• October 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 6th, 2026

DOE: P10 fuel subsidy sa PUVs, tuloy

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) na kahit bumababa na ang presyo ng mga produktong petrol­yo sa bansa ay patuloy pa rin ang pagpapatupad nila ng Fuel Subsidy Program para sa Public Utility Vehicles (PUVs) upang magbigay ng agarang tulong sa mga tsuper.

Sa ilalim ng programa, bumuo sila ng isang whole-of-government program kung saan makatatanggap ang mga kwalipikadong tsuper ng P10 diskwento kada litro ng diesel.

Maaari umanong makatanggap ang bawat driver ng hanggang 150 litro na limitasyon kada linggo o katumbas ng tinatayang P1,500 na lingguhang tipid na makatutulong upang mabawasan ang kanilang gastos sa operasyon at mapanatili ang kanilang kita sa araw-araw.

Sa kasalukuyan, mahigit 2,000 gasolinahan sa bansa ang kalahok na sa programa kaya’t mas maraming PUV drivers ang nabibigyan ng mas madali at mas malawak na access sa fuel subsidy saan man sila bumibiyahe.

Upang matukoy ang listahan ng mga gasolinahang kalahok sa programa ay maaaring bisitahin ang link na https://doe.gov.ph/…/3528092–fuel-subsidy-program. ( DARIS JOSE)

“Hindi natitinag ang suporta ng sambayanang Pilipino kay Alex Eala,” – Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINATI ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang Filipino tennis star na si Alex Eala sa huling naging panalo nito sa Wimbledon victory, saying ” her historic run has become a source of pride for the nation and an inspiration for young Filipinos to dream big.”

“Congratulations, Alex! Once again, you have made your kababayan proud. Sa bawat panalo mo, ipinapakita mo sa buong mundo ang husay, tapang, at determinasyon ng Pilipino,” ani Dy.

“You are not only winning matches—you are winning hearts around the world and inspiring countless young Filipinos to dream big and believe in what they can achieve.”

Siniguro rin ni Dy ang hindi natitinag na suporta ng sambayanang Pilipino sa susunod pa nitong mga laban sa Wimbledon.

“Laban lang, Alex! Kasama mo ang sambayanang Pilipino sa bawat hakbang ng makasaysayang kampanyang ito. Nandito kaming lahat, buong pusong sumusuporta sa’yo.” pagtatapos ni Dy.

(Vina de Guzman)

Pagkakaroon ng regional mental health rapid-response, isinulong ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISINUSULONG ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagkakaroon ng regional rapid-response network na binubuo ng mga mental health at child protection professionals kasunod na rin sa naganap na barilan sa San Jose National High School sa Tacloban City, bilang bahagi ng pagpapalawig na matulungan ang mga eskuwelahan na agad at mabilis na matugon laban sa karahasan, trauma at students in distress.

“Tatlo ang ating agarang direksyon. Una, bubuo tayo ng regional network ng mga volunteer psychologists, psychiatrists, guidance counselors, social workers at iba pang professionals na maaaring agad ma-deploy kapag may ganitong insidente,” pahayag ni Romualdez matapos makipagpulong sa mga opisyal mula sa Commission on Higher and Technical Education (CHED), Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Price Mansion sa Tacloban City nitong Lunes.

Sinabi ni Romualdez na ang network ay mayroong preventive education at mas malakas na koordinasyon sa pagitan ng mga government agencies, schools at local communities.

“Pangalawa, magsasagawa tayo ng regular na seminars para sa mga estudyante, magulang at guro tungkol sa mental wellness, child protection at violence prevention. Pangatlo, palalakasin natin ang koordinasyon ng lahat ng ahensya upang mas mabilis ang pagtugon kapag may mga batang nangangailangan ng tulong,” dagdag nito.

Nagpa-abot muli ito ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima ng nangyari sa San Jose National High School. “Bilang mga magulang at bilang isang bansa, nasaktan tayong lahat.”

