• August 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dinagsa ang ‘Puregold OPM Con Generations 2026’…SB19, pinakahihintay at pinatunayang sila pa rin ang P-pop Kings (ni: ROHN ROMULO) 

SA harap ng nag-uumapaw sa raming manonood sa Big Dome, muling itinampok ng Puregold OPM Con Generations 2026 ang pinakamalaki at pinakamasiglang pagdiriwang ng Original Pilipino Music (OPM), tampok ang ilan sa pinakamahuhusay at pinakasikat na pangalan sa industriya ng musika sa bansa.

Ginanap noong Hulyo 11 sa Smart Araneta Coliseum, muling pinabilib ng OPM Con ang mga tagasuporta’t manonood sa pambihirang pagtatanghal ng pinagsama-samang pinakamahuhusay na artistang OPM, isang pagdiriwang na tanging Puregold lamang ang makapaghahatid. 

Labis-labis ang pananabik ng publiko na bakas sa pagkaubos ng ang lahat ng tiket sa loob lamang ng dalawang araw.

Pinagsama ng Puregold OPM Con Generations 2026 ang mga haligi ng OPM at ang mga umuusbong na artista sa iisang entablado. Sa harap ng libo-libong tagahanga na dumagsa sa Big Dome, nagsilbing pagpupugay ang OPM Con sa mga musikero, awitin, at komunidad na patuloy na humuhubog sa OPM sa iba’t ibang henerasyon.

The Big Dome has long been a home to some of OPM’ s most iconic acts and unforgettable performances, and seeing it come alive once again for Filipino music is something Puregold will always be proud of,” pahayag ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club Inc. 

OPM has the power to bring generations together. Puregold is deeply grateful to the artists, fans, communities, partners, and everyone who helped turn this vision into a true historical moment for OPM).”

Pinangunahan ng SB19, Ben&Ben, Alamat,  Flow G, Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA, at XONARA ang sold-out concert, na nagpakita ng lawak at husay ng makabagong OPM. Mula P-pop, folk-pop, at alternative music hanggang hip-hop at contemporary pop. 

Pero inaasahan naman na ang pinakahihintay ng lahat ay ang performance ng P-pop Kings na binubuo nina Pablo, Josh, Ken, Justin at Stell. Na talaga namang nakabibingi ang hiyawan at palakpakan, na hindi talaga nagbabago ang kasikatan.

Siguradong nabitin ang A’TIN fandom dahil tatlong kanta lang ang grupo.  Pero mukhang nasulit naman ang last song nila na “Tatsulok” na kung saan naka-collab nila si Bamboo.

Ramdam na ramdam nga sa buong gabi ang diwang-komunidad na tatak na ng OPM Con. Nagtipon-tipon ang mga pamilya, magkakaibigan, at iba’t ibang fandom sa ilalim ng iisang bubong, pinag-isa ng pagmamahal sa musikang Pilipino anuman ang genre o henerasyong kinabibilangan. 

Mula sa unang pagtatanghal hanggang sa huling encore, hindi humupa ang enerhiya ng mga manonood sa kanilang malalakas na hiyawan, sabayang pag-awit, at walang sawang palakpakan.

Higit pa sa mga pagtatanghal, patunay rin ang makasaysayang konsiyerto sa patuloy na lumalakas na suporta ng mga Pilipino sa sariling musika at sa mga artistang nagbibigay-buhay rito. Ipinakita ng napakalaking bilang ng mga dumalo ang pagtanggap ng publiko sa OPM Con ngayong taon, at muling pinagtibay ang mahalagang gampanin ng OPM sa kulturang Pilipino at sa puso ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta rito.

Sa tatlong matagumpay na edisyon nito, patuloy na lumalago ang Puregold OPM Con kasabay ng industriya ng musikang Pilipinong buong pagmamalaki nitong sinusuportahan. Sa paglipas ng mga taon, isa na ito sa mga pangunahing platapormang nag-uugnay sa mga musikero, tagahanga, at mga nagmamahal ng musika. Habang patuloy na umuunlad ang musikang Pilipino, nananatiling nakatuon ang Puregold sa paglikha ng mga karanasang nagpapatibay sa ugnayang ito.