• July 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

Marami ang natutuwa sa mga uploaded photos at videos… KATRINA at KRIS, hinuhulaan na posibleng magkabalikan (ni: REY PINEDA) 

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MARAMI ang natutuwa sa mga uploaded photos at videos nina Katrina Halili at Kris Lawrence sa kani-kanilang social media account.

Hinuhulaang maaring magkabalikan ang dalawa.

Naghiwalay nang landas sina Katrina at Kris nuong 2014. 

Matagal na panahon bago sila muling nagkausap.

At dahil dalaga na nga namabn ang anak ng mga itong si Katie, napagdesisyunan ng dalawa ang tinatawag na co-parenting.

Kumbaga, pareho silang magbubuhos ng atensyon at pagmamahal sa kanilang anak.

Marami nga ang natuwa.

Meron din namang nagdalawang isip kung may katotohanan ba ang kanilang mga uploaded videos at photos?

Hindi kaya ito isang publicity o media slant para ipakita na civil ang kanilang relasyon

Totoo man ito o hindi, sana lang huwag madamay ang kanilang anak.

Kasi kung hindi totoo, malaking sugat ang puwedeng iwan nito sa kanilang anak.

Ngayon kung totoo naman, sana kung magkakabalikan man sila hindi lamang para sa kanilang anak. Kundi opara na rin sa kanilang mga sarili dahil mahal pa rin nila ang isa’t isa.

Tandaan sana nila na unfair din ito para sa kanila. Yung tipong magkakabalikan sila para mabuo ang kanilang pamilya para sa kapakanan ng kanilang anak. 

Kung magkakabalikan sila, sana para ituloy ang naudlot nilang pagmamahalan at hindi dahil gusto lang nilang maging masaya ang kanilang anak.

Tinuring na kapatid at tatawagin pa ring ‘Ate’…IAN, diretsahang sinagot ang mga paratang ni LOTLOT (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DIRETSAHANG sinagot ni Ian de Leon ang mga pahayag laban sa kanya ni Lotlot de Leon na kung saan tinawag siyang ’sinungaling’.

Sa pamamagitan ng Facebook stories, sunud-sunod na sinagot ng aktor ang isyu kaugnay ng mana mula sa yumaong isang Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

“After Mom died, nagmadali kayo magtayo ng foundation kase baka maunahan ng iba? You think SEC will approve random people to put up a foundation using Mom’s name?” say ni Ian.

Dagdag pa niya, “That time, I said I’m not ready to commit dahil gusto kong ayusin muna nila yung legal papers niyan. I know the plans and my suggestion to them is that fix the legalities first before launching it. 

“Days and days after launching, I was monitoring their SEC registration but it’s still not yet up.

“The staff of a significant figure even informed us that they donated and may nilapitan pa silang isang malaking tao. Also the office informed us but they hesitated to donate, which made me post a statement to protect my family in case of any legal problems.”

Pagpapatuloy pa niya, “Gusto nyo akong i-entrap during one event to sign something without telling right away what our dinner is all about. 

“That’s why pala you have your lawyers with you. Thankfully, this person asked us for dinner that I can’t decline.”

“The projects/plans for the legacy came before fixing any legalities and were still a concept at that time.

“Now there are issues, but the planning is still ongoing.

“I cannot just stop what I’m doing because of the issues.

“And why am I going to include a person who refuses to cooperate?

“He never told us anything? So wala na yung Zoom meeting na dalawang beses sila umattend? Wala na rin yung 40 days na nag-decline ka?

“At sinungaling din ba si Tita T. na tinawagan ka to join us, pero sabi mo no kasi may work ka pa naman at inuna kasi akong kausapin?

“Why? Is it because it was me? Why?”

Litanya pa ni Ian, “Who put down the siblings?

“Did you even watch the whole show before reacting?

“Kayo lang ba puwedeng magpa-interview?

“I don’t go out just like that. It’s for a Father’s Day episode.”

Panghuli mariing sinabi ng aktor na, “Enough with the lies? You stop. You stop telling lies especially to my dad. 

“Tinuring mo kong kapatid. Tinuring din kitang parang totoong kapatid!“And I still call you Ate.”

Matatandaang naging emosyonal at si Lotlot sa presscon ng “40 Days” at binasag na ang katahimikan after na lumabas ang interview ni Ian sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan napag-usapan nga ang isyu sa kanilang magkakapatid.

