• August 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

‘Di magpapasilaw sa milyon-milyon na offer…MAUI, patuloy na nakatatanggap ng indecent proposals kahit 43 na (ni: ROHN ROMULO)

Posted on: July 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INAMIN ng dating Viva Hot Babes member Taylor na sa edad 43, hanggang 

ngayon ay nakatatanggap pa rin ng indecent proposals.Sa episode teaser ng “Your Honor,” nagkwento si Maui na kahit matagal na siyang tumigil sa pagpapa-sexy sa movie, ay marami pa ring kalalakihan ang nahuhumaling sa kanyang alindog at nagpaparamdam.

“Madami ka talagang mami-meet na they just want to get in your pants. Hanggang ngayon ang dami, e!” pahayag ng aktres.

Kaya naman hindi napigilan na itanong ng host na si Chariz Solomon na , “Magkano ‘yung pinakamalaki?”

Mabilis na sagot ni Maui, “Nasa millions din. Meron isa, siguro a couple of months ago.” 

Pero hindi nagpasilaw ang aktres kahit gaano pa kalaki pa ang offer para maka-one night stand siya. 

“Sabi ko, ‘hard pass, sorry talaga!’,” katuwiran pa niya.

Matatandaan na bukod kay Maui, may ilan pang celebrities na umamin na nakatanggap ng indecent proposal.  Last month, pinost ni Herlene Budol ito sa kanyang Instagram story ang natanggap na mensahe mula sa isang “Gov”.

“Hello I’m Gov. Can I ask if available ka for one night stand and magkano?” 

Nag-miss call pa raw kay Herlene ang naturang “Gov” at nag-offer ng P150,000.

“Hello gov pakyu sayo na 150k mo!” nairiritang sagot ni Herlene.

Hirit pa niya kay “Gov”, “Itulong mo nalang yan sa nasasakupan mong lugar godbless haha!” 

Undefeated Pinoy boxer Weljon Mindoro, makakaharap ang beteranong Mexican boxer Carlos Ocampo

Posted on: July 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING sasabak sa ibabaw ng ring ang undefeated Filipino boxer na si Weljon Mindoro sa Agosto 29, 2026, kung saan makakaharap niya ang beteranong Mexican boxer na si Carlos Ocampo sa Los Angeles, California.

Hawak ni Mindoro ang malinis na record na 17 panalo, isang tabla, at walang talo, kabilang ang 16 na panalo sa pamamagitan ng knockout.

Layunin niyang patibayin ang kanyang puwesto sa middleweight division sa non-title bout na ipapalabas nang live sa mainstream TV.

Sa kanyang huling laban noong Hunyo, tinalo ni Mindoro sa pamamagitan ng unanimous decision ang Mexican boxer na si Elias Espadas, na nagtapos sa kanyang 16 na sunod na knockout victories.

Logan Paul, nais makalaban si MMA champion Conor McGregor pagkatapos ng injury rehab

Posted on: July 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINAMON ni American boxer Logan Paul ang MMA champion na si Conor McGregor na kasalukuyang nagpapagaling mula sa kaniyang injury sa pinakahuling laban.

Inaasahang aabutin ng isang taon ang rehabilitasyon ni McGregor dahil sa kaniyang injury sa tuhod, kasunod ng pagkatalo kay Max Holloway sa opening ng UFC 329.

Ang naturang match ang unang laban ni McGregor sa ring matapos ang limang taong pagpapahinga. Bago nito ay natalo rin ang two-division champion kay American MMA fighter Dustin Poirier.

Aniya, nararapat lamang na magharap ang dalawa bilang kapwa star ng (World Wrestling Entertainment (WWE). Itinuturing umano ni Paul si MacGregor na isang wrestler, sa kabila ng kaniyang sucessful career sa MMA.

Gayunpaman, sinabihan umano siya ng kaniyang manager na posibleng tapos na ang karera ni McGregor kasunod ng panibago niyang pagkatalo.

