• June 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, hinamon ang isang ex-marine na nagsabi na nagdala sila ng pera sa bahay ni PBBM sa Ilocos Norte

HINAMON ng Malakanyang ang isa sa 18 ex- marines na nagsabi na di umano’y nagdala sila ng male-maletang pera sa bahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Paoay, Ilocos Norte

Isang Bernard Tube, ang kumanta sa Senate Blue Ribbon Commitee na nagsasagawa ng pagdinig sa flood control mess na kasama niyang nag-deliver si dating Rep. Zaldy Co. Ikinuwento niya kung saan bahay nila dinala ang mga maleta, nakapasok sila mismo sa loob ng bahay sa Paoay kung saan ay nandoon di umano sina Cong. Sandro Marcos at Unang Ginang Araneta-Marcos. Nag-dinner aniya ang mga ito kasama si Zaldy Co.

“Pakita muna nila iyong ebidensiya, madali kasing magturo. Lalo na kung balak mo lang naman talaga ay manggiba at magsilbing isang obstructionist o destabilizer,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

“So, dapat patunayan nila, bigyan nila tayo ng dokumento at hindi iyong salita lamang,” dagdag na wika nito. ( DARIS JOSE)