2 drug suspects, kulong sa higit P.4M droga sa Caloocan

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SHOOT sa selda ang isang tulak na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) at kasabwat nito matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director Benliner Capili, kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang mga nadakip na sina alyas “Prince”, 24, (HVI) at alyas “Aljon”, 34, kapwa ng residente ng Brgy., 36.

Batay sa ulat, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcenent Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA nang magawa ng isa sa kanyang mga tauhan na makipagtransaksyon kay alyas Prince. 

Isinagawa umano ang transaksyon sa bahay ni alyas Prince sa C. Name St. Brgy., 36, na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya at sa kasabwat na si ‘Aljon’ dakong alas-5:13 ng hapon nang bintahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Bukod sa 64.97 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P441,796.00 na nakumpiska sa dalawa, nakuhanan pa sila ng isang plastic sachet na naglalaman ng 14.76 gramo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng P20,664.00 at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at anim na P1,000 boodle money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A.916 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act sa Caloocan City Prosecuto’s Office.

Ayon kay Gen. Capili, ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pangako ng NPD na paigtingin ang laban sa ilegal na droga upang matiyak ang mas ligtas na mga komunidad at protektahan ang publiko mula sa mga mapaminsalang epekto ng ilegal na droga. (Richard Mesa)

NHA, NAMAHAGI NG ₱49.2-M AYUDA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA MINDANAO

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PATULOY na pinaiigting ng National Housing Authority (NHA) ang mga hakbang nito upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng lindol na tumama kamakailan sa Mindanao sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) noong Hunyo 18, 2026. 

Personal na pinangunahan ni NHA General Manager Joeben A. Tai ang pamamahagi ng EHAP sa Oval Plaza, General Santos City, upang mapakinabangan ng nasa 1,340 pamilya. Ang bawat pamilya ay tumanggap ng tig-₱30,000 na umaabot sa ₱40,200,000. 

Pinangasiwaan din ni GM Tai ang EHAP payout sa Glan Central Integrated SPED Center, Brgy. Poblacion, Glan, Sarangani Province, kung saan 300 apektadong pamilya ang nakatanggap ng ₱30,000 bawat isa, na sumuma sa ₱9,000,000.

“Sa direktiba ng ating mahal na Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang NHA po ay may nakalaang pondo para sa EHAP upang makapaghandog kami ng tulong pinansyal sa mga naging biktima ng sakuna at kalamidad. Ito po ay para makatulong kami sa kanilang pagbangong muli at mabigyan sila ng pag-asa sa buhay,” wika ni GM Tai. 

Ang nasabing proyekto, na bahagi ng NHA Resettlement Assistance Program for Local Government Unit (RAP-LGU), ay binubuo ng 80 housing units para sa mga dating Informal Settler Families (ISFs) na naninirahan sa mga mapanganib na lugar.

“With this groundwork na ginawa namin, we are continuously doing our best to work hand in hand with our local governments, most especially with the mayors of the affected cities. These collaborations aim to intensify yung kagustuhan namin to provide the immediate needs ng mga biktima ng lindol, pati na rin ang tulong para sa kanilang mga kabahayan,” dagdag ni GM Tai. 

Bago ito, nagpatupad din ang NHA ng isang buwang moratorium sa amortization at lease payments para sa mga existing account holders mula sa Regions 9,10,11,12, at 13 mula Hunyo 1-30, 2026, kasunod ng direktiba ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon P. Aliling. 

Nakasama ni GM Tai sa mga aktibidad na ito sina NHA XII Regional Manager Engr. Zenaida M. Cabiles, General Santos City/Koronadal/South Cotabato/Sarangani District Manager Engr. Fritzie M. Punzalan, General Santos City Mayor Lorelie G. Pacquiao, General Santos City, Sarangani Governor Rogelio D. Pacquiao na kinatawan ni Atty. Kareen Joy Solaria, Glan Mayor Victor James B. Yap, Sr., DHSUD XII OIC Regional Director Benleo T. Jarangue, OCD XII Regional Director na kinatawan ni G. Jerome Barranco, at iba pang lokal na opisyal.

Muling pinagtitibay ng NHA ang pangako nito sa pagtiyak ng napapanahon at mabilis na paghahatid ng tulong sa mga pinaka-apektadong pamilya at pinakamalalayong komunidad tungo sa kanilang pagsisimulang muli.