Sa kabila nito, una nang nangako ang MMA champion na tatapusin lamang niya ang kaniyang rehab at posibleng sa susunod na taon ay muli siyang sasabak sa UFC (Ultimate Fighting Champion). Ang naturangt laban ay posibleng huling match na rin sa karera ni batikang striker.

PBBM, ininspeksyon ang Pampanga food security complex, namahagi ng tulong

Posted on: July 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGASIWAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes ang pamamahagi ng government assistance sa kanyang naging pagbisita sa Pampanga Food Security Complex (PFSC) sa Lubao, Pampanga.

Personal na ininspeksyon ni Pangulong Marcos ang newly completed PFSC, kasama si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., dating pangulo at Pampanga Second District Rep. Gloria Macapagal Arroyo, at Pampanga Governor Lilia Pineda.

Dinisenyo bilang isang one-stop postharvest service center, ang P465.76-million PFSC ay nagbibigay sa mga magsasaka ng “accreditation, palay procurement at receiving services, drying, milling, storage, inventory management, packaging, at distribution.”

Ang integrated rice processing facility ay inaasahan na mapakikinabangan ng 30,995 rice farmers na nagsasaka o nagbubungkal sa 42,994 ektarya ng rice-producing land sa Pampanga.

Mayroon itong tinatantyang annual output na 136,800 bags ng dry palay at 78,000 bags ng milled rice, kung saan ang bawat bag ay tumitimbang ng 50 kilo.

Nagtatampok din ito ng dalawang bodega na may pinagsamang floor area na 5,000 square meters.

Ang Warehouse 1 ay maaaring m ag-imbak ng 83,000 bags ng milled rice, habang ang Warehouse 2 ay may kapasidad na 45,000 bags ng dry palay.

Ang drying facility ay mayroong six 6-ton mechanical dryers at dalawang 12-ton mechanical dryers, may kakayahan na magtuyo ng 1,200 bags ng palay, araw-araw.

Ang isang 5,000-square-meter drying pavement ay maaaring mag-accommodate ng 1,400 bags ng wet palay, habang ang rice mill ay mayroong processing capacity ng apat hanggang limang tonelada kada oras, na may tinatayang milling recovery rate na 65%.

Sinabi ni Tiu Laurel na ang strategic location ng food security complex ay ginawa nitong mahalaga para sa food security requirements ng bansa.

Idinagdag pa nito na ginawang simple ng pasilidad ang postharvest operations para sa mga magsasaka, nagpapabuti ng kahusayan at tinitiyak na ligtas ang mga pagkain.

“More or less, we’re more ready than ever this harvest season,” ayon kay Tiu Laurel.

“The data [and] the facts will show that [Marcos] admin has provided the most facilities and machineries for the modernization of the agriculture,” anito.

At upang mapalawak pa ang kakayahan ng pasilidad, naglaan ng P240 million sa ilalim ng General Appropriations Act at sa pamamagitan ng pagsisikap ni Arroyo para sa konstruksyon ng dalawang karagdagang bodega.

“Once completed, the new warehouses will accommodate an additional 112,500 bags of milled rice and 75,000 bags of palay, significantly increasing the PFSC’s storage capacity and further enhancing the province’s food security efforts,” ayon pa rin sa Kalihim.

Samantala, sa naging pagbisita ng Pangulo, pinangunahan nito ang distribusyon ng P17.7 million na Sustainable Livelihood Program assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 21 SLP associations na kumakatawan sa 630 miyembro.

“Each association received grants ranging from P600,000 to P900,000, while individual farmers received P3,000 each under the DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situations program,” ayon sa ulat.

Nakapulong naman ng Pangulo ang 11 kinatawan ng kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka kung saan ang mga miyembro ay benepisaryo ng ng palay procurement program ng Pampanga at PFSC’s post-harvest services. ( DARIS JOSE)

PBBM, binisita ang AI-ready data center sa Angeles City

Posted on: July 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINISITA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pinakamalaking data center ng fiber broadband provider Converge ICT Solutions sa Angeles City, Pampanga, isang artificial intelligence o AI-ready facility na dinisenyo para suportahan ang lumalaking demand para sa content at cloud services.

