Tab Baldwin pinagmulta ng DOLE ng halos P10-M
- Published on August 12, 2026
- by Francis Paolo Torres
PINATAWAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng kabuuang P9.8 milyon si dating Ateneo Blue Eagles coach Tab Baldwin.
May kinalaman ito sa pagkasawi matapos malunod ang dalawang atleta na sina Rene Baterbonia at Divine Adili noong buwan ng Hunyo sa isang team building activity sa Dipaculao, Aurora.
Kasama rin na minultahan ng DOLE ang Ateneo de Manila University (ADMU) ng P4.9-M dahil sa paglabag sa employment permit requirements.
Ayon sa DOLE na nilabag ni Baldwin at ang Ateneo ang Article 40 ng Labor Code partikular na ang hindi pagkuha ng Certificate of Exemption (COE)at Alien Employment Permit (AEP).
Pinagbabayad si Baldwin ng P4.9-M dahil sa hindi pagkuha ng AEP at P4.9-M para naman sa COE.
Habang P4.9-M naman ang multa sa Ateneo dahil sa pagkuha kay Baldwin ng walang kaukulang mga legal na permit.
Mayroon ng P10,000 na multa kina Baldwin at sa Ateneo dhail sa kawalan ng AEP.
Si Baldwin ay nagtrabaho bilang head coach ng Ateneo mula Disyembre 1, 2015 hanggang Setyembre 28, 2016.