• August 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 30th, 2026

IMPORMASYON NG MGA BOTANTE, LIGTAS– COMELEC

Posted on: May 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MARIING pinabulaanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang kumakalat na impormasyon sa social media na umano’y na-kompromiso ang datos nang mahigit 83 milyong botanteng Pilipino.

Ayon sa COMELEC, hindi totoo ang alegasyong may naganap na data breach sa kanilang sistema. Tiniyak ng ahensya na nananatiling kumpleto at ligtas ang lahat ng datos at impormasyon ng mga botante na nakaimbak sa kanilang network at database.

Base ito sa isinagawang masusing beripikasyon at imbestigasyon ng COMELEC Information Technology Department Security Incident Response Team (ITD SIRT).

Kasabay nito, hinikayat ng COMELEC ang publiko na maging mapanuri at maingat sa mga nababasa, napapanood, at naririnig online upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon.

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na sundan lamang ang official social media accounts ng COMELEC at bisitahin ang kanilang website para sa tamang impormasyon kaugnay ng halalan. 

(Gene Adsuara)

Kailangang magtrabaho para sa mga anak:AJ, balik-showbiz na pero hindi na magpapa-sexy (ni: PETER LEDESMA) 

Posted on: May 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BALIK showbiz si AJ Raval, pero hindi bilang sexy star dahil wholesome ang projects na gagawin ng partner ni Aljur Abrenica.

At ang first movie project ni AJ ay sa movie outfit ni Nunungan Vice Mayor Marcos Mamay. Nag-meeting na sina VM Mamay at AJ about sa film na gagawin ng huli.

May mga endorsements din si AJ gaya ng Bingo Plus. At recently lang ay rumampa ang pretty actress bilang Reyna Elena sa Santacruzan sa Poblacion Pilar BaWell kaya balik trabaho si AJ, kasi gusto nito ay co-parenting sila ni Aljur Abrenica sa four kids nila na tatlo rito ay nag-aaral na.

At least sa hirap ng buhay ngayon na madalang rin ang dating ng offer kay Aljur. Very understanding at supportive na karelasyon si AJ kay Aljur.

Well sana dagsain pa ng maraming projects si AJ, na matatawag na doting mother to her children. 

***

LAST May 22,  sa ipinatawag na presscon ni Atty. Maggie Abraham-Garduque, para sa kliyenteng si Councilor Eunice Casto kaugnay sa kasong isinampa nito sa kapwa konsehal na si Ryan Ponce.

Kinatigan kasi ng Office of the City Prosecutor of Manila si Konse Castro. At sa inilabas na resolusyon noong May 12 ng OCP ay nagrerekomenda ito ng 3 counts ng violation of the Space Spaces Act laban kay Ponce, matapos ang reklamong inihain ni Councilor Eunice Castro.

At sa gitna ng aming interview with TV Patrol correspondent, GMA 7 at TV 5 sa nasabing Konsehala ay hindi nito napigilang mapaiyak. Grabe pala kasi ang naging epekto sa kanya nang ginawang sexual harrassment through text messages and inappropriate touching sa kanya ni Ponce na naturingang public official pero bastos at walang respeto sa kababaihang tulad ni Konse Castro.

Saka married man pala itong si Ponce, pero bakit nagkakalat pa rin.

Well according to Atty. Maggie na ang adbokasiya ay ipagpatanggol ang mga kagaya niyang babae sa pang-aabuso ng kalalakihan.

“Wheels of justice are now rolling!”

Kaya humanda ka na Ryan Ponce, panagutan mo ang dapat mong panagutan sa well educated at disenteng si Konsehala Castro. 

Heart, Alfred at Boots, ilan lang sa nagpahatid ng tulong:Beteranong showbiz writers, bida sa outreach program ng ’SPEEd’

Posted on: May 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA gitna ng mga kaguluhan, pangamba at pag-aalala para sa hinaharap ng ating bansa, layunin ng grupong Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang maghatid pa rin ng pag-asa, tuwa at positibong pananaw sa aming mga kasamahan sa hanay ng pamamahayag sa aliwang local na ang ilan ay mga senior citizens na at hindi na aktibo.

Ngayong nasa ika-10 taon na ang patuloy na pamamayagpag ng SPEEd, napili naming magbahagi ng kasiyahan — katuwang ang aming mga kaagapay sa pagtulong sa 13 benepisyaryo ng aming “Taking Care of Our Own, Speed Cares” Outreach Program na mabibiyayaan ng financial at medical assistance.

“Ang inisyatibo ay naglalayong magdala ng pag-asa at inspirasyon sa mga kasamahan natin sa entertainment journalism sa gitna ng lumalaking pag-aalala ng publiko tungkol sa kinabukasan ng bansa. 

“Bilang isang organisasyon, naniniwala kami na mahalagang pangalagaan ang mga kaibigan at kasamahan na tumulong sa paghubog ng industriya sa pamamagitan ng kanilang trabaho bilang mga manunulat at editor,” sabi ng pangulo ng SPEEd na si Tessa Mauricio-Arriola.

“Ang mga benepisyaryo ay pinili bilang pagkilala sa kanilang mga kontribusyon sa industriya ng telebisyon at pelikula sa Pilipinas at ang kanilang papel sa pagtulong sa mga lokal na artista upang makagawa ng pangalan at magtagumpay sa kanilang karera,” dagdag niya.

Sa pangunguna ng mga opisyales at miyembro ng SPEEd, gaganapin ang “Taking Care of Our Own, Speed Cares” Outreach Program ngayong Mayo 30, 2026 sa isang restaurant sa Quezon City.

Buong-puso ang pasasalamat ng SPEEd sa mga bukas ang pusong makibahagi sa aming adhikain at kabilang na rito ang Unilab sa pangunguna nina Ms. Claire Papa at Cecilia Roxas; Ms. Heart Evangelista; Globe sa pangunguna ni Ms. Yolly Crisanto, Max Loyola at Daphne Abella ng PLDT Home, Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo, GMA Network; Ms. Gigi Santiago Lara, Vice-President of Musical, Variety, Specials and Alternative Productions at GMA Network, Inc.; ABS-CBN; QC Councilor Alfred Vargas; Wilson Flores ng Kamuning Bakery at sa aming kasamahang si Jun Lalin na bukas-palad sa pagbibigay, sa singer na si Andrea Gutierrez at sa kanyang inang si Rowena Gutierrez, Pascual Laboratories sa pamamagitan ni Ms. Marianne De Vera, Purple Hearts and Purple Hearts Foundation, MCD Multi Media, Inc., Rosbel Bunag and Clarice Artates of Startworks at Nunungan Vice Mayor Marcos Mamay. 

Ang taunang outreach program ay bahagi ng gawaing pagkakawanggawa ng grupo at nakarating na ito sa iba’t ibang komunidad mula nang ito ay mabuo. 

Minarkahan ng SPEED ang unang anibersaryo nito sa pamamagitan ng outreach program sa Anawim Home for the Abandoned and Rejected Elderly sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal. 

Sa mga sumunod na taon, nagpaabot ito ng tulong sa mga komunidad sa Nueva Ecija, Dingalan, Aurora at Longos, Kalayaan, Laguna noong 2025.

Noong 2024, binisita nito ang Bethany House Sto. Niño Orphanage sa Guiguinto, Bulacan, at Emmaus House of Apostolate sa Malolos, Bulacan, kung saan nagbigay ito ng tulong sa 60 senior citizens.

Ang SPEEd ay isang non-profit organization na binubuo ng mga patnugot mula sa iba’t ibang pahayagan at online platforms.

Ads May 30, 2026

Posted on: May 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments