• July 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

Transport NewsLasacmar

Posted on: June 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Manifesto inihain ng mga publishers sa LTFRB

NAGHAIN ng isang manifesto ang mga hanay ng publishers sa ilalim ng United Print and Multimedia Group (UPMG Phils) sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tungkol sa pagpapahinto ng paggamit ng mga pahayagan na may general circulation upang ilathala ang mga aplikasyon at abiso ng pagdinig kaugnay sa certificate of public convenience (CPC).
Tinanggap ng LTFRB ang nasabing manifesto noong May 29, 2026 kung saan nasasaad ang mga kahilingan at concerns ng mga publishers sa gagawin pagpapatupad ng Memorandum Circular Number 2026-35 o ang tinatawag na “Dispensing with the Newspaper Publication Requirement in Application for Certificate of Public Convenience.”
Nilagdaan ang nasabing circular memorandum noong May 12, 2026. Hindi naman tutol ang mga publishers sa nasabing circular kung ang layunin ay makakabuti sa publiko subalit dapat man lamang ay binigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng isang audience ang mga samahan ng hanay ng mga publishers upang dinggin at pakinggan ang kanilang opinyon. Nabigla na lamang ang kanilang samahan ng lumabas ang nasabing press release na hindi na kailangan ang paglathala ng mga notices at aplikasyon sa pahayagan.
“We were caught unaware of the forthcoming Memorandum Circular Number 2026-35. We have not received any information that the LTFRB had a plan to implement such rule. The LTFRB should have came up with a win-win solution where the public will benefit and at the same time we, the publishers, will remain in business. They have forgotten that employees of our publication will be affected,” saad ni president UPMG Vivienne Motomal.
Ayon kay Motomal hindi naman sila ang nagiging dahilan kung bakit minsan ay nababalam ng pagbibigay ng affidavit ng publication. Ito ay dahil na rin sa 7 days minsan binibigay ng LTFRB o ng operator ang notice na dapat ay 5 days bago ang hearing. Subalit kung nakuha agad ng publication sa tamang araw ay madali at agad itong may aksyon. Dagdag ni Motomal na minimal lamang naman ang binabayad ng mga operator kung sila ay magpapalathala sa kanilang mga pahayagan. Subalit kung babayad din ang isang operator sa paggamit ng mga portals o website sa paglathala ng mga notices ay mawawalang saysay din ang hangad ng pamahalaan na mabigyan ng libre at walang gastos ang publiko.
Sinabi ng LTFRB na maglalagay sila ng isang technology systems at iba pang digital platform upang magkaroon ng real-time, searchable, at accessible na impormasyon ang publiko. Dahil sa nasabing usapin ay humihingi pa rin ng audience ang mga publishers kay LTFRB chairman Vigor Mendoza II kahit lumabas na ang nasabing memorandum circular. Sa pagkakataong ito ay nais nilang maglabas ng mga saloobin at suhestyon kung mamarapatin ng pamunuan ng LTFRB sa pangunguna ni Mendoza. Nakalagay at nakasaad sa nasabing memorandum ay lahat ng aplikasyon na inihain sa Central Office at Regional Franchising and Regulatory Offices (RFROs) ay saklaw ang mga bagong CPCs, Extension of Validity of CPCs, Transfer of CPC, Modification/Amendments of CPC, Consolidation of CPC, Change of Name, Change of Party Applicant, at iba pang CPC na aplikasyon. (LASACMAR)

Ads June 3, 2026

Posted on: June 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Anne Hathaway and Ewan McGregor fight to survive the mysterious events in “The End of Oak Street,” from the acclaimed director of cult hit “It Follows”

Posted on: June 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments


CAN you survive Oak Street?

After a mysterious cosmic event rips Oak Street from suburbia and transports their neighborhood to someplace unknown, the Platt family soon discovers that their very survival depends on them sticking together as they navigate their now unrecognizable surroundings.

