• July 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

PUWEDE BANG MAG-PRESIDE ng IMPEACHMENT TRIAL ni VP SARA ang HINDI ABOGADO? 

Posted on: June 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SABI ni dating Solicitor General Florin Hilbay na ang impeachment is not a courtroom exercise reserved for lawyers but a constitutional process of public accountability. Puwede hindi abogado ang mag-preside sa impeachment trial . Tama. Sa Saligang batas nakasaad na:

Article XI section 6

When the President of the Philippines is on trial, the Chief Justice of the Supreme Court shall preside. but shall not vote. No person shall be convicted without the concurrence of two thirds of all the members of the Senate.

Wala sa Saligang Batas nakasaad kung MALIBAN SA PRESIDENTE ang subject ng impeachment ay sino ang presiding officer. Kahit Senate President hindi nakalagay. 

So tama naman si Hilbay na hindi kailangan abogado. TANGING KAPAG ANG PRESIDENTE LAMANG KAILANGAN ANG PRESIDING OFFICER AY ABOGADO DAHIL ANG CHIEF JUSTICE AY ABOGADO.

Pero sa nangyayari sa senado ngayon na may gulo pa sa issue ng majority at senate officers ay di kaya mas mainam na ang presiding officer sa impeachment ay hindi senador at isang justice ng Supreme Court?

Sa mga impeachable officers sa Art XI sec 2 ang presidente at bise presidente lang ang ELECTED. Ang mga justices ng Supreme Court, members ng Constitutional Commission at Ombudsman ay pawang APPOINTED OFFICIALS.

Wala naman ipinagbabawal sa Saligang Batas na ang isang Supreme court justice ang mag preside sa impeachment trial since the vice president is the constitutional successor to the presidency the same standard and degree of objectivity and fairness must apply para pangalagaan ang mandate nila as the two highest officials of the land.

Mahalaga ang papel ng presiding officer sa impeachment trial dahil he will rule sa mga objections ng mga abogado , must see to it na maayos ang proceedings etc. Kung ang presiding officer ay may bahid na ng POLITICAL BIAS ( sino ang wala) asahan na ang bangayan ng mga senator judges.

At kahit sabihin pa natin na hindi court setting ang impeachment ay ina-adopt ng impeachment Court ang rules of court .

=========

Atty Ariel Inton

President, Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP)

09178174748

Tama na pulitika unahin gutom, kahirapan ng Pinoy – Tulfo

Posted on: June 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANANAWAGAN si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Erwin Tulfo sa kanyang mga kasamahan sa Senado na magkaisa muli sa gitna ng mga nagaganap na hidwaang pampulitika.

Binigyang-diin ni Tulfo na dapat lampasan ng pamumuno ang usapin ng kulay at partido para matugunan ang mga problemang dulot ng krisis tulad ng gutom at healthcare access.

“Paano natin reresolbahin ang mataas na presyo ng mga bilihin at mababang kita? Hindi na ito usapin ng pagpanig sa kahit kanino dahil lahat tayo ay nakakaranas ng taas ng presyo ng bilihin,” ani Tulfo.

Anang mambabatas , “Ang Marcos loyalist, Duterte Supporters, at Leni followers ay pare-parehong nakakaranas ng problema sa bilihin, pagpapagamot, edukasyon, at iba pa.”

“Lahat tayo ay Pilipino. Iisa ang problema natin. Sa tingin ba natin ang mga taga-suporta ng isang partikular na grupo ay nakakabili ng mas murang bilihin? Hindi. Pare-pareho tayong bumibili ng pagkain, gasolina. Kaya kung lulubog ang bangka, lulubog tayong lahat,” dagdag pa ng Senador.

Dumaing din si Tulfo na sa panahon ng krisis, ang mga pinuno ng bansa ang dapat na nagbubuklod at hindi nagwawatak-watak sa mga Pilipino.

“Itigil na natin ang mga alitan na ito. Habang patuloy nating pinag-uusapan ang sitwasyong ito, lalo lang nating hinahati hindi lang ang Senado, kundi pati ang mga Pilipino,” giit niya.

Ads June 16, 2026

Posted on: June 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ads June 15, 2026

Posted on: June 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ilang ulit nang nahiwalay pero open pa ring ikasal… RICO, sumagi sa isip ang posibilidad na maging single forever (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: June 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ANG bongga naman ng male Sparkle artist na si Vince Maristela dahil pang-international ang kalibre niya.