 (PAUL JOHN REYES)

Dengue ngayong taon bumaba ng 56 percent – DOHBUMABA ng 56% ang mga kaso ng dengue sa bansa mula Enero hanggang Mayo ngayong taon, kumpara sa naitalang mga kaso sa parehong panahon noong 2025, ayon sa Department of Health (DOH).

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Naitala ang 50,727 kaso ng dengue sa unang limang buwan ng taon na mahigit sa kalahati ang ibinaba mula sa 114,308 na naitala sa kaparehong mga buwan noong nakalipas na taon.

Naniniwala ang DOH na malaking tulong sa pagbaba ng mga kaso ang paglilinis ng mga komunidad na “4Ts” o “Taob, Taktak, Tuyo, at Takip,” para mawalan ng pinamumugaran at pinangingitlogan ang mga lamok.

Kabilang din ang pagsusuot ng pantalon, long sleeves, medyas at sapatos, at paggamit ng kulambo at mosquito repellent para makaiwas na makagat ng lamok.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na agad na magpakonsulta sakaling makaramdam ng mga sintomas na mataas na lagnat, rash, nausea, pagsusuka, pananakit ng tiyan, pananakit ng katawan at mata, at pagdurugo ng ilong.

Una nang nagpaalala ang DOH ngayong tag-ulan na ingatan ang sarili laban sa “W.I.L.D” diseases o waterborne diseases, influenza-like illnesses, leptos­pirosis, at dengue.

Unang Ginang Liza nagpahatid ng Father’s Day tribute kay PBBM sa pamamagitan ng executive order

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINATI ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Father’s Day sa pamamagitan ng isang “Official Presidential Father’s Day Executive Order.”

Sa kanyang social media post, sinabi nito na bilang isang Ama, dapat ay nagpapahinga ngayon si Pangulong Marcos at “no stressful meetings.”

“The President tirelessly attends to the affairs of the nation while also fulfilling the responsibilities of fatherhood; therefore, a period of well-deserved rest shall be observed on Father’s Day,” ayon sa Unang Ginang.

“Father’s Day is a special occasion dedicated to family, gratitude, and quality time with loved ones; therefore, all non-essential meetings and stressful discussions shall be deferred for the day,” ang sinabi pa rin ng Unang Ginang.

Aniya pa, “dessert is a must,” lalo pa’t “every celebration worthy of the Office of the President deserves a sweet ending.

Ang “executive order” ay pinirmahan ng Unang Ginang at kanilang tatlong anak na sina Sandro, Simon, and Vincent. 

(DARIS JOSE)

NDRRMC: Halos 1.6 milyon apektado ng magnitude 7.8 lindol sa Mindanao

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT na sa humigit-kumulang 1.59 milyong indibidwal ang apektado ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Minadanao noong Hunyo 8, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa NDRRMC, apektado ang 1,599,350 katao o 375,664 pamilya mula sa 580 barangay sa Davao Region at SOCCSKSARGEN.

Sa naturang bilang, 22,109 katao ang nananatili sa mga evacuation center habang 63,351 naman ang nabigyan ng tulong sa labas ng mga evacuation site.

Kabilang rito ang isang kaso sa Glan, Sarangani na dating nakalista bilang parehong patay at nawawala ngunit kalaunan ay nakumpirmang pumanaw at tinanggal na sa listahan ng missing persons.

Nananatili namang 31 ang nawawala habang 1,339 ang sugatan batay sa pinakahuling datos.

Samantala, patuloy pa rin na mino-monitor ang pinsala sa imprastraktura kabilang ang 130 kalsada at 47 tulay na naapektuhan sa Davao Region at SOCCSKSARGEN, habang 47 lugar ang nakaranas ng power interruption na bahagi ay naibalik na ang suplay ng kuryente.

Tinatayang 68,511 bahay ang bahagyang nasira at 14,234 ang tuluyang nawasak sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN at Bangsamoro region.

Umabot naman sa ₱1.356 bilyon ang pinsala sa imprastraktura, habang nasa ₱318.66 milyon na ang naipamahaging ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of Civil Defense (OCD) at mga lokal na pamahalaan.

Ayon pa sa NDRRMC, mahigit 456,000 family food packs na ang naipamahagi sa mga apektadong rehiyon.

Habang iniulat naman ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang mga landslide sa ilang bahagi ng Sarangani at Davao Occidental batay sa satellite images, na may tinatayang 137.87 ektaryang apektadong lugar dulot ng pagguho ng lupa matapos ang lindol.