Anne Hathaway, Ewan McGregor, Maisy Stella (“My Old Ass”) and Christian Convery (“Sweet Tooth”) play the Platt family in “The End of Oak Street.” Directed by David Robert Mitchell, who received critical acclaim for cult horror hit “It Follows,” and co-produced by J.J. Abrams, “The End of Oak Street” opens only in cinemas and IMAX August 12. 

Watch the new trailer: https://youtu.be/W0lOiuHczk8 

Check out the new poster: 
About “The End of Oak Street”

After a mysterious cosmic event rips Oak Street from suburbia and transports their neighborhood to someplace unknown, the Platt family soon discovers that their very survival depends on them sticking together as they navigate their now unrecognizable surroundings.

Starring Anne Hathaway and Ewan McGregor, THE END OF OAK STREET also  stars Maisy Stella and Christian Convery. The film is written and directed by David Robert  Mitchell and produced by J.J. Abrams, Hannah Minghella, Jon Cohen, David Robert Mitchell, Matt Jackson and Tommy Harper. The executive producers are Chris Bender, Jake Weiner, Joanne Lee and Leeann Stonebreaker. 

Mitchell’s team behind the camera includes director of photography Michael Gioulakis, production designer Maya Shimoguchi, editor John Axelrad, composer Michael Giacchino and costume designer Erin Benach.  

Warner Bros. Pictures Presents A Bad Robot Production, A Jackson Pictures Production, A David Robert Mitchell Film: THE END OF OAK STREET. The film will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures, only in theaters and IMAX in North America on August 14, 2026, and internationally beginning 12 August 2026.

(ROHN ROMULO) 

All praises sa leading man na si JC: ALEXA, pumayag na sa kissing scene at love scene (ni: ROSE, GARCIA) 

Posted on: June 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

FIRST ever kissing scene pala at love scene na rin ni Alexa Ilacad ang bago niyang series sa iWant, ang “Miss Behave.”

Yun nga lang, after such a long time na she was in a loveteam on and off screen with KD Estrada, it’s JC Alcantara na masasabing naka-first base pa kay Alexa pagdating sa kissing at love scene.

All praises naman si Alexa sa kanyang leading man dahil nga first niya, kinakabahan siyang talaga, pero napaka-gentleman naman daw ni JC.

Ang “Miss Behave” ay may pagka-serious ang tema bilang sumasalamin ito sa nangyayari sa ilang campus bullying at sex scandal ng mga High School students.

We asked Alexa kung sakali at sa kanya nangyari in real life ang nangyari sa character, ramdam namin ang takot dito nang sabihin niya na, “hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Honestly, hindi ko alam.”

Magsisimula na itong mapanood sa iWant simula sa June 3. Kasama rin dito sina Xyriel Manabat, Reign Parani, Andi Abaya & Rans Rifol. 

Sa mga boys, kasama rin sina Akira Morishita, Raven Rigor, Zach Castañeda, LA Santos at Zach Guerrero. 

Directed by Andrew Payawal.

***

BELA, balitang ‘out’ na sa solid friendship nila ANGELICA at KIM

Kasabay halos ng mga naglalabasan na diumano’y may attitude si Bela Padilla, lalo na sa taping ng “Blood vs. Duty,” ang pagiging “out” na raw niya sa Ang Beki.

Yung akala mong sobrang solid ng friendship nilang tatlo nina Angelica Panganiban at Kim Chiu, dahil daw sa pangunguna ni Bela na i-announce na nagpa-frozen ng eggs si Kim, nagkasira na ang dalawa.

Although wala namang nagsasalita sa kanilang tatlo, ang kawalang interactions na nila partikular na sa Instagram ang nagiging source, lalo na ng mga fans.

Magkasunod na buwan din ng mag-birthday sina Kim at Bela, pero dedma, wala ng pa-Instagram greetings.

