• July 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 1st, 2026

Kelot na wanted sa rape sa Valenzuela, shoot sa selda

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TIMBOG ang isang tambay na akusado sa malupit umanong pamamaraan ng panghahalay sa babaeng biktima nang masukol ng pulisya habang naglalakad sa Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa lungsod ang presensya ng 23-anyos na akusado na si alyas “Bogart”, residente ng Rivera Compound, Sitio Gitna, Novaliches, Quezon City.

Kaagad ikinasa ng mga tauhan ni Col. Talento ang manhunt operation hanggang sa matiyempuhan nila ang akusado sa kahabaan ng CJ Santos Street, Brgy. Malinta dakong alas-11:15 ng umaga.

Hindi na nakapalag si alyas Bogart nang bitbitin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 171 para sa kasong Rape by Carnal Knowledge at Rape by Sexual Assault.

Hindi na binanggit ng pulisya ang malupit na pamamaraan ng panghahalay na ginawa ng akusado sa kanyang biktima na dahilan upang hindi siya payagang makapaglagak ng piyansa para sa pansamantalang paglaya.

Pansamantalang nakadetine sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela Police Station ang akusado habang hinihintay ang utos ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

 (Richard Mesa)

Pambansang Watawat ng Pilipinas, iwinagayway sa Imus para sa ika-128 Anibersaryo ng Labanan sa Alapan!

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Pambansang Watawat ng Pilipinas, iwinagayway sa Imus para sa ika-128 Anibersaryo ng Labanan sa Alapan!

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISINAGAWA ang solemneng seremonya ng pagtataas ng watawat sa Dambana ng Pambansang Watawat, Alapan II-B, Lungsod ng Imus, araw, Mayo 28, 2026.

Ang taunang pagdiriwang na ito para sa National Flag Days ay pinangungunahan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna nina Mayor Alex Advincula, Vice Mayor Homer Saquilayan, Congressman AJ Advincula, kasama mga Konsehal ng Panglungsod.

Mas naging makabuluhan at makasaysayan ang okasyon sa pagdalo ng mga matataas na pinuno ng pamahalaan sa pangunguna nina DILG Secretary Jonvic Remulla at Cavite Governor Abeng Remulla, kasama ang ating natatanging panauhin na si Senator JV Ejercito.

Ang pagtitipong ito ay nagsisilbing paalala ng kabayanihan ng mga Pilipino sa laban para sa kalayaan, kung saan unang iwinagayway ang pambansang sagisag matapos ang tagumpay sa Battle of Alapan noong 1898. Isang pagpupugay sa pagkakaisa ng ating mga pinuno at sa walang-humpay na pagmamahal sa bayan! 🇵🇭✨

(Kim Bornella/ Boy Morales Sr.)

NHA NAGKALOOB NG HIGIT ₱64 MILYONG EHAP SA MGA BIKTIMA NG SUNOG SA PAROLA, MANILA

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGKALOOB nitong Mayo 29, 2026 si National Housing Authority General Manager Joeben A. Tai ng kabuuang ₱64 milyon na tulong pinansyal sa 2,134 pamilyang naapektuhan ng sunog na naganap sa Parola, Tondo, Maynila noong Mayo 23, 2026.

Kasunod ito ng pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa kanyang kamakailang pagbisita sa mga apektadong pamilya, kung saan inatasan niya ang NHA na agarang magbigay ng tulong-pinansyal sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP).

Dito ay tumanggap ang bawat pamilya ng ₱30,000 na umabot sa kabuuang ₱64,020,000 ang naipamahagi sa mga benepisyaryo.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga pamilyang mula sa Brgy. 275, Zone 25, Parola Compound, partikular sa Gate 46, 52, 54, 56, at 58.

Sa kanyang mensahe, tiniyak ni General Manager Joeben A. Tai sa mga apektadong pamilya na nananatiling matatag ang NHA sa paghahatid ng agarang tulong at mga programang pabahay para sa mga komunidad na naapektuhan ng mga kalamidad at sakuna.

Ang EHAP ay isa sa mga programa ng NHA na naglalayong magbigay ng tulong-pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog, pagbaha, lindol, at iba pang kalamidad upang matulungan silang muling makabangon at makapagsimulang muli.

Kinilala rin ng NHA ang matibay na pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, sa pangunguna ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, na naging mahalagang katuwang ng ahensya upang maisagawa nang maayos at mabilis ang pamamahagi ng ayuda sa mga apektadong residente.

Sa ilalim ng pamumuno ni GM Tai, patuloy na pinapalakas ng NHA ang mga programa nito upang makapaghatid ng ligtas, matatag at sustanableng mga solusyon sa pabahay para sa mga pamilyang Pilipinong nangangailangan, kasabay ng agarang pagtugon ng pamahalaan sa panahon ng mga sakuna.

Ang aktibidad ay ginanap sa Leonardo B. Fugoso Sports Complex (dating Delpan Sports Complex) sa Maynila. Ito ay dinaluhan nina kung saan ito ay dinaluhan Manila Mayor Domagoso, Manila Urban Settlements Office Head Jay Delafuente, NHA West Sector Regional Manager Cromwell C. Teves, at mga opisyal mula sa lokal na pamahalaan at NHA.

Alinsunod sa layunin ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Marcos, Jr., patuloy ang NHA sa pagbibigay ng maaasahang tulong sa pabahay para walang pamilyang mapag-iwanan. (PAUL JOHN REYES)

Pamamahagi ng cash incentives sa Navoteño students

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINALAWAK pa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng cash incentives sa Navoteño students na nagtapos sa mga pampublikong paaralan ng lungsod para sa taong panuruan 2025-2026, bilang bahagi ng patuloy na pangako nito sa pagsuporta sa edukasyon upang mapagaan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilya. Sinabi ni Mayor John Rey Tiangco na ang lungsod ay nananatiling nakatuon sa pamumuhunan sa edukasyon at pagkilala sa pagsusumikap ng mga mag-aaral. (Richard Mesa)

Habagat season simula na – PAGASA

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IDINEKLARA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nagsimula na ang panahon ng southwest monsoon o habagat, ayon sa anunsyo ng nitong Sabado, Mayo 30.

Ang Habagat ay tumutukoy sa mainit at mamasa-masang hangin na nagmumula sa timog-kanluran, na nagdadala ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.

“Recent analyses over the past days have shown the presence of southwesterly winds over the western section of the country, and may continue due to the recent development of a tropical cyclone over the Philippine Sea,” ayon sa PAGASA.

“With the intrusion of westerly winds and the progression of the general meteorological pattern across the country, these developments suggest the start of the southwest monsoon (habagat), which is one of the precursors of the onset of the rainy season,” dagdag pa nito.

Hudyat ito na mararanasan na ang paminsan-minsan hanggang sa madalas na pag-ulan, pagkulog at kidlat lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa. Maaari ring magkaroon ng monsoon o rainbreak na tumatagal ng ilang araw o linggo.

Payo ng PAGASA sa publiko, maging maingat sa posibleng idulot ng pagbabago ng klima.