Kasali pala kasi si Vince sa isang Korean reality dating show sa Thailand na “Rak Rak – Sense of Love.”

Kuwento ni Vince sa recent guesting niya sa “It’s Showtime”, hindi pa siya puwedeng mag-detalye ng mga bagay-bagay tungkol sa nabanggit na programa.

That time kasi ay hindi pa umeere ang finale ng eight-episode series sa streaming service na Viu.

Ano ang “Rak Rak – Sense of Love?” Ito ay isang dating reality show kung saan tinatanong ang isang simpleng tanong: ‘Paano magsisimula ang pagmamahal nang wala kang alam tungkol sa iyong partner-to-be?’

Eight participants o “Sense Mates” ang maghahanap ng kanilang makakapareha na ang tanging alam lang ay pangalan ng isa’t isa at wala ng iba pa.

Bawat araw ay mamimili sila ng isang taong makaka-match nila sa pamamagitan lang ng kanilang five senses na sight, touch, hearing, smell, o taste.

Isang matched couple lang ang mabibigyan ng pagkakataon na manatili sa isla overnight kung saan ginawa ang show habang ang iba naman ay mapipilitang umalis.

Goal ng show na ipakita kung paano maaaring magkaroon ng attraction ang dalawang tao sa pamamagitan lamang ng intuition at hindi logic.

***

SUMAGI na pala sa isip ng ‘Baby Project’ male lead na si Rico Blanco ang posibilidad na maging single forever.

“There was a time where I resigned na, I knew that being single was the best thing set up for me. “But that was a long time ago,” kuwento ni Rico sa recent guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

“And then I had a relationship after that.”

And although may mga dinanas siyang hiwalayan in the past, bukas ang isip niya na ikasal someday.

“Right now, I’m single but I’m open to not being single.

“Still a possibility for me,” sabi ni Rico tungkol sa pagpapakasal. 

“But I suppose it has to be with the right person because I’m at the age where I don’t have to get married.

“I understand for some people, they have to get married. Right now, I don’t have to get married so if I will get married, it has to be with the right person.”

Best lesson learned niya sa pakikipagrelasyon?

“Siguro ibigay mo pa rin lahat. Kasi kahit anong mangyari, Tito Boy, there’ll be no regrets afterwards, right?”

Hindi naman raw siya pini-pressure ng kanyang pamilya tungkol sa marriage.

“Maybe because they also seen I’ve been trying naman eh. It’s not like they see me not trying.

“So they’ve seen me in relationships trying each time and being broken each time it doesn’t work.”

Sensitibo siya pagdating sa pagmamahal.

“Pisces ako eh. Medyo sensitive. More sa feels. In love-bin ako e, parang ganun.

“Romantic yung ideal ko eh. Kung paano dapat yung mga bagay-bagay,” sabi pa ng Rivermaya singer.

At 53, aminado siya na marami pa rin siyang kailangang malaman when it comes to love.

“Feeling ko marami na. Pero feeling ko marami pa akong matututunan. Especially in the past few years, talagang past couple of years. Medyo nagtatanong-tanong pa rin ako.”

Natutunan rin niya na may kani-kaniyang oras o priorities ang bawat tao kaya minsan ay hindi nagtatagal ang relasyon.

“I thought before that if you found someone who you really love and they really loved you too, that was enough. No. There’s other stuff like where you are in life, where the other person is in their life. And yung timings niyo, yung timetables, yung edad mo, yung edad ng tao.”

Kinakiligan ang muling pagsasama after 13 years…BIMBY, gustong maging ninong sa kasal ni RYZZA MAE (ni: ROHN ROMULO)

Posted on: June 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

AFTER 13 years ay muling napanood na magkasama sa “Eat Bulaga” sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino-Yap.

Si Bimby nga ang naging special guest sa 21st birthday celebration ni Ryzza sa “Eat Bulaga” last Friday, June 12.Sinorpresa nga ng bunso ni Kris Aquino si Ryzza Mae sa selebrasyon ng kaarawan nito at kumanta ito ng “Maybe This Time”.

Matatandaang naging friends sina Ryzza Mae at Bimby nang magsama sila sa pelikulang “My Little Bossings” na naging official entry sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Six years old lamang noon si Bimby at eight naman si Ryzza Mae, na kung saan bida rin sa nasabing movie si Bossing Vic Sotto at ang Queen of All Media.

