• April 29, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

Pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa giyera sa Middle East, hindi napapanahon- Malakanyang

Posted on: March 3rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa napapanahon ang pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng krisis sa Gitnang Silangan.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro Palace Press Officer Claire Castro na hindi ito ang tamang panahon para samantalahin at gamitin ng mga negosyante ang gulo sa Gitnang Silangan para itaas ang presyo ng kanilang produkto.
Sa katunayan nga aniya ay inutusan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang iba’t ibang ahensiya para hindi aniya magkaroon ng pang-aabuso at kasama na aniya rito ang Department of Trade and Industry (DTI).
Sa kabilang dako, sinabi ni Castro na pag-uusapan sa emergency meeting ni Energy Secretary Sharon Garin kasama ang mga oil companies ang posibilidad na pagsirit ng presyo ng langis dahil sa gulo sa Middle East.
Nauna rito, inihayag ng Department of Energy na magkakaroon lamang ng limited impact sa supply ng langis sa mundo ang kasalukuyang kaguluhan sa Middle East.
Sinabi ni Oil Management Bureau Director Rino Abad na wala namang reports ng nasirang oil production facilities sa Iran sa kabila ng mga pag-atake ng Estados Unidos at Israel.
Ipinaliwanag ni Abad na ang mga pag-atake sa Iran ay limitado lamang sa military at nuclear-related infrastructure at hindi umano apektado ang oil export capacity ng Middle East.
Gayunman, ipinunto ni Abad na ang takot ng mga shipping operator ang nagpapabagal sa oil deliveries.
Dahil sa pagkaantala ng shipment, inaasahan ang pagtaas ng presyo ng langis.
Tinataya ng DOE ang pagtaas na 5 hanggang 10 US dollars per barrel sa presyo ng langis, katumbas ng 30 centavos per liter sa bawat isang dolyar na pagtaas.
Kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo, mararamdaman ng consumers ang impact nito sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo, kung saan posibleng hanggang P3 per liter ang kabuuang pagtaas sa presyo ng langis sa bansa.
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, naniniwala ang DOE na ito ay magreresulta sa krisis sa supply sa mundo.
(DARIS JOSE)

Dahil sa paglabag sa SEC… MGA VILLAR PINADALHAN NA NG SUBPOENA NG DOJ

Posted on: March 3rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINADALHAN na ng subpoena ang pamilya Villar kaugnay sa umano’y paglabag sa Securities Regulation Code.
Ayon sa Department of Justice (DOJ) sasailalim na sa preliminary investigation ang reklamo ng SEC laban sa Villar Holdings Corporation at iba pa matapos ang initial evaluation.
“Subpoena have been served upon the respondents”, ayon pa sa DOJ.
Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, may sapat na batayan upang umusad sa susunod na yugto ng imbestigasyon.
Sa ilalim ng proseso, tutukuyin ng Department of Justice kung may sapat na merito ang mga alegasyong inilahad ng Securities and Exchange Commission.
Binigyang-diin din na bibigyan ng pagkakataon ang lahat ng respondent na magsumite ng kanilang mga sagot at ebidensya bilang bahagi ng kanilang depensa.
Itinakda ang preliminary investigation sa ikatlong linggo ngayong buwan ng Marso . (Gene Adsuara)

Sa posibleng paglala ng tensiyon sa giyera… Paglikas sa mga Pinoy sa Middle East ikinakasa

Posted on: March 3rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na ang Department of ­National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa paglikas at humanitarian mission sa mga Pilipino sa Middle East sa posibleng paglala ng tensiyon matapos mag­lunsad ng airstrikes ang Estados Unidos at Israel sa Iran.

“The Armed Forces of the Philippines stands ready to assist in humanitarian and evacuation operations, if directed,” pahayag ni DND spokesperson Asst. Sec. Arsenio Andolong.

Libu-libong mga Pilipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa Middle East kabilang ang mga nasa household service, caregivers, engineers at mga health professionals.

