Sa ginanap na ’17th PMPC Star Awards for Music’…ANDREW E., pinarangalan ng Lifetime Achievement Award (ni: NONIE NICASIO)
- Published on June 30, 2026
- by Francis Paolo Torres
PINARANGALAN ang King of Pinoy Rap na si Andrew E. sa 17th PMPC Star Awards for Music.
Pinagkalooban si Andrew ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award sa event na ginanap sa Teatrino, Greenhills last June 25, 2026.
Kasamang kinilala rito ni Andrew sina Ms. Celeste Legaspi para sa Pilita Corrales Lifetime Achievement Award at Mon del Rosario sa Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award.
Kabilang sa pinasamalatan niya ang PMPC, sina RJ Jacinto and the Ventures na nagbukas ng pinto sa kanya sa showbiz, si Boss Vic del Rosario at buong Viva Records and Viva Films na ayon sa madter rapper ay siyang gumawa sa kanya bilang Andrew E.
After pasalamatan ang iba pang mahahalagang tao, sinabi ito ni Andrew, “Of course siyempre, a big, big shout out sa ating Panginoon dahil Siya po ang talagang nagbigay sa akin ng lahat ng ito.”
Aniya pa, “Sa aking pamilya, sa aking wife na si Mylene, ‘Thank you so much,’ Fordy, Jassley, Ichiro, sa aking mga magulang and of course sa mga kaibigan, at sa inyong lahat, maraming-maraming salamat po.”
Sa isang panayam, nang usisain si Andrew ukol sa naranasang 500 rejections bago natamo ang estado niya ngayon sa showbiz, sinabi ng rap icon na nagsilbi itong goal sa kanya para mas maging determinado na maabot ang tagumpay.
Mensahe pa ni Andrew sa kanyang speech…
“Kaya mga kaibigan, gawin nyo po akong salamin, sa lahat ng mga nandito, sa mga bagong artist, gawin nyo po akong salamin na iyong 500 rejection ay alintanang hindi ko inintindi, alitanang niyapos at nilagpasan, para lamang po ipakita na mayroon akong itinatagong talino, na siguro naman baka kapag makita ng mga tao ay matanggap.
“Always remember, na huwag nyo pong iintindihin lalo na ang mga taong nagda-down sa inyo. Ang intindihin nyo po iyong mga taong umaasa na balang-araw, ikaw ay magniningning sa larangan na ito. At sa pagningning mo ay mahahawakan mo ang kanilang mga kamay, upang sila ay akuin sa kanilang kinalalagyan, para makasama at maka-angkas sa iyo, sa iyong tagumpay.
“Maraming-maraming salamat po,” makabuluhang pahayag pa ng legendary Pinoy rapper.