ang bagong awitin ni Andrew E. na “Pasta”.

“Unang-una, ang point of origin ng “Pasta” is you know, isang bagay na gustung-gusto natin, pero hindi naiiwan sa isipan mo yung bagay na iyun, e.

“Di ba? Naaalala mo lang iyan pag you know, kumakain ka sa restaurant, you know. Pero gustung-gusto natin yan.

“So maybe just like an Andrew E. song, gustung-gusto mo yung Andrew E. song, pero paminsan-minsan, e, hindi mo na naalintana na you know, naalala yung magagandang kanta ni Andrew E.

“Kasi sa rami na ng mga kanta ngayon na lumalabas, e, iyung panahon ngayon, puro mga bago iyung mga artist.

“So parang masyadong masikip! Masyadong masikip ang landas ngayon, ang music industry,” pahayag ni Andrew E. na pinagkalooban ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award (kasama si Ms. Celeste Legaspi) sa nakaraang 17th Star Awards Awards for Music

Halos lahat ng mga kanta niya ay naughty at may double meaning, pero ang “Pasta,” ay may tame na version at mayroon ding pasabog na version.

“Ngayon, mas brutal. Ha! Ha! Ha!

“Kasi, you know why? Kasi dati yung pagiging liberated ko sa kanta, e di ba? What? 1990, 1991, napaka-early pa nun sa Pilipinas.

“So hindi pa tayo masyadong liberated, di ba? But nowadays, meron tayong cellphone, you know, social media and all that.

“Ganun na ka-high level iyung technology. Each and everone knows each and everything. Wala na silang hindi alam.

“E ang tanong, papaano mo ngayon kikilitiin ang tao kung alam na nila lahat. Iyan ang challenge, mas mahirap.

“That is why ang kanta na ito, will really surpass the challenge. It will surpass the challenge.”

Ang “Pasta” ang unang kanta sa bagong album ni Andrew E na ‘Wholesome Again’ na naglalaman ng anim na kanta.

Isa na rito ay ang collaboration nila ng anak niyang si MC Fordy na Andrew Fordy Espiritu ang real name.

Ito ay sa love song from space na “Interstellar”.

Samantala, sinisigurado ni Andrew E. na muling magmamarka ang mga bago niyang kanta.

“So for me, I created something, like, a song na every time pag narinig mo ang kanta na ito, hinding-hindi mo na makakalimutan yung pasta.

“Kasi magpapaalala sa iyo na natuwa ka, or nakuha ko iyung kiliti mo muli just like nung nakita ko at nakuha ko ang kiliti niyo nung ‘Humanap Ka Ng Panget,’ ‘Andrew Ford Medina,’ ‘Binibi Rocha,’ the rest, and ‘Banyo Queen.’

“That’s why for me, this song is bubulaga sa inyong lahat.”

EJ Obiena, nasungkit ang ika-7 ginto ngayong season sa Germany

Posted on: August 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PATULOY na namamayagpag ang Filipino pole vault star na si EJ Obiena matapos masungkit ang kanyang ikapitong gintong medalya ngayong season sa International Stabhochsprung Meeting sa Jockgrim, Germany.

Naitala ni Obiena ang 5.83 meter high dahilan para masungkit ang kampeonato, ilang araw lamang matapos din niyang magwagi sa Halberstadter Hohenflug.

Nakalamang si Obiena kay Siefeldin Abdelsalam ng Qatar sa pamamagitan ng countback matapos pareho silang lumundag ng 5.83 meter. Nakuha naman ni Ersu Sasma ng Turkey ang bronze medal matapos maitala ang 5.77 meter high sa 12-man competition.

Matapos maselyohan ang panalo, sinubukan pa ni Obiena na lampasan ang 5.93 meter upang maitala ang kanyang season-best, ngunit hindi niya ito nalundagan.