“The DND and the AFP are ready to respond to probable contingencies, including possible repatriation support and crisis response coordination of Filipinos in affected countries should conditions warrant further action,” pahayag pa ni Andolong na sinabing walang direktang banta sa Pilipinas ang nasabing sigalot.
( DARIS JOSE)

Atty Henry Villarica

Posted on: March 3rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Maraming Salamat Mayor Atty. Henry Villarica

Tulak, parokyano sa drug-bust sa Caloocan

Posted on: March 3rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak na itinuturing bilang High-Value Individual (HVI) at sa parokyano nito nang maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang mga suspek sa sina alyas “Daboy”, 26, (HVI) at alyas “Noel”, 52, driver.

Ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan Police sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation laban kay alyas Daboy, sa koordinasyon sa PDEA nang magpositibo ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng shabu.

Nang tanggapin umano ni ‘Daboy’ ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba kasama ang kanyang parokyano na si alyas Noel sa Villa Maria St, Brgy 2, alas-3:48 ng hapon.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 20.99 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P142,732, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang 12 pirasong P1,000 boodle money at P200 cash.

Ayon sa pulisya, na-inquest na ang mga suspek para sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

NHA, AGARANG NAGBIGAY NG AYUDA PARA SA 910 PAMILYANG NASUNUGAN SA TAWI-TAWI

Posted on: March 3rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ng tulong pinansyal mula sa National Housing Authority (NHA), sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng ahensya ang may kabuuang 910 pamilyang mula sa lalawigan ng Tawi-Tawi, na nasira ang mga bahay dahil sa malawakang residential fire na naganap sa Brgy. Lamion, Bongao.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni NHA General Manager Joeben A. Tai, pinangunahan ni NHA Region Zamboanga City/Zamboanga Sibugay/ARMM B District Office ang pamamahagi ng cash grant na nagkakahalaga ng ₱9,100,000 sa isang seremonya na ginanap sa MBHTE Gym, Bongao.

Ang bawat pamilya ay nakatanggap ng tig-₱10,000 halaga ng ayuda para sa pagkukumpuni ng kanilang mga nasirang tirahan. Ang bawat benepisyaryo ay na-screen at na-verify gamit ang data mula sa municipal government unit ng Bongao.

“Sa direktiba ng ating mahal na Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang NHA po ay may nakalaang pondo para sa EHAP upang makapaghandog kami ng tulong pinansyal sa mga naging biktima ng sakuna at kalamidad. Ito po ay para makatulong kami sa kanilang pagbangong muli at mabigyan sila ng pag-asa sa buhay,” wika ni GM Tai sa kanyang mensahe.

Bilang tugon, nagpahayag ang mga benepisyaryo ng kanilang pasasalamat sa NHA sa agarang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan, lalo na sa panahon ng pagsubok. Ayon sa kanila, ang tulong pinansyal na kanilang natanggap ay isang malaking kaluwagan upang matulungan silang magsimulang-muli at muling maitayo ang mga tahanan para sa kanilang mga pamilya.

Isa sa mga kasalukuyang programa ng NHA, ang EHAP ay naglalayong magbigay ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng iba’t ibang kalamidad, kabilang ang sunog, bagyo, lindol, pagguho ng lupa, at baha, upang matulungan silang makabangon at muling buuin ang kanilang buhay.
(PAUL JOHN REYES)

Abot-kamay na loans mas pinaigting hatid ng ng Asian Development Bank at GCash

Posted on: March 3rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

GINHAWA at pag-asa ang hatid sa mga maliliit na negosyante o MSMEs, mga women entrepreneur lalo na sa mga high poverty area sa buong Pilipinas, matapos aprubahan ng Asian Development Bank (ADB) ang 1.75 bilyon ($30 milyon) na loan para sa GCash₱ Fuse Financing, Inc. Layunin nito na mas mapadali ang pag-utang ng puhunan at makatulong sa paglago ng kanilang negosyo. Inilunsad nila ang loan program kung saan ay nagsagawa rin sila ng financial literacy workshop para sa daan-daang MSMEs kasama na ang mga may-ari ng sari-sari stores at carinderia.
Hangad nitong palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa maayos na pamamalakad ng pera at responsableng pag-utang. Nais ng GCash at ADB na matulungan ang maraming negosyante kaya bukas ang loan program kahit sa mga first-time borrower. Hindi rin kinakailangan ng collateral at maraming dokumento na kadalasang humahadlang para makautang sila. Gamit ang GScore, sariling teknolohiya ng GCash app, nasusuri agad kung qualified ang negosyante para sa loan.

