• July 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

P62.5 MILYONG SUBSIDIYA SA PLM, IPINAGKALOOB NI YORME

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAGKALOOB ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang tsekeng nagkakahalaga ng P62.5 milyon sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) bilang subsidiya para sa ikalawang quarter ng 2026.

Tinanggap ang tseke ni PLM President Atty. Domingo “Sonny” Reyes Jr. sa isinagawang turnover ceremony.

Ayon sa pamahalaang lungsod, bahagi ang naturang pondo ng patuloy na pagsisikap na maibalik ang regular at sapat na subsidiya para sa PLM, matapos umanong makaranas ng kakulangan sa pondo dahil sa naantalang at hindi kumpletong paglalabas ng subsidiya noong nakaraang administrasyon.

Bago ang unang termino ni Domagoso bilang alkalde, nasa P250 milyon ang taunang subsidiya ng lungsod sa PLM. Itinaas niya ito sa P360 milyon, ngunit kalaunan ay ibinaba sa P210 milyon sa ilalim ng nakaraang administrasyon.

Iginiit ng pamahalaang lungsod na nakatuon ito sa pagpapanumbalik at higit pang pagpapalawak ng subsidiya sa PLM bilang bahagi ng pangmatagalang plano na mapalakas ang kakayahan ng unibersidad sa paglikha ng mas maraming mga propesyunal sa larangan ng kalusugan na magsisilbi sa publiko.

Noong Pebrero 2026, sinimulan ng lungsod ang pagtatayo ng PLM College of Allied Health Sciences Building sa loob ng Ospital ng Maynila Medical Center complex, isang proyektong suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Domagoso, sa pamamagitan ng bagong gusali ay mapapalawak ang hospital-based training para sa mga mag-aaral ng medisina, nursing, at iba pang allied health programs. Inaasahan din nitong tataas ang taunang kapasidad ng unibersidad mula 300 estudyante tungo sa 5,000.

Kilala rin ang PLM sa mahusay nitong rekord sa mga licensure examination, kung saan kabilang ang College of Medicine sa mga nangungunang institusyon sa bansa, habang ang mga programa nito sa Nursing at Physical Therapy ay nakapagtala ng halos perpekto hanggang perpektong passing rates at maraming topnotchers sa mga pambansang pagsusulit. (Gene Adsuara)

PBBM, pinuri ang mabilis na disaster response ng Philippine Navy sa gitna ng Mindanao quake

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

“IN these critical moments, we witness the enduring commitment of the Philippine Navy to protect and serve the Filipino people.”

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang naging talumpati sa ika-128 Anibersaryo ng Philippine Navy sa Headquarters nito sa Roxas Boulevard, Maynila, pinuri ang Philippine Navy para sa mabilis na disaster response kasunod ng malakas na paglindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao, araw ng Lunes, Hunyo 8.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang papel ng Philippine Navy sa pagprotekta bansa at agarang pagbibigay ng tulong sa panahon ng krisis.

“Today, we gather to celebrate 128 years of the Philippine Navy at a time when many of our fellow Filipinos are facing the aftermath of the strong earthquake that struck parts of Mindanao yesterday,” ayon sa Pangulo.

Winika ng Pangulo, kasunod ng malakas na lindol, ang Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) “immediately activated its disaster response mechanisms and placed its rescue team on heightened alert for emergency response and humanitarian assistance operations.”

Bago pa tumama ang lindol, minadali na ng NFEM ang paghahakot at pagkakarga ng 2,000 food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) XI sa Captain Feranil Pier, Naval Station Felix Apolinario, Panacan, Davao City, noong Hunyo 5.

Suportado ng operasyon ang sealift mission para sa disaster preparedness sa Sarangani, Davao Occidental, tiyakin ang availability ng relief supplies sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA).

Samantala, sa isang social media post, sinabi ng Philippine Navy na binibigyang diin ng aktibidad ang nananatiling commitment ng NFEM sa inter-agency humanitarian assistance and disaster response efforts sa pamamagitan ng napapanahong sealift services at logistical support sa katuwang na ahensiya ng gobyerno. ( DARIS JOSE)

Pabago-bagong pahayag ng 18 dating miyembro ng Phil. Marines, basura- Malakanyang

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BASURA!

Ganito ilarawan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ang ‘inconsistencies’ na testimonya ng 18 dating miyembro ng Philippine Marines sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa umano’y flood control anomalies.

