• July 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 1st, 2026

Nicholas Galitzine and Camila Mendes shine at the London red carpet premiere of “Masters of the Universe”

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Camila Mendes and Nicholas Galitzine strike a pose at the red carpet premiere of “Masters of the Universe” at Cineworld Leicester Square

The stars were out at the “Masters of the Universe” premiere in London on May 27, as Nicholas Galitzine and Camila Mendes walked the red carpet together. Galitzine and Camila, who play He-Man and Teela in the film respectively, were joined by director Travis Knight 9as they celebrated the iconic big-screen return of a beloved franchise.

In “Masters of the Universe” the exiled Prince Adam is called upon by his allies to leave* Earth and return to Eternia, now under the rule of the evil Skeletor. Wielding the Sword of Power, he reclaims his legacy as He-Man, the most powerful man in the universe.

Watch the final trailer: https://youtu.be/fj1LzgS078o

Rock legend Brian May, guitarist of Queen, also hit the red carpet with members of the British hard rock band “The Darkness.” They were joined by “Masters of the Universe” composer Brian Pemberton, who also composed the scores for “Project Hail Mary” and the first two “Spider-Verse” films. The group posed while wielding He-Man’s Sword of Power together.

Itatampok ng Puregold ang ugnayan ng mga Pinoy sa musika:SB19, Ben&Ben, Alamat at Flow G, ilan lang sa aabangan sa ‘OPM Con Generations’ (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA alinmang henerasyon, wika ng damdamin, alaala, at identidad ng mga Pilipino ang Original Pinoy Music (OPM). 

Sa Hulyo 11, itatampok muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Pilipino at ng OPM sa Araneta Coliseum, sa pamamagitan ng pinakamalaki at pinakamaingay na konsiyerto ng taon, na nakatakdang ipagmalaki ng lahat. 

Higit pa sa isang engrandeng pagtatanghal ng musika, naging pangunahing retailtainment platform na ng Puregold ang OPM Con, na nagpapatibay sa gampanin nito bilang nangunguna sa pagsulong ng pagsasanib ng retail, entertainment, at kulturang pang-fandom ng mga Pilipino. 

Sa paglipas ng mga taon, natagpuan ng mga Pilipino ang kanilang tinig sa musika—sa mga kantang kanilang kinalakihan, mga linyang ibinabahagi online, mga awiting sinasabayan nang buong sigla sa mga konsiyerto, at mga fandom na nagiging parang pamilya dahil sa pagmamahal nila sa kanilang mga paboritong talento.

Matapos ang dalawang magkasunod na taon ng sold-out na mga konsiyerto at mga viral na sandali ng mga tagahanga—kasabay ng pag-aabang ng buong bansa—nagbabalik ang isa sa pinakahihintay na music events ng taon. 

Sa “OPM Con Generations,” pagsasama-samahin nito ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa industriya para sa isang gabi ng pagdiriwang ng patuloy na pag-usbong ng musikang Pilipino at mga komunidad na nabuo dahil dito.

Kabilang sa mga tampok na artista ang kinikilalang folk-pop band na Ben&Ben at ang sumisikat na P-Pop group na Alamat, na hindi lamang magtatanghal kundi magsisilbi rin bilang dalawa sa mga pinakabagong brand ambassadors ng Puregold—isang makabuluhang kolaborasyon lalo para sa kanilang mga tapat na tagahanga na kilala bilang “Liwanag” at “Magiliw.”

Tinuturing na pinakakaabang-abang ang linya ng mga artistang tampok sa OPM Con ngayong taon: ang mga hari ng P-Pop, SB19, ang kilala sa larang ng rap na si Flow G, paborito rin sa rap na si Skusta Clee, minamahal na bandang SunKissed Lola, at ang mga pausbong na all-female P-Pop groups, G22, KAIA, at Xonara. 

Mula sa mga kapana-panabik na pagtatanghal ng P-Pop, mga kilalang kanta ng rap, mga emosyonal na awitin at viral na nangunguna sa mga tsart, ipinapangako ng “OPM Con Generations” ang hindi malilimutang selebrasyong tatawid ng genre, henerasyon, at fandom. 

Mula sa paglulunsad nito noong 2024, mabilis na naging pinakainaabangang live music event ang OPM Con, at pinag-aalab nito ang damdamin ng mga tagahanga. Dagdag pa rito ang mekanismo ng pagkuha ng tiket, kung saan nagiging bahagi din ng karanasan ng mga tagahanga ang pamimili sa groseri.

“Music has a unique way of bringing people together, no matter the generation or genre),” ani ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club Inc. 

“Through OPM Con Generations, Puregold hopes to create a space where loyal Puregold customers and fans can proudly gather, interact, and celebrate Philippine artistry and culture.”

Opisyal na magsisimula ang ticket redemption para sa OPM Con Generations sa Hunyo 12 sa 12 piling Puregold stores sa buong bansa: Taytay, Rizal; Biñan, Laguna; Anabu-Imus, Cavite; Valenzuela; QI Central, Quezon City; Cubao, Quezon City; Fairview Terraces, Quezon City; Tayuman, Tondo, Maynila; Sucat, Parañaque; Kalentong, San Andres, Maynila; Sto. Domingo Cainta Junction, Rizal; at San Pedro, Laguna.

Maaaring makakuha ng libreng concert tickets ang mga miyembro ng Aling Puring at Perks sa pamamagitan ng kwalipikadong single-receipt grocery purchases sa mga kalahok na tindahan. Kabilang sa mga ticket tier ang VIP Standing para sa minimum purchase na P8,500, Patron para sa P7,000, Lower Box para sa P5,500, Upper Box para sa P4,000, General Admission para sa P2,500, at Obstructed Upper Box at Obstructed General Admission para sa P1,500. 

Para naman sa mga customer mula sa mga probinsiya, maglulunsad din ang Puregold ng limitadong inisyatibong Regional Fan Pass upang mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga tagahanga sa labas ng Metro Manila na makapagparehistro at makakuha ng mga tiket habang may suplay pa.

Para sa mga update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at X, at @puregoldph sa Tiktok.

Naawa at nahiya sa anak na biktima ng bullying:ALFRED, nanlumo at parang gumuho ang mundo nang ma-dismiss ang sinampang kaso (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGING emosyonal at hindi naitago ang pagkadismaya ng aktor at councilor na si Alfred Vargas matapos ma-dismiss ang kasong isinampa nila sa aktor na si Rob Sy at asawa, mga magulang nang nam-bully raw sa kanilang anak.

Sa kanyang Facebook post nitong Sabado, May 30, inihayag ni Alfred ang labis na kalungkutan matapos mabasa ang naging desisyon ng korte.

Pero kahit nalungkot at nadismaya siya, lumakas pa rin ang kanilang loob na ipagpatuloy ang laban dahil sa mga mensahe at suportang natanggap nilang pamilya mula sa netizens at mga kaibigan.

“Aaminin ko na nanlumo ako pagkabasa ko ng desisyon. Parang gumuho ang mundo ko,” pahayag ng aktor.

“Naawa ako sa aking mga anak. Nahiya ako sa kanila. I felt like I failed them as a parent.” 

Pagpapatuloy pa niya, “Wala na ba kaming matatakbuhan? Wala na bang tutulong sa anak kong biniktima ng paulit-ulit na bullying?”

Himutok pa ni Alfred, “Seven years old lang ang anak ko. Sinaktan siya ng paulit-ulit, binigyan ng trauma, namiligro ang buhay niya, ipinahiya sa harap ng maraming tao. Sinira ang kaniyang dignidad.

“Tapos sasabihin na ‘away bata’ lang at wala na kaming magagawa? Paano na yung anak ko na biniktima? Wala ba siyang karapatang mabuhay na ligtas at walang takot?”

“But in our moment of doubt, all of you gave us clarity and purpose. You gave us strength. Nalaman namin na hindi kami nag-iisa,” sabi ni Alfred.

Dagdag pa niya,“Yasmine, my children, and I are overwhelmed with gratitude.”

Nagpapasalamat din si Alfred sa mga nagdarasal at sumusuporta sa kanilang pamilya.

“You have inspired us to continue working for the truth and for a safer community for our children. We say no to bullying with greater determination. Itutuloy namin ang aming pagtutol at paglaban sa bullying.

“Maraming, maraming salamat sa inyong pagmamahal at panalangin,” pahayag pa ni Alfred.

At sabi nga ni Alfred, tuloy lang at ‘di sila susuko dahil hindi pa tapos ang laban.

Para may kalaro ang panganay na si Hailee:KRIS, nagwi-wish na ma-bless pa ng another baby  (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LAST May 17, nag-37 na si Kris Bernal at isa pala sa mga birthday wish niya ay magkaroon isa pang anak.

