• September 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2026

๐’๐š ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐ข๐๐š๐, ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ - Malakanyang

Posted on: August 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABI ng Office of the Special Assistant to the President na iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa buong pamahalaan na h๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ง ๐˜ฆ๐˜ง๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ.
Sa katunayan, gamit ang bilyun-bilyong probisyon sa Quick Response Funds, mabilis na naipamahagi ng pambansang gobyerno, sa pamamagitan ng DSWD at mga LGU, ang halos 193,000 family food packs, kasama ang hot meals at essential relief kits sa buong bansa.
Kaya nga, malinaw na walang iwanan sa oras ng sakuna.
“Nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang mabilis at maayos na pag-agapay sa bawat pamilyang Pilipino,” ayon sa nasabing tanggapan.
Sa kabilang dako, tuloy tuloy lang ang pagpapaabot ng pamahalaan ng kailangang tulong para sa mga pamilyang nangangailangan ng suporta sa gitna ng epekto ng Habagat.
Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO) ay ibinahagi nito ang ginagawang hakbang ng DSWD na may kaugnayan sa pamamahagi ng tulong sa apektado nating mga kababayan.
Ayon sa PCO, nasa 699.78 milyong piso ng humanitarian assistance ang naipaabot ng DSWD sa mga kinauukulan nating mga kababayan.
Kasabay nito sinabi ng PCO ay na sa 3 daan at 13 evacuation centers ang nananatiling bukas para sa 6,338 mga pamilya.
Mayroon din na 4.83 bilyong pisong relief resources ang available para suportahan ang tuloy-tuloy na paghahatid ng tulong sa mga komunidad. ( DARIS JOSE)

Panawagan ni Diokno sa Kamara na isabatas ang Child Safety Against Gun Violence Act, inihain

Posted on: August 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAPOS ang madugong pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University na ikinasawi ng dalawang katao, nanawagan ang mga mambabatas ng mas matapang na batas para maiwasan ang mga ganitong uri ng karahasan sa mga estudyante sa bansa.
Sa pangunguna ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno, nagpaabot ito ng pakikidalamhati sa mga naulila kasabay ng panawagan sa Kamara na isabatas ang Child Safety Against Gun Violence Act.
โ€œNananawagan tayo sa Kongreso at administrasyon na isabatas na ang Child Safety Against Gun Violence Act (HB 10058) upang mas maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa ganitong trahedya,โ€ ani Diokno
Aniya, maraming tanong ang kailangang sagutin: Saan nakuha ng bata ang high-powered firearm? Ano ang ugat ng pangyayari? Sino ang nagkulang sa paggabay at pagbabantay? โ€œHabang iniimbestigahan ito, kailangan din nating kumilos,โ€ dagdag ng kongresista.
Gayun din ang naging panawagan ni Akbayan Rep. Perci Cendana sa agarang isabatas ang Child Safety Against Gun Violence Act.
โ€œ(Ito ay) upang mahigpit na mapigilan ang access ng mga menor de edad sa mga baril at matiyak na magiging gun-free zones ang ating mga paaralan,โ€ ani Cendana.
โ€œNakababahala na tila nano-normalize na ang ganitong uri ng karahasan. Schools should be safe spaces for learning and creativity, not places for our kids to fear for their lives,โ€ dagdag ng kongresista.
Sa parte naman ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima, ang nangyaring pamamaril sa Ateneo de Zamboanga nitong Martes ay maraming iniwan na katanungan na hindi kaagad masagot.
โ€œAno nang nangyayari?! Paano na naman naipasok ang baril sa paaralan? Itโ€™s very alarming that less than two months after the Tacloban school shooting, another act of violence like this has occurred. The bad side of social media and video games exerting pernicious influence on young people are now in full view. Forms of violence never seen before in our country. Urgent and effective safeguards are needed to prevent similar tragic incidents,โ€ pahayag ni De Lima.
Nanawagan naman si Quezon Rep. David Suarez na isabatas ang House Bill No. 9825 o Digital Safety of Minors Act.
โ€œThrough this measure, we are not banning technology or restricting young peopleโ€™s right to learn and express themselves. We are simply ensuring that digital platforms are designed with the needs and safety of children as the priority,โ€ sinabi ni Suarez.
Dalawang estudyante ang kumpirmadong nasawi kabilang ang mismong suspek sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga High School Campus nitong Martes
Batay sa initial report natukoy ang biktima na si Patrick Dylan Wee, isang grade 10 student na natagpuang patay sa ikaapat na palapag ng eskuwelahan habang ang suspek, Mohammad Mael Jalani, isang Grade 9 student ay nagbaril sa sarili matapos isagawa ang krimen.
Lumalabas sa imbestigasyon na isinagawa ng suspek ang pamamaril nang walang malinaw na dahilan at nagpaputok ng baril sa mga estudyanteng nasa loob ng silid-aralan gamit ang isang high powered rifle at kalibre 45 na pistola.
Ayon kay Zamboanga City Mayor Khymer Olaso, nakasuot ng bodycam si Jalani at naka streaming live ang pamamaril bago nito winakasan ang sarili.
(VINA de GUZMAN)