Kasama ng Pangulo si Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda, ininspeksyon ang pasilidad, kung saan sumusuporta sa data sovereignty agenda ng gobyerno.

Ang pagbisita ay kasunod ng ipinalabas ni Pangulong Marcos na Executive Order 119, na nag-update sa Government Data Classification Framework at nagtatag ng unified rules ukol sa data classification, data residency, at cross-border data transfers.

Hangad ng kautusan na palakasin ang cybersecurity sa pamamagitan ng pagbibigay ng balangkas para sa pagbibigay proteksyon sa “classified government information, safeguarding national security, upholding data sovereignty, at pagsuporta sa nakuhang digital transformation.”

Sa kabilang dako, sinabi ni Converge Chief Executive Officer at co-founder Dennis Anthony Uy na pahihintulutan ng Angeles City data center ang mga ahensiya ng gobyerno na mag-migrate ng sistema mula sa ‘costly foreign-hosted servers’ patungo sa isang ‘secure facility operated’ sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

“Keeping government data locally hosted would help reduce cybersecurity risks, ensure service continuity during global Internet disruptions, and keep critical citizen records under the jurisdiction of Philippine courts,” ayon kay Uy.

“Securing our government data locally is a crucial milestone, but the next frontier is ensuring our national infrastructure is AI-capable,” aniya pa rin.

“Converge will continue to upgrade and scale our facilities to support high-density, AI-driven workloads, strengthening the country’s readiness for AI adoption and regional digital growth,” ang sinabi ni Uy.

Binigyang diin naman ni Aguda ang kahalagahan na protektahan ang mahalagang government information habang pinananatiling bukas ang Pilipinas sa inobasyon, cloud technologies, at global digital partnerships.

Itinayo sa 5,000-square-meter site, ang Angeles data center ay mayroong kapasidad na 12 megawatts at mayroong built-in redundancy para suportahan ang operasyon.

“The facility was designed to meet the country’s data residency requirements and handle high-performance computing workloads, particularly for AI and machine learning applications, strengthening the Philippines’ role in the global digital ecosystem,” ayon sa ulat.

Samantala, pinangunahan naman ni Unang GInang Liza Araneta-Marcos ang paglulunsad ng data center noong Marso kasama si Uy at iba pang opisyal ng gobyerno.

Ang Angeles Data Center ay pinakabagong karagdagan sa pasilidad ng Converge, pagpunan sa mga kasalukuyang site sa 

Clark, Pampanga at sa mga Lungsod ng Pasig at Caloocan.

Ang pasilidad ay bahagi ng broader digital infrastructure strategy ng Converge, kabilang dito ang fiber backbone, satellite network, subsea cable systems, at cable landing stations. ( DARIS JOSE)

Matapos na iprisinta ng prosekusyon ang “competent and credible evidence”, nasa depensa na ni VP Sara ang bola

Posted on: July 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASA depensa ni Vice President Sara Z. Duterte ang bola matapos na iprisinta ng prosekusyon ang “competent and credible evidence” sa article of impeachment kaugnay sa umano’y pagbabanta kina 

Presidente Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ang pahayag ay ginawa ng House prosecution panel sa pagtatapos presentasyon ng ebidensiya sa kaso.

Sinabi ng prosekusyon na na- 

establish na nila ang kaso at nasa depensa na ang pagkakataon na pasinungalingan ang ebidensiya sa Senate impeachment court.

“Nag-shift na ngayon [ang burden] kasi noong una nung nagpresenta ang prosekusyon ay iprinisenta namin, inilatag natin ang mga ebidensya na sa aming paniwala ay dapat madinig, makita ng ating mga kababayan,” pahayag ni dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, adviser ay spokesperson para sa prosekusyon.

SInabi naman ni Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., spokesperson at counsel para sa House prosecutors, na naiprisinta na ng panel ang supisyenteng evidensiya na sumusuporta sa kaso.

“The prosecution has presented competent and credible evidence proving that the Vice President made statements threatening the life of the President,” ani Tolosa.

Kasama aniya sa ebidensiya ng prosekusyon ang authenticated recordings ng Nov. 23, 2024 public statements ni Duterte, National Bureau of Investigation’s (NBI) forensic examination ng recordings, at official investigation ng ahensiya sa naturang alegasyon.

“Hindi na ho sapat ang simpleng denial. Kailangan na nilang sagutin ang authenticated recordings, ang forensic findings, ang official investigation, at ang national security assessment na nasa record na,” dagdag nito.

(VINA de GUZMAN)

BASURERO, PUWEDENG MAGING MAYOR AYON KAY YORME ISKO

Posted on: July 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAGMALAKI ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa mga opisyal ng Parole and Probation Administration (PPA) na ang isang “basurero” ay puwedeng maging Mayor, isang patunay na may saysay ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa isang tao.

Sa kanyang talumpati sa The Manila Hotel sa ginanap na 1st PPA-NCR Criminal Justice Stakeholders’ Conference, bilang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng PPA, ibinahagi ni Domagoso ang kanyang karanasan sa paglaki sa Tondo, kung saan aniya ay marami siyang nakasalamuhang mga taong nagkaroon ng magkakaibang landas sa buhay.

“Ako ay napapalibutan ng mga medyo maabilidad na indibidwal na hilig tumambay sa kanto. Pare-pareho kami ng environment, umiba lang ako ng landas,” ani Domagoso.

Ikinuwento rin ng alkalde na naging basurero at artista siya bago naging mayor ng Maynila.

“Ang parole ay nagbibigay ng pangalawang pagkakataon. Na ang isang basurero ay puwedeng maging mayor,” dagdag niya, na iniuugnay ang kanyang naging paglalakbay sa layunin ng mga parole officer na tulungan ang mga taong nais magbagong-buhay.

Binigyang-diin ni Domagoso na ang tunay na hustisya ay hindi lamang tungkol sa pagpaparusa kundi pati na rin sa pagbibigay ng pagkakataon sa isang tao na magbago.

“Kapag pinag-uusapan ang hustisya, madalas ang unang naiisip ay parusa. Pero ang tunay na hustisya ay hindi lamang tungkol sa pagpaparusa, ito ay tungkol din sa pagbibigay ng pagkakataong magbago ang isang tao,” aniya.

Nagbiro pa ang Alkalde na may isang kasalukuyang senador sa bansa na aniya’y patunay na epektibo ang sistema ng parole, bagama’t hindi niya ito pinangalanan.

Ibinahagi rin niya ang isang kamakailang insidente ng krimen sa Maynila kung saan, ayon sa kanya, ang kanyang malalim na kaalaman sa mga komunidad ay nakatulong upang mabilis na madakip ang pangunahing suspek, habang tatlo pang iba ang kusang sumuko. Aniya, ang ganitong pag-unawa sa komunidad ang nagbibigay-daan upang epektibong masugpo ang krimen habang nananatiling bukas ang pamahalaan sa rehabilitasyon ng mga nagkasala.

 (Gene Adsuara)

Sa isang phone call: PBBM, Trump pinag-usapan ang global security, ekonomiya

Posted on: July 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAG-USAP sa telepono sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump, araw ng Huwebes hinggil pandaigdigang ekonomiya, seguridad, at mga pinakahuling pangyayari sa West Philippine Sea, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Ayon sa PCO, ang phone call ay nag-ugat mula sa naging pagpupulong nina Pangulong Marcos at US Secretary of State Marco Rubio, kung saan ipinaalam ng Pangulo kay Rubio ang mga pinakabagong insidente sa South China Sea.

