• October 3, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 15th, 2026

Parehong wala ang parents nila sa civil wedding…Pagpapakasal ni BEA kay VINCENT, kumpirmadong natuloy na (ni: ROSE GARCIA) 

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LUNES pa lang ay kumalat na agad ang balita na natuloy na ang kasalang Bea Alonzo at Vincent Co.  

Hindi pa kami naniwala noong una dahil sa ilang pagkakataon na nga ba na nabalitang kasal nila, pero hindi natutuloy. Bukod pa sa ang talagang alam namin, nag-break na silang talaga after ng hindi natuloy na Spain wedding.

Pero ngayon, may ebidensiya na. May larawan na kunsaan, ang nagkasal sa kanila ay ang dating Senator na ngayon ay Makati Mayor na si Nancy Binay.

Sa pagkakaalam namin, parehong wala sa ginanap na civil wedding ang mga magulang nina Vincent at Bea. Ilang malalapit na kaibigan lang daw. Pero ngayon pa lang, may kutob na kami na ikakasal pa sila sa simbahan na posibleng engrande na.

In fairness, happy naman ang karamihan sa mga comment. Natutuwa ang mga netizens na pagkatapos ng lahat, sila pa rin ang nagkatuyan at nauwi pa rin sa kasalan.

So masasabing mahal talaga nila ang isa’t-isa.




Teka, may koneksiyon kaya ang nakarating sa amin na ang serye ni Bea sa GMA ay may deadline na dapat matapos na ang taping ng August o bago mag-August? 

***

Aubrey, first time na magbibida sa horror movie na ‘Rosario’

TRAILER pa lang ay may dating na at ang bagong horror movie ng Viva Films mula sa panulat at direksyon ni Roni S. Benaid, ang “Rosario.”

Hango sa ilang paniniwalang Filipino at palabas na sa mga sinehan simula August 5.

Ayon sa tradisyon, naglalagay ng rosaryo sa kabaong upang gabayan ang kaluluwa ng yumao patungo sa langit. Ngunit, kailangan itong putulin bago ilibing ang patay. Kapag hindi ito nagawa, pinaniniwalaang magdadala ito ng sumpang kamatayan sa mga naiwan—at ito mismo ang haharapin ni Beth.

Isang mapagmahal na kapatid, mapipilitang lapitan at harapin ni Beth si Ave, ang kanyang kapatid na hindi niya nakilala at nakasama sa paglaki. Pagtatagpuin sila dahil sa isang trahedya—ang pagpanaw ng kanilang ina. 

Habang nagluluksa ang pamilya, isang rosaryo ang ilalagay ng kanilang relihiyosong tiyahin sa loob ng kabaong. Ngunit sa gitna ng kanilang pagdadalamhati, makakalimutan ng pamilya ang huling hakbang ng ritwal. 

Si Beth ay gagampanan ni Aubrey Caraan, makakasama niya sina Meg Imperial, Bernadette Allyson, Rose Van Ginkel, Jairus Aquino at Lance Carr.

Ang “Rosario” ang kauna-unahang pagbibidahan ni Aubrey sa pelikula. At mula sa VIVA One, pinagkatiwalaan na rin ang loveteam nila ni Lance sa pelikula.

Dinagsa ang ‘Puregold OPM Con Generations 2026’…SB19, pinakahihintay at pinatunayang sila pa rin ang P-pop Kings (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA harap ng nag-uumapaw sa raming manonood sa Big Dome, muling itinampok ng Puregold OPM Con Generations 2026 ang pinakamalaki at pinakamasiglang pagdiriwang ng Original Pilipino Music (OPM), tampok ang ilan sa pinakamahuhusay at pinakasikat na pangalan sa industriya ng musika sa bansa.

Ginanap noong Hulyo 11 sa Smart Araneta Coliseum, muling pinabilib ng OPM Con ang mga tagasuporta’t manonood sa pambihirang pagtatanghal ng pinagsama-samang pinakamahuhusay na artistang OPM, isang pagdiriwang na tanging Puregold lamang ang makapaghahatid. 

Labis-labis ang pananabik ng publiko na bakas sa pagkaubos ng ang lahat ng tiket sa loob lamang ng dalawang araw.

Pinagsama ng Puregold OPM Con Generations 2026 ang mga haligi ng OPM at ang mga umuusbong na artista sa iisang entablado. Sa harap ng libo-libong tagahanga na dumagsa sa Big Dome, nagsilbing pagpupugay ang OPM Con sa mga musikero, awitin, at komunidad na patuloy na humuhubog sa OPM sa iba’t ibang henerasyon.