Ang pagpupulong ay ipinatawag ni Romualdez sa mga naturang opisyal upang talakayin din ang tulong na ibibigay sa mga naapektuhan at magbuo ng mga karagdagang both assistance for those affected and measures to prevent upang hindi na maulit ang ganitong uri ng insidente.

“Kaya ipinatawag natin ang CHED, DepEd, DOH at DSWD upang pag-usapan kung ano ang maaari nating gawin—hindi lang para tumulong sa mga naapektuhan ngayon, kundi para maiwasan na maulit ang ganitong trahedya,” paliwanang nito.

“Responsibilidad din naming pagsama-samahin ang iba’t ibang sektor at tiyaking may sapat na suporta ang mga programa ng pamahalaan. Kapag may kakulangan sa batas o pondo, trabaho naming ayusin iyon,” dagdag ni Romualdez.

(VINA de GUZMAN)

8 indibidwal na wanted sa murder, nalambat sa Caloocan, Malabon

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HIMAS-REHAS ang walong indibidwal na pawang may kinakaharap na mabibigat na kaso ng pagpatay ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan at Malabon Cities.

Kaagad iniutos ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili sa kanyang mga tauhan ang pagtugis limang kelot na nasa edad 19, hanggang 24 makaraang maglabas ng warrant of arrest ang Malabon Regional Trial Court (RTC) Branch 180, para sa kasong Murder ng walang inilaang kaukulang piyansa laban sa mga suspek.

Hindi na nakapalag ang mga akusado na pawang residente ng Malabon City nang matunton ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) sa kanilang hideout sa Brgy. Kaunlaran, Caloocan City.

Tatlo pang akusado sa kasong Murder, kabilang ang 23-anyos na barbero, isang SK Kagawad, at 24-anyos na tambay, na pawang may warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 170 ng Malabon City ang natimbog naman ng mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission sa magkahiwalay na lugar sa Brgy. Potrero.

Ani Gen. Capili, ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng NPD laban sa mga wanted na indibidwal para tiyaking maihaharap sa hukuman ang mga taong may kinahaharap na mabibigat na kaso.

Patuloy niyang hinihikayat nang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng maagap na pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga taong pinaghahanap ng batas at iba pang kahina-hinalang gawain. 

(Richard Mesa)

No. 2 top most person sa kasong rape, nasilo sa Caloocan

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SHOOT sa hoyo ang 25-anyos na kelot na wanted sa kaso ng pangaggahasa matapos madakip ng pulisya sa pinaigting na manhunt operation sa Caloocan City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay kapwa nakatala bilang No. 2 sa Top Ten Most Wanted Person sa NPD at sa Caloocan City Police Station.

Isinagawa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Women and Children Protection Desk ng Caloocan Police ang joint operation laban sa akusado hanggang masukol siya sa Apitong St., Pleasant View, Bagbaguin, Brgy. 165,

Dinampot ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 131, Caloocan City, noong June 8, 2026.

Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth, walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility ng Caloocan Police habang hinihintay ang utos mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail. (Richard Mesa)

Nag-tie sina Will at Rico sa Best Supporting Actor… JERICHO at MARIS, tinanghal na Best Actor at Best Actress sa star-studded na ‘The 9th EDDYS’ (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGNINGNING ang Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts noong Linggo dahil mabituin ang ika-9 na edisyon ng Entertainment Editors’ Choice. 

Mas kilala ito bilang The Eddys, na nagsimula ng local film awards season, na muling nagbigay-parangal sa mga pelikula at artistang nagpakita ng husay sa pagbuo ng pelikulang Pilipino sa nakalipas na taon.

Inorganisa ito ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), kinilala ng The Eddys ang mga natatanging tagumpay sa paggawa ng pelikulang Pilipino sa 14 na kategoryang naglaban-laban.