Ayon kay PCO Secretary Dave Gomez, tiniyak ni Trump kay Pangulong Marcos na ihaharap niya sa susunod niyang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping ang mga alalahanin ng Pilipinas kaugnay ng sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).

Inaasahan naman na magpupulong sina Trump at Xi sa Washington sa Setyembre.

Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton ang pag-uusap nina Pangulong Marcos at Trump isang post sa X, aniya kapwa umaasa ang dalawang lider na mananatili ang kanilang regular contact.

“One of my goals as US Ambassador to the Philippines is to ensure our two leaders are regularly in touch with each other,” ayon kay Lipton.

“Great things ahead!” aniya pa rin. 

( DARIS JOSE)

Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng kaayusan at pagpapanatili ng kalinisan sa Barangay 64, Zone 6, Distrito 2, Lungsod ng Caloocan!

Posted on: July 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Barangay Kapitan Journey “Jhay” Bandong De Jesus ang malawakang paglilinis sa kanilang nasasakupan. Kasama niya sa gawaing ito ang kanyang mga katuwang sa pamamahala na sina Kagawad Antonio C. Palma Jr., Derrish M. Ablaza, Lourdes B. Angeles, Aries G. Armas, Anthony C. Dela Cruz, Alberto G. Marcelo, at Zenaida P. De Guzman. Kabalikat din sa aktibidad sina Barangay Treasurer Ma. Crisanta C. Estoesta, Barangay Secretary Fe N. Concepcion, pati na sina Administrator Edwin N. Cruz at Rodolfo P. Cristobal.

Bukod sa kalinisan, pinagsumikapan din ng batang kapitan na maihatid ang mga mahahalagang serbisyo sa komunidad. Kabilang dito ang pagkakaroon ng sariling ambulansya para sa mga emergency, libreng gamot para sa mga senior citizens, at ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan (Peace and Order).

Aktibo ring isinasagawa sa barangay ang pag-aalis ng mga bara sa mga kanal at estero upang maiwasan ang pagbaha, pati na rin ang pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay sa ilalim ng programang “HAPAG” para sa kalusugan at kabuhayan. Dagdag pa rito, pinailawan ang mga madidilim na bahagi ng kapaligiran at nagkabit ng mga CCTV camera para sa mas ligtas na monitoring.Upang gabayan ang moral na aspeto ng mamamayan, lalo na ang mga kabataan, naglunsad din ang lokal na pamahalaan ng “Church Visitation” upang mapanatili silang nasa tamang landas.Sa pagtatapos, nag-iwan ng isang makabuluhang paalala si Kapitan De Jesus ukol sa epektibong pamumuno: “Being a good leader means being a good follower.”

(Sonny Asignacion)

Priority bills, kumpiyansang maipapasa ng House of Representatives bago matapos ang taong kasulukuyan

Posted on: July 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPAHAYAG ng kumpiyansa si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na maipapasa ng House of Representatives ang lahat ng priority legislation ng administrasyon bago matapos ang taong kasulukuyan.

“Marami sa natitirang priority bills ay nasa advanced stage na po ng ating legislative process,” sinabi ni Dy.

 “Kaya hinihiling po sana natin sa ating mga counterpart sa Senado, na tulungan tayong maisabatas na ang iba pang mga bills bago matapos ang taon.” 

Ayon kay Dy, ilan sa mga umuusad na panukala ay ang Cybersecurity Act, na nakatakda sa ikalawang pagbasa. Walo pang panukala ang nakasalang sa Committee on Appropriations at Committee on Ways and Means. 

“Patuloy nating bibigyan ng prayoridad ang mga panukalang direktang makatutulong sa mga Pilipino at sisiguraduhin nating masusi at timely ang pagtalakay sa mga ito,” dagdag ni Dy.

Binigyan importansya ni Dy ang malapit na koordinasyon ng Kamara sa Ehekutibo, partikular sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO). “Ang aming layunin ay makapagpasa ng mga batas na may tunay na pakinabang at mararamdaman ng bawat Pilipino.” 

(VINA de GUZMAN)