Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NAGHAHANDA na ang Padel Pilipinas para sa kanilang kauna-unahang pagsabak sa Asian Games sa Nagoya, Japan ngayong Setyembre.
Ang koponan na kagagaling lamang sa tagumpay mula sa 2026 Asia Pacific Padel Cup ay kasalukuyang nagsasanay sa Madrid, Spain.
Sinabi ni Jeff Cheng ang pangulo ng Padel Pilipinas, na isang makasaysayang pagkakataon para sa Padel Pilipinas ang pagsabak sa Asian Games.
Nagpapakita lamang ito ng mabilis na paglago ng nasabing sports sa buong Asya.
Ito ang itinuturing na pinakamataas na seeding na natanggap ng 21-taong-gulang na atletang Pilipino sa isang WTA 1000 tournament sa kanyang karera.
Dahil sa kanyang ranggo, makakakuha si Eala ng bye sa unang round at maiiwasang makatapat kaagad ang iba pang seeded players sa maagang bahagi ng kompetisyon.
Sunud-sunod ang naging magagandang performance ni Eala sa North American hard-court swing matapos siyang magwagi ng kanyang kauna-unahang WTA title sa Washington kamakailan.
Bago ang abiso mula sa WTA, nagtapos ang kanyang kampanya sa Canadian Open sa Toronto nang matalo siya sa Round of 16 laban kay Belinda Bencic ng Switzerland.
Ang Cincinnati Open ang magsisilbing huling pangunahing paghahanda ni Eala bago sumabak sa huling Grand Slam ng taon, ang US Open.
PINATAWAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng kabuuang P9.8 milyon si dating Ateneo Blue Eagles coach Tab Baldwin.
May kinalaman ito sa pagkasawi matapos malunod ang dalawang atleta na sina Rene Baterbonia at Divine Adili noong buwan ng Hunyo sa isang team building activity sa Dipaculao, Aurora.
Kasama rin na minultahan ng DOLE ang Ateneo de Manila University (ADMU) ng P4.9-M dahil sa paglabag sa employment permit requirements.
Ayon sa DOLE na nilabag ni Baldwin at ang Ateneo ang Article 40 ng Labor Code partikular na ang hindi pagkuha ng Certificate of Exemption (COE)at Alien Employment Permit (AEP).
Pinagbabayad si Baldwin ng P4.9-M dahil sa hindi pagkuha ng AEP at P4.9-M para naman sa COE.
Habang P4.9-M naman ang multa sa Ateneo dahil sa pagkuha kay Baldwin ng walang kaukulang mga legal na permit.
Mayroon ng P10,000 na multa kina Baldwin at sa Ateneo dhail sa kawalan ng AEP.
Si Baldwin ay nagtrabaho bilang head coach ng Ateneo mula Disyembre 1, 2015 hanggang Setyembre 28, 2016.
PINANGUNAHAN ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang mga mambabatas na titiyakin nila na ang bawat kusing ng proposed 2027 national budget ay mapupunta sa benepisyo ng sambayanang Pilipino.
“Ang budget ay pera ng taumbayan. May karapatan silang malaman kung saan ito mapupunta. Sisikapin po natin na maging mas bukas pa ang pagbubuo ng ating national budget,” pahayag ni Dy matapos na pormal nitong tanggapin ang 2027 National Expenditure Program (NEP) nitong Martes.
Aniya, masusi nilang susuriin ang bawat bahagi ng panukala. Tatanungin ang mga kaukulang ahensiya hindi lamang kung magkano ang kanilang hinihingi, kundi kung paano ito gagamitin at kung anong konkretong bunga ang maibibigay nito.
“Hindi sapat na sabihin kung magkano ang ginagastos. Dapat maipakita kung ano ang nagagawa ng bawat piso. Ang bawat piso ay dapat may katumbas na ginhawa para sa bawat Pilipino,” dagdag ni Dy.
Ayon kay Dy, tatlong katanungan lamang ang gagabay sa mga kongresista sa pagtalakay ng national budget para sa taong 2027.
“Saan mapupunta ang pondo? Ano ang konkretong mababago nito? At paano ito mararamdaman ng ordinaryong Pilipino? Iyan ang ating pananagutan: tiyaking ang pondo ay may malinaw na layunin, ang mga programa ay may tunay na pakinabang, at ang bawat desisyon ay may positibong epekto sa buhay ng mga Pilipino,” sinabi ni Dy.