Aftrer ng song number, tsinika ni  Bimby sa Dabarkads na si Ryzza Mae raw ang kanyang first kiss dahil sa isang eksena nila sa “My Little Bossings.”

Napansin din ni Bimby na tila kinikilig si Ryzza Mae sa mga sinasabi niya. Kaya tinukso pa niya ito ng, “Parang hindi yan blush on ah?”

Birthday message niya kay Ryzza Mae na parang wish na rin, “Sana maibalik natin ang dati. Our friendship dati. Kasi, di ba, we lost contact?

“Never change kasi from the time na I’ve known you since you were eight years old, hindi ka nagbago.

“So stay the same person you’ve always been. A kind, siyempre beautiful, and caring person you are.”

Pahabol pa ni Bimby, “At saka kung hindi man maging tayo, ninong ako. Mga Dabarakads, if we don’t end up together, kailangan ako ang ninong sa kasal niya.”

Matatandaan na interview noon ni Ryza kay Kris, sinabi nito na puwede siyang maging daugther-in-law after twenty years, na muling napapanood ngayon sa mga FB reels. 

Anyway, may bonggang birthday si Bimby kay Ryzza Mae, isa itong necklace na siya mismo ang nagsuot sa leeg ng dalaga, nagtilian at nagpalakpakan ang mga Dabarkads sa studio.Dahil sa muling pagkikita ng dalawa, agad ngang naging trending topic ito sa social media dahil marami talaga ang kinilig sa kanilang dalawa.  

Gabi pa lang ay nakapila na para mauna sa redemption…Avid fan ng SB19, isa sa mga unang nakakuha ng tiket sa ‘OPM Con Generations’ (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments


RAMDAM na ramdam na lalo pang umigting ang pagkasabik sa ‘OPM Con Generations’ ng Puregold noong Hunyo 12, dahil sumugod mga kalahok na tindahan ang napakaraming tagahanga sa unang araw ng pagbebenta ng tiket.

Isa ngang kaabang-abang na selebrasyong pangmusika ang ‘OPM Con Generation’ na magaganap sa Hulyo 11 sa Smart Araneta Coliseum. Sa ikatlong taon ng taunang konsiyerto, itatampok ang SB19, Ben&Ben, at Alamat, kasama sina Flow G at Skusta Clee, ang Sunkissed Lola, G22, KAIA, at Xonara – pinagsama-samang iba-ibang talento at genre na kasalukuyang humuhubog sa lokal na industriya ng musika sa Pilipinas.

Kabilang ang mga sumusunod na lugar na mayroong mga tindahan ng Puregold na kalahok sa ticket redemption: Taytay, Rizal; Biñan, Laguna; Anabu-Imus, Cavite; Valenzuela; QI Central, QC; Cubao, QC; Fairview Ter races, QC; Tayuman, Manila; Parañaque; Kalentong, Manila; Cainta, Rizal; at San Pedro, Laguna.

Isa sa mga kauna-unahang nakakuha ng tiket si Beverly Jane, isang A’TIN na nagkampo sa Puregold QI Central kasama ang mga kapareho niyang tagahanga, isang gabi bago ang pagbubukas ng ticket redemption.

“Super excited na for the concert kasi pinila talaga namin ito. Nandito na kami since 7 last night,” pagbabahagi niya. 

Sa kabila ng mahabang paghihintay, nabanggit niyang inalagaan ang mga dumalo–binigyan ng pagkain, inumin, at maayos na espasyo kung saan puwedeng maghintay ang mga nakapila. 

Nagpasalamat din si Berveley sa suporta ng Puregold sa musikang Pinoy, “Thank you so much sa Puregold dahil malaking platform ito para sa OPM at sobrang supportive nito hindi lang sa SB19 kundi sa buong P-pop community.”

Ipinakita ng unang araw ng pagbebenta ng tiket ang suporta rin ng mga Pilipino sa OPM Con Generations. Mula sa iba’t ibang henerasyon ang mga tagahanga, na nahikayat ng lineup ng OPM Con, na pasok sa malawak na mga hilig at kasaysayan bilang music fans. 

