Bukas na para sa mga natatanging dulang Pilipino…Puregold,ipinagmamalaki ang paglulunsad ng ‘Teatro Panalo (ni: ROHN ROMULO)
- Published on August 10, 2026
- by Francis Paolo Torres
BUBUKAS na ang telon sa isa na namang ‘panalong’ karanasan mula sa Puregold.
Sa pagkakataong ito, ilalapit ang mundo ng teatrong Pinoy sa mga talentadong artista’t manlilikha, at sa mga Pilipinong nararapat lamang na matunghayan ang teatro.
Bilang pagpapalawak ng layuning itaguyod ang pagkamalikhain ng mga Pilipino, ipinagmamalaking ianunsyo ng Puregold ang pagbubukas ng ‘Teatro Panalo’, isang pista ng teatro na layuning makadiskubre, mapaunlad, at maitanghal sa entablado ang mga bago at mahuhusay na dula at musikal na may isang yugto, na gawa ng mga Pilipinong mandudula.
Kasama ang Wishbone Collective, Inc. bilang producer at organisador, ipinepresenta ng Puregold ang incubation theater festival na ito, isang plataporma kung saan ang mga orihinal na gawa, mula iskrip, ay maaaring maitanghal sa entablado nang may dramaturgical support, suporta sa mga kakailanganin sa produksyon, at kasiguraduhan na magkakaroon ng audience engagement o pagtangkilik mula sa mga manonood.
Labindalawang (12) orihinal na gawa, walong (8) straight play o dula at apat (4) na musikal na gawa, ang mapipili upang makatanggap ng buong produksyon bilang bahagi ng festival, at ang bawat mandudula ay makatatanggap ng Php 100,000.
Matapos ang festival, isang dula at isang musikal ang makatatanggap ng mga full-length development grant, oportunidad na lalo pang umunlad ang sining ng mga likha, at komersyal na produksyon sa kalaunan.
Para sa Puregold, sinasalamin ng Teatro Panalo ang patuloy na paniniwala ng kompanya na ang makabuluhang mga karanasan ay dapat abot-kamay ng karamihan, dahil ito ay tunay na karanasang panalo.
“Puregold has always been present in the everyday lives of Filipino communities,” sabi ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold.
“Through Teatro Panalo, we hope to be present in another meaningful way by creating spaces where people can come together, exchange new ideas, and see Filipino artistry come to life on stage.”
Pahayag pa ni Hayagan, ang inisyatibang ito ay nakaugat sa pag-unawa ng Puregold na ang paglilingkod ay higit pa sa transaksyonal.
“Being of service to a community is not limited to what happens inside our stores. It also means listening to what matters to people and supporting experiences that help communities feel seen, connected, and represented,” sabi niya.
“Theater has the power to create that kind of shared experience.”
Binigyang-diin ng direktor ng festival na si Vincent de Jesus na ang Teatro Panalo ay tungkol sa pangangalaga sa mga artista, at paghahanap ng bagong mahusay na materyal.
“We’re looking for authentic voices, fresh perspectives, and stories that deserve to be seen on the stage,” sabi niya.
“The festival is designed to help playwrights realize the full potential of their work through collaboration with experienced theater practitioners, while also giving audiences the opportunity to encounter exciting new Filipino stories.”
Opisyal nang nagbukas ang pagsusumite sa mga bago at propesyonal na mandudulang Pilipino edad 18 pataas sa panahon ng aplikasyon. Maaaring nakasulat sa Filipino o Ingles ang mga entry, at dapat itong orihinal na mga dulang may isang-yugto, maaaring straight play o musikal.
Hindi tatanggapin ang mga adaptasyon, pagsasalin, o mga nilikha gamit ang AI. Tumatanggap ang festival ng mga isusumiteng likha mula sa kahit anong genre, na may kahit anong estilo o anyong teatro, kung ito ay orihinal at nilikha para sa 35 hanggang 40 minutong pagtatanghal sa entablado.
Maaaring magsumite ang mga interesadong aplikante hanggang 11.59. n.g ng Setyembre 11, 2026. Kinakailangang magpasa ng kompetong iskrip ng dulang may isang yugto, synopsis, logline, development vision, mga dokumentong susuporta sa submission, at para sa mga musikal, mga demo recording.
Iaanunsyo ang paunang listahan ng labing-anim (16) na dula at walong (8) musika sa Oktubre 6. Iimbitahan ang mga kabilang sa shortlist na ipresenta ang kanilang mga gawa sa Selection Committee sa Oktubre 14 hanggang 16, at ang pinal na listahan ng walong (8) dula at apat (4) na musikal ay iaanunsyo sa Oktubre 16.
Lalahok ang mga mapipiling mandudula sa propesyonal na incubation program ng Wishbone, kung saan magkakaroon ng dramaturgical guidance, suporta sa produksyon, at oportunidad na maitanghal ang gawa sa mga manonood sa kauna-unahang festival, na kasalukuyang nakatada sa Pebrero hanggang Marso 2027.
Dagdag pa ni De Jesus, “Original stories have always shaped communities, reflected generations, and inspired change. With Puregold Teatro Panalo, the next great Filipino play may be waiting behind an unopened script. Puregold is inviting playwrights from across the country to bring those stories to the stage.”
Mababasa ang kompletong festival mechanics, mga kahingian sa pagsali, at detalye ng aplikasyon sa opisyal na submission form ng Puregold Teatro Panalo: https://bit.ly/PGTeatroPanalo.