PLANO na nina Bea Alonzo at Vincent Co na bumuo ng pamilya.
Si Bea mismo ang nagsabi na may plano sila ni Vincent na magkaroon na ng baby.
“Of course, we’re going to have to try to have kids in the future and, you know, build a family.
“And when that day comes, of course, I’d love to be able to have the energy to run around with my kids, you know, and to play with them and not just watch from the sidelines,” pagbabahagi ni Bea sa Q&A sa isang event na ini-report naman sa GTV News Balitanghali kamakailan.
Isang buwan na ang nakalilipas mula nang sila ay ikasal at kitang-kita sa aura ni Bea na masayang-masaya siya ngayon bilang misis ni Vincent.
At ayon sa premyadong aktres ay hindi siya makapaniwala na higit isang buwan na ang lumipas mula nang kasal sila ni Vincent.
“Siyempre, nag-move in na kami together. Right now, I’m on cloud nine. I’m very, very happy.
“Na-share ko yata, I’m at my happiest. Siyempre, we, you know, wake up right next to each other every day and it’s special to me,” pahayag pa ni Bea na malapit nang mapanood sa upcoming GMA series na “Whispers from Heaven.***
MGA bida ang mga Korean stars na sina Nam Woo Hyun, Han Jae Syok, at Park Eun Hye sa upcoming film na “The Guardian.”
May mga Pinoy actors rin sa pelikula tulad nina Yassi Pressman, Joko Diaz, Jeric Raval, Ashtine Olviga, at sina Wilbert Ross at Eric Ejercito na nasa mediacon ng nabanggit na pelikula ng international production na Noori Pictures with Parallax Studio, Inc. at Robosheep Studios.
Nasa mediacon rin na ipinatawag ng Viva Films sina Wesley Villarica ng Parallax Studio, Inc. at Micah Fernandez ng Robosheep Studios.
Dito sa Pilipinas kinunan ang pelikula at naikuwento ni Wesley ang mahal na singil sa isang barangay.
“Yung mga barangay tanod pa yung nagpapahirap. Kasi, let’s say, ang barangay tanod sasabihin, ‘Ah, gusto nyo, tulungan namin kayo, kailangan bayaran niyo kami ng ganun.’
“Tapos biglang naging double, magiging triple yung babayaran. Bakit ganun? Parang pahirap naman, di ba? So yun ang na-experience namin.
“Sabi na lang namin, like moving forward to the other locations, ‘Ah, small project lang ito, para hindi kami tatagain.
“Tinataga ka, e, pag nalaman nilang international ka. Taga! Automatic!”
Napuri naman ni Wesley ang Quezon City.
“Pero some LGUs naman were very very helpful.
“So, I think it really depends on where, ah, siguro which area and how willing the people really to help.
“We’re very happy to work with Quezon City, actually, for this.”
Malapit sa puso namin ang QC dahil Councilor (ng District 5) si Aiko Melendez at Congressman (ng District 1) si Arjo Atayde na parehong mahal na mahal namin.
Sa September 2 na mapapanood sa mga sinehan ang “The Guardian”, na ipapalabas rin sa iba-ibang bansa worldwide.
Ang nagdirek nito ay ang Korean director na si Jeaong Jang Hwan.