• September 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 6th, 2026

Dahil sa TS Maymay:Pasok sa trabaho at klase sa lahat ng antas sa NCR, at 6 na lalawigan, sinuspinde ng Malakanyang 

Posted on: August 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINUSPINDE ng Malakanyang ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa National Capital Region at mga lalawigan ng 

Abra, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan at Zambales, ngayong araw ng Miyerkules, Agosto 5, 2026, simula pa kaninang alas-3:00 ng hapon dahil sa Tropical Storm Maymay

Ito ang nakasaad sa MEMORANDUM CIRCULAR NO. 121, sa rekumendasyon na rin ng National Disaster Risk Reduction and

Management Council kaugnay ng patuloy pagbuhos ng malakas na ulan na sanhi ng Tropical Storm Maymay at malakas na Southwest Monsoon.

Inatasan naman ang mga ahensiya na may kinalaman sa paghahatid ng basic at health services, preparedness/response to disasters and calamities, at/ o pagganap sa iba pang mahalagang serbisyo na ipagpatuloy lamang ang kanilang operasyon at magbigay ng kinakailangang serbisyo.

Idagdag pa rito, ang localized cancellation o suspension ng klase classes at/ o trabaho sa 

government offices sa ibang lugar ay maaaring ipatupad ng kani-kanilang Local

Chief Executives, alinsunod sa kaugnay na batas, rules and regulations.

Ang suspensyon ng trabaho para sa pribadong kumpanya at tanggapan ay ipinauubaya na sa diskresyon ng kani- kanilang pinuno.

Ang nasabing Circular ay dapat na kagyat na maging epektibo. Nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto sa pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ( DARIS JOSE)

Sa naging interview sa kanya ni Snooky…ALICIA, mariing itinanggi na nagkaroon sila ng anak ni JOEY (ni: REY PINEDA) 

Posted on: August 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments


KUNG matatandaan naging isyu noon ang pagkakaroon ng anak ni dating Paranaque Mayor Joey Marquez.

Noon din panahon na yon ay karelasyon ni Joey ang dating seksi aktres na si Alicia Mayer.     

Kung dati hindi sinagot ni Joey ang katanungan kung nagkaanak nga sila ni Alicia, ngayon tahasang sinagot nang huli ang matagal nang katanungan na hindi nalinawan.     Sa isang interview ni Snooky Serna sa kanyang “The Snooky Serna Channel” walang kagatul-gatol na sinagot ni Alicia ang matagal ng nabinbing katanungan.   

“Wala,” maikli nitong sagot.

“Kung noon hindi sinagot ni Joey ang katanungan na nyan, ngayon ko sasabihin na hindi kami nagkaanak.”     

Inamin din ni Alicia bukod kay Joey ay nauna nitong naging karelasyon si Edu Manzano.

Sa kanyang panayam, naikumpara nito ang dalawa bilang mga naging bahagi ng kanyang buhay sa showbiz.     

“Very pleasing, maaruga, at maalaga si Edu.     

“I would say na parang mabilisan yung ano namin…yung decision. And then we just have to stop talking to each other.

“And then, I think kapag nag-uusap pa kami lalong gumugulo, so both of us decided just to completely stop the connection.”     

Samantalang kay Joey ay maikli ang kanyang pahayag.     

“Mabait, nagpo-provide,  at caring din naman.”     

Tahimik na ang namumuhay si Alicia sa piling ng kanyang bagong pag-ibig.

Hindi nagbigay ng detalye ang aktres, pero bakas ang kaligayahan sa kanyang mukha.

‘I’mPerfect’, naipalabas na sa 27th Lucania Film Festival…KRYSTEL, makakasama sina RUFA MAE at EMPOY sa isang comedy film   (ni: REY PINEDA)   

Posted on: August 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TILA namamayagpag ang career ng 2025 MMFF Best Actress na si Krystel Go, ang lead star ng “I’mPerfect.”

Napag-alaman naming kasama rin ito sa isang comedy film na produced ng Wide Internaitonal.

Wala pang definite title ang nabanggit na pelikula, pero makakasama niya rito sina Rufa Mae Quinto at Empoy Marquez.     