(VINA de GUZMAN)
HINDI ikinatuwa ng gobyerno ang napaulat na nagkalat na kabaong na natagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila nitong Biyernes, Agosto 7.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, na hindi ikinatutuwa ng gobyerno at Philippine National Police (PNP) ang ganitong gawain lalo pa’t may freedom of expression naman sa bansa.
Sa ulat, isa kasi sa mga kabaong ay iniwan sa Boy Scout Circle sa Quezon City. Naglalaman ito ng mga larawan ng dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal, poster na may nakasulat na “Chinese Communist Party”, “Greedy”, at “Salot”.
Kasama rin dito ang isang pulang bandilang may katagang “Chinese community”.
“Sinabi natin na mayroon lahat tayo ay may freedom of expression pero depende po kung ano ang inyong ipahihiwatig. Kung mayroong pang-aabuso, mayroon bang pananakot. kaya po yan ay iniimbestigahan ng PNP,” ani Castro.
At sa tanong naman kung may naiisip ba ang gobyerno kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng mga kabaong na ito, ang tugon ni Castro ay ” personal, siyempre may naiisip ako pero hindi importante ngayon kung ano naiisip ko.”
Sa ulat, batay sa CCTV, dalawang lalaki at isang babae ang dumating sakay ng puting van bago iniwan ang kabaong.
Katulad na mga kabaong ang natagpuan din sa Makati, Caloocan, at Maynila.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya kung magkakaugnay ang mga insidente at sinusuri ang mga CCTV footage at iba pang ebidensya upang matukoy ang mga responsable. (DARIS JOSE)
PAG-AARALAN munang mabuti ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang ipagpaliban ang 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) bago magbigay ng posisyon sa usapin.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi kaagad masusuportahan ni Pangulong Marcos ang nasabing panukala nang hindi nadedetermina kung bakit ipagpapaliban ang BSKE.
“Sa ngayon po ay dapat mabasa muna kung anuman po ang kanilang panukala,” ani Castro.
“Hindi po maaaring sumang-ayon agad, hindi puwedeng sumang-ayon or hindi sumang-ayon hanggat hindi nakikita kung bakit kailangan ng ganitong klaseng panukala at bakit kinakailangan ma-postpone,” aniya pa rin.
Isa sa mga nagsusulong ng panukala si Senate President Francis “Chiz” Escudero, na nagsabing maaaring makatipid ang gobyerno ng ₱16 bilyon kung muling ipagpapaliban ang halalan sa November 2.
Maaari umanong gamitin ang matitipid para sa mga sektor na apektado ng krisis sa enerhiya dulot ng giyera sa Gitnang Silangan.
Gayunman, sinabi ni Castro, na ang anumang panukala na ginagamit na dahilan ang energy crisis para bigyang katuwiran ang pagpapaliban sa eleksyon ay kailangang may magtatag at malinaw na basehan para sa nasabing hakbang.
“Siguro mas maganda po kung ma-justify talaga na dahil sa krisis ng enerhiya dapat i-postpone ng ilang taon,” ang winika ni Castro.
Sa kabilang dako, hindi napag-usapan ayon kay Castro sa kamakailan lamang na Legislative-Executive Development Advisory Council meeting kasama si Pangulong Marcos ang panukalang ipagpaliban ang BSKE.
(DARIS JOSE)
PINANGASIWAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Martes ang panunumpa sa tungkulin ng bagong itinalagang si Department of Health (DOH) Secretary Edwin Mercado at Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President at Chief Executive Officer Beverly Lorraine Ho sa hiwalay na seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.
Nauna rito, inanunsyo ng Malakanyang na itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. si Dr. Edwin Mercado bilang bilang kalihim ng Department of Health.
Si Dr. Mercado ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ay kasalukuyang Acting President and Chief Executive Officer ng PhilHealth.
Itinalaga sa PhilHealth si Dr. Mercado noong February 2025.
Bago pa naging Kalihim ng DOH, nagsilbing medical director si Dr. Mercado sa Daniel Mercado Medical Center noong 1998 hanggang 2000. At nagsilbing president and CEO ng iba’t ibang hospital mula noong year 2000 hanggang 2016.
