• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

Pambabastos sa kababaihan, walang puwang sa Quezon City – Mayor Joy

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI kinukunsinti ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pambabastos sa isang babae.

Ito ang pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte hinggil sa malaswang pagpapantasya ni Quezon City 4th district Congressman Bong Suntay sa aktres at TV host na si Anne Curtis.

“His words directly contradict the spirit of empowerment that we have worked hard to build here in Quezon City. Over the years, we have embraced the difficult work of establishing protections for women, constantly ­striving to honor their rights by creating safe spaces and opportunities for them”, dagdag ni Belmonte.

Matatandaang sa pagdinig ng Kamara, sinabi ni Suntay na hindi niya maiwasan na mag-init nang makita si Curtis.
“In this context, it is truly disappointing to witness Congressman Suntay’s casual display of objectification, on Women’s Month no less. But what makes this incident especially troubling is the fact that, as a former member of our City Council, he was part of the body that passed our Gender and Development Code,” pahayag ni Belmonte.

“Moreover, he was the majority floor leader of the city council when we passed the Bawal Bastos Ordinance, which declares that lewd, malicious, and demeaning remarks and acts have no place in public life. Quezon City instituted this policy in 2016—ahead of the national Safe ­Spaces Act,” dagdag pa ng alkalde.

Sabi ni Belmonte, ang patakaran ay isang malinaw na pagpapahayag ng mga pinahahalagahan ng lungsod—kung ano ang ipinaglalaban at kung ano ang kailanman pinahihintulutan. Umaasa si Belmonte na ang mga halal na opisyal ang unang susunod sa mga batas.
“Thus, it is clear to me: We must not hesitate to push back against any act that undermines the dignity of our women. We must continue to stand for their safety, dignity, and ­equality—without exception and without compromise,” pahayag ni Belmonte.

Una nang humingi ng tawad si Suntay sa naturang pahayag.

Medical screening program para sa maagang detection ng kanser, tinataguyod ni Leyte Rep. Romualdez

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINATAGUYOD ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang isang medical screening program para sa maagang detection ng kanser sa isang pasyente.
Sa inihaing House Bill (HB) No. 7942, kasama si Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, bibigyan kapangyarihan ang Department of Health (DOH) na maglungsad ng programa upang pagtibayin ang cancer risk screening sa tulong ng local government units, barangay health workers at ilan kawani sa sektor ng kalusugan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang kanser ay ikatlong sanhi ng pagkamatay sa karamdaman ng mga Pilipino, sinabi ni Romualdez.
“A major factor contributing to this alarming reality is the late diagnosis of cancer cases, which not only reduces survival rates but also imposes severe financial hardship on affected families. Studies reveal that treatment of late-stage cancer can consume more than 30 percent of a household’s income, often pushing families into financial catastrophe,” ani Romualdez.
Aniya, sa mas mataas ang bilang ng may sakit na kanser sa mga mauunlad na bansa pero maaga nila itong naagapan dahil sa magandang early detection and prevention programs.
“Evidence shows that early detection significantly improves survival rates while reducing overall treatment costs, making it both a life-saving and cost-effective public health strategy,” pahayag ni Romualdez.
Sa panig naman ni Acidre, ang HB 7942 ay pagbibigay daan sa pagtatatag ng taunang community-based cancer early detection programs sa pamamagitan ng risk profiling, barangay-level screening, at awareness campaigns sa mga munisipalidad.
Idinagdag ni Acidre na bibigyan ng karagdagang suporta at kakayahan ang mga barangay health workers (BHWs) sa pamamagitan ng capacity development at training, upang makatulong sa mga cancer prevention programs, screening promotion, health navigation, at suporta sa mga pasyente.
“By integrating grassroots health workers into systematic cancer risk detection and awareness efforts, the State fulfills its mandate under the Constitution to protect and promote the right to health, while complementing the objectives of Republic Act No. 11215, or the National Integrated Cancer Control Act,” sinabi ni Acidre.
Sa ilalim ng Cancer Risk Screening and Awareness Act, ang mga inisyal na sa saklaw ng early detention programs ay breast, cervical, colorectal (colon), at prostate cancers. (Vina de Guzman)