At ang writer-director ay Sigrid Andrea Bernardo, na siya rin nagdirek ng “I’mPerfect.”

Samantala, kasalukuyang nasa Italy ang grupo ng nasabing pelikula, kasama ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez, ang producer ng Nathan Studios.

Nitong August 4, 2026, ipinalabas sa Tolve, Basilicata, Italy ang pelikulang pinag-usapan sa history ng Philippine cinema, kung saan mga persons with down syndrome ang mga bida.

Sa 27th Lucania Film Festival ipinalabas and European premier ng “I’mPerfect” bilang bahagi ng San Rocco Cinema network.

Hindi kasali ang pelikula sa kumpetisyon, ipinalabas ito at naihanay sa exhibition section ng pelikula.     

Ayon sa CEO ng Nathan Studios na si Ria Atayde-Marudo ang pagkakapili ng “I’mPerfect” bilang isa sa mga delegado ng Pilipinas ay bunga ng dedikasyon at pagsisikap ng buong production team at isang pagkakataon upang maipakita ang galing ng mga Pilipino sa mas malaking pandaigdigang entablado. 

Congratulations sa buong team ng “I’m Perfect.”

***

NAKIUSAP si Claudine Barretto sa netizens na huwag siyang husgahan.

Kamakailan lang kasi, nag-post si Claudine ng photo niya kasama ang anak nila ni Raymart Santiago na si Santino.

Ang nasabi kasing photo ay kuha noong 2024 kung saan nakatanggap ng certificate si Santino mula sa Brent International School dahil sa pagiging honor nito ng dalawang semesters.     

Ayon sa aktres, nung makita niyang muli ang mga larawan ng kanyang anak, nanariwa ang kanyang pasasalamat sa achievement ng kanyang anak.

Gusto lang daw nitong muling i-share at ipagyabang ang nasabing larawan sa kanyang mga followers.     

Dahil kung hindi rin naman daw sa kanyang mga followers, hindi niya magagawang mapag-aral ang kanyang anak.     

Napakasaya nga naman sa pakiramdam na sariwain ang mga yugto sa ating buhay na nagbibigay sa atin ng inspirasyon at motivation para lalong magsumikap.

I’m sure, kahit naman sino sa atin ipagyayabang din ang ganung klaseng achievement, noh! 

Tinanggap ang ’Saving Cherry’ para suportahan si Barbie…MIKEE, never na magbibigay ng second chance sa mga manloloko (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: August 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPAPASALAMAT si Kapuso actress Mikee Quintos sa Regal Entertainment at kanyang management kasama nga siya sa cast ng “Saving Cherry” na pinagbibidahan ni Barbie Forteza at ipalalabas na sa September 2.

Ito pala ang first movie at first time niya makakasama ang tinaguriang Kapuso Primetime Drama Princess.

Kasama rin sa pelikula sina Khalil Ramos, Mika Salamanca, Mikee Quintos, AC Bonifacio, Sassa Gurl, Joey Marquez, JC Alcantara at Kokoy De Santos. 

Mula ito sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal.Inamin ni Mikee na si Barbie ang isa sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang “Saving Cherry.”

“Sinabi ko kay Barbie na isa sa mga rason kung bakit din ako umoo is because she’s leading it,” pahayag ni Mikee na gumaganap na Beth sa comedy film.

“And for my very first movie, it’s an honor to support Barbie.”

Dagdag pa niya, “Girl, pasabog ka rito! Pasabog siya dito and I’m so honored to be part of that. 

“I know it’s a milestone in your career, that’s why it will be a milestone in mine,” 

Natanong ang buong cast na dumalo sa grand mediacon, kung dapat bang bigyan ng second chance ang mga cheaters?Isa may magandang pananaw si Mikee, although lahat naman sila ay ’no’ ang sagot.“Deserve ba ng mga cheaters ng second chance? Full transparency. I used to believe na wala naman talaga kasing perfect,” lahad niya.

“So, I used to believe na puwede, okay lang ‘yon. And the important thing is the why, ‘yung sagot sa kung bakit nagawa.”