Pero wala rin duda na walang isyu sa pagitan nina Kim at Angelica dahil bukod sa nagkakasama sila, nagpapalitan din sila ng mga comment sa IG post nila.

Ang pinaka-recent nga ay ang may dump post ni Angelica.

So mukhang out na nga si Bela sa Ang Beki ha.

Nakatakda nang magpakasal kay Rico:PHOEBE, hindi iiwan ang showbiz pero iiwas na sa love scenes (ni: NONIE NICASIO) 

Posted on: June 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKATAKDANG magpakasal si Phoebe Walker sa boyfriend niyang DJ na si Rico Robles. 

Ito ay isang beach wedding na magaganap sa Boracay ngayong June 7. 

Nang nakapanayam namin ang aktres, inusisa namin siya kung kapag ba misis na siya, hindi niya iiwan ang showbiz?

Esplika ni Phoebe, “Hindi ko naman po iiwan ang showbiz, pero gusto ko na mag-start ng family. Also kaya happy ako, I get to host kasi lighter workload compared to acting. Pero I will also consider acting roles especially if maganda ang offer.”

Bawal na ba siya sa sexy role kung sakali?

“Maybe no more love scenes po, out of respect for my soon-to-be husband,” matipid na sagot niya.

Supportive naman ba si Rico sa career ni Phoebe sa showbiz?

Aniya, “Yes, supportive siya pero he always urges me to be more selective with the projects I accept – only those that are worthy. Which I respect din.”

Paano niya ide-describe si Rico as a BF and future husband?

“Three years kami when he proposed, pero as early as the first year I knew he was the one. Naks!” Nakangiting bulalas ng aktres.

Pagpapatuloy pa ni Phoebe, “Very mature and understanding siya, supportive and optimistic person. He taught me to have faith, to trust in God, in the universe and to accept that we don’t have control over most things.

“I used to be very impatient, controlling and pessimistic – but he helped me change. I’m not perfect but still working on certain aspects I know needs changing. Betterment will always be a continuous process.”

Dagdag pa niya, “We balance each other out po, in all aspects; and he has a gift of turning something so serious and heavy, into something lighthearted and funny.

“He makes me laugh. Which I think is needed in a relationship.”

Incidentally, may bagong series na aabangan kay Phoebe. 

Kuwento niya sa amin, “May series po ako sa Viva Movie Box, ito po ang ‘The Borrowed Life,’ kasama sina Ella Cruz and Nikko Natividad. Fantasy Rom/Com po ito, kontrabida po ako here nina Ella and Nikko, hehehe.”

Nabanggit din niyang enjoy siyang gumanap sa kontrabida role.

“Honestly, enjoy ako talaga sa kontrabida role, but of course at the end of the day the audience will not root for you.

“Longevity na po ang habol ko ngayon, dahil alam ko na ang mabilis mong makuha ay mabilis din na mawawala. Kaya I always love the grind. Iba talaga ang reward kapag nasa puso mo ang ginagawa mo, I will always be grateful for this,” pakli pa ni Phoebe.

Kaabang-abang din ang pagpasok sa eksena ni Zeke:RABIN at ANGELA, nagbabalik at muling kababaliwan sa ‘Dating Alys Perez’ (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGBABALIK sina Rabin Angeles at Angela Muji, ang tambalang kinabaliwan ng netizens.

Panibagong yugto ng buhay nina Drake Palma at Alys Perez ang matutunghayan sa “Dating Alys Perez”, na mapapanood na simula June 12 exclusive sa Viva One.

Mula sa wattpad story na umani ng milyon-milyong views, hanggang sa naging patok at pinag-usapang series adaptation, magpapatuloy ang kuwento ng roller coaster na pag-ibig sa “Seducing Drake Palma” series.

Nagbabalik ang tambalang RabGel upang muling gampanan ang papel ng misteryoso ngunit grabe magmahal na si Drake Palma at ang sweet pero palaban na si Alys Perez.

