GAANO katotoo ang balita na tila nabuwag na ang noo’y matibay na pagsasamahan nina Bela Padilla, Angelica Panganiban at Kim Chiu?
Nangangahulugan din ba na wala na rin ang “AngBeKi” – coined name ng tatlong magkakaibigan?
Dati-rati kasi nasanay ang kanilang mga followers na madalas silang mag-bonding. Madalas din silang mag-upload ng mga photos nilang magkakasama.
Anong nangyari?
Lalo pa itong pinatunayan ni Bela ng minsan itong matanong sa kanyang interview kung close pa rin silang tatlo.
Isang linya ang binitiwan nito na lalong nagpatibay na hindi na sila close.
Saad ni Bela nung matanong siya tungkol sa kanilang pagkakaibigan,”I don’t want to talk about it muna. Thank You.”
Isang makahulugang pangungusap na tila malalim ang pinag-uugatan.
Ayaw magbigay ng detalye ni Bela tungkol dito.
Nagpatindi pa sa isyu ay ng mag-post si Angelica ng photos ni Kim kung saan pinasalamatan niya ito.
Nagpasalamat si Angelica sa mga taong naging parte ng kanyang buhay nitong mga nakaraang buwan ng 2026.
Wala sa listahan si Bela sa mga binanggit nito.
Ano nga kaya ang dahilan kung bakit tila natapos na ang kung ilang taon din nilang pagkakaibigan?
***
MATAPOS ang walang tigil na espekulasyon, muling eere sa telebisyon ang “Gandang Gabi Vice”.
Pero this time, sa GMA network na ito mapapanood simula sa Setyembre.
Isang major milestone para sa nagaganap na collaboration ng ABS-CBN at GMA-7. Isang paraan din daw ito para tuluyan ng lagyan ng tulay ang dalawang higanteng network upang magbigay daan sa mga artista nito na makapagtrabaho sa magkabilang istasyon.
Ayon sa mismong host nito na si Vice Ganda, natutuwa raw siya at dininig ng Diyos ang kanyang panalangin.
Sa ganitong paraan daw ay mga artista mula sda magkabilang istasyon ay maaari na niyang ma-interview.
Marami raw kasing taga-GMA-7 ang gusto nitong ma-interview kaya nga lang dahil sa network barriers di nito magawang ma-interview.
Natupad na nga ang wish ni Vice.
Kaya ngayon pa lang excited na raw talaga ang komedyante sa kanyang pinakabagong proyekto.