Pagpapatuloy pa niya, “But now I agree with Khalil na no because giving a chance to a cheater, ‘yung chance is hindi para don sa cheater, ‘yung compromise mas nasa iyo.

“So, no. No more. That’s the answer.” 

Ads August 6, 2026

Posted on: August 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IKA-125 ANIBERSARYO NG KONSEHO NG LUNGSOD NG MAYNILA, PINANGUNAHAN NINA MAYOR ISKO AT CHI ATIENZA

Posted on: August 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN nina Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Konseho ng Lungsod ng Maynila, bilang pagkilala sa 125 taon ng paggawa ng batas at paglilingkod sa publiko.

May temang “Sangguniang Panlungsod ng Maynila: Paglingon sa Nakaraan, Inspirasyon sa Kinabukasan,” nagsimula ang programa sa isang Misa ng Pasasalamat sa Session Hall. Sinundan ito ng pagbubukas ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila: A Civic Heritage Exhibit sa Bulwagang Rodriguez, na tampok ang mga makasaysayang rekord ng konseho, mahahalagang ordinansa, at mga larawan na nagpapakita ng kasaysayan nito.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Vice Mayor Chi Atienza ang kahalagahan ng maayos na ugnayan ng Ehekutibo at Lehislatibo upang mas mabilis at mas epektibong maihatid ang mga programa at serbisyo sa mga Manileño.

“Bilang inyong Bise Alkalde at Presiding Officer, nais kong matiyak na ang Konseho ng Lungsod ay mag-iiwan ng makabuluhang pamana at magiging isa sa pinakamahusay sa paglilingkod sa ating lungsod,” ani Atienza.

Idinagdag pa niya na kapag nagtutulungan ang dalawang sangay ng pamahalaan, mas ramdam ng mamamayan ang mga programa at ordinansang ipinapatupad.

Pinuri rin ni Mayor Isko Moreno Domagoso si Vice Mayor Atienza sa pagpapanatili ng pagkakaisa sa konseho at sa pagtitiyak na ang mga lokal na batas ay naaayon sa mga prayoridad ng lungsod.

Hinikayat din ng alkalde ang mga konsehal na magpasa ng mga ordinansang may pangmatagalang pakinabang at maglilingkod hindi lamang sa kasalukuyan kundi maging sa mga susunod na henerasyon.

Matapos ang ribbon-cutting at pag-iikot sa exhibit, nagkaroon ng Anniversary Parade sa loob ng City Hall. Nagbukas din ng mga refreshment booth ang mga konsehal sa kani-kanilang tanggapan at nagtapos ang pagdiriwang sa isang tradisyunal na boodle fight sa Session Hall Lounge.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang pagdiriwang ay hindi lamang paggunita sa kasaysayan ng Konseho ng Lungsod kundi paalala rin ng patuloy na tungkulin nitong magpasa ng mga makabuluhang batas at tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga Manileño. (Gene Adsuara)

Giant Risers nakabawi sa Giant Pandas

Posted on: August 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINAPOS ng Titan Ultra ang kanilang dalawang dikit na kamalasan matapos pigilan ang guest team Macau, 132-128, sa PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Iniskor ni import Tirrell Brown II ang 16 sa kanyang 36 points sa fourth quarter bukod sa 10 rebounds at 7 assists, habang may 18, 14 at 13 markers sina Joshua Munzon, Bryan Sajonio at Roi Sumang, ayon sa pagkakasunod.

Itinaas ng Giant Risers ang kanilang baraha sa 2-5 kagaya ng kartada ng Giant Pandas na bigong maidiretso sa tatlo ang arangkada matapos ang 0-4 panimula sa torneo.

Muntik mabalewala ang itinayong 29-point lead, 76-46, ng Titan Ultra sa 3:10 minuto ng third period matapos makalapit ang Macau sa 124-130 mula sa three-point shot ni import De’Vondre Perry sa huling 1:26 minuto ng fourth quarter.

Ang jumper ni Brown sa natitirang 12.7 segundo ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Giant Ri­sers na nabigo sa Giant Pandas, 126-132, sa first round noong Hulyo 25 at tumapos sa 0-4 kabiguan ng guest team.