Sa guesting ni Kris sa recent episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” kung saan kasama niya si Beauty Gonzales na co-star niya bilang bida sa GMA Afternoon Prime series na “House of Lies”, ay inihayag ni Kris na wish niyang magkaroon ng kalaro ang panganay niyang anak na si Hailee.

“Sana ma-bless pa ng another baby,” ang sagot ni Kris sa tanong kung ano ang kanyang birthday wish. 

“Gusto ko pa ng maraming maraming baby.

“Kasi parang kapag isa lang, kapag nakikita kong walang kalaro yung anak ko, parang ang sarap siguro kapag marami siyang kalaro, marami siyang kausap, marami siyang napagshe-share-an ng mga gamit niya.” 

Ang mister ni Kris ay ang businessman na si Perry Choi at ang anak nilang si Hailee ay ipinanganak noong 2023.

***

NAPANOOD na namin ang pelikulang “Backrooms”.

Sa umpisa, may maikling speech ang direktor ng pelikula na si Kane Parsons na batambata at napakaguwapo, kaya iisipin mo na ang panonoorin mo ay isang romcom film.

Pero noong sinimulan na ang pelikula, hanggang sa gitna, hanggang sa matapos, na-trauma kami, in a good viewing way.

Nakakatakot, nakawiwindang, nakakakilabot ang “Backrooms”!

Hindi kami matatakutin, sa scary movies man o sa tunay na buhay; ilang beses na kaming “pinaramdaman” ng mga supernatural entities.

Pero sa kabuuan ng panonood namin ng “Backrooms”, matinding takot at kilabot ang aming naramdaman.  

Mula sa A24-CREAZION STUDIOS, magsisimula na ang hilakbot sa mga sinehan sa June 3, 2026.

“Backrooms is more than just a movie release for us — it’s an experience designed to pull audiences deeper into the world of the film even before they enter the cinema,” sabi iyan ni Anter RJ San Agustin, CEO ng CreaZion Studios. 

Dagdag pa niya, “We wanted Filipino horror fans to feel the fear, the mystery, and the disorientation that made Backrooms a global phenomenon. This is something audiences have never experienced before.” 

Si Kane rin nga pala ang creator ng mga original viral Backrooms videos.

Mga bida naman sa pelikula bilang si Clark ang Academy Award nominee Chiwetel Ejiofor at ang Cannes Best Actress winner Renate Reinsve na parehong mahusay sa pelikula. 

Ads June 1, 2026

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Mahigit 28-M na mag-aaral inaasahan ngayong 2026-2027 school year – DepEd

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TIWALA ang Department of Education (DepEd) na makakaabot ng mula 26 milyon hanggang 28 milyon ang mag-aaral na papasok ngayong school year 2026-2027.

Ayon kay Assistant Secretary Jocelyn Andaya , na mayroon silang sapat na teaching at non-teaching personnel sa public elementary at secondary schools para sa nasabing bilang ng mga mag-aaral.

May ilang paaralan na kulang ang mga guro habang mayroong iba naman ay mahigit pa.

Base sa kanilang teacher-to -studen ratio ay mayroon isang guro kada 35 na mag-aaral sa elementary habang sa sekondarya ay mayroong isang guro sa 45 na mag-aaral.

Habang ang mga classroom ratio ay mayroong isa kada 32 mag-aaral sa elementary; isang silid aralan sa kada 39 sa junior highschool at isa sa kada 36 para sa senior high school. (Gene Adsuara)

MIYEMBRO NG MEDIA, IPATATAWAG NG DOJ

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAVOTAS, PINALAWAK ANG GRADUATION INCENTIVE PROGRAM

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng cash incentives sa Navoteño students na nagtapos sa mga pampublikong paaralan ng lungsod para sa taong panuruan 2025-2026, bilang bahagi ng patuloy na pangako nito sa pagsuporta sa edukasyon paa mapagaan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilya.

May kabuuang 3,776 Grade 6 completers ang nakatanggap ng P500 bawat isa, habang 1,986 Grade 12 completers ang nabigyan ng P1,000 bawat isa.

Simula ngayong taon, ang mga Grade 10 completers ay kasama na rin sa graduation incentive program ng lungsod sa bisa ng City Ordinance No. 2026-03. May 2,722 Grade 10 completers ang nakatanggap ng tig-P1,000.