“Sa pakikipagtulungan sa ADB, napalalakas namin ang misyong gawing mas abot-kamay ang mga loan para sa mga Pilipinong higit na nangangailangan nito, sa mga gusto magnegosyo at palaguin ang kanilang negosyo,” ani Tony Isidro, CEO at presidente ng Fuse Financing Inc., ang lending arm ng GCash.

Tinututukan ng GCash at ADB ang mga maliliit na negosyante o micro, small, medium enterprises (MSMEs) dahil malaki ang kanilang ambag sa ekonomiya. Karamihan o 63% ng may-trabaho ay dahil sa mga MSME.
Gayunpaman, nananatiling problema ang kakulangan ng access sa financing dahilan para maging mabagal ang kanilang pag-asenso. Ayon sa isang pag-aaral ng ADB, isa ito sa mga itinuturing na malaking hamon para sa mga MSME, bukod sa kakulangan ng kapital.
“Sa GCash, gusto naming mapadali para sa mga MSME ang pag-utang, para mas maraming negosyante ang magkaroon ng oportunidad na lumago at umunlad,” pahayag ni Isidro.Kaugnay nito, inaanyayahan ni Isidro ang mga MSME na mag-apply sa loan program na katuwang ang ADB.
“Kaagapay ng mga MSME ang GCash para sa mas mabilis na pag-asenso ng kanilang negosyo. Hangad namin ang kanilang manigong kinabukasan,” pagtatapos ni Isidro.

Nagbanta na hahanapin ang naturang basher… KARLA, ‘di palalagpasin ang hangad na may masamang mangyari kay LELLA

Posted on: March 3rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SOBRA lala na talaga ng mga bashers ngayon, dahil yun iba ay nagwi-wish pa na may masamang mangyari sa kanilang pinupuntirya.
Kaya naman hindi na napigilan ni Karla Estrada na patulan ang basher na hindi matanggap ang pagpanalo ng anak na si Lella Ford, bilang isa sa big winners ng ‘PBB Celebrity Collab Edition 2.0’ kasama si Caprice Cayetano.
Post ng basher, “Lella remember Emman? Sana gawin mo rin po please…”
Dagdag pa dito, “naway ma-depress sa mga comment at sundan nya si Emman. Di mo gets? Sana gets mo na.”
Kaya ni-repost ito ni Karla, at galit na sumagot na, “ganito na ka sira ulo ang taong ito sa pinagsasabi nya. At dahil dyan hindi ko ito palalagpasin dahil hindi na ito katanggap tanggap.
Banta pa ng aktres,“Intayin mo ang balik sayo nitong pakiusap mo sa anak ko. sira ulo ka.
“Wala nang hindi matutunton ngayon KACCH4N.”
Samantala, nauna nang nag-post si Karla ng pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng suporta sa kanyang anak.
Aniya, “Tapos na ang laban sa loob ng bahay ni kuya.
“Haharapin na ang totoong laban sa labas na mag papatunay ng tunay na kakayahan ng pagganap sa bawat palabas na matatanggap.
“Mas pagtuunan ng pansin ang hamon sa pag-arte bilang artista ng kapamilya network at bilang tao na may tapang at sariling paninindigan.
“Pagtuunan ang bawat trabaho na nakapila pagbutihin ang pagiging artista.
pagtagumpayan mo anak ang pangarap na matagal mo nang inaasam.
“Maraming salamat sa lahat ng mga sumuporta, nag puyat, nag ambag at lumaban sa hamon ng pag papagod sa kaka-boto hangang sa makaalagwa!
MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT!
“Nandito lang kaming lahat para suportahan, protektahan, alagaan at mahalin ka!
“MABUHAY ANG KAPAMILYA BIG WINNER LELLA FORD.”
Dagdag mensahe pa ni Karla…
“Patuloy lang sa pangarap anak. Asahan ang mga balakid na susubok ng katatagan mo. Ngunit tandaan, walang kasamaan na nag tatagumpay.
“Ang mahalaga, pagbutihin mo ang mga magiging trabaho mo at husayan pa ang talento sa pag-arte. makisama sa lahat at mag-enjoy lang anak sa mga hamon.
“Sama-sama tayong mag lalakbay patungo sa iyong tagumpay Le!
“Hangga’t maayos at mabuti ka, panalo ka!”