“The Big Dome has long been a home to some of OPM’ s most iconic acts and unforgettable performances, and seeing it come alive once again for Filipino music is something Puregold will always be proud of,” pahayag ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club Inc. 

“OPM has the power to bring generations together. Puregold is deeply grateful to the artists, fans, communities, partners, and everyone who helped turn this vision into a true historical moment for OPM).”

Pinangunahan ng SB19, Ben&Ben, Alamat,  Flow G, Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA, at XONARA ang sold-out concert, na nagpakita ng lawak at husay ng makabagong OPM. Mula P-pop, folk-pop, at alternative music hanggang hip-hop at contemporary pop. 

Pero inaasahan naman na ang pinakahihintay ng lahat ay ang performance ng P-pop Kings na binubuo nina Pablo, Josh, Ken, Justin at Stell. Na talaga namang nakabibingi ang hiyawan at palakpakan, na hindi talaga nagbabago ang kasikatan.

Siguradong nabitin ang A’TIN fandom dahil tatlong kanta lang ang grupo.  Pero mukhang nasulit naman ang last song nila na “Tatsulok” na kung saan naka-collab nila si Bamboo.

Ramdam na ramdam nga sa buong gabi ang diwang-komunidad na tatak na ng OPM Con. Nagtipon-tipon ang mga pamilya, magkakaibigan, at iba’t ibang fandom sa ilalim ng iisang bubong, pinag-isa ng pagmamahal sa musikang Pilipino anuman ang genre o henerasyong kinabibilangan. 

Mula sa unang pagtatanghal hanggang sa huling encore, hindi humupa ang enerhiya ng mga manonood sa kanilang malalakas na hiyawan, sabayang pag-awit, at walang sawang palakpakan.

Higit pa sa mga pagtatanghal, patunay rin ang makasaysayang konsiyerto sa patuloy na lumalakas na suporta ng mga Pilipino sa sariling musika at sa mga artistang nagbibigay-buhay rito. Ipinakita ng napakalaking bilang ng mga dumalo ang pagtanggap ng publiko sa OPM Con ngayong taon, at muling pinagtibay ang mahalagang gampanin ng OPM sa kulturang Pilipino at sa puso ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta rito.

Sa tatlong matagumpay na edisyon nito, patuloy na lumalago ang Puregold OPM Con kasabay ng industriya ng musikang Pilipinong buong pagmamalaki nitong sinusuportahan. Sa paglipas ng mga taon, isa na ito sa mga pangunahing platapormang nag-uugnay sa mga musikero, tagahanga, at mga nagmamahal ng musika. Habang patuloy na umuunlad ang musikang Pilipino, nananatiling nakatuon ang Puregold sa paglikha ng mga karanasang nagpapatibay sa ugnayang ito.

Umiinom sila na gamit ang dalawang straw…Instagram post nina SKY at KARINA, wild at parang unsanitary (ni: REY PINEDA) 

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PARANG hindi naman yata magandang tignan ang Instagram post nina Sky Quizon at Karina Bautista.

Makikita sa nabanggit na post Una may caption na ‘kung hindi tayo ganito, huwag nalang!’, umiinom si Karina na gamit ang dalawang straw. Ang isang straw ay subo naman ni Sky.

Kumbaga, nanggagaling ang sinisipsip ng aktor mula sa bibig ng aktres.  Medyo off yata, di ba?

Totoo namang maraming nakatutuwang collaboration ang tandem nila.  Marami rin silang napapasaya at napapakilig.

‘Yung mag-share sa isang straw medyo okay pang tignan, pero yung dadaan naman sa bibig ng iba, ibang klase na yon! 

Tingin niyo?      

Nagsimula ang tandem nina Sky at Karina dahil pareho silang produkto ng Pinoy Big Brother.

Nakilala sila bilang sina Brax at Bea sa “Viral Scandal” ng ABS-CBN series.

Kaya rin siguro na-maintain nila ang kanilang friendship. Wala namang kuwestiyon dun.

Kaya lang wala na ba silang maisip na content dahil para sa amin hindi kasi nakakakilig yung ginawa nila.     

Unsanitary kasi ang dating sa amin. Imagine, iinumin nung isa tapos sasaluhin nung isa.  

Nakakadiri, di ba? Iniinom ni Sky yung iniluwa ni Karina, ang wild!

Kadiring content naman yon!

Valenzuela, ipinagdiwang ika-52nd Nutrition Month

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA temang “Nutrisyon sa Kalikasan, Ating Pangalagaan!”, sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian ang mga aktibidad para sa ika-52nd Nutrition Month Celebration bilang suporta sa kampanya nito sa National Nutrition Council.

