• August 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 12th, 2026

Relasyon nina Unang Ginang Liza at Kris Aquino, maganda- Malakanyang

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGANDA ang relasyon sa pagitan nina Ginang Louise Araneta-Marcos at Queen of All Media Kris Aquino.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang hingan ng komento sa ibinahaging larawan nila ni Kris Aquino.

Nag-post kasi ang Unang Ginang ng photo nila ni Kris Aquino bilang unang salvo sa kanyang kaarawan.

Sa August 21 pa ang birthday ni FL Liza, pero ngayon pa lang ay may mga bumati na sa kanya, ang pamilya Aquino.

“Actually, I tried to ask the First Lady about that. Wala pa siya masi-share sa akin. Pero nakita naman natin kung ano iyong pahiwatig ng pagbisita ni Kris, ni Ms. Kris Aquino at ng kanyang mga anak, nagpapahiwatig ito na maganda ang kanilang relasyon,” ayon kay Castro.

At kung ano aniya ang pinag-usapan ng mga ito ay wala aniya siyang maibibigay.

“Wala po naibibigay sa akin at kung mayroon man ay baka hindi pa ako allowed sabihin ito. But definitely masaya naman sila, pero ‘pag naibigay sa atin ni First Lady, ang mga magaganda nilang naging usapan, ishe-share ko naman iyan sa inyo,” ang winika pa rin ni Castro.

Sa ulat, ang daming natuwa sa pinost na photo ni First Louise ‘Liza’ Araneta Marcos, misis ni Pangulong Bongbong Marcos, bilang unang salvo sa kanyang kaarawan.

Sa August 21 pa ang birthday ni FL Liza, pero ngayon pa lang ay may mga bumati na sa kanya, ang pamilya Aquino.

Yes, magkakasama nga sina Kris Aquino, Bimby Aquino, Joshua Aquino na binati si FL Liza.

“Thank you Kris, Josh & Bimby for the lovely advanced birthday cakes! Such at thoughtful surprise that truly warmed my heart.

“Feeling very blessed,” mensahe ni Unang Ginang Liza. 

Ang bilis ng panahon, di ba?

Parang kailan lang, parang imposibleng pagsamahin sa isang larawan ang mga apelyidong Aquino at Marcos. Pero ngayon, ramdam mo na ang pagkakaibigan sa kanila.

At parang kailan lang, iba pa ang kahulugan ng August 21 sa mga Pinoy.

Anyway, sa larawan nga ay kitang-kita na mukhang close na close si Josh kay Unang Ginang Liza. Nakahawak si Josh sa balikat ni Unang Ginang Liza, at todo-todo ang ngiti nila.

“Look at Kuya Josh. That gesture made this picture even deeper and sincere. Mukhang familiar na talaga siya kay FLAM, meaning there is a friendship talaga beyond this pic.”

“Napakagandang tingnan ang larawan na ito, na parang naririnig mo si Kris na nagsasabi ng love, love, love.”

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakita ng publiko na magkakasama sina Kris Aquino at Unang Ginang Liza. (DARIS JOSE)

3 kawatan na nanloob sa warehouse sa Malabon, tiklo

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SHOOT sa hoyo ang tatlong kawatan na sinamantala ang malakas na ulan para pasukin at looban ang isang bodega nang makorner ng rumespondeng mga pulis sa sa Malabon City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission ang mga suspek na sina alyas “Jr Topeng”, 24, alyas “Boni”, 26, at alyas “Johan” 24, pawang residente ng Brgy. Tonsuya.

Lumabas sa imbestigasyon nina P/MSg Ernie Baroy at P/MSg Diego Ngippol na nakapasok sa loob ng bodega na nasa P. Aquino Avenue, Barangay Longos ang mga kawatan nang wasakin ang bahagi ng pader na tinakpan lang ng yero bago lumabas, tangay ang dalawang sako ng hanger na nagkakahalaga ng P16,000.00, at isang sako ng ukay-ukay na mga damit na nagkakahalaga ng P3,000.00.

Nagkataon namang gising pa ang testigong si alyas “Ric”, 41, na nakatira sa tabi lang ng bodega na agad tumawag sa Malabon Police Sub-Station-5 nang masaksihan ang panloloob.

