Ilang ulit nang nahiwalay pero open pa ring ikasal… RICO, sumagi sa isip ang posibilidad na maging single forever (ni: ROMMEL GONZALES)
- Published on June 15, 2026
- by Francis Paolo Torres
ANG bongga naman ng male Sparkle artist na si Vince Maristela dahil pang-international ang kalibre niya.
Kasali pala kasi si Vince sa isang Korean reality dating show sa Thailand na “Rak Rak – Sense of Love.”
Kuwento ni Vince sa recent guesting niya sa “It’s Showtime”, hindi pa siya puwedeng mag-detalye ng mga bagay-bagay tungkol sa nabanggit na programa.
That time kasi ay hindi pa umeere ang finale ng eight-episode series sa streaming service na Viu.
Ano ang “Rak Rak – Sense of Love?” Ito ay isang dating reality show kung saan tinatanong ang isang simpleng tanong: ‘Paano magsisimula ang pagmamahal nang wala kang alam tungkol sa iyong partner-to-be?’
Eight participants o “Sense Mates” ang maghahanap ng kanilang makakapareha na ang tanging alam lang ay pangalan ng isa’t isa at wala ng iba pa.
Bawat araw ay mamimili sila ng isang taong makaka-match nila sa pamamagitan lang ng kanilang five senses na sight, touch, hearing, smell, o taste.
Isang matched couple lang ang mabibigyan ng pagkakataon na manatili sa isla overnight kung saan ginawa ang show habang ang iba naman ay mapipilitang umalis.
Goal ng show na ipakita kung paano maaaring magkaroon ng attraction ang dalawang tao sa pamamagitan lamang ng intuition at hindi logic.
***
SUMAGI na pala sa isip ng ‘Baby Project’ male lead na si Rico Blanco ang posibilidad na maging single forever.
“There was a time where I resigned na, I knew that being single was the best thing set up for me. “But that was a long time ago,” kuwento ni Rico sa recent guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
“And then I had a relationship after that.”
And although may mga dinanas siyang hiwalayan in the past, bukas ang isip niya na ikasal someday.
“Right now, I’m single but I’m open to not being single.
“Still a possibility for me,” sabi ni Rico tungkol sa pagpapakasal.
“But I suppose it has to be with the right person because I’m at the age where I don’t have to get married.
“I understand for some people, they have to get married. Right now, I don’t have to get married so if I will get married, it has to be with the right person.”
Best lesson learned niya sa pakikipagrelasyon?
“Siguro ibigay mo pa rin lahat. Kasi kahit anong mangyari, Tito Boy, there’ll be no regrets afterwards, right?”
Hindi naman raw siya pini-pressure ng kanyang pamilya tungkol sa marriage.
“Maybe because they also seen I’ve been trying naman eh. It’s not like they see me not trying.
“So they’ve seen me in relationships trying each time and being broken each time it doesn’t work.”
Sensitibo siya pagdating sa pagmamahal.
“Pisces ako eh. Medyo sensitive. More sa feels. In love-bin ako e, parang ganun.
“Romantic yung ideal ko eh. Kung paano dapat yung mga bagay-bagay,” sabi pa ng Rivermaya singer.
At 53, aminado siya na marami pa rin siyang kailangang malaman when it comes to love.
“Feeling ko marami na. Pero feeling ko marami pa akong matututunan. Especially in the past few years, talagang past couple of years. Medyo nagtatanong-tanong pa rin ako.”
Natutunan rin niya na may kani-kaniyang oras o priorities ang bawat tao kaya minsan ay hindi nagtatagal ang relasyon.
“I thought before that if you found someone who you really love and they really loved you too, that was enough. No. There’s other stuff like where you are in life, where the other person is in their life. And yung timings niyo, yung timetables, yung edad mo, yung edad ng tao.”