• August 29, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa posibleng pagbabalik-TV o sa recording ng anak…KRIS, nakipag-meeting kasama si BIMBY para sa upcoming projects (ni: REY PINEDA) 

MAGBABALIK na nga ba ang tinaguriang Queen Of All Media na si Kris Aquino sa limelight?

Hindi naman kaya ang anak nitong Bimby Yap ang magtutuloy nang nasimulan ng kanyang ina sa showbiz? 

Kamakailan lamang ay nag-post si Jonathan Manalo, Asst. Vice President at Creative Director ng ABS-CBN, kasama si Roxy Laquigan, ABS-CBN Music Head, Kris, Bimby at iba pa, matapos ang ilang oras na meeting.

Subali’t walang detalyeng ibinahagi si Jonathan, isa lamang ang caption nito sa naturang post, “Last night’s productive meeting”, kung kaya’t marami sa mga netizens ang nagkomento at nagbigay ng kanilang mga haka-haka tungkol sa nasabing meeting.

May mga nag-speculate na malamang ito na ang hudyat ng muling pagbabalik ni Kris sa telebisyon.     

‘Yung iba naman si Bimby ang sinigurong magtutuloy ng daang tinahak ng kanyang ina.

Mukha raw si Bimby ang uupo sa sinasabing “blue chair”. Ito yung sagisag o tanyag na upuan kung saan pinauupo ang isang artist na nabibilang na sa kanilang pamilya.     Marami nga ang nag-iisip na si Bimby ito. 

Napapanood na kasi ito sa noontime show na “Eat Bulaga”, bilang isa sa mga guest co-host.

Maaari rin daw sa music industry ang pasukin nito. Nagpapakita raw kasi ito ng interes sa pagkanta.      

Sa kasalukuyan kasi, kumukuha ng voice lessons si Bimby under Thor Dulay.     

Kaya malamang may nilulutong proyekto ang ABS-CBN para rito.

***

NAGING madamdamin si Miss Philippines-Universe 2022 Celeste Cortesi sa premier showing ng kanyang documentary na pinamagatang “Celeste Unscripted”

Kasama ni Celeste ang kanyang partner na si tech millionaire/philanthropist/British national na si Jonathan Sterling sa nasabing event.

Makikita sa uploaded video na walang tigil na umiiyak si Celeste dahil sa kagalakan sa tagumpay ng kanyang documentary.     

Katabi nito ang kanyang partner na pinunasan pa ang kanyang luha.     

Sa nasabing docu, inilarawan ni Celeste ang naging yugto ng kanyang buhay na hindi nakikita ng mga tao.     

Ang mga struggles nito sa buhay, yung kanyang pagkapanalo na siyang nakatulong upang mahubog ang kanyang pagkatao sa likod ng kanyang korona.     

Sa nakita ng mga netizens, tila nabura na ang mga espekulasyon na naghiwalay ang dalawa. Itinuturong third party involved noon ay si Bianca Manalo.

Pero, tila walang katotohanan ang mga sapantaha tungkol sa kanilang relasyon.     May mga nagsabing kasama sa docu ang kuwento ng kanyang lovelife, maging ang mga pinagdaanan bago nila opisyal na ianunsiyo ang kanilang relasyon.