Papatakas na ang mga suspek nang maabutan ng mga pulis at nabawi sa kanila ang mga kinulimbat na gagamiting ebidensiya sa pagsasampa ng kasong robbery laban sa mga ito sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

PEKENG TRAFFIC ENFORCER, INARESTO SA MAYNILA

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ARESTADO ang isang nagpanggap na Traffic Enforcer at naka-uniporme ng MTPB habang naninita ng mga motorista sa kahabaan ng Road 10 kanto ng Jacinto St., Tondo Manila Lunes ng gabi.

Kasong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority and Official Functions) and Art. 179 (Illegal Use of Uniform or Insignia) of the Revised Penal Code ang naarestong suspek na si Marc Leonard Arquero ng Inocencio St., Brgy 95, Tondo Manila dahil sa reklamo nina

Traffic Enforcer Kenneth Naval, Oscar Del Leon at Marvin Manuel.

Sa ulat ni Pat Royce Kevin Lopez, naka-duty ang mga Traffic Enforcers sa nabanggit na lugar bandang alas-6:20 ng gabi nang napansin nila ang suspek, naka-uniporme din ng MTPB na nagmamando at sumisita ng mga motorista sa kanto ng Road 10 vorner Jacinto St.

Nilapitan nila at nagpakilalang mga miyembro ng MTPB, hiningan ng identification at nang walang maipakita ay inaresto ito.

Narekober sa suspek ang kanyang MTPB upper garment official uniform na may marking na MBA 8-10-26 na may signature. (Gene Adsuara)

Non-technical system loss charges sa kuryente, alisin panukala ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ALISIN na ang non-technical system loss charges sa kuryente at huwag isama ito sa pagpataw ng value-added tax (VAT).

Ito ang panukala ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima at nais niyang amiyendahan ang ilang probisyon ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at limitahan ang kapangyarihan ng Energy Regulation Commission (ERC) na magpataw ng technical loss. 

Sa panukala ni De Lima, pagbabawalan na ang mga distribution utilities (DUs) na maningil ng non-technical loss sa kahit anong sistema o paraan.

“Tanggalin na dapat ang mga dagdag pabigat at di-makatarungang ikinakarga sa bayarin sa kuryente tulad ng non-technical system loss. Malaking bahagi ng gastos ng pamilya ang napakamahal at nagmamahal pang kuryente. Hindi naman tumataas ang sahod kaya nauuwi ito sa pagtitipid sa konsumo at pagkaltas ng budget para sa iba pang pangunahing pangangailangan. Kaya sobrang kalabisan kung papasanin pa ng mga Pilipino pati yung hindi naman nila napakinabangang serbisyo,” sinabi ni De Lima. 

Samantala, naghain din si De Lima ng hiwalay na panukala na huwag ipataw ang nasingil na system loss charges sa VAT.

“Filipinos deserve the quality services they truly deserve. Maawa naman tayo sa ating mga kababayan. Binubuwisan na nga sila sa sandamakmak na ghost flood control projects, binubuwisan pa rin sila para sa guni-guning kuryente,” pahayag ni De Lima.

 (VINA de GUZMAN)

SAN MIGUEL BEER PEEL & WIN GCASH PROMO

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PATULOY ang San Miguel Brewery Inc. (SMB) sa paghatid ng saya sa pamamagitan ng mga paborito nitong mga inumin kung saan lalo pang ginawang kapana-panabik ng SMB ang pag-inom ng kanilang mga world-class na beer dahil sa pa-premyong hatid ng SAN MIGUEL BEER PEEL & WIN GCASH PROMO.

Ang bawat SMB drinker ay “Peeling winner” dahil sa pagkakataong manalo ng mahigit Php50 milyong halaga ng mga papremyo sa buong promo. Simula ngayong Agosto, libu-libong suki ang may tiyansang manalo ng hanggang Php10,000 na instant GCash linggu-linggo.

Upang makasali sa SAN MIGUEL BEER PEEL & WIN GCASH PROMO, BUMILI lamang ng bottles/cans ng anumang participating SMB brand kabilang ang San Miguel Pale Pilsen, Red Horse Beer, Red Horse Super, San Mig Light, San Miguel Flavored Beer, at Gold Eagle Beer; I-PEEL OFF ang coupon (makakakuha ng isang coupon sa bawat anim na 320ml/330ml/500ml na bottles/cans o dalawang 1L bottles); I-SCAN ang QR Code para mapunta sa GCash promo page; at I-SCAN ang promo code para i-redeem at manalo ng pa-premyo.