Nagtapos si Dr. Mercado ng Medicine sa University of the Philippines. Nagtapos ng Master of Medical Science in Global Health Delivery sa Harvard Medical School noong 2023 at mayroon din siyang Executive Master’s Degree in Healthcare Administration mula sa University of North Carolina sa US.
Papalitan ni Dr. Mercado si outgoing DOH Secretary Jose Pujalte Jr.
Samantala, papalit naman kay Dr. Mercado sa PhilHealth bilang acting president and chief executive officer si Dr. Beverly Lorraine C. Ho, na kasalukuyang chief health officer ng Ayala Healthcare Holdings Inc.
Bago ang kanyang appointment sa PhilHealth, nagsilbi rin sa DOH si Dr. Ho bilang assistant secretary noong January 2023 hanggang January 2024 at undersecretary mula July 2022 hanggang December 2022. Nagsilbi rin deputy spokesperson si Dr. Ho ng DOH mula March 2020 hanggang December 2023.
(DARIS JOSE)
LABIS na ikinabigla ng Malakanyang ang ‘dagat ng basura’ sa Las Piñas at Parañaque.
Ang sinasabing dagat ng basura ang dahilan nang hindi maayos na pagdaloy ng tubig sa lagusan na nauwi sa mataas na tubig-baha sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila (MM) matapos hagupitin ng tropical cyclones Luis at Maymay at southwest monsoon o habagat ang bansa.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na “Lubha po talagang nakakabigla in a way na isa ito sa makikita nating dahilan sa hindi pagdaloy ng tubig sa lagusan. So, ang nais din po ng Pangulo noon pa naman natin ito pinapaalala pero iyong tumambad sa ating mga mata na dagat ng basura – parang may lumalangoy, may gustong lumangoy sa dagat ng basura.”
“Ang nais din po nating lahat, ang nais ng Pangulo lahat po tayo magtulung-tulungan. Hindi po kakayanin ng gobyerno na magtrabaho nang magtrabaho pero ang ating mga kababayan ay pabaya nang pabaya tapos magtuturo kung sino ang may kasalanan – lahat po tayo dito ay dapat kumilos, hindi puwedeng nagkukuya-kuyakoy lang tayo lagi,” ang winika ni Castro.
Samantala, nasa kamay na ng mga opisyal ng Barangay ang mahigpit na pagpapatupad ng ₱5,000 multa para sa mga mahuhuling iligal na magtatapon ng kanilang basura sa pampublikong lugar.
Layon ng parusang ito na hikayatin ang publiko na maging responsable sa pagtatapon ng kanilang mga basura.
“Kung hindi po natin didisiplinahin ang ating mga mamamayan at patuloy lang silang magtatapon ng basura sa ating mga ilog, mga creek ay paulit-ulit din nating mararanasan ang problema ng pagbabaha sapagkat base po sa ating karanasan, kapag nagbabaha sa ating mga lungsod at humupa na ang baha, anong naiiwan sa ating mga kalye? Tambak-tambak na mga basura,” ang matatandaang sinabi ni San Juan City Mayor at MMC President Francis Zamora sa bagay na ito.
“Unang-una po, mas makikita po ito ng ating mga ginagalang na mga barangay officials – nasa kamay ninyo po iyan at kung makikita naman po at mayroong CCTV cameras na nandidiyan po maaari naman po ito agad makita ng ating mga opisyal sa barangay,” ang tinuran naman ni Castro.
“So, doon pa lang po sana ay maayos na dahil malaki pong tulong kung mismong ating mga taga-barangay ay although alam nating magsisipag sila pero mas magdoble pa po ng pagtatrabaho para po maiwasan natin ito kasi tayo rin po lahat ang magiging biktima nito, ng mga basurang itinapon natin, talagang babalik at babalik sa atin,” aniya pa rin. (DARIS JOSE)
HINIKAYAT ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga biyahero na makipag-ugnayan muna sa shipping company bago pumunta sa pantalan upang makaiwas sa abala at hindi ma-stranded sa port passenger terminal.
Sinabi ito ni PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab kasunod ng desisyon ng ilang vessel operator na ipagpaliban ang byahe sa karagatan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat sa kasagsagan ng sama ng panahon. (Gene Adsuara)