Ang paglulunsad ng iba’t ibang aktibidad ay ginanap sa Valenzuela City People’s Park Amphitheater sa pangunguna ng City Health Office (CHO) at Nutrition Unit upang itaguyod ang mabuting nutrisyon sa komunidad habang tinitiyak ang environmental sustainability sa food production.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng parada na pinamagatang “Nutri-Walk: Alaga sa Kalikasan, Kalusugan ng Mamamayan”, kasama ang Valenzuela City Jail Male Dormitory, Bureau of Fire Protection, tatlong carehouse: Bahay Pag-asa, Bahay Kalinga, Bahay Kanlungan, at mga batang Valenzuelano at kanilang mga magulang.

Binibigyang-diin ng pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong taon ang kahalagahan ng koneksyon sa pagitan ng nutrisyon at pangangalaga sa kapaligiran na nakatuon sa pagkilos sa klima.

Ang kampanyang ito ay nagtutulak sa pakikipagtulungan ng mga ahensya ng gobyerno, LGU, NGA, at mga organisasyon upang isulong ang environmentally sustainable food production, reduce food waste, at strengthen climate-resilient food systems in the community. 

Ang pamahalaang lungsod ay may ilang mga aktibidad sa pipeline ngayong buwan, kabilang ang mga nagtataguyod para sa natural food production, tulad ng paghahalaman ng gulay —Nutri Fest, Kusinerong Valenzuelano Cook-Off: Mula sa Taniman hanggang Hapag-Kainan, Usapang Nutrisyon sa Barangay, Gulayan sa Tahanan, Nutri-Corner: Nutri-Kalikasan Nook, at Pabasa sa Nutrition: Junior Barangay Nutrition Scholar.

Bilang isa sa mga haligi ng mabuting pamamahala, patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ang mga programa at inisyatiba na nagpoprotekta hindi lamang sa kalusugan at nutrisyon ng mga Valenzuelano, kundi pati na rin sa kapaligiran na nagpapanatili sa kanila. (Richard Mesa)

Abalos, pinabulaanan ang tsismis na nagbitiw sa puwesto si Herbosa dahil sa mga reklamo laban dito

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINABULAANAN ni Cabinet Secretary Benhur Abalos Jr., ang tsismis na nagbitiw sa kanyang puwesto si Health Secretary Ted Herbosa dahil sa mga reklamong may kaugnayan sa umano’y iregularidad sa P1.8 bilyong mobile clinic procurement program, mga isyu sa mga expired medicine, at paggamit umano ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program para sa layuning pampulitika.

Sinabi ni Abalos na may kinalaman sa operasyon sa kanyang (Herbosa) tuhod na nauwi nga sa pagsusumite nito ng kanyang letter of resignation .

“May nabasa kasi ako kanina. wala iyon… wala iyon. He’s just a good friend. Nagkaroon siya ng operation sa kanyang tuhod. Iyon nga, nandoon iyon sa kanyang letter of resignation na kanyang isinumite. There’s no truth to the rumor na sinasabing .. ganoon siya…,” ani Abalos.

Binisita aniya niya si Herbosa sa ospital. Kinamusta niya ang dating Kalihim sabay sabing “He is a good friend.”

Nauna rito, kinumpirma ng Malakanyang na nagbitiw na sa pwesto si Herbosa.

Idinahilan ni Herbosa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang kondisyon sa kalusugan.

“Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw bilang Kalihim ng Department of Health si Dr. Jose S. Pujalte Jr. baon ang malawak na karanasan at natatanging pamumuno bilang doktor, hospital administrator, guro at lingkod-bayan na may mahigit na tatlong dekada sa pagsusulong ng pampublikong pangkalusugan, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Tinanggap aniya ng Pangulo ang resignation letter ni Herbosa.

Sa kabilang dako, naging bahagi ng DOH si Dr. Pujalte Jr. taong 1991 at natapos ang kanyang orthopedic residency sa Philippine Orthopedic Center noong 1994. 

Nagtapos si Dr. Pujalte Jr. sa kursong medisina sa University of the Philippines College of Medicine at kalaunan ay nagtamo ng Master’s Degree sa Hospital Administration mula sa Ateneo Graduate School of Business. 

“Sa kanyang pagpasok sa DOH, inaasahang pangungunahan ni Dr. Pujalte Jr. ang ahensiya sa pagpapatuloy ng mga hakbang ni Pangulong Marcos Jr. upang higit na mapatatag ang healthcare system sa bansa, maisulong ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan at maisulong ang mabuting kalusugan para sa lahat,” ang sinabi ni Castro.