Sa pagdaan ng mga taon, naging plataporma na ang OPM Con sa pagsasama-sama ng mga talento, tagapanood, at mga fandom, bilang pagdiriwang ng talento ng mga Pilipino at mga komunidad na nabuo dahil dito.

Sa edad na 62, ipinagmamalaki ni Suzette Santiago ang pagiging fan ng SB19. Isang masugid na tagasuporta ng grupo mula pa noong 2024, ibinahagi niya na ang pagiging fangirl sa grupong P-pop at pagdalo sa mga selebrasyon ay malaking tulong sa pagpaparamdam sa kaniya ng sigla ng kabataan.

Samantala, nagpapasalamat din si Arnel Lamber, na pumunta rin noong gabi bago ang bilihan upang maagang makapila, sa mga ganitong inisyatiba na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tagasuporta na makita ang kanilang mga hinahangaan. Bukod sa kaniyang mga napamiling groseri, nakakuha rin siya ng tiket sa OPM Con Generations, at sabik na siyang dumalo sa selebrasyon.

Nagpasalamat ang Puregold sa mga dumalo sa unang raw ng ticket redemption. 

The response we’ve seen so far has been overwhelming),” pahayag ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club Inc. 

“It’s remarkable to see so many customers excited not only about the concert, but also about being part of the experience through Puregold. We eagerly welcome even more concert goers as ticket-selling continues.”

Para sa maraming kustomer, ang pagkakataong makakuha ng inaabangang concert tickets kasama ng mga napamili sa Puregold ay lalo pang nagpapayaman ng kanilang karanasan. Habang papalapit na ang pagdiriwang, lalo pang tumitindi ang pag-aabang sa ipinapangakong hindi-malilimutang gabi ng musikang Pinoy.

Para sa mga update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, at i-follow @puregold_ph sa Instagram at X, at @puregoldph sa TikTok.

PINANGUNAHAN ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. Ang pag-alay ng bulaklak sa Luneta ay isang magandang pagpupugay at sama-samang dumalo ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at mga pribadong sektor, sa ika-128th. anibersaryo ng ating kasarian, isang patunay ng pagkakaisa ng bawat pilipino ng bansa.( SER MORALES Sr.)

Posted on: June 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

“Amang” nagmamahal at tapat na Naglilingkod….Ang Pamumuno ni Kap. Roel A. Esmaña sa Barangay 20

Posted on: June 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULA nang magsimula ang kanyang serbisyo publiko bilang Barangay Kagawad noong 2001, ipinamalas na ni Hon. Ch. Roel A. Esmaña ang masidhing pagnanasa na higit pang makatulong sa kanyang mga kailaliman. Dahil sa kanyang tapat na hangarin, siya ay pinalad na maihalal bilang bagong “Ama” ng Barangay 20, Zone 2, Distrito 2, Lungsod ng Caloocan.

Seguridad at Maayos na Komunikasyon

Sa kanyang opisyal na pag-upo, agad na ipinatupad ni Kapitan Roel ang mga proyektong pangseguridad. Nagpalagay siya ng mga CCTV camera sa bawat kanto upang masubaybayan ang mga lumalabas at pumapasok sa barangay. Sinundan pa ito ng malawakang pagpapailaw sa buong paligid upang maitaboy ang mga masasamang loob at maiwasan ang anumang krimen. Bumili rin ang pamunuan ng Public Address System upang mas maging mabilis at malinaw ang pag-anunsyo ng mga mahahalagang paunawa sa mga mamamayan. Sa aspeto naman ng emergency at seguridad, mayroong handang Service Vehicle at 24/7 na Patrol na umiikot kasama ang lokal na kapulisan.

Kalinisan at Kalikasan (Clean & Green)

Aktibong itinataguyod ng barangay ang programang “HAPAG” ng DILG, kung saan pinagsasama-sama ang pagtatanim ng iba’t ibang gulay at prutas sa komunidad. Upang labanan ang pagbaha ngayong tag-ulan, regular din ang isinasagawang de-clogging o paglilinis ng mga estero at kanal upang masiguro ang mabilis na daloy ng tubig.

Edukasyon, Kalusugan, at Serbisyong Panlipunan

“Full support po ako sa iba’t ibang aktibidad ng ating mga Barangay Kagawad at Sangguniang Kabataan (SK),” ani Kapitan Roel. Natatanging prayoridad din ang mga Senior Citizen, kung saan laging nakahanda ang kanilang mga libreng gamot kasabay ng pagbubukas ng kanilang bagong Health Center. Para naman sa mga mag-aaral, namahagi ang barangay ng mga libreng uniporme at school supplies para sa pagbabalik-eskwela.