(ROHN ROMULO)

Kumpleto ang mga anak, manugang at malalapit na kaibigan… Dakilang ina ni JUDY ANN na si Mommy CAROL, ipagdiwang ang 79th birthday

Posted on: March 3rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PEBRERO 25 ang eksaktong kaarawan ni Mommy Carol Santos, ang dakilang ina ni Judy Ann Santos.
Pero ipinagdiwang niya ito nitong Marso 1 sa isang class at intimate birthday dinner sa sikat na restaurant ng pamosong si Chef Jessie Sincioco sa Makati.
Siyempre pa, kumpleto ang mga anak ni Mommy Carol sa espesyal na selebrasyon niya; si Judy Ann na bunsong anak, si Jack na pangalawa sa magkakapatid at ang panganay na si Jeffrey Santos.
Nasa dinner rin siyempre ang asawa ni Juday na si Ryan Agoncillo at ang mga anak nilang sina Yohan, Lucho at Luna, at ang parents ni Ryan na sina Daddy Chito at Mommy Nina Agoncillo.
Also present ay ang misis ni Jeffrey na si Ynna at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ni Ste Jack.
Dumalo siyempre ang team Judy Ann; sina Tippy Fernandez with husband Diong, si Ralph Mercado, Jeff Aromin, Nonong Geronaga, Carmi David at Anna Melissa Dasig minus mareng Mary Jane Buencamino na kasalukuyang nasa New Zealand.
Umawit para sa may kaarawan ang apo niyang si Yohan na habang kumakanta ng “Dancing Queen” ay nagsasayaw naman sina Juday at Ryan, at isinasayaw rin si mommy Carol ng apo niyang si Lucho.
Naghandog rin ng awitin ang mga music divas na sina Ivy Violan at Faith Cuneta.
Dumalo rin ang mga showbiz reporters na malapit kay Mommy Carol; ang inyong lingkod, ang entertainment editor ng People’s Balita na si Rohn Romulo, Anna Pingol, Reggee Bonoan, Kristina Orfiano, tita Aster Amoyo at Allan Diones.
Nasa party rin ang isa pang matalik na kaibigan ni mommy Carol, ang Presidente ng PTV 4 na si Ms. Malou Choa-Fagar, at sina Mother Biboy Arboleda, direktor Trina Dayrit, at gayundin ang bestfriend ni Mommy Carol na si Mommy Amy Pascual, ang ina ni Piolo Pascual, pati na rin ang mga Canada-based friends at 1964 school batchmates niya.
Hindi nakarating si Noel Ferrer, ang butihing manager ni Ryan dahil may meeting ito na hindi maiwan, at sina Martin Nievera at Joy Alonzo na kapwa nasa abroad.
Actually ay seventy-nine years old pa lamang si Mommy Carol pero dahil may isang kasabihan tungkol sa pagdiriwang ng edad na zero ang huli ay itinuring na 80 na siya this year.
Parte pa rin ng selebrasyon ni Mommy Carol ay ang upcoming trips niya sa Thailand at Vietnam.
Yes, sa edad niya ay malakas at masigla kaya can afford siya to travel abroad whenever and wherever she pleases.
Happy birthday, Mommy Carol! Mahal ka namin!