Mas maraming beer saya, mas maraming pagkakataong manalo hatid ng SAN MIGUEL BEER PEEL & WIN GCASH PROMO. Available ang promo nationwide mula Agosto 1, 2026 hanggang Disyembre 1, 2026 para sa lahat na may edad 18-taong gulang pataas lamang. Drink responsibly. (Richard Mesa)

NHA, NAGPATUPAD NG MORATORIUM SA AMORTIZATION AT LEASE PAYMENTS

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPATUPAD ang National Housing Authority (NHA) ng isang buwang automatic moratorium sa mga housing loan amortization at lease payments ngayong buwan ng Agosto para sa mga residential account holder sa mga proyekto ng NHA na saklaw ng naturang hakbang, bilang pansamantalang kaluwagang pinansyal para sa mga pamilyang naapektuhan ng umiiral na Habagat (Enhanced Southwest Monsoon).

Alinsunod sa NHA Memorandum Circular No. 2026-048, saklaw ng moratorium ang mga residential account holder sa National Capital Region (NCR), Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Cavite, Batangas, Rizal, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro.

Ipinatutupad ang hakbang sa gitna ng Habagat (Enhanced Southwest Monsoon) na nagdulot ng malawakan at tuloy-tuloy na pag-ulan sa NCR at ilang lalawigan sa Luzon. Kasunod ito ng pagdaan ng Tropical Depression “Luis” at Tropical Storm “Maymay” nitong mga unang araw ng buwan, na kalauna’y humina at naglaho.

Agarang ipinagkaloob ang moratorium sa lahat ng saklaw na residential account holder at hindi na kinakailangang magsumite ng aplikasyon upang makinabang dito. Sa panahon ng moratorium, walang ipapataw na delinquency o karagdagang interest charges, habang suspendido ang accrual ng penalties, interest, at surcharges. Magpapatuloy ang pagbabayad ng amortization at lease obligations sa Setyembre 1, 2026, habang palalawigin naman ng isang buwan ang repayment period ng mga saklaw na residential account. Muling ipatutupad sa Setyembre 1, 2026 ang mga bayarin at charges na naipon bago ang Agosto 1, 2026.

Patuloy ang NHA sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga benepisyaryo nito sa pamamagitan ng mga hakbang na tumutulong sa mga pamilya na pamahalaan ang kanilang mga obligasyon sa pabahay sa panahon ng mahihirap na kalagayan at mapanatili ang kanilang access sa disente, abot-kaya, at sustainable na pabahay.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai, “Tayo po sa NHA ay nakasunod sa bilin ng ating Presidente Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., na tulungan ang ating mga kababayang nasalanta nitong nakalipas na habagat at sa pamamagitan ng moratorium para aming mga beneficiaries, maibsan at mapagaan sana nito ang inyong sitwasyon at gastusin.”

Ang NHA ay isang attached agency ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at patuloy na isinusulong ang mga responsive na programa at serbisyo sa pabahay bilang suporta sa Bagong Pilipinas na agenda ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

 (PAUL JOHN REYES)

Pangongolekta ng basura sa Maynila, tuluy-tuloy – Isko

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TULOY ang operasyon ng mga garbage truck ng City of Manila sa kabila ng ilang araw nang walang tigil na pag-ulan, pagbaha at pagbagsak ng mga puno sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Ayon kay Department of Environment and Public Services (DEPS) Director Kenneth Amurao, normal pa rin ang operasyon ng solid waste management ng lungsod, kabilang ang Manila Transfer Station kung saan dinadala ang mga nakolektang basura bago ihatid sa final disposal site.

Patuloy ring tumatanggap ng basura ang San Mateo Sanitary Landfill, na ayon kay Amurao ay normal din ang operasyon sa kabila ng masamang panahon.

Nagsimula ang matinding pag-ulan sa Metro Manila noong Sabado, Agosto 8, dahil sa pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.

Bukod sa pangongolekta ng basura, naka-deploy din ang mga tauhan ng DEPS sa paglilinis at pag-aalis ng mga punong bumagsak dahil sa malakas na hangin at ulan upang muling maging ligtas at passable ang mga kalsada para sa mga motorista at pedestrian.