Ilang ulit na pinasalamatan si Ashin sa successful concert…JERRY, pinaka-well applauded at ‘di rin nagpakabog sina VANNESS at VIC (ni: ROSE GARCIA)
- Published on June 30, 2026
- by Francis Paolo Torres
ANG Vice Governor ng Bulacan na si V.G. Alex Castro ay matatawag na longtime ambassador na ng Beautéderm.
Ayon sa President/C.E.O na si Ms. Rhea Tan, mga panahon pa raw ito na nanliligaw pa lang din si V.G. Alex sa asawa ngayon na si Sunshine Garcia.
Kaya naman pareho ang mag-asawang Alex at Sunshine na very grateful kay Ms. Rei and vice versa.
Nag-launch ng Beautéderm Parfums at mabibili na ang Sunshine at Alex parfums. Along with other like “Rei,” “Audrey” at “Rein” na wa etchos, ang babango.
Ayon kay Sunshine, nang kausapin sila ni Ms. Rei, nagpi-prepare na rin siya to launch her own perfume. Pero, inisantabi niya muna ito at mas na-excite siya sa own brand ng perfume under Beautéderm.
Para kay Ms. Rei naman, binigyang diin niya na pinahahalagahan niya ang genuine friendship with their celebrity ambassadors na it’s more than business.
Sa isang banda, tinanong na namin si Sunshine kung ano talaga ang totoo sa isyu na may away sa pagitan nilang dalawa ni Jopay Paguia laban kay Rochelle Pangilinan.
Kung pagbabasehan namin ang mga sagot niya, feel namin na may something talaga sila, but at the end, professional silang lahat at sey na lang niya, “pamilya kami.”
***
WALA na sana kaming plano na manood ng FForever 1st World Tour Concert ng F4 minus 1 kaya F3 na lang na sina Vanness Wu, Vic Chou at Jerry Yan. Kasama si Ashin ng Mayday at siyang dahilan kung bakit sila nabuo.
Pero siguradong magsisisi kami kung hindi kami tumuloy. Kung isa ka sa bumili ng ticket, lalo na sa SVIP na nasa harapan, sobrang sulit ang 21k worth na ticket.
Bukod sa kitang-kita ang apat, kung ilang beses din silang bumaba, nakipag-kamay sa audience. Kabilang na nga rito ang volleyball playet na si Michelle Gumabao at Ellen Adarna na nakatitigan na si Jerry, nakapag-kamay pa.
Si Melai Cantiveros ay isa rin sa mga nanood at naiyak pa yata. Grabe ang sigawan sa buong Philippine Arena. Halos lahat ng pinerform nina Jerry, Vic, Vaness at Ashin ay nasasabayan, given na siyempre ang mga o.s.t. ng Meteor Gatden.
Ang husay ni Vaness mag-perform na nakapag-offer pa ng isang kanta kay Lord, ang “Oceans” na song. Si Vic na nanggulat dahil napakagaling din.
Si Ashin ay ilang beses binanggit ng F3 na nagpapasalamat sila dito dahil siya ang dahilan kung bakit sila nabuo.
Si Jerry Yan na pinaka-well applauded at napakahusay rin. To think na more on drama ang ginagawa niya. Naging emotional ito sa tila monologue niya about love & lost na walang duda, para kay Shan Chai o or ang namayapang si Barbie Hsu, teary-eyed din ito nang magpapaalam na sila.
At kung umabot ng 21 years bago sila nakabalik ng Manila as a group, hoping siya na magkasama pa rin sila at hindi na gano’n katagal ang magiging paghihintay,
Gabi ng nostalgia, kilig at katuparan ng pangarap ang naganap na FForever concert sa Philippine Arena.
Sana nga maulit muli. At sana ay kumpleto na silang apat.