Malawakang Imprastraktura sa bawat Bloke

Upang maiwasan ang mga aksidente at mapaganda ang daanan, pinasemento ang mga pathwalk sa mga sumusunod na lugar:

Semento ng Pathwalk: Blk-3 Bughaw, Blk-5, Ortega Jalayjay, Tarima, Blk-7 Covered Court, Ota Justo, at Centeno.

Cementing at Tapping: Blk-10, Parking area, Orly Orkana, at Jay Korean.

Garden Space at Canopy: Blk-9 Jalandoni, Blk-8 Mananquil, Batibot, pati na rin ang paglalagay ng Canopy sa Libis Ortega at Blk-10.

Ayon kay Kapitan Roel, ang lahat ng mga proyektong ito ay para sa kaayusan, kaligtasan, at kabutihan ng bawat kabarangay.

“Nagpapasalamat po ako sa aking mga kabarangay sa kanilang walang-sawang pakikiisa. Gayundin sa aking mga katulong sa serbisyo—ang ating mga Barangay Kagawad. Higit sa lahat, labis po kaming nagpapasalamat sa ating mahal na Mayor Along Malapitan sa patuloy na suporta at tulong na ibinibigay niya sa ating barangay!” pagtatapos ng mabuting Ama ng Barangay 20. ( SONNY ASIGNACION)

IGLAP-PROTESTA PARA KONDENAHIN ANG AGRESYON, PANGHA-HARASS, PANGHIHIMASOK, AT MGA ISTRUKTURA NG TSINA SA EEZ NG PILIPINAS

Posted on: June 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGSAGAWA ng iglap-protesta, kasabay ng paggunita sa ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, ang iba’t ibang makabayang samahan sa pangunguna ng Filipinos Do Not Yield (FDNY), Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Liga Independencia ng Pilipinas (LIPI), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Kabataang Artist at Manunulat para sa Sining at Kultura (KAMASKARA), kasama ang mga loyalista at pro-BBM groups, sa ilalim ng panawagang “ALAB NG BAYAN: KALAYAAN LABAN SA AGRESYON, PANGHA-HARASS, PANGHIHIMASOK, AT MGA ISTRUKTURA NG TSINA SA ATING EEZ.” Isinagawa ang Iglap-Protesta (Lighting Rally) sa harap ng Embahada ng Tsina sa Makati City, 10am, June 12, 2026.

Layunin ng pagkilos na kondenahin ang patuloy na agresyon, pambubully, pangha-harass, panghihimasok, at pagtatayo ng mga istruktura ng Tsina sa West Philippine Sea, partikular sa Bajo de Masinloc na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Nagbabala ang mga kalahok na hindi dapat maulit sa Bajo de Masinloc ang nangyari sa Mischief Reef, na kalauna’y ginawang militarisadong artipisyal na isla. Iginiit din nila ang paggalang sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award na nagpapatibay sa mga karapatan ng Pilipinas sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ).

Kinondena din ng grupo ang patuloy na paggiit ng Tsina sa tinatawag na “9-10 Dash Line” na anila ay walang sapat na batayang legal, gayundin ang presensya ng mga barko nito sa ilang bahagi ng West Philippine Sea. Binanggit din sa kanilang pahayag ang mga ulat ng umano’y insidente ng pagharang, paggamit ng water cannon, at iba pang aksyon na tinawag nilang pangha-harass at panghihimasok sa loob ng EEZ ng Pilipinas.

Kasabay nito, nagbibigay-pugay ang mga makabayang samahan sa Administrasyong Marcos Jr., kabilang ang DND, AFP, DFA, PCG, at iba pang kaukulang ahensya, sa kanilang maagap at matatag na pagtugon sa mga iligal na gawain ng Tsina sa West Philippine Sea.

Naninindigan ang mga kalahok na ang Bajo de Masinloc ay para sa mga Pilipino at dapat patuloy na ipagtanggol para sa ating kabuhayan, seguridad, pambansang dignidad, at kinabukasan ng mga susunod na salinlahi ng sambayanang Pilipino. 

(PAUL JOHN REYES)