โ€œModus operandiโ€ sa paggamit ng confidential funds ni VP Sara nabulgar

Posted on: August 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NABULGAR  ang โ€œmodus operandiโ€ umano sa paggamit ng confidential funds ni Bise Presidente Sara Duterte, ayon sa House prosecution team nitong Martes.
Tinukoy ni House trial spokesperson Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang testimoniya ni special disbursing officer (SDO) Gina Acosta sa impeachment trial sa Senado kung saan sinabi nito na si Duterte ang nag-utos na ibigay ang P125 million in cash kay Vice Presidential Security and Protection Group chief Col. Raymund Dante Lachica.
โ€œAng talagang nagko-call ng shots at nag-o-order sa dalawang individual, si Ms. Gina Acosta being the SDO at si Col. Lachica, bilang siya โ€˜yung nag-implement nitong confidential funds, ay ang Vice President,โ€ sinabi ni Adiong.
Itinuring na hostile witness si Acosta dahil empleyado pa rin ito ng OVP bilang SDO ng ahensiya. Sa kanyang testimonya, hindi na sana niya ibibigay ang pera kay Lachica subalit inutusan siya ni Duterte.
Ayon kay Adiong, hindi awtorisado na tumanggap ng pondo si Lachica at paglabag ito sa joint circular ng Commission on Audit (COA).
Idinagdag ni House prosecutor Manila Rep. Joel Chua na utusan lamang ang naging papel ni Acosta.
โ€œLumalabas kahapon (Lunes), ang naging trabaho lamang ni Ms. Gina Acosta ay merely ministerial o parang ang nangyari sa kanya tagapirma lang dahil hindi niya naiintindihan kung ano ang nasa plano at taga-withdraw lang,โ€ sinabi ni Chua.
Napansin ni Chua na inamin ni Acosta na wala siyang alam sa intelligence gathering kahit na siya ang designated na opisyal na responsable sa pamamahagi ng confidential funds ng OVP.
Aniya, dito ang maraming nagtatanong kung bakit nandun pa si Acosto bilang SDO ng OVP at kontrolado ni Duterte.
Sa isinagawang press briefing, sinabi ni House prosecution legal spokesperson at counsel Benjamin โ€œJayโ€ Tolosa Jr. na ang testimonya ni Acosta ay mahalaga dahil natukoy nito ang โ€œchain of controlโ€ sa confidential funds ng ahensiya.
โ€œNakita po natin doon na lumilinaw โ€˜yung chain of control dito sa usapin pong confidential funds na lumalabas na base sa mga dokumento at sa mga testigo, kung ano โ€˜yung naging papel ng Bise Presidente dito,โ€ ani Tolosa.
Ganito rin ang naging problema ng COA habang inaalam ng mga state auditors kung papaano nagastos ang pondo.
โ€œParang lumalabas nga eh, parang ghost project itong confidential fund. ‘Yung mga goods, mga gamot, puro ghost. Lahat po, ghost. Wala pong lumalabas na totoo at balido,โ€ dagdag ni Chua.
(VINA de GUZMAN)

Na ikinasawi ng 2 estudyante …PBBM, ipinag-utos ang masusing imbestigasyonย  sa Ateneo de Zamboanga shooting incident