Samantala, nasa bansa na si resident import Rondae Hollis-Jefferson para tulungan ang TNT Tropang 5G sa pagdedepensa ng korona.

Kasalukuyan nang nagpapakondisyon ang three-time PBA Best import sa practice facility ng Tropang 5G sa Moro Lorenzo Sports Center sa loob ng Ateneo campus.

Ngunit sinabi ng TNT management na sa Oktubre pa lalaro ang dating NBA player na nagrerekober sa natamong Achilles injury habang naglalaro para sa Meralco sa nakaraang EASL season.

10th Aero Gymnastics hahataw sa Tagaytay

Posted on: August 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HAHATAW na ang 10th Aero Gymnastics Asian Championships tampok ang matitikas na gymnasts na magtatagisan sa Tagaytay CT Velodrome simula ngayong araw sa Tagaytay City.

Suportado ng Philippine Sports Commission ang torneong may temang “Leap, Dance, One Asia.”

May 400 gymnasts mula sa 12 bansa ang maglalaban sa event na inorganisa ng Gymnastics Association of the Philippines at may basbas ng Asian Gymnastics Union.

“We are all excited over the staging of this event, which promises to be an entertaining and dynamic festival symbolizing the harmony, unity and camaraderie that sports can achieve among our Asian aerobic gymnasts even in a competitive atmosphere,” ani GAP president Cynthia Carrion.

Gaganapin ang 2026 edition ng continental aero gymnastics sa world-class at UCI-certified velodrome na may 3,000-seat capacity.

“That we are holding the championships in the beautiful city of Tagaytay and at the reconfigured Tagaytay CT Velodrome will be a unique and memorable experience for our participants and fans alike,” ani Carrion.

Sinabi ni Carrion na bibigyan ng medalya ang mga magwawagi kung saan nakaukit ang pamosong Taal Lake at Volcano.

Igagawad din ang mascots na “Bughaw” at “Lila.”

Pinay tennis star Alex Eala, pinuri dahil sa paggalang sa watawat

Posted on: August 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINURI ni Historical Sites Development Officer II Eufemio Agbayani III ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) si Pinay tennis star Alex Eala dahil sa ipinakita nitong paggalang sa pambansang watawat.

Kasunod ito ng kumalat na video kung saan makikitang humihingi ng autograph ang mga tagahanga sa DC Open champion. Isa sa mga fans ang nag-alok na pirmahan ni Eala ang Philippine flag, ngunit magalang itong tinanggihan ng atleta.Sanggunihang Pang-heyograpiko

Batay sa Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusulat o paglalagay ng anumang marka sa pambansang simbolo. May kaakibat na parusa ang sinumang lalabag sa probisyong ito.

Bagama’t maliit na kilos lamang, malaki ang ipinahihiwatig ng ginawa ni Eala—ang kanyang matibay na respeto sa watawat na kanyang ipinagmamalaki tuwing siya’y lumalaban sa loob ng korteng tennis.

Campus Safety Bill, inaprubahan Ng House Committee on Higher and Technical Education

Posted on: August 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INAPRUBAHAN ng House Committee on Higher and Technical Education, na pinamumunuan ni TINGOG Partylist Rep. Jude Acidre, ang House Bill (HB) 6649, na nagsusulong sa pagbuo which seeks to create a university-based crime prevention committee (CPC) to ensure the safety and security of the academic community from internal and external threats.

Sina Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez at ABAMIN Partylist Rep. Maximo Rodriguez Jr. ang naghain ng HB 6649 o Campus Safety and Security bill bilang tugon sa insidente ng bayolente sa loob ng campus ng ilang unibersidad at eskwelahan sa bansa.

“Students and their parents should always feel safe and are entitled to have a safe and secure environment when pursuing their studies,” anang awtor ng HB 4469 sa kanilang explanatory note ng panukala.

Sa ilalim ng panukala, isang university-based CPC na bubuuin ang naatasang magpatupad nang mas malakas na university and educational institutional policies on security.

Tinalakay din sa meeting ng komite ang panukalang rebisyon sa charter ng Philippine Normal University. (VINA de GUZMAN)