Nauna rito, kinuwestiyon kasi ni Senador Erwin Tulfo ang hindi pagbanggit sa mga pangalan nina Senadora Loren Legarda at Senador Mark Villar sa testimonya ng 18 dating marines sa pagdinig ng Komite subalit sa mga naunang affidavit ng mga ex-Marines ay kasama umanong pinangalanan sina Legarda at Villar, ngunit hindi ito nabanggit sa aktuwal na pagdinig.

“Tutal sabi naman nila, sila ay naghahakot ng basura. So, itong mga klase na mga statements na ito na pinuna rin na bakit ang abogado ang nagsasalita at hindi iyong 18 kargador or 18 maleta boys, hindi po ito tatayo sa korte. Iyong ganitong klaseng mga statements na pabagu-bago, hindi ito makakapasa sa masusing mga pag-aaral at pagsusuri ng korte. So, dito pa lamang ay makikita na natin kung anu-anong klase ang mga kuwento nila para makapanira lamang,” ang pahayag ni Castro.

Sa ulat, kinuwestiyon ni Sen. Raffy Tulfo ang kredibilidad ng 18 na dating bodyguard ni dating kongresistang si Zaldy Co na tinawag niyang “18 kargadors.” Binatikos din niya ang pagtawag sa kanila bilang “18 marines” at maging “mga bayani.”

Sa consultative meeting ng Senate Blue Ribbon nitong Hunyo 8, sinabi ni Sen. Raffy na binabansagan silang mga bayani at dating marines upang magmukhang kapani-paniwala sa publiko habang naglalabas umano ng mga alegasyong walang sapat na batayan.

Nagpaalala rin si Tulfo sa kanyang mga kasamahan sa Senado na maging maingat sa pagbibigay ng titulong “bayani” sa mga indibidwal na sangkot sa mga seryosong alegasyon.

Pinagdudahan din niya ang kanilang pahayag na nakatanggap sila ng mga bagong iPhone 16e units noong 2024 kapalit ng kanilang pananahimik sa umano’y flood control cash-delivery scheme, gayong ang naturang modelo ay available lamang para sa pre-order noong 2025.

Nagpahayag din ng pagdududa ang senador mula sa Isabela at Davao sa pahayag ng 18 bodyguards na ang ilan sa pondong sangkot sa usapin ay ipinapalit sa US dollars sa isang money changer sa Makati malapit sa Pearlbank Center.

Sa huli, sinabi ni Tulfo na tila may mga taong nagsusubo ng impormasyon sa tinaguriang “18 kargadors” dahil nahihirapan umano silang ikuwento ang kanilang sariling bersyon ng mga pangyayari. ( DARIS JOSE)

Makaraan ang malakas na paglindol sa Mindanao, situation briefing isinagawa, pinangunahan ni PBBM

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguraduhin ang kapakanan ng mga pasyente sa mga ospital na naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

Sa isinagawang situation briefing kahapon ng umaga sa Malakanyang, binigyang-diin ng Pangulo na dapat unahing bisitahin ang mga ospital at maghanap ng mga lugar kung saan ligtas ang mga pasyente mula sa epekto ng lindol. 

Partikular na inutusan ng Pangulo ang DOH sa pangunguna ni Secretary Ted Herbosa at ang DPWH sa pangunguna ni Secretary Vince Dizon na magsagawa ng assessment sa lalong madaling panahon.

Inutusan din ng Pangulo ang Department of Energy sa pangunguna ni Secretary Sharon Garin na bigyang prayoridad ang supply ng kuryente sa mga pagamutan. Ayon sa Pangulo, higit na nangangailangan ng agarang atensiyon ang mga pasyente sa mga lugar na niyanig ng malakas na lindol.

Nakausap din ni Pangulong Marcos Jr. via Zoom si General Santos City Mayor Lorelie Pacquiao kung saan ipinabatid niya sa Pangulo ang mga pangangailangan ng lungsod. Ayon sa Pangulo, gagawin ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang maibigay ang kaukulang tulong sa mga apektadong komunidad.

Sa report ng DSWD sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchalian, binigyang-diin ng ahensiya na natutugunan ang mga 

pangangailangan sa mga lugar na tinamaan ng lindol. 

Katuwang ng DSWD ang Philippine Air Force at Coast Guard sa pag-airlift ng mga ayuda sa mga lugar na hindi madaanan ng mga sasakyan.