(ROMMEL L. GONZALES)

Dahil puwedeng maging bida kung magpapa-sexy… LARKIN, pinalagan sa sinabing mas gusto na makilalang character actor

Posted on: March 3rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PUMALAG ang mga accla sa sagot ni Larkin Castor na mas gusto niyang makilalang character actor kesa sa maging sexy actor.
Sey ng isang acclang netizen: “Sayang naman ang pag-post niya ng pag-workout niya kung magiging character actor lang siya. Kapag nagpa-sexy siya, magiging bida siya kasi ang hot niya!”
Simula nga raw na nakipaghiwalay kay Larkin si AZ Martinez, tumutok ito sa kanyang “revenge workout” at ngayon ay isa na siya sa pinagpapatasyahan na hunks ng GMA.
Kabilang si Larkin sa ni-launch na Sparkle Sparkada noong 2022. Kasabayan niyang Sparkle hunks sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, Jeff Moses, Kim Perez at Saviour Ramos.
Pagkatapos lumabas sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters, Luv Is: Love at First Read, Lovers & Liars, Black Rider, Widows’ War, Shining Inheritance, My Ilonggo Girl at Sang’gre, mapapanood si Larkin as Spencer sa ‘Apoy Sa Dugo.’
***
NAGSIMULA na last year sa kanyang transition from male to female ang drag performer na si Marina Summers.
On X (formerly Twitter), nag-share si Marina na sumasailalim na siya sa Hormone Replacement Therapy (HRT).
“For so many years, I poured that energy into carving a life that required me to move at full speed. Becoming the person I’ve always seen myself as felt like something I’d get to ‘later’, something I gently pushed to the side while I tried to catch every other dream first.
“To everyone who knew me as Yan or Adrian, it’s been amazing. But that chapter of my life is happily closed. From hereon, I’d love for you all to get to know me more as the woman I’m becoming. Hello again my friends, it’s me, Marina.”
Kabilang si Marina sa naunang batch of drag queen contestants sa first season ng DragRace Philippines noong 2022. She was first-runner up.
Nag-place third naman siya sa second season of RuPaul’s Drag Race: UK vs. the World in 2024.
Noong May 2025, si Marina ang first Filipina drag queen in history na rumampa sa red carpet ng prestigious Cannes International Film Festival.
***
ANG HBO movie na Sinners at ang TV shows na The Pitt (HBO) at The Studio (Apple TV) ang big winners sa 32nd annual Actor Awards (formerly known as the Screen Actors Guild Awards).
Napanalunan ng vampire thriller na Sinners ang best performance by an ensemble in a film at ang best lead actor for Michael B. Jordan.
In the TV categories, The Studio was named best comedy series ensemble at best actor and best actress in a comedy series sina Seth Rogen at Catherine O’ Hara (posthumous award). Perfect tribute ito for Catherine na pumanaw noong nakaraang January 2026.
The Pitt won the award for best ensemble in a drama series at best actor in a drama series si Noah Wyle.
Hinandugan naman ng Life Achievement Award si Harrison Ford.
Si Kristen Bell ang naging host for the second time. Ginanap ang ceremony sa Shrine Auditorium & Expo Hall in Los Angeles.
Here is the full list of 2026 Actor Award winners follows.
Outstanding Performance by a Cast in a Motion Picture: Sinners
Outstanding Performance by a Male Actor in a Leading Role: Michael B. Jordan (Sinners)
Outstanding Performance by a Female Actor in a Leading Role: Jessie Buckley (Hamnet)
Outstanding Performance by a Male Actor in a Supporting Role: Sean Penn (One Battle After Another)
Outstanding Performance by a Female Actor in a Supporting Role: Amy Madigan (Weapons)
Outstanding Action Performance by a Stunt Ensemble in a Motion Picture: Mission: Impossible — The Final Reckoning
Outstanding Performance by an Ensemble in a Drama Series: The Pitt (HBO Max)
Outstanding Performance by a Male Actor in a Drama Series: Noah Wyle (The Pitt)
Outstanding Performance by a Female Actor in a Drama Series: Keri Russell (The Diplomat)
Outstanding Performance by an Ensemble in a Comedy Series: The Studio (Apple TV)
Outstanding Performance by a Male Actor in a Comedy Series: Seth Rogen (The Studio)
Outstanding Performance by a Female Actor in a Comedy Series: Catherine O’Hara (The Studio)
Outstanding Performance by a Male Actor in a Television Movie or Limited Series: Owen Cooper (Adolescence)
Outstanding Performance by a Female Actor in a Television Movie or Limited Series: Michelle Williams (Dying For Sex)
Outstanding Action Performance by a Stunt Ensemble in a Television Series: The Last of Us (HBO)
SAG-AFTRA Life Achievement Award: Harrison Ford