Posted on: August 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga law enforcement agencies na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa pagkasawi ng dalawang estudyante matapos mangyari ang pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University, Martes ng umaga, Agosto 18.
Sa kalatas na ipinalabas ng Office of the President (OP), nais ng Pangulo na madetermina kung ano ang dapat gawin para mapigilan ang iba pang pamilya, iba pang eskuwelahan at iba pang komunidad na dumanas ng kaparehong pagdadalamhati.
“We grieve with the families and the entire ๐—”๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ญ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ผ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ community over a tragedy that should never have happened,” ayon sa Pangulo.
“Our schools are where we entrust our children to learn, to grow and to dream about the lives ahead of them. They must also be among the safest places in our country,” aniya pa rin.
“We will work with our schools and communities to strengthen the safeguards that protect our students and ensure that they can pursue their education without fear,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.
Sa ulat, kinumpirma ng regional police na nagkaroon ng pamamaril sa isang high school campus sa lungsod at agad na rumesponde ang mga awtoridad upang tiyakin ang seguridad sa lugar.
Kinumpirma ni Zamboanga City Mayor Khymer Olaso na nangyari ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga, ngayong araw ng Martes, Agosto 18.
Base di umano sa paunang impormasyon, nakapasok sa paaralan ang suspek na may dalang high-powered firearm at .45 caliber pistol.
Sinabi ni Olaso na makikita umano sa video na una nitong tinangkang paputukan ang isang guro bago lumipat sa ibang silid at barilin ang isang estudyante.
Namatay ang nasabing estudyante habang nasawi rin kalaunan ang umanoโ€™y gunman. Sinabi rin ng alkalde na dalawa pang indibidwal ang posibleng nasugatan.
Ayon pa kay Olaso, may suot umanong body camera ang suspek at nagla-livestream habang nagaganap ang insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa pamamaril at kung paano naipasok sa campus ang mga armas.
Nagpatupad din si Olaso ng suspensyon ng klase nitong Martes ng umaga.
Ang insidente ay kasunod ng isa pang malagim na school shooting sa Tacloban City noong Hunyo 22, kung saan tatlong estudyante ang napatay at hindi bababa sa 20 ang nasugatan. (DARIS JOSE)

Pasig-Marikina River Channel Improvement Project PMRCIP, malaking tulong sa matinding pagbuhos ng ulan nitong Lunes- Malakanyang

Posted on: August 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA GITNA ng matinding pagbuhos ng ulan sa Metro Manila, araw ng Lunes, kapansin-pansin ang malaking tulong ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project PMRCIP ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. 

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, dahil sa proyektong ito, hindi umapaw ang ilog at naprotektahan ang mga residente ng Marikina at Pasig City mula sa matinding baha lalo naโ€™t ilang linggo nang walang tigil ang pag-ulan.

Aniya, ayon sa Public Works and Highways, sa pangunguna ni Secretary Vince Dizon, utos ng Pangulo na padaliin ang konstruksyon ng flood mitigation structures sa kahabaan ng Marikina River katuwang ang Japan International Cooperation Agency o JICA. 

Sa ngayon ani Castro ay nasa 53% na ang construction project ng naturang proyekto. Kasama rin dito ang pagtatayo ng floodgates, pumping stations at iba pang istruktura upang makontrol ang tubig sa Manggahan Floodway at tuluyang mabawasan ang humigit-kumulang 63% ang mga binabahang lugar na sakop ng Pasig-Marikina River Basin.

Samantala, nakatutok aniya si Pangulong Marcos sa sitwasyon sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ng patuloy na nakakaranas ng matinding pag-ulan. 

Patuloy aniya na naka-monitor ang Pangulo upang mabantayan ang seguridad ng mga residente sa mga apektadong lugar. 

Utos ng Chief Executive sa lahat ng ahensya na iprayoridad ang kaligtasan ng mga residente at siguruhing maaabot ng tulong ang mga nasalanta ng baha

Sa kabilang dako, ang Office of the Civil Defense ay naglabas ng kanilang response cluster member agencies upang agad na magbigay tulong hindi lang aniya sa mga local government units kung hindi sa lahat ng mga apektadong residente.

Ipinag-utos na rin ang libreng sakay sa Metro Manila habang naka-standby ang search and rescue units, samantala ay patuloy naman ang relief operations ng pamahalaan. 

Tiniyak din aniya ng gobyerno ang tuluy-tuloy na clearing operations at medical assistance sa mga sinalanta ng baha. ( DARIS JOSE)

Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, nagpaabot ng pakikiramay sa trahedyang nangyari sa Ateneo de Zamboanga

Posted on: August 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPAABOT ng pakikiramay si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga batang nasawi sa trahedyang nangyari sa Ateneo de Zamboanga.

Ayon kay Dy, bilang ama at lolo ay masakit isipin na may mga magulang na naghatid ng anak nila sa paaralan ngayong araw, pero hindi na nila ito makakasamang umuwi.

“Our children are growing up in a world very different from the one we grew up in. They face influences and dangers that many of us did not have to deal with at their age. We owe it to them to understand that world better,” ani Dy.