Samantala, sinabi naman ni Castro na hindi nabanggit ang patungkol sa mga kaso ni Herbosa at ang isinaalang-alang ng Pangulo ay ang kalusugan ng dating Kalihim. 

(DARIS JOSE)

Malakanyang, tiniyak na makaaabot ang agarang tulong sa flood-hit areas sa BARMM

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABI ng Malakanyang na titiyakin ng gobyerno na agad na makaaabot ang tulong sa mga komunidad na apektado ng malawakang pagbaha sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi ng Office of the Special Assistant to the President na inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensiya ngpamahalaan na manatiling makipag-ugnayan sa BARMM government sa gitna ng disaster response at relief operations.

“The Marcos Jr. administration continues to maintain close coordination with the BARMM Government as disaster response, rescue, and relief operations remain ongoing across the region,” ayon sa tanggapan ni Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr. 

Ayon kay Lagdameo, mahigit isang libong emergency responders ang dineploy para tumulong sa mga apektadong komunidad.

Kabilang sa mga dineploy ang mga team mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), at regional responders.

“In a unified effort to protect displaced families and ensure public safety, more than a thousand emergency responders, including personnel from the Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, and regional responders, have been fully deployed and sustained to assist affected communities, secure vital resources, and mitigate the impact of the calamity,” ang winika ni Lagdameo.

Samantala mahigit naman sa 100,000 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha dahil sa malakas na pag-ulan na dala ni Bagyong Inday, at southwest monsoon (habagat) sa iba’t ibang lugar sa BARMM, ayon sa Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READi). (DARIS JOSE)

Dumayo ng Capas, Tarlac:PBBM, ininspeksyon ang National Academy of Sports 

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-inspkesyon sa state-of-the-art National Academy of Sports (NAS) facilities sa New Clark City Sports Complex, Capas, Tarlac.

Tanda ito ng mahalagang yugto para sa Philippine sports development.

Kasama ng Pangulo si Education Secretary Sonny Angara sa pag-inspeksyon, kung saan binigyang diin ng mga pasilidad ang commitment ng administrasyon na suportahan ang mga kabataang Filipino student-athletes sa pamamagitan ng world-class training venues at cutting-edge academic infrastructure.

Nakasalamuha naman ng Pangulo ang mga kabataang atleta mula sa iba’t ibang isport sa kanyang pag-inspeksyo sa mga pasilidad.

“We are immensely proud to see how this institution has grown into a premier hub that bridges elite athletic training and quality academic education for our youth. Under the leadership of President Marcos, we will continue to enhance these spaces to produce champions who will proudly represent the Philippines on the global stage,” ang sinabi ni Angara.

“It is a big honor and privilege for our student learners to have a chance to meet His Excellency, President Ferdinand Marcos. Batid namin kung gaano kalaki ang pagpapahalaga at suporta na binibigay ni Pangulong Marcos para sa ating mga pambansang atleta at mga kabataang nasa larangan ng sports,” ang sinabi naman ni Associate Professor Francis Carlos Diaz, NAS Executive Director.

Sa kabilang dako, itinatag ang National Academy of Sports (NAS) sa ilalim ng Republic Act No. 11470 para i- institutionalize ang isang pangunahing pang-edukasyon at athletic pathway para sa mga ‘gifted young Filipino.’

“The visit highlights the administration’s aggressive push to modernize grassroots sports infrastructure and showcases how the academy’s holistic support system is already producing champion-caliber results,” ayon sa DepEd.

Makikita sa data na nagbigay ng subsidiya ang pasilidad sa isang learner population na 246 elite student-athletes para sa School Year 2026–2027, na may core disciplines na espesyalita sa pagsasanay sa pitong foundational sports gaya ng aquatics, athletics, badminton, gymnastics, judo, table tennis, at taekwondo.

Sa pag-iikot, ininspeksyon ng mga opisyal ang ganap na operational na Phase 1 buildings, kung saan matatagpuan ang Academic and Administration Building at isang highly equipped na Multi-Sports Gymnasium.

Nirepaso rin ng mga ito ang Phase 2 developments, kasalukuyang nasa 98%, nagtatampok sa modernong Gymnastics Hall, isang Sports Performance Building, at komprehensibong staff at student residences.

Para sa 2026–2027 School Year, nakahanda ang akademya na suportahan ang 246 student-athletes na maging dalubhasa sa foundational sports gaya ng aquatics, athletics, badminton, gymnastics, judo, table tennis, at taekwondo.