Samantala, papasok naman sa eksena si Zeke Polina bilang Tripp Pala, na gaganap bilang knight-in-shining armor ni Alys. 

Si Zeke ay unang nakilala sa pagganap bilang Ace “Supremo” Craige sa isa pang series ng Viva One na “Hell University”. Ngayon, siya naman ang gaganap bilang Tripp Palma, ang karakter na orihinal na ginampanan ni Dylan Menor na hindi na muling mapapanood sa serye.

Magsisimula ang “Dating Alys Perez” apat na taon matapos maka-graduate si Alys sa Brenford.  Sa paglipas ng panahon, buo na ulit ang kanyang puso at naghilom na sa sakit na dulot ng pagmamahal niya kay Drake Palma. Masaya na muli ang dalaga sa piling ng taong mahal niya, at minamahal din siya nang tapat, ang kanyang boyfriend na si Tripp.

Pero sa isang iglap, babalik ang lahat – ang mga alaala, ang sakit, maging ang pagmamahal na matagal nang binaon sa limot dahil sa muling pagdating ni Drake.

Gagawin ni Drake ang lahat upang muling makuha ang pag-ibig ni Alys. At tulad ng dati, muling iinit ang tensyon sa pagitan nina Drake at Tripp dahil sa pag-ibig nila para sa iisang babae. 

Hango sa kuwento ni Ariesa Domingo, o mas kilala bilang Beeyotch, at mula sa direksyon ni Crisanto B. Aquino, muling subaybayan ang mga karakter na minahal ninyo na maghahatid ng panibagong kilig at drama.

Siguradong mas exciting at patuloy na aabangan ang bagong kabanata sa Drake Palma Series. Ang “Dating Alys Perez” ay magsisimula na sa June 12, with fresh episode every Friday exclusive sa Viva One!

Sen Jinggoy Estrada sumuko sa CIDG sa kasong plunder sa flood control

Posted on: June 2nd, 2026 by Randle Cruz No Comments

TUMANGGI si Sen. Jinggoy Estrada na humiling ng Senate custody matapos maglabas ang Sandiganbayan ng arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng non-bailable plunder case na may kinalaman sa umano’y kickbacks mula sa flood control projects.

Sa isang press conference sa Senado, sinabi rin ni Estrada na isusuko niya ang kanyang suweldo bilang senador habang dinidinig ang kaso.

Ayon sa kanya, nais niyang mapanatili ang kanyang independensya at ipakitang wala siyang nakukuhang pakinabang mula sa pondo ng bayan habang nililinis niya ang kanyang pangalan.

Ang warrant ay kaugnay ng umano’y P573-milyong flood control projects na may bahid ng umano’y kickback schemes.

Ito na ang ikalawang warrant na inilabas laban kay Estrada sa loob lamang ng apat na araw.

Nauna nang nagbayad siya ng piyansa para sa kasong graft, ngunit ang bagong kasong plunder ay hindi pinapayagan ng batas na piyansahan.

Matapos ang briefing, nagtungo si Estrada sa police headquarters na Camp Crame para sa processing ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police.

Sa kanyang pahayag, iginiit ni Estrada na hindi niya gagamitin ang Senado bilang panangga laban sa mga alegasyon.

Aniya, karapatan niyang maghain ng motion for reconsideration dahil kamakailan lamang niya natanggap ang Ombudsman Resolution.

Dagdag pa ng senador, umaasa siya sa patas na pagtrato, due process, at pagiging walang kinikilingan sa pagdinig ng kaso.

Ito na ang ikatlong beses na nahaharap si Estrada sa kasong plunder.

Una noong jueteng case kasama ang kanyang ama, dating Pangulong Joseph Estrada, kung saan siya ay na-acquit noong 2007.

Ikalawa noong PDAF case kung saan siya ay naabsuwelto noong 2024.

Sa kasalukuyan, nakataya ang kalayaan ng Senado laban sa tinatawag ni Estrada na “political coercion.”

