Excited sa dalawang pelikula na mula sa NDM+…LANCE, nagwi-wish na makatrabaho sina BELLE at DONNY (ni: NONIE NICASIO)
- Published on July 9, 2026
- by Francis Paolo Torres
AFTER napanood ni Lance Raymundo sa pelikulang “Neophyte 26” na tinampukan nina Derrick Monasterio at Angelica Jones, ang singer/actor ay may dalawang movie naman ngayon.
Nabanggit ni Lance ang mga proyektong ito mula kay Direk Nijel de Mesa.
Kuwento niya, “I’m doing two projects for NDM+ right now. Iyong horror/comedy na Ghost Project and yung comedy/fantasy movie na Taipei Tanders with icons Marissa Delgado, Nanette Inventor and Eva Darren.
“Sa Ghost Project, ang role ko ay nepo baby na itinakwil ng magulang dahil batugan. First time kong maghanap ng work kaya namasukan ako billang assistant sa isang construction company. Yung unang project ko ay sa isang building na may multo. Sina Moymoy Palaboy, Dennis Padilla, Regine Angeles, Analyn Baros, Toffi Santos ang ilan sa cast nito.”
Pagpapatuloy pa ni Lance, “Sa Taipei Tanders naman… since fantasy yun… sina Tita Marissa, Nanette and Eva, biglang nag-transform at bumalik ang mga itsura nila noong dalaga pa sila.
“Ang role ko rito ay si Brodie, na naging kaibigan ni Ms. Nanette (young version)… so, yung twist is eventually bumalik sa original na anyo ang tatlo… pero hanggang doon lang muna ang puwede kong ikuwento,” nakangiting wika pa niya.
Happy si Lance sa takbo ng kayang career, lalo’t siya ay mas nakikilala na ngayon bilang international beauty pageant host.
Katatapos lang niya ng successful hosting sa Grand Coronation Night ng Mrs. Universe Philippines 2026 sa The Manila Hotel Tent City. Ang co-host ni Lance rito ay ang magandang Supermodel Universe 2025 na si Yna Angela Uy.Ayon kay Lance, target daw niyang mas maging visible sa mga beauty pageants sa ‘Pinas.
“I would also like to expand my hosting portfolio here in my homeland… so I someday hope to be involved in Miss Universe Philippines and other Philippine based pageants,” sambit niya.
Mayroon pa ba siyang wish makatrabaho sa showbiz?
Esplika niya, “Actually, napakasuwerte ko kasi sa career ko na ito, nakasama ko na sa trabaho sina Ms. Gloria Romero, Eddie Garcia, Cherie Gil, Eva Darren, Marissa Delgado, Nanette Inventor, Alma Moreno, Dina Bonnevie, Tommy Abuel, Irma Adlawan, Mon Confiado, Piolo Pascual and a lot of other icons na ni sa panaginip ay hindi ko akalain na I’ll have the privilege of working with.
“Well, I’d love to experience working with the new breed of artists and also learn from them… hindi ba learning never stops at give and take rin ito… they learn from me and I learn from them.
“So, I’d love to work with Belle (Mariano) and Donny (Pangilinan), someday.”