Ang NAS program offers ay nag-aalok ng holistic support system, nagbibigay sa mga mag-aaral ng 24/7 care, dormitory housing, full daily meals at snacks, strength at conditioning support, at monthly personal allowance na P3,000.

“To maintain this intensive environment, the NAS workforce includes 174 dedicated personnel, including full-time faculty, program heads, and specialized coaches. This investment has already yielded results, with NAS athletes securing 1,029 medals in national and international competitions in 2025, ayon sa ulat.

“Most recently, the academy hauled in 26 medals—including 10 gold, 5 silver, and 11 bronze—during the 2026 Palarong Pambansa, demonstrating the rapid growth and elite standard of its sports program,” ayon pa rin sa ulat.

Samantala, kapwa naman matatag ang Department of Education at NAS sa kanilang shared mission na pag-develop sa world-class student-athletes habang pinangangalagaan ang future leaders ng bansa. ( DARIS JOSE)

SEGURIDAD NI MARCOLETA SA PGH, HINIGPITAN

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAHIGPIT ang naging seguridad kay Senator Rodante Marcoleta nang dumating kahapon ng tanghali sa Philippine General Hospital (PGH) para sa kanyang medical examination check up.

Guwardiyado ang senador ng mga tauhan ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) sa pangunguna ni CIDG-NCR Chief Col.John Guiagui nang dumating ito sa nasabing pagamutan sakay ng isang coaster.

Siya ay naka-wheelchair, protective vest at detainee shirt pero paglilinaw ni Guiagui , bahagi lamang ito ng precautionary measures upang walang masamang mangyari sa senador.

Ang pagsailalim sa medical examination kay Senator Marcoleta ay alinsunod na rin sa kautusan ng Sandiganbayan Third Division upang malaman kung kinakailangan pa niyang manatili sa PNP General Hospital at kung may kakayahan siyang humarap sa Korte bukas.

Upang maiwasan naman ang posibleng epekto sa ibang mga pasyente, nauna nang sinabi ng pamunuan ng pagamutan na naging mahigpit sila sa mga media habang isinasagawa ang pagsusuri sa senador.

Paliwanag ni PGH Director Gerardo Legaspi , pangunahing konsiderasyon nila ang kapakanan ng mga pasyente kaya dapat limitahan ang galaw sa loob ng ospital.

Una na ring sinabi ng pamunuan ng PGH na tanging ang Sandiganbayan lamang ang makakapagbigay ng mga detalye at impormasyon sa ginawang pagsusuri.

Inaasahan namang haharap sa Sandiganbayan ang mga doktor na sumuri kay Sen.Marcoleta bukas ng 8:30 ng umaga upang ipaliwanag ang resulta ng isinagawang medical evaluation.

 (Gene Adsuara)

Conor McGregor handa muling lumaban kapag gumaling na ang kaniyang injury sa kanang tuhod

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPAHIWATIG muli na lalaban sa Octagon si Irish mixed martial arts Conor McGregor kapat tuluyan ng gumaling ang kaniyang kanang tuhod.

Natamo nito ang nasabing injury sa pagkatalo niya kay Max Hollowa sa loob ng 69 segundo ng kanilang UFC 329 sa Las Vegas.

Nagkaroon ng maling pagdapo ng kaniyang kaniyang hita ng magsagawa ng roundhouse kick sa simula ng laban.

Sa kaniyang social media post ay handa na itong lumaban muli basta tuluyan na itong makapag recover.

England, umabante sa World Cup Semifinals matapos padapain ang Norway

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKAMIT ng England ang puwesto nito para sa inaasam na semifinals ng FIFA World Cup matapos talunin ang Norway, 2-1, sa isang dikit na quarter-final match na umabot pa sa over time.

Umabot pa sa tabla ang laro, 1-1, matapos ang 90 minutong sagupaan ng dalawang koponan. Naunang umiskor ang Norway sa ika-36 minuto nang magpakawala si Andreas Schjelderup ng isang napakagandang tira na nagbigay ng unang kalamangan sa kanilang koponan.

Pinagunahan naman ni Jude Bellingham ang England matapos magtala ng dalawang goal na nagdala sa Three Lions sa kanilang ikatlong World Cup semifinal appearance mula noong 1966.

Sa extra time, tatlong minuto pa lamang ang lumilipas nang muling sumiklab ang opensa ng England. Nagpakawala si Morgan Rogers ng isang long-range shot sa goal ng Norway.