Hindi puwedeng matapos ang tugon natin sa pakikiramay at panalangin. Kailangan nating maintindihan kung bakit at paano ito nangyari, kung ano ang maaaring nakapigil dito, at kung ano ang dapat nating baguhin para manatiling ligtas ang ating mga anak sa paaralan.

Bilang mambabatas aniya, hindi lamang nagsisimula ang kanilang trabaho matapos ang isang trahedya.

“We have to look for the gaps before another family has to bury a child.”

Idinagdag nito na hindi puwedeng iyakan ang trahedyang ito ngayon at pagkatapos ay kalimutan na lang bukas.

“Kikilos ang Kongreso nang maagap, batay sa ebidensya, at may paninindigang humanap ng mga solusyong tunay na magbibigay-proteksyon sa ating mga anak.

Sa mga pamilyang nagdadalamhati ngayon, kasama ninyo kami sa sakit at sa panalangin,” pagtatapos ni Dy.

 (VINA de GUZMAN)

Security guard, timbog sa pamamaril sa machine operator sa Valenzuela

Posted on: August 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SUGATAN ang 52-anyos na machine operator ng isang pabrika matapos barilin ng security guard ng naturang pasilidad sa Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento na naganap ang insidente ng pamamaril pasado ala-1:40 ng hapon noong Linggo sa loob ng pabrikang gumagawa ng plastic sa Barangay Lawang Bato.

Lumabas sa imbestigasyon na kinuha umano ng 49-anyos na security guard ang baril na pag-aari ng security agency na naka-issue sa isa pang sekyu saka binaril ang biktima sa hindi pa malaman na dahilan.

Kaagad isinugod ang biktima sa Valenzuela Medical Center kung saan siya patuloy na inoobserbahan sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan habang naaresto naman ang suspek ng rumespondeng mga tauhan ng Police Sub-Station.

Ayon kay Col. Talento, walang karapatan ang suspek na gamitin ang hindi naka-issue sa kanyang baril kaya bukod sa kasong Frustrated Murder, sasampahan din siya ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Valenzuela City Prosecutorโ€™s Office. (Richard Mesa)

Kelot, dedbol nang paulanan ng bala sa harap ng tindahan sa Malabon

Posted on: August 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HUMANDUSAY ang duguang katawan ng 35-anyos na kelot nang ratratin ng hindi pa kilalang mga suspek sa harap ng isang tindahan sa Malabon City, Lunes ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tinamong mga tama ng bala sa ulo, likod, at kanang braso ang biktimang si alyas “Kenneth”, residente ng Dimpsite, Sito 6, Brgy. Catmon habang mabilis na tumakas ang hindi pa batid na bilang ng mga salarin patungo sa hindi natukoy na lugar.

Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nangyari ang insidente ng pamamaslang dakong alas-10:30 ng gabi sa harap ng isang tindahan sa Block 1, NASACA, Sitio 6, sa naturang barangay.

Sa pahayag sa pulisya ng may-ari ng tindahan na si alyas โ€œEmersonโ€, umupo sa harapan ng kanyang tindahan ang biktima upang doon humitit ng binili sa kanyang sigarilyo habang pumasok naman siya sa loob ng bahay para magpahinga.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig na siya ng sunod-sunod na putok ng baril kaya gumapang siya palabas nang tumigil ang pamumutok at dito niya nakita ang duguan at wala ng buhay na katawan ng biktima na nakahandusay na sa lapag.

Ayon kina P/MSg Ernie Baroy at P/MSg Diego Ngippol, may hawak ng kaso, na nakuha sa crime scene ang siyam na basyo at anim na depormadong bala mula sa kalibre .45 pistola na isasailalim sa ballistic examination habang inaalam pa nila ang motibo sa pamamaslang, pati na ng pagkakakilanlan sa mga suspek. 

(Richard Mesa)

Malabon LGU, mahigpit ang monitoring, paghahanda dahil sa pag-ulan na dala ng Habagat

Posted on: August 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANATILING naka-monitor si Mayor Jeannie Sandoval at ang pamahalaang lungsod sa lagay ng panahon, waterways, at mga lugar na madaling bahain dahil sa patuloy na katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon na dala ng Habagat.

โ€œPatuloy ang ating mahigpit na monitoring at paghahanda kasama ang MDRRMO at iba pang katuwang na ahensya upang agad na makatugon sa anumang epekto ng Habagat. Tayo ay handa at makasisiguro ang ating mga kababayang Malabueรฑo na tayo ay tutugon sa pangangailangan nila ngayong may malakas na ulan. Hinihiling namin sa ating mga kababayan na makipagtulungan, manatiling mapagmatyag,โ€ ani Mayor Sandoval.

