• October 3, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 14th, 2026

Naglabas ng resibo ang VAA na talagang nag-audition…ATASHA, aabangan kung mabibigyan ng hustisya ang iconic role ni NORA (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TILA may bagong nagpapatibok sa puso ng singer at aktres na si Maris Racal.

Kumakalat ngayon sa halos lahat ng social media platforms ang photos ni Maris kasama ang isang mystery guy.

Hindi maitatatwang itinatago ang pagkakakilanlan sa lalake dahil ang mga kuha ng mga larawan ay hindi ito nakaharap sa kamera.

Kung hindi ito nakaharap kay Maris, nakatagilid ang mga shots.

Pero sa mga kuhang larawan mababakas ang pagiging sweet nila sa isa’t isa. At tila kumportable naman ang aktres.

Base sa mga larawang kumakalat, mukhang foreigner ang guy. Kasi mapapansin pa rin na hindi ito hitsurang pinoy.

Wala naman din sigurong masama kung magkaroon man ng panibagong pag-ibig si Maris.

Afterall, dalawang taon na rin naman itong single.  Nagtapos ang halos limang taong pagsasama nina Maris at ni Rico Blanco.

Noong july 2024, isinapubliko ng aktres ang paghihiwalay nila ng nasabing frontman ng dating bandang Rivermaya.     

Walang malinaw na dahilan kung bakit tinapos Maris ang nasabing relasyon.     

Isang bagay lang ang binaggit nito, nag-iba na raw kasi ang kanyang gustong tahaking buhay at nagbago na rin ang kanyang mga priorities.

Well, isa lang ang masasabi natin diyan. Buntot mo hila mo!

Sana nga lang matagpuan na niya ang lalaking talagang magbibigay sa kanya nang tunay na kaligayahan!

***

INUULAN ng batikos ang pagkaka-cast ni Atasha Muhlach para sa lead role ng “Bongga Ka, ‘Day! The Annie Batungbakal Musical”.

Ayon sa mga negatibong mensahe may mga nagsasabing dahil anak daw ito ng celebrity couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales, kung kaya’t dito napunta ang nasabing role. 

Dahil dito, naglabas naman ng resibo ang Viva Artists Agency ng audition video ni Atasha.  Kumbaga, ang role ay hindi ibinigay kay Atasha, nag-audition ito para sa role.

Baka nga naman outstanding ang ginawang audition video ng aktres at dating host ng ‘Eat Bulaga.’

Ang tanong lang namin, talaga bang nakakakanta si Atasha?     

Kung sa pagsayaw kasi nakita naman natin may ibubuga naman ito.     

Iconic ang role na ito. Kasi ito yung kanta na pinasikat ng legendary band na Hotdog nung 1979.

Sana nga lang, hindi nagkamali ang VAA sa pagpili kay Atasha. 

At sana rin mabigyan niya ng hustisya ang role na ginampanan ng namayapang Superstar at National Artist na si Nora Aunor nung gawin itong pelikula.

Pinaghahandaan na ang pagiging ‘Golden Boy’…YUL, nagpasalamat kay PIOLO dahil sa walang kupas na pagkakaibigan (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA Facebook post ng magaling na aktor at public servant na si Yul Servo ibinahagi niya ang paghahanda sa pagiging “Golden Boy” sa pamamagitan ng isang fitness journey.

Nitong Hulyo 12, 2026, makikita larawan ng matalik na kaibigang aktor na si Piolo Pascual, na naka-topless at may gym equipments.

May caption ito na: “Road to 50. No shortcuts. Just consistency. Day 1.”

Sa February 22, 2027 ang 50th birthday ng dating Manila Vice Mayor.Maging si Piolo pala ay magsi-celebrate ng kanyang 50th birthday sa January 12, 2027. 

Isang buwan lang halos ang pagitan ng kanilang kaarawan. For sure kayang-kayang ma-achieve ang pagiging fit tulad ng katawan ni Papa P.

Bukod sa pagiging premyadong aktor si Yul, mahusay rin siyang metal visual artist.At kanyang isa pang Facebook page na “Yul Servo Nieto-Artist” ay i

sa nga si Piolo sa mga pinasalamatan ni Yul dahil nagtiwala sa kanya ang Kapamilya actor. Ibinahagi rin niya ang larawan na magkasama sila ni Papa P.“Salamat tol, sa tiwala. Isang karangalan na ako ang napili para likhain ang artwork ng napakagandang lugar na ito,” pahayag ni Yul.

Dagdag mensahe pa niya, “Halos isang dekada man ang lumipas, walang kupas ang pagkakaibigan. Parang kahapon lang ang huli nating pagkikita.

Maraming salamat tol.” Marami naman ang natuwa at bumati kay Yul at siguradong aabangan kung anong klaseng obra ang lilikhain niya para sa lugar na pag-aari ni Piolo.

‘Player of the Match’ at Rank 16 sa football tournament…JUDY ANN, proud na proud sa latest achievement ni LUCHO (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PROUD na proud si Judy Ann Santos sa latest achievement ng kanyang unico hijo na si Lucho Agoncillo dahil nakamit nito ang ‘Player of the Match’ at Rank 16 sa football tournament na sinalihan sa Spain.

Sa Instagram post ni Juday, makikita ang series of photos na kuha sa football competition.

Masisilayan din ang isang photo na kasama ni Lucho ay kanyang very supportive parents na sina Judy Ann at Ryan Agoncillo.Punum-puno nga ng madamdaming mensahe ang post ni Juday para sa anak, na kung saan maririnig din awiting “My Heart My Son” ni Layla Hudson…

Panimula ng premyadong aktres, “My dearest boy…mama’s heart couldn’t be more prouder of you.. watching how you pour your heart, energy and dedication into every game…

“YOU ARE AMAZING! you are amazing in many, many ways…being named ‘player of the match’, for your team to rank 16 out of 70+ international teams.. you’ve come a long way my love.” 

Dagdag mensahe pa niya sa anak, “But you know what I love the most? It’s the tight hugs and kisses you give me and dada every after game… the way you still kiss your sisters on their forehead everytime you see them, makes me more prouder of the man your becoming to be.” 

Ipinakita rin ni Juday kay Lucho na palaging silang nakasuporta sa anumang pinapangarap niya sa buhay. 

“My love.. go and chase your dreams, we will support you no matter what.. as long as you want me to cook rice (kanin is life) adobo and salpicao for you and do your laundry for every tournaments such as this, I will do so with a very happy heart.

“You will always be mama’s favorite son. I love you to the moon and back a thousand times and beyond,” 

Maraming celebrities din ang natuwa at bumati sa achievement na ito ni Lucho.

Komento ni Gladys Reyes, “Yey! Congrats Lucho!! You are getting more handsome. Congrats as well to the supportive and loving parents @officialjuday and @ryan_agoncillo”Say ni Ciara Sotto, “Super proud of Kuya Lucho!!!! Congrats to him and to you and Ry!!!! [red heart emojis] we love you guys!!!! Thanks for looking out for Crix always! [smiling face with heart eyes emojis],” komento ni Ciara Sotto.

Sabi naman ni Iza Calzado, “Congratulations to the MVP, Lucho, and to the very proud parents!!!! [red heart emojis]”

Bumati rin ni Ogie Alcasid, Marian Rivera at iba pang artista.

Congrats Lucho!

Sinner at Zverev maghaharap sa finals ng Wimbledon

Posted on: July 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGHAHARAP sa finals ng Wimbledon men’s singles sina Jannik Sinner at Alexander Zverev.

Tinalo ni Sinner si Novak Djokovic sa semifinals sa score na 6-4, 6-4, 6-4 .

Habang ang French Open champion na si Zverev ay tinalo sa British tennis player Arthur Fery sa score na 7-6 (7/0), 6-2, 6-4.

Ito na ang pangalawang finals ng Wimbledon ni Sinner kung saan target nitong makamit ang ikalimang Grand Slam title.

Habang ito ang unang pagkakataon na makakapaglaro sa finals si Zverev at target nitong makamit ang pangalawang major title.

Siyam na beses na tinalo ni Sinner si Zverev sa kanilang paghaharap sa iba’t-ibang torneo kasama na dito ang apat na pagkakataon na tinalo nito ngayong taon.

England, umabante sa World Cup Semifinals matapos padapain ang Norway

Posted on: July 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKAMIT ng England ang puwesto nito para sa inaasam na semifinals ng FIFA World Cup matapos talunin ang Norway, 2-1, sa isang dikit na quarter-final match na umabot pa sa over time.

Umabot pa sa tabla ang laro, 1-1, matapos ang 90 minutong sagupaan ng dalawang koponan. Naunang umiskor ang Norway sa ika-36 minuto nang magpakawala si Andreas Schjelderup ng isang napakagandang tira na nagbigay ng unang kalamangan sa kanilang koponan.

Pinagunahan naman ni Jude Bellingham ang England matapos magtala ng dalawang goal na nagdala sa Three Lions sa kanilang ikatlong World Cup semifinal appearance mula noong 1966.

Sa extra time, tatlong minuto pa lamang ang lumilipas nang muling sumiklab ang opensa ng England. Nagpakawala si Morgan Rogers ng isang long-range shot sa goal ng Norway.

Samantala, matapos ang kanilang makasaysayang laro haharapin ng England ang Argentina sa susunod na laban na nagtala ng 3 goal matapos talunin ang Switzerland.

Alex Eala hindi magsasawang irepresent ang Pilipinas sa mga international tournaments

Posted on: July 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LABIS ang kasiyahan ni Pinay tennis star Alex Eala sa patuloy na mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga Filipino.

Sa kanyang pagbisita sa Palasyo ng Malakanyang ay hindi niya lubos na maabot ang kasikatan na kaniyang tinatamasa ngayon.

Hindi aniya ito magsasawa na dalhin ang watawat ng Pilipinas saan mang international tournaments.

Pagtitiyak nito ay gagawin niya ang lahat ng mga makakaya para magtagumpay sa mga international tennis tournament.

Nasa Pilipinas ngayon si Eala matapos ang kaniyang paglalaro sa Wimbledon kung saan susunod pagsabak niya ay sa US Open sa mga susunod na linggo.

Video ng mga menor-de-edad na may hawak na baril at patalim sa Caloocan, viral sa social media

Posted on: July 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KAAGAD inatasan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili ang Caloocan City Police Station na magsagawa ng imbestigasyon, kaugnay sa nag-viral sa social media na video ng mga menor-de-edad na lalaki na ipinangangalandakan ang hawak na baril at patalim habang nagmumura at may binabanggit na pangalan na nangyari kamakailan sa Barangay 12, Lungsod ng Caloocan.

Sa inilabas na kalatas ng Caloocan Police Station, nakasaad na batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga magulang ng mga menor-de-edad na lalaki, kagagawan umano ng isang indibiduwal na nananakot at humihingi ng pera sa kanila, kapalit na hindi pagpo-post sa online ng naturang video.

Bukod sa pamilya ng mga kabataan, pinulong din ng kapulisan ang mga opisyal ng Barangay 12 sa Dagat-dagatan upang matiyak ang kaligtasan ng mga menor-de-edad at maiwasan ang paglala ng sitwasyon.

Inireport na rin ni Col. Joey Goforth, hepe ng Caloocan police kay BGen. Capili na kontrolado na sa ngayon ang sitwasyon habang sinisiyasat pa nila ang umano’y ginagawang pananakot at pangingikil ng nag-upload umano ng video sa pamilya ng mga menor-de-edad para sa posibleng pagsasagawa ng legal na aksiyon.

Nagbabala rin ang pulisya sa publiko na iwasang ipakalat o i-share pa ang hindi beripikadong impormasyon at hayaan silang pangasiwaan ang ganitong uri ng insidente na nababatay sa umiiral na batas. 

(Richard Mesa)

Abalos, pinabulaanan ang tsismis na nagbitiw sa puwesto si Herbosa dahil sa mga reklamo laban dito

Posted on: July 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINABULAANAN ni Cabinet Secretary Benhur Abalos Jr., ang tsismis na nagbitiw sa kanyang puwesto si Health Secretary Ted Herbosa dahil sa mga reklamong may kaugnayan sa umano’y iregularidad sa P1.8 bilyong mobile clinic procurement program, mga isyu sa mga expired medicine, at paggamit umano ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program para sa layuning pampulitika.

Sinabi ni Abalos na may kinalaman sa operasyon sa kanyang (Herbosa) tuhod na nauwi nga sa pagsusumite nito ng kanyang letter of resignation .

“May nabasa kasi ako kanina. wala iyon… wala iyon. He’s just a good friend. Nagkaroon siya ng operation sa kanyang tuhod. Iyon nga, nandoon iyon sa kanyang letter of resignation na kanyang isinumite. There’s no truth to the rumor na sinasabing .. ganoon siya…,” ani Abalos.

Binisita aniya niya si Herbosa sa ospital. Kinamusta niya ang dating Kalihim sabay sabing “He is a good friend.”

Nauna rito, kinumpirma ng Malakanyang na nagbitiw na sa pwesto si Herbosa.

Idinahilan ni Herbosa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang kondisyon sa kalusugan.

“Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw bilang Kalihim ng Department of Health si Dr. Jose S. Pujalte Jr. baon ang malawak na karanasan at natatanging pamumuno bilang doktor, hospital administrator, guro at lingkod-bayan na may mahigit na tatlong dekada sa pagsusulong ng pampublikong pangkalusugan, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Tinanggap aniya ng Pangulo ang resignation letter ni Herbosa.

Sa kabilang dako, naging bahagi ng DOH si Dr. Pujalte Jr. taong 1991 at natapos ang kanyang orthopedic residency sa Philippine Orthopedic Center noong 1994. 

Nagtapos si Dr. Pujalte Jr. sa kursong medisina sa University of the Philippines College of Medicine at kalaunan ay nagtamo ng Master’s Degree sa Hospital Administration mula sa Ateneo Graduate School of Business. 

Noong 20028 kinilala rin bilang Career Executive Service Eligible, isang patunay ng kaniyang kakayahan at kahandaan sa parehong larangan ng paggamot at public administration. 

Nagsilbi rin siyang guro sa University of the Philippines-Manila, FEU Nicanor Reyes Medical Foundation at San Beda College of Medicine.

“Sa kaniyang pagpasok sa DOH, inaasahang pangungunahan ni Dr. Pujalte Jr. ang ahensiya sa pagpapatuloy ng mga hakbang ni Pangulong Marcos Jr. upang higit na mapatatag ang healthcare system sa bansa, maisulong ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan at maisulong ang mabuting kalusugan para sa lahat,” ang sinabi ni Castro.

Sa ulat, sinabi di umano ni Herbosa na kailangan niyang sumailalim sa tatlo hanggang apat na buwan na extensive rehabilitation matapos ang isang kamakailang medical procedure.

Sinabi pa umano ni Herbosa na “I find it unfair that I will not be able to devote my full time and effort to important matters of the DOH.”

Matatandaang itinalaga si Herbosa bilang kalihim ng DOH noong 2023 matapos magsilbi bilang isa sa mga pangunahing public health adviser ng administrasyong Marcos.

Mariin namang itinanggi ni Herbosa ang anumang gawain, habang iginiit ng DOH na ang mga programa nito ay sumusunod sa umiiral na mga regulasyon ng pamahalaan at layuning mapabuti ang serbisyong pangkalusugan.

Samantala, sinabi naman ni Castro na hindi nabanggit ang patungkol sa mga kaso ni Herbosa at ang isinaalang-alang ng Pangulo ay ang kalusugan ng dating Kalihim. 

(DARIS JOSE)

PBBM, bumisita sa Camiguin General Hospital, sinuri ang pagpapatupad ng Zero Balance Billing

Posted on: July 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINISITA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Lunes ang Camiguin General Hospital upang tiyaking nakatatanggap ang mga mamamayan ng libre o abot-kayang serbisyong pangkalusugan.

Sa kanyang pagbisita, ininspeksyon ng Pangulo ang operasyon ng emergency room at internal medicine ward ng ospital.

Sinuri rin niya kung paano ipinatutupad ang Zero Balance Billing (ZBB) upang matiyak na walang babayarang gastusin ang mga kuwalipikadong pasyente.

Bahagi ang pagbisitang ito ng Pangulo ng patuloy na pagsisikap ng administrasyon na tugunan ang mga suliranin sa sistema ng kalusugan sa bansa, kabilang ang kakulangan ng access sa mahahalagang serbisyong medikal, lalo na sa mga liblib at mahihirap na lugar, at ang mataas na gastos sa pagpapagamot na direktang binabayaran ng mga pasyente.

Matatandaang inatasan ng Pangulo ang Department of Health (DOH), sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at PhilHealth, na palakasin ang mas direkta at mas episyenteng paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng pinagsama-samang primary care providers at healthcare networks.

Mula Hulyo 2025 hanggang Mayo 2026, gumastos ang pamahalaan ng PhP67 bilyon upang pondohan ang pagpapagamot ng 2.76 milyong pasyente sa ilalim ng Zero Balance Billing scheme.

Simula ngayong buwan, ipinatutupad na rin ang ZBB sa mga lokal na ospital sa mga lalawigan ng Sarangani, Laguna, Aklan, Bataan, Batangas, at Quezon.

Mula naman Enero hanggang Mayo ngayong taon, 1.3 milyong pasyente ang nakinabang sa Medical Assistance to Indigents and Financially Incapacitated Patients Program (MAIFIP).

Patuloy ding isinusulong ng administrasyon ang iba pang programang pangkalusugan tulad ng Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP), kung saan 26.10 milyong Pilipino na ang nakarehistro sa 4,374 YAKAP providers sa buong bansa.

Samantala, ang isa pang proyekto na Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) Centers ay nakapagbigay na ng serbisyo sa 2.07 milyong pasyente mula Marso 2024 hanggang Hunyo 2026.

Sa kasalukuyan, may 63 BUCAS Centers na sa buong bansa.

Ang Camiguin General Hospital, na matatagpuan sa Mambajao, Camiguin, ay isang Level 1 General Hospital sa ilalim ng DOH. Mayroon itong 105-bed capacity at 593 health personnel.

Nagbibigay ang ospital ng outpatient at inpatient services, kabilang ang general surgery, orthopedics, obstetrics, at gynecology. ( DARIS JOSE)

PBBM, biyaheng Singapore bukas para sa 3-day working visit- Malakanyang 

Posted on: July 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INANUNSYO ng Malakanyang na biyaheng Singapore ngayong Hulyo 14 si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa 3 -day working visit kasama si First Lady Liza Marcos. 

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang iskedyul ng Pangulo sa biyahe niyang ito ay mula Hulyo 14 hanggang 16.

Magiging bahagi ng biyahe ng Pangulo ang pagsusulong ng mas matatag na bilateral relations ng Pilipinas at ng Singapore na susunod na ASEAN Chair.

Sa kabilang dako, kasama sa itinerary ng Chief Executive ang courtesy call kay Singapore Prime Minister Lawrence Wong na dito ay mapag-uusapan ang kooperasyon sa larangan ng trade and investment, environment and health at regional and global development. 

May partisipasyon din ang Pangulo sa round table discussion kasama ang mga business leaders.

Samantala, ang meeting ng Pangulo sa lider ng mga negosyante sa Singapore ay magaganap kasunod ng pagkilala sa Pilipinas bilang Upper Middle income country. ( DARIS JOSE)