Pitong natatangi at mahuhusay na pelikula ang nagtagisan para sa Best Picture at ang nag-uwi ng tropeo ay “Quezon” at nagwagi naman ng Best Director si Jerrold Tarog para sa “Quezon”.

Nagsilbing hosts sina Concert Queen Pops Fernandez at television host and broadcaster Kim Atienza, ang star-studded ceremony ay ididirek ni Calvin Neria.

Nagbukas ang gabi sa isang espesyal na production number mula kina Fred Moser at Kanata ng Pinoy Big Brother, kasama ang young cast ng advocacy drama na “I’mPerfect”.

Pukpukan ang naging labanan major acting awards. Nasungkit ni Jericho Rosales ang Best Actor para sa “Quezon”at wagi naman ng Best Actress si Maris Racal para sa “Sunshine”.

Sa supporting category, nag-tie sina Will Ashley (“Bar Boys: After School”) at Rico Blanco (“Manila’s Finest”) sa Best Supporting Actor. Si Rochelle Pangilinan naman ang tinanghal na Best Supporting Actress para sa “Child No. 2”.

Narito ang kumpletong listahan ng mga pinarangalan sa matagumpay na ika-9 edisyon ng The EDDYS:

BEST PICTURE: Quezon

BEST DIRECTOR: Jerrold Tarog (Quezon)

BEST ACTRESS: Maris Racal (Sunshine)

BEST ACTOR: Jericho Rosales (Quezon)

BEST SUPPORTING ACTOR: Rico Blanco (Manila’s Finest) & Will Ashley (Bar Boys: After School)

BEST SUPPORTING ACTRESS: Rochelle Pangilinan (Child No. 82)

BEST SCREENPLAY: Jerrold Tarog and Rody Vera (Quezon)

BEST PRODUCTION DESIGN: Monica Sebial (Quezon)

BEST CINEMATOGRAPHY: Moises M.M. Zee (Salvageland)

BEST EDITING: Benjamin Gonzales Tolentino (Sunshine)

BEST SOUND: Roy Santos and Neil Diokno (Manila’s Finest)

BEST VISUAL EFFECTS: Bien Michael Caralian, Vincent Cheng, Jimmy dela Cruz and Santelmo Studio (Shake, Rattle & Roll: Evil Origins)

BEST MUSICAL SCORE: Frederik Sandoval and Emerzon Texon (Manila’s Finest)

BEST THEME SONG: “Sandalan” (Manila’s Finest)

Ipinakita ng AKTOR PH chairman at founding president na si Dingdong Dantes ang mga patuloy na inisyatiba na binuo sa pakikipagtulungan sa SPEEd at Unilab.

Isang espesyal na pagtatanghal din ang inihatid ng up-and-coming young singer-songwriter na si Isha Ponti, habang ang Inspirational Diva na si Jamie Rivera ay naghatid ng emosyonal na song number para sa posthumous tribute segment, isang matinding bahagi ng programa na inaasahang magdadala ng panandaliang katahimikan sa gabi.

Nagsasara ang The 9th Eddys sa pagtatanghal ni Andrea Gutierrez at ng singer-songwriter na si David Young.

Inorganisa ng SPEEd, ang The Eddys ay nananatiling isa sa mga pinaka-respetadong award-giving bodies sa bansa na nakatuon sa pagkilala sa kahusayan sa paggawa ng pelikulang Pilipino.

Ang 9th Entertainment Editors’ Choice ay nabuo sa kolaborasyon ng SPEEd, Newport World Resorts, PlayTime Entertainment, at Echo Jham Productions, kasama ang Gold Sponsors Globe Telecom at Unilab Inc.; Silver Sponsors SoundCheck Inc. at Puregold CinePanalo Film Festival; at Major Sponsors Luxent Hotel, Luxxe White, Beautéderm Corporation, Isha Ponti, at PlayaLolita Beach Resort Hotel and Restaurant, A-List & Partners, Bait Lehem, Carmelo’s/Sweet Bella, Universal Robina Corp., Oatside at si Bambbi Fuentes.