Ang DOH naman ay namahagi na rin ng mga sapat na tulong-medikal sa mga biktima ng lindol. Ang DepEd sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara ay nakikipag-ugnayan na rin sa lokal na pamahalaan upang masigurong ligtas ang mga kabataan sa mga paaralan. 

Binigyang-diin naman ni DICT Secretary Henry Aguda na stable ang connectivity sa affected areas.

Sa report ng DOE, kinumpirma ng ahensiya na nakabalik na ang supply ng kuryente sa maraming lugar sa Mindanao. 

Inaasahan naman ng DPWH ang pagbubukas ng mga kalsadang naapektuhan ng lindol habang ang Bucana Bridge sa Davao City ay nananatiling ligtas upang madaanan ng mga magpapaabot ng tulong.

Bago matapos ang situation briefing, pinuri ng Pangulo ang lahat ng ahensiya sa mabilis na aksiyon para sa taumbayan. Pero paalala ng Pangulo, kailangang ipagpatuloy ang paghahanda ng pamahalaan, laging isipin ang mga biktima ng mga sakuna at gawing motivation sa kanilang pagsisilbi sa bayan ang mga taong walang matulungan at walang makain sa mga oras ng sakuna. 

(DARIS JOSE)

Karnaper na wanted sa Navotas, nalambat sa Caloocan

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TIMBOG ang 21-anyos na kelot na wanted sa kaso ng carnapping sa Navotas City makaraang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguang lugar sa Caloocan City.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili hinggil sa kinaroroonan ng akusado na nakatala bilang Most Wanted Person sa Navotas City Police Station.

Dahil dito, kaagad ikinasa ng mga tauhan ng NPD ang manhunt operation laban sa akusado hanggang masukol siya sa Brgy., 8, Caloocan City.

Hindi na nakapalag ang akusado nang bitbitin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 287, Navotas City, noong June 1, 2026 para sa paglabag sa Sec. 3 ng R.A 10883 o ang Anti-Carnapping Act of 2016.

May inirekomenda namang piyansa ang hukuman na halagang P300,000 para sa pansamantalang paglaya ng akusado. (Richard Mesa)

Regional most wanted sa kasong murder, tiklo sa Malabon

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang lalaki na wanted sa kaso ng pagpatay matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City.

Ang 35-anyos na akusado na residente ng nasabing lungsod ay nakatala bilang No. 1 sa Top Ten Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD) at parehong No. 2 Top Most Wanted Person sa Regional-Level at Station-Level.

Sa ulat ng tanggapan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili, ikinasa ng mga operatiba ng NPD ang operation laban sa akusado makaraan ang natanggap na impormasyon na naispatan ang presensya nito sa kanilang lugar.

Hindi na nakapalag ang akusado nang makorner ng mga pulis sa Brgy., Tugatog kung saan isinilbi sa kanya ang arrest warrant para sa kasong Murder na inisyu ng Regional Trial Court Branch 291, Malabon City, noong December 12, 2025.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado na ipiniit muna sa custodial facility ng Malabon City Police Station habang hinihintay ang utos ng korte sa paglilipat sa kanya sa City Jail.

 (Richard Mesa)

Mas malakas na proteksyon sa mga student-athletes, panawagan ng mambabatas

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPAABOT ng pakikiramay si Pinoy Workers Party-list Rep. Karl Fernandez Legazpi sa pamilya ng dalawang Ateneo de Manila University student-athletes na nasawi sa isang team-building activity sa Aurora. Nananawagan din ang mambabatas ng congressional investigation para rebyuhin ang safety measures na nagbibigay proteksyon sa mga atleta.

“I extend my deepest condolences to the families, friends, and the entire Ateneo community following the tragic deaths of student-athletes Divine Adili and Rene Clert Baterbonia during a team-building activity in Aurora,” ani Legazpi.

Inihayag nito na maghahain siya ng resolusyon na humihikayat sa House Committee on Youth and Sports Development na magsagawa ng imbestigasyon sa kakulangan sa mga kasalukuyang polisiya, safety standards, at accountability mechanisms para sa mga school-sponsored athletic programs, upang mapalakas ang proteksyon sa mga student-athletes.