Samantala, ang muling pagsuko ng senador ay nagdadagdag sa kontrobersiya sa imahe ng mga mambabatas na nasasangkot sa malalaking kaso ng katiwalian. 

(DARIS JOSE)

Ads June 2, 2026

Posted on: June 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Valenzuela, sinimulan na ang pamamahagi ng libreng school kit

Posted on: June 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ang pamamahagi ng libreng school kit sa mga mag-aaral ng Marulas Central School at Malinta Elementary School, bilang bahagi ng paghahanda sa darating na pasukan.

Nasa 78,453 Kabataang Valenzuelano mula Kinder hanggang Grade 6, kabilang ang mga mag-aaral sa Special Needs Education, ang makatatanggap ng de-kalidad na school supplies na naglalaman ito ng mga pangunahing school supply gaya ng lapis, ballpen, notebook, ruler, at textbook, na may kasamang lunch box, tumbler, at backpack. (Richard Mesa)

Kapalit ng pagbasura sa kanyang mga kaso…Malakanyang, pinalagan ang pahayag ni Sen. Jinggoy na inalok siyang lumipat sa minority block 

Posted on: June 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINALAGAN ng Malakanyang ang pinalutang ni Senador Jinggoy Estrada na ilang beses siyang inalok na lumipat sa minority block kapalit ng pagbabasura sa kaniyang mga kaso gaya ng kasong graft o katiwalian, na isinampa laban sa kaniya dahil sa pagkakasangkot di umano sa anomalya sa flood control projects.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na sa kanyang pagkakaalam ay noong nakaraang taon pa nagkaroon ng imbestigasyon sa mga kasong kinasasangkutan ni Estrada kung saan ang pangalan ng senador ay nababanggit, hindi lamang sa pag-imbestiga sa Senado kundi maging sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Bukod dito ay pinatawag din aniya si Estrada sa Commission for Infrastructure (ICI) at ang pangalan din aniya ni Estrada ay nabanggit sa partial report ni Senador Panfilo Lacson.

“Kaya hindi po masasabi na ito ay may patungkol sa pag-form ng majority na binubuo ng 13. So, hindi naman po masasabi na ang kaso ay dapat na ma-dismiss lang dahil lang sa pagpunta niya o paglipat niya sa minority,” anito.

“So, it would be unfair to all Filipino people kung ganyan ang magiging dahilan para hindi i-pursue yung kaso kung saan di umano siya ay involved sa flood control mess,” dagdag na wika ni Castro. ( DARIS JOSE)

NEWS 1

Boluntaryong pagsuko sa CIDG, magandang ginawa ni Sen.Jinggoy – Malakanyang 

PARA sa Malakanyang maganda ang ginawa ni Senador Jinggoy Estrada na boluntaryong pagsuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) base sa warrant of arrest na ipinalabas ng Sandiganbayan 5th Division sa kasong plunder kaugnay ng flood control projects.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na maganda ang ginawa ni Senador Jinggoy na boluntaryong pagsuko dahil hindi na nya pinahirapan pa ang mga tagapagpatupad ng batas.

“Maganda ang ginawa ni Senador Jinggoy na siya ay boluntaryong sumuko. Hindi na niya pinahrapan ng mga law enforcers , hindi tulad ng nangyayari ngayon kay Senator Bato. Iyan po ang dapat na ginagawa ng isang tao, alam niya po na may valid warrant of arrest” aniya pa rin.

Nauna rito, pasado alas-tres ng hapon, araw ng Lunes, Hunyo 1, dumating ang court server ng Sandiganbayan kasama ang ilang pulisya na diretsong nagtungo sa tanggapan ni Estrada sa Senado upang isilbi ang warrant of arrest.

Hindi pumalag si Estrada at kusang tinanggap ang warrant of arrest saka nagsagawa ng press conference hinggil sa pagdakip. (DARIS JOSE)