Aniya, sa pamamagitan ng iba’t ibang departamento ng lungsod, pinananatili ng lokal na pamahalaan ang mas mataas na paghahanda at mga hakbang sa pagtugon sa pangunguna ng Malabon Disasters Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na patuloy nakamonitor sa kondisyon ng panahon sa pamamagitan ng PAGASA advisories at iba pang opisyal na channel ng komunikasyon.

Mahigpit din binabantayan ang mga kalapit na ilog, tributaries, flood marker, at tide conditions habang naka-deploy naman na ang mga rescue truck at mga response team upang subaybayan ang mga lugar ng responsibilidad. May mga nakahanda na rin relief goods, food packs, mga gamut at emergency supplies para sa posibleng paglikas ng mga residente sakaling magkaroon ng pagbaha .

Nag-deploy din ang Public Safety and Traffic Management Office ng mga truck para sa Libreng sakay simula pa noong Lunes para maghatid ng mga pasahero mula sa mga lugar kung saan naiulat ang pagbaha.

Tinitiyak din ng pamahalaang lungsod ang wasto at napapanahong pagpapakalat ng mga abiso at impormasyong pangkaligtasan upang mapanatiling alam ng mga residente ang mga kondisyon ng panahon at posibleng mga panganib.

โ€œPatuloy nating hinihikayat ang lahat ng Malabueรฑo, lalo na ang mga nasa mabababang lugar at flood-prone areas, na manatiling alerto, subaybayan ang mga opisyal na abiso, at iwasan ang hindi kinakailangang pagbiyahe habang patuloy ang malalakas na pag-ulan. Higit sa lahat, maging handa tayong lumikas agad kung kinakailangan upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga pamilya.โ€ paalala ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)

4,579 MANILENYO LUMIKAS SA HAGUPIT NG HABAGAT; MDSW TULOY ANG AYUDA

Posted on: August 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT sa 4,579 na indibidwal mula sa 1,555 na pamilya ang nasa vacuation center sa lungsod matapos lumikas dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat.

Sa pinakabagong Evacuation Update, kabilang sa mga apektadong lugar ang mga barangay sa anim na distrito ng Maynila at Baseco.

Pinakamarami pa rin ang evacuees sa District III, na may kabuuang 1,708 indibidwal mula sa 653 pamilya. Kabilang dito ang mga pansamantalang nanunuluyan sa Regidor Elementary School, T. Alonzo High School at P. Guevara Elementary School.

Sumunod ang District VI, kung saan umabot sa 1,109 indibidwal mula sa 351 pamilya ang lumikas sa ibaโ€™t ibang evacuation center, kabilang ang BMA Building, Don Bosco School, Barangay 894 Multi-Purpose Hall at iba pang evacuation sites.

Sa Baseco, nasa 621 indibidwal mula sa 207 pamilya ang kasalukuyang nasa Baseco Evacuation Center.

Samantala, may 571 indibidwal mula sa 160 pamilya sa District II, habang 301 indibidwal mula sa 103 pamilya naman ang nasa District IV.

Sa District V, nasa 136 indibidwal mula sa 48 pamilya ang nailikas, habang 133 indibidwal mula sa 33 pamilya naman ang nasa Barangay 105 Covered Court sa District I.

Kasabay ng patuloy na pagdami ng evacuees, todo-arangkada naman ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa paghahatid ng ayuda at serbisyo sa mga pamilyang naapektuhan ng Habagat.

Sa pangunguna ni MDSW Director Jay Reyes Dela Fuente, patuloy na naghahatid ang MDSW ng hot meals, breakfast, bottled water, sleeping mats, modular tents, kits, food boxes at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga evacuee.

Nakasaad sa pinakahuling ulat na naipamahagi na ang breakfast/hot meals at bottled water, habang patuloy din ang pagbibigay ng sleeping mats sa mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers.

Isinasagawa ang tuloy-tuloy na relief at evacuation operations sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Manilenyong apektado ng masamang panahon.

Patuloy namang nakaantabay ang MDSW at iba pang response teams sa mga evacuation center upang agad na matukoy at matugunan ang karagdagang pangangailangan ng mga evacuee habang nagpapatuloy ang epekto ng Habagat.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaang lungsod na patuloy ang kanilang pagkilos upang maihatid ang kinakailangang tulong sa mga Manilenyong nangangailangan sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha. 

(Gene Adsuara)