“These young athletes had promising futures ahead of them. Beyond their talents on the court, they were sons, students, teammates, and individuals whose lives were filled with potential. Their untimely passing is a heartbreaking loss not only to their families and school, but also to Philippine sports,” dagdag nito.

Sinabi pa ni Legazpi na ang trahedya ay magsisilbing paaala na ang mga sports programs ay dapat na magbibigay prayoridad sa kalagayan at proteksyon ng mga young athletes kasabay ng kanilang athletic development.

“The goal is not merely to determine the circumstances of this particular tragedy, but to ensure that no other family has to endure the same loss. If this tragedy can happen in one of the country’s most respected educational institutions, then it is incumbent upon us to examine whether sufficient protections exist for student-athletes nationwide,” ani Legazpi. 

“We owe it to Divine and Rene, and to every young Filipino athlete, to learn from this loss and pursue meaningful reforms.”

(Vina de Guzman)

₱40-MILYONG PONDO PARA SA PAGHAHAIN NG KASO NG EXPROPRIATION UPANG MASIGURO ANG TIRAHAN NG MGA BIKTIMA NG SUNOG SA MAYHALIGUE

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INAPRUBAHAN ng Ika-13 Konseho ng Lungsod ng Maynila, sa pangunguna ni Presiding Officer at Vice Mayor Chi Atienza, ang ₱40-milyong pondo na magsisilbing legal na deposito para sa paghahain ng kaso ng expropriation ng mga pribadong lupain sa Mayhaligue, Distrito 2, upang matugunan ang suliranin sa pabahay ng mga residente.

Ang bagong panukala, Ordinansa Blg. 9192, ay naipasa sa ikatlo at pinal na pagbasa matapos ang pagpupulong sa pagitan ng mga apektadong residente at ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kung saan nangako ang alkalde na wakasan ang kanilang ilang dekadang pangamba, agad na iniharap ang panukala sa konseho at nagkakaisang inaprubahan sa kanilang sesyon noong hapon.

Ang ordinansa ay inakda nina Konsehal Darwin “Awi” Sia, Edward Tan, John Christopher “Bolong” Sy, at Raymundo “Mon” Yupangco ay naglalayong matiyak ang pagmamay-ari ng lupang tinitirhan ng mga matagal nang residente at mga kamakailang biktima ng sunog na kasalukuyang nahaharap sa banta ng pagpapaalis.

Sa sesyon, ipinaliwanag naman ni Vice Mayor Atienza na ang mabilis na pag-apruba sa ₱40-milyong pondo ay bunga ng maagap at matatag na pamumuno ng alkalde, lalo na nang matuklasang hindi pala naisakatuparan nang maayos ng nakaraang administrasyon ang proseso ng expropriation.

“Umasa po kasi ang mga taga-Mayhaligue dahil may tinalagang ordinansa na nag-promise po ang administrasyon dati na sila po ay mae-expropriate-an. Ngunit ngayong araw, nang sila ay pumunta sa opisina ng ating alkalde, napag-alaman natin na hindi pala na-pondohan ang ordinansang ‘yon at napaasa lamang ang komunidad,” pahayag ni Atienza.

“Nangako po ang ating alkalde that he will do everything that it takes para maibalik ang property sa mga taga-Mayhaligue. Kaya itong appropriation ordinance natin, paghahanda ito upang maibalik sa mga tao sa Ikalawang Distrito ang property na ipinangako sa kanila ng dating administrasyon.” ayon pa sa Bise.

Binigyang-diin din ng bise alkalde na katuwang ng konseho ang alkalde sa pagsasakatuparan ng kanyang mga layunin para sa lungsod.

“Kanina lang nag-meeting tayo kasama ang Mayhaligue community at nang sinabi po ng ating alkalde na tapusin na kaagad ito, ito po ang ginawa ng 13th City Council. Ganoon kabilis kumilos ang administrasyong ito,” pagtatapos ni Atienza.

Para sa mga pamilya ng Mayhaligue, ang mahabang panahon ng pangamba at pag-asa sa mga dokumentong hindi naman napondohan ay maaaring magtapos na. Sa gabay ng matibay na paninindigan ni Mayor Domagoso at sa buong suporta ng Ika-13 Konseho ng Lungsod, ipinakita ng pamahalaang lungsod na ang kanilang pamumuno ay hindi nakabatay sa mga pangakong walang katuparan, kundi sa agarang pagkilos at kongkretong solusyon. (Gene Adsuara)

Pambansang Watawat ng Pilipinas, iwinagayway sa Imus para sa ika-128 Anibersaryo ng Labanan sa Alapan

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISINAGAWA ang solemneng seremonya ng pagtataas ng watawat sa Dambana ng Pambansang Watawat, Alapan II-B, Lungsod ng Imus, noong Mayo 28, 2026.

