PUNUM-PUNO nang pasasalamat si Kim Chiu sa pagdiriwang ng kanyang 20th anniversary sa showbiz.
Sa kanyang Instagram post, binalikan ng Chinita Princess ng Cebu ang kanyang pinagdaanan bago siya naging big winner sa “Pinoy Big Brother” noong 2006.
“Today marks my 20th year in showbiz. Honestly, it still feels unreal,” panimula ni Kim.
“As I sit here and look back, I can’t help but remember being that young girl from Cebu.
Every Sunday, my mom would bring me to church—either at the Sto. Niño Church or Our Lady of Mount Carmel. Most of the time, it was just the two of us. ”
Kuwento pa ng aktres, tinuruan siya ng kanyang ina na manalangin para sa kanyang mga pangarap…
“So I did. I prayed for good grades. I prayed for someone to help send us to school. I prayed for a house we could finally call our own. I prayed that one day we’d never have to keep asking for help. I prayed that I would have enough so I could help my family.
“Back then, some of those prayers felt impossible. And yet, years later, here I am. Living the life I once prayed so hard for.” Hindi rin nakalimutan na pasalamatan ni Kim ang kanyang solid supporters, mga brand na naniwala at nagtiwala, at hight sa lahat ang kanyang pamilya sa ABS-CBN na naging tahanan niya sa nakalipas na dalawang dekada.
Dagdag pa niya, “And most importantly, thank You, Lord, for every answered prayer, every closed door that protected me, and every blessing that changed my life.
“I always say this, but it’s true: Kung may sobra pa sa salitang ‘SALAMAT,’ ‘yun po ang gusto kong sabihin sa inyong lahat,” mensahe ni Kim.
“Maraming, maraming salamat po. Cheers to 20 years and hopefully more and more!”
Huling napanood si Kim sa seryeng “The Alibi,” at sa blockbuster movie “My Love Will Make You Disappear” na pinalabas last year, na kung saan kasama niya si Paulo Avelino.At dahil sa success ng kanilang pelikula kasama ang KimPau sa pararangalan sa The 9th EDDYS bilang Box Office Heroes, na magaganap ngayong July 5 sa Marriot Grand Ballroom, Newport World Resorts.***
SPEEd, nag-bonding sa Tagaytay, bago sumabak sa outreach at The EDDYS
NAGING masaya ang ginanap na summer outing at bonding ng grupong Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa La Casa Maranan sa Tagaytay noong May 22 hanggang 23.
Sa kagandahang-loob ng owner ng La Casa Maranan (na may bonggang events place sa Lemery, Batangas) na si Engr. Johnny Maranan, nagkaroon ng pagkakataon ang ilang miyembro ng SPEEd na makapag-relax at mapagtuunan ng oras ang pagpapatibay sa samahan ng grupo.
Napag-usapan din ang mga paghahanda para sa ginanap Speed Cares outreach program noong May 30 sa sang resto sa Kyusi para sa mga retirado at hindi na aktibong manunulat na may mga pinansiyal at medikal na pangangailangan.
Napag-usapan din ang paghahanda sa nalalapit na 9th EDDYS na gaganapin naman sa July 5, 2026 sa Marriot Grand Ballroom.
Bago bumalik sa Maynila, hindi na rin pinalagpas ng SPEEd members ang pagdalaw sa bahay ng mga magulang ni Jolina Magdangal na sina Daddy Jun at Mommy Paulette Magdangal sa Tagaytay nu’ng Sabado ng umaga.
Muling binalikan sa masayang kuwentuhan ang kabataan ni Jolina, kung paano siya napasok sa showbiz at ang mga nakakatuwang kuwento tungkol sa kanyang pagiging fashionista na inidolo ng maraming kabataan nu’ng kanyang henerasyon.
Nagpapasalamat kami sa mga kaibigang nagpadala ng kanilang suporta para sa SPEEd Summer Outing tulad ng CEO ng Beautederm na si Ms. Rei Anicoche Tan, mag-inang Tates Gana at Harvey Bautista, Atty. Rey Bergado ng InnerVoices, Ms. Cora De Guzman, Eduard Bañez, at Nikka Baun ng JNE Events at Ms. Cecille Bravo ng Intele Builders.
Maraming salamat din sa pa-kape ng kasamahang si Nathalie Tomada ng Philippine Star na nag-birthday last Mayo 21 at sa mga ipinadalang masasarap na tinapay ni Mommy Tine Ariola ng Bait Lehem.
Pagkatapos ng makabuluhang araw, naging abala na ang pamunuan ng SPEEd sa paghahanda para sa mga susunod na aktibidad na gagawin ng grupo, tulad ng matagumpay na SPEEd Cares at ngayon naman ay nakatutok na ang lahat sa The 9th EDDYS, na kung saan malapit nang ihayag ang mga nominado.