NAGPAHAYAG ng matinding kalungkutan at pakikiramay sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Lunes ng umaga, Hunyo 8, ang Chinese actress na si Zhang Yingfei, na mas kilalang Linda Walker sa viral micro-drama na “The Heiress Who Won with Brains.”
Isa na ito sa nabanggit ni Zhang sa press conference na naganap noong Martes, Hunyo 9, sa Luxent Hotel sa Quezon City.
Sa pamamagitan ng kanyang interpreter, “I heard about the devastating news of the earthquake in Mindanao. I wanted to express my deepest condolences to the people affected by it.
“But I also want to send the message that these disasters really happen. As humans, we should continue to stay strong. This is all natural disasters. We should always believe that there is still a better tomorrow.”
Bumisita sa Pilipinas si Zhang upang isulong ang mga inisyatiba sa edukasyon at mga proyektong kawanggawa sa gitna ng muling pagbubukas ng mga klase sa buong bansa.
Dumating si Zhang sa Maynila noong Linggo at kinabukasan ay nag-courtesy visit siya kay Manila Mayor Isko Moreno sa Manila City Hall, bumisita sa Binondo at Intramuros
Martes nang umaga, sumama siya sa outreach program sa Quezon City High School, at nag-guest sa “Unang Hirit” at “It’s Showtime.”
Lunch time naman ay nagkaroon ng presscon si Zhang at kasunod dito ang interview nina Jessica Soho, Boy Abunda at sa iba pang shows.
At ang pinaka-highlight ang kanyang pagbisita ang naganap na public meet-and-greet and advance birthday celebration (June 13 ang birthday niya) kahapon, June 11 sa SM North EDSA, QC.
Nang tanungin naman si Zhang tungkol sa kanyang karanasan sa bansa…
“I’m very happy. You can say that this visit to the Philippines is one of the greatest highlights of my life,” masa yang tugon niya.
Natanong din ang 21-year-old actress tungkol sa mga Filipino projects kung mabibigyan siya ng pagkakataon.
“It would be my honor if I could have an opportunity here,” sagot niya.
Paglilinaw pa niya bilang Linda Walker, na napagkakamalang A.I. (Artificial Intelligence)… “I’m not an AI. I’m a Chinese actress, Zhang Yingfei. There are a lot of short films that I have acted in China. You can go and watch them. Then you will know that I’m not an AI.”
Ayon naman sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) na ang pagbisita ni Linda Walker sa Maynila ay naglalayong hikayatin ang mga estudyanteng Pilipino na pahalagahan ang edukasyon, disiplina, at pagtitiyaga para sa mas maganda nilang kinabukasan.
***
NAGPAHATID din ng pakikiramay ang South Korean idol at 2NE1 member na si Sandara Park sa lahat ng mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Isa nga si Sandara sa mga celebrities na nakisimpatya sa mga pamilyang namatayan ng mga mahal sa buhay matapos tumama ang napakalakas na lindol sa General Santos City at mga kalapit nitong probinsya.Sa kanyang X account, ipinarating ni Sandara ang kanyang taus-puong pakikiramay sa mga taga-Mindanao.
“My heart is with everyone affected by the earthquake in Mindanao,” panimula ng Korean singer-actress na minahal ng mga Pinoy.
“Mindanao holds a special place in my heart, and I still remember the love and warmth I received there.”
Pagpapatuloy pa ni Dara, “I’m praying for everyone’s safety, strength, and recovery.”Samantala, dapat abangan ng fans niya ang “rePRISM” ni Sandara na kung saan magkakaroon ng series of follow-up single albums.