Ang taunang pagdiriwang na ito para sa National Flag Days ay pinangungunahan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna nina Mayor Alex Advincula, Vice Mayor Homer Saquilayan, Congressman AJ Advincula, kasama mga Konsehal ng Panglungsod.

Mas naging makabuluhan at makasaysayan ang okasyon sa pagdalo ng mga matataas na pinuno ng pamahalaan sa pangunguna nina DILG Secretary Jonvic Remulla at Cavite Governor Abeng Remulla, kasama ang ating natatanging panauhin na si Senator JV Ejercito.

Ang pagtitipong ito ay nagsisilbing paalala ng kabayanihan ng mga Pilipino sa laban para sa kalayaan, kung saan unang iwinagayway ang pambansang sagisag matapos ang tagumpay sa Battle of Alapan noong 1898. Isang pagpupugay sa pagkakaisa ng ating mga pinuno at sa walang-humpay na pagmamahal sa bayan!(Kim Bornella/ Boy Morales Sr.)

Abante naghain ng cyber libel, libel vs. Baligod, ex-Marines kaugnay ‘maleta’

Posted on: June 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGHAIN si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. ng reklamong cyber libel at libel sa Department of Justice laban kina Atty. Levito Baligod, 18 dating Marines, at media outlet DWSI 864 kaugnay sa alegasyon na nagsasangkot sa mambabatas sa umano’y distribusyon ng male-maletang pera.

Sa kanyang complaint-affidavit, mariing itinanggi ni Abante ang akusasyon na lumabas sa isang press conference noong February 24 at ipinakalat sa social media.

“For the record, I vehemently deny the incorrect, baseless, and/or misleading allegations made by the complainants in the Libelous Salaysay distributed and made known to the media and public during the Libelous Press Conference, and thereafter published on respondent DWSI’s Facebook page through the Libelous Post,” ani Abante.

Sinabi ng mambabatas pinalalabas sa naturang alegasyon na tumanggap ng pondo na ibinigay sa pamamagitan ng maleta.

“Simply put, the unsigned and unnotarized Libelous Salaysay alleges that I, a public servant, was one of the recipients of ‘kickbacks. Such allegation is completely false and untrue. I vehemently deny and refute the incorrect, baseless, and misleading libelous statements in the Libelous Salaysay distributed and broadcast to the media during the Libelous Press Conference, and thereafter published on respondent DWSI’s Facebook page,” pahayag nito.

Sinabi pa ni Abante na sinadya umano ng mga respondents na isapubliko ang akusasyon sa halip na dalhin sa kaukulang otoridad para i-evaluate ito, na nagresulta sa trial by publicity.

“To make matters worse, the Libelous Press Conference brazenly paraded the Libelous Salaysay—then still unsigned by the 18 Marine Respondents and unnotarized, thus not under oath—before the public eye. Instead of elevating these matters to the proper forum, respondent Atty. Baligod and the 18 Marine Respondents deliberately chose a public tirade over proper processes and channels,” nakassad sa reklamo.

Kinuwestiyon din ng chairman ng House human rights ang kredibilidad ng alegasyon dahil hindi niya nakausap o nakaharap ang mga respondents at wala siyang kinalaman sa anumang cash deliveries.

“For the record, I have never dealt with or ever seen any of the 18 Marine Respondents. I have no dealings with regard to deliveries of money from former representative Zaldy Co,” giit ni Abante.

Dagdag pa niya, “significantly, the allegations lack any specific date or circumstance of the claimed delivery and receipt, while photographs show only cash, luggage, and strangers, establishing nothing. Coupled with their groundless tale, this amounts to nothing more than smoke and mirrors slander.”

Tinukoy pa niya ang mga inconsistencies o hindi pagkakatugma sa mga sa pagitan ng walang lagdang dokumentong ipinakalat noong press conference at notarized affidavit na isinumite sa Office of the Ombudsman, at statements na ginawa ni Baligod kaugnay sa dating senador at ngayon ay party-list Rep. Leila de Lima.

(Vina de Guzman)