Samantala, ang mga graduate ng Navotas Polytechnic College ay tatanggap ng P1,500 kasunod ng kanilang graduation ceremony sa huling bahagi ng taong ito.

Sinabi ni Mayor John Rey Tiangco na ang lungsod ay nananatiling nakatuon sa pamumuhunan sa edukasyon at pagkilala sa pagsusumikap ng mga mag-aaral.

“Education is one of the most important investments we can make for the future of our city. Through these incentives, we hope to encourage our students to continue striving for excellence and help ease the financial challenges faced by their families,” ani Mayor Tiangco.

Layunin aniya ng pamahalaang lungsod na matiyak na walang maiiwan na mag-aaral dahil sa kahirapan sa pananalapi.

“We want our students to focus on achieving their dreams and completing their studies. The city government will continue to provide programs that support their academic journey and overall development,” dagdag niya.

Ang pamamahagi ng mga insentibo ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na hikayatin ang mga mag-aaral at palakasin ang mga programa sa suportang pang-edukasyon para sa mga nag-aaral ng Navoteño. (Richard Mesa)

BJMP inihanda na ang kulungan ni Sen. Jinggoy Estrada

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INIHANDA na ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) ang detention cell ni Senator Jinggoy Estrada sa New Quezon City Male Dormitory sa Payatas.

Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na kaniyang tiniyak ang kahandaan nila sakaling lumabas na ang warrant of arrest ni Estrada sa kasong plunder mula sa Fifth Division ng Sandiganbayan.

Nahaharap ang Senador ng kasong plunder na may kinalaman sa P573 milyon na halaga ng umanoy kickbacks mula sa iba’t-ibang flood control projects.

Magugunitang nitong Biyernes ay naghain si Estrada ng piyansa na aabot sa P90,000 para sa kaso nitong graft kasama si dating Department of Public Works and Highways secretary Manuel Bonoan sa Sandiganbayan Second Division.

Subalit paglilinaw ni Remulla na nasa Sandiganbayan pa rin ang may pasya kung saan nila ilalagak si Estrada sakaling lumabas na ang warrant of arrest nito sa kasong plunder. ( DARIS JOSE)

 PBBM, itinuring na highly ‘productive at constructive’ ang state visit sa Japan

Posted on: June 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HIGIT pa sa mga pulong at seremonyang diplomatiko, ipinakita ng State Visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lalim ng pagkakaibigan at matibay na samahan ng Pilipinas at Japan na nabuo sa paglipas ng maraming taon.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa ngayong taon, naging mainit ang pagtanggap kina Pangulong Marcos at First Lady Louise Araneta-Marcos ng Imperial Family.

Ayon kay Presidential Communications Office Acting Secretary Dave Gomez, mahalaga ang pagbisitang ito dahil ipinakita nito ang matatag at malapit na relasyon ng dalawang bansa.

“Kaya napakahalaga nitong pagbisita natin… Talagang napaka-overwhelming nung reception nila kagabi (Wednesday) sa ating Pangulo at ating Unang Ginang. They were received by their Imperial Highness, the Emperor and the Empress,” ani Gomez.

Sinabi rin ni Gomez na pangalawang State Visit at State Banquet pa lamang ito na inihost ng Emperor ng Japan mula nang matapos ang pandemya.

“At nakakatuwang panoorin ang Pangulo at ang Emperor kagabi (Miyerkules)) dahil makikita mo kung gaano na kalalim yung bond, ‘yung relationship nilang dalawa na developed through the years, through mutual shared experiences,” dagdag niya.

Bukod sa mga seremonyal na aktibidad, naging abala rin ang Pangulo sa mga high-level meeting tungkol sa kalakalan, imprastraktura, depensa, maritime security, enerhiya, at regional stability.

Ayon kay Gomez, hindi lamang seremonyal ang mga foreign trip ng Pangulo dahil nagdadala rin ito ng benepisyo sa bansa sa pamamagitan ng dagdag na investments, development cooperation, at mas matibay na strategic partnership sa Japan.

“So yung mga ganitong foreign trips, hindi lang ito puro ceremonial. Marami talagang naibabalik na benepisyo para sa ating bansa. Ngayong araw na ito (Miyerkules), punong-puno ang schedule ng ating Pangulo,” ani Gomez. ( DARIS JOSE)