Ping: Cayetano kawawa, malapit nang bumigay

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINUWELTAHAN ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang pagtawag sa kanya ni Sen. Alan Peter Cayetano na isang “sunud -sunurang aso”.

“Kawawa naman. Kung anu-ano na ang sinasabi. Parang malapit nang bumigay. Sana hindi matuluyang mag-meltdown,” ani Lacson sa isang post sa X.

“ASO? HINDI KO KAILANMAN AAMIN ‘YAN. Pero siya — Kuya Ping ang tawag niya sa akin — matagal na… SELF-ADMISSION yata ang tawag dun,” dagdag pa ni Lacson.

Ang reaksyon ni Lacson ay kaugnay sa pahayag ni Cayetano na si Senate President Pro Tempore Tito Sotto III at Sen. Raffy Tulfo ay tuta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang tinawag din nitong tuta ni Lacson si Sen. Erwin Tulfo.

Samantala sa isang mensahe naman sa mamamahayag, sinabi ni Sotto na hindi na dapat patulan ang mala telenovelang mga ingay ni Cayetano na wala namang mararating.

Giit ni Sotto, isa lang itong pag-aaksya ng oras at dapat nang sumulong para sa ikabubuti ng bansa.

“It’s about time na huwag n’yo nang patulan ang mala telenovelang mga ingay na wala namang mararating. Waste of airtime. Lets move on for the good of the country,” pahayag ni Sotto. ( DARIS JOSE)

Kabataang Lider na may Malasakit: Kilalanin si SK Chairwoman Mary Joyce Francisco

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

CALOOCAN CITY — Kinikilala ngayon ang liderato ni Sangguniang Kabataan (SK) Chairwoman Mary Joyce Francisco ng Barangay 156, Zone-14, Distrito 1, matapos maghatid ng mga agarang solusyon sa gitna ng mga krisis pang-ekonomiya at panlipunan sa kanyang nasasakupan.

Sa gitna ng nagdaang tensyon sa Middle East na nagbunsod ng sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo, nagpaabot ng subsidiya sa gasolina si Francisco para sa mga lokal na drayber ng jeepney. Layunin ng nasabing hakbang na maibsan ang epekto ng krisis sa sektor ng transportasyon sa abot ng kakayahan ng kanyang tanggapan.

Bukod sa tulong-pangkabuhayan, nakatuon din ang administrasyon ni Francisco sa paggabay sa mga kabataan. Katuwang ang kanyang mga SK Kagawad, regular na naglulunsad ang konseho ng pamamahagi ng mga kagamitang pang-eskwela at mga programang pampalakasan. Ayon sa pamunuan, estratehiya ito upang mailayo ang mga kabataan sa illegal na droga at iba pang masasamang bisyo.

Si Francisco ay nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Political Science at kasalukuyang nagpapatuloy ng kanyang Master’s Degree.

Binigyang-diin ng opisyal na hindi hadlang ang estado sa buhay upang magtagumpay at makapaglingkod. 

“Hindi hadlang ang kahirapan sa tagumpay ng tao hangga’t may ambisyon siyang inaabot. Wala sa edad o anumang katayuan sa buhay hangga’t makakatulong ka para sa kabutihan ng lahat,” aniya. 

(SONNY ASIGNACION)

5 huli sa aktong nagsa-shabu sa Valenzuela

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KALABOSO ang limang indibidwal kabilang ang 17-anyos na binatilyo matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang bahay sa Valenzuela City, Huwebes ng hating gabi.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang mga suspek na sina alyas “John”, 21, alyas “RJ”, 32, alyas “Jed”, 26, alyas “Rone”, 32, at isang binatilyo na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Beliner Capili, sinabi ni Col. Talento na nakatanggap ng telephone call mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ng Police Sub-Station 3 hinggil nagaganap umanong pot-session sa No. 174 Del Rosario Street, Barangay Marulas.

Kaagad namang inutusan ni SS3 Commander P/Capt. Joan Dorado ang sina PCpl Ledrick Bacuran, PCpl John Melo De Paz, PCpl Inglis Balagtas, at Pat Robert Regalado na magsagawa ng validation sa nasabing lugar.

Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na abala umano sa pagsinghot ng shabu sa loob ng isang bahay na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila dakong alas-12:15 ng hating gabi.

Ayon kay P/MSg Carlito Nerit Jr, nakumpiska sa mga suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 5.43 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P36,924, dalawang nakabukas na plastic sachets na may bahid ng umano’y shabu at drug paraphernalias. (Richard Mesa)