‘I’mPerfect’, naipalabas na sa 27th Lucania Film Festival…KRYSTEL, makakasama sina RUFA MAE at EMPOY sa isang comedy film (ni: REY PINEDA)
- Published on August 6, 2026
- by Francis Paolo Torres
TILA namamayagpag ang career ng 2025 MMFF Best Actress na si Krystel Go, ang lead star ng “I’mPerfect.”
Napag-alaman naming kasama rin ito sa isang comedy film na produced ng Wide Internaitonal.
Wala pang definite title ang nabanggit na pelikula, pero makakasama niya rito sina Rufa Mae Quinto at Empoy Marquez.
At ang writer-director ay Sigrid Andrea Bernardo, na siya rin nagdirek ng “I’mPerfect.”
Samantala, kasalukuyang nasa Italy ang grupo ng nasabing pelikula, kasama ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez, ang producer ng Nathan Studios.
Nitong August 4, 2026, ipinalabas sa Tolve, Basilicata, Italy ang pelikulang pinag-usapan sa history ng Philippine cinema, kung saan mga persons with down syndrome ang mga bida.
Sa 27th Lucania Film Festival ipinalabas and European premier ng “I’mPerfect” bilang bahagi ng San Rocco Cinema network.
Hindi kasali ang pelikula sa kumpetisyon, ipinalabas ito at naihanay sa exhibition section ng pelikula.
Ayon sa CEO ng Nathan Studios na si Ria Atayde-Marudo ang pagkakapili ng “I’mPerfect” bilang isa sa mga delegado ng Pilipinas ay bunga ng dedikasyon at pagsisikap ng buong production team at isang pagkakataon upang maipakita ang galing ng mga Pilipino sa mas malaking pandaigdigang entablado.
Congratulations sa buong team ng “I’m Perfect.”
***
NAKIUSAP si Claudine Barretto sa netizens na huwag siyang husgahan.
Kamakailan lang kasi, nag-post si Claudine ng photo niya kasama ang anak nila ni Raymart Santiago na si Santino.
Ang nasabi kasing photo ay kuha noong 2024 kung saan nakatanggap ng certificate si Santino mula sa Brent International School dahil sa pagiging honor nito ng dalawang semesters.
Ayon sa aktres, nung makita niyang muli ang mga larawan ng kanyang anak, nanariwa ang kanyang pasasalamat sa achievement ng kanyang anak.
Gusto lang daw nitong muling i-share at ipagyabang ang nasabing larawan sa kanyang mga followers.
Dahil kung hindi rin naman daw sa kanyang mga followers, hindi niya magagawang mapag-aral ang kanyang anak.
Napakasaya nga naman sa pakiramdam na sariwain ang mga yugto sa ating buhay na nagbibigay sa atin ng inspirasyon at motivation para lalong magsumikap.
I’m sure, kahit naman sino sa atin ipagyayabang din ang ganung klaseng achievement, noh!