Kapakanan at seguridad ng mga naiipit sa sigalot sa Middle East dapat asikasuhin, panawagan sa ahensya ng gobyerno

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at iba pang ahensiya ng gobyerno na kaagyat na asikasuhin ang kapakanan at seguridad ng mga manggagawang Pilipino na naipit ng sigalot sa Middle East.

“We urge all relevant authorities to work triple-time and activate 24/7 rapid response systems. Clear, consistent, and real-time communication must be established with our kababayan on the ground, especially on critical matters such as their right to refuse unsafe work, access to emergency shelters, updated travel advisories, and verified hotline numbers,” pahayag ni TUCP Party-list Representative at House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza.

Kasabay nito, nanawagan naman ang Makabayan bloc ng mga mambabatas sa Kamara sa gobyerno na magpatupad ng contingency measures bilang tugon sa tumataas na presyo ng langis dulot ng nagaganap na giyera sa pagitan ng US, Israel at Iran.

“The Filipino people are already suffering from weekly oil price hikes, but with the US-Israeli attack on Iran oil prices skyrocketied by P15.00 per liter for diesel, P7.00 for gasoline, and P28.00 for kerosene in just three days. This is a direct blow to drivers, farmers, fisherfolk, workers, and every Filipino family,” pahayag ng Makabayan bloc.

Anila, dapat sertipikahan ni Pangulong Marcos ang House Bill 215, o Presyo Ibaba Bill, para tanggalin ang excise tax at VAT sa langis, kuryente, tubig at pagkain.

“A long-term solution is also required, including the passage of reform bills to regulate the oil industry and the renationalization of Petron. Hindi lamang krisis sa seguridad ang digmaan ng US at Israel—krisis din ito sa kabuhayan para sa atin. Dapat kumilos agad ang mga nasa poder, at dapat nilang gawin ang agarang aksyon,” dagdag ng Makabayan.

Sinabi naman ng TUCP ang naging pahayag ni U.S. President Donald Trump na magpapatuloy ang pag-atake sa Iran “uninterrupted throughout the week or as long as necessary,” kung saan ipinapakita ang paglala ng sitwasyon.

“The (Philippine) Government must revisit, update, and fully operationalize its contingency and repatriation plans with definitive timelines, clear protocols, and ready logistical support, particularly for the thousands of Filipinos in Iran and the millions more in the entire Middle East, who may wish to return home. Our kababayan demand and deserve a proactive response that is accessible and deployable at a moment’s notice,” pahayag ni Mendoza. (Vina de Guzman)

Top 4 most wanted ng NCRPO, nabitag sa Malabon

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang lalaki na wanted sa dalawang bilang na kasong rape nang malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City.

Sa ulat ni Malabon Police Chief P/Col. Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, ang 29-anyos na akusado na residente ng Caloocan City ay nakatala bilang No. 4 sa Top Ten Most Wanted Person sa NCRPO, Top 2 sa NPD at Top 1 sa Malabon CPS.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Col. Umipig na naispatan ang presensya ng akusado sa lungsod kaya kaagad niyang ipinag-utos sa kanyang mga tauhan ang pagtugis dito.

Alas-6:30 ng gabi nang tuluyang masukol ng pinagsanib na mga tauhan ng Sub-Station 3 at Warrant and Subpoena Section ng Malabon CPS ang akusado sa Brgy., Panghulo.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Family Court, Branch 4, para sa kasong 2 counts of Rape Through Sexual Assault and Acts of Lasciviousness.

Samantala, naaresto naman ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth sa manhunt operation ang 36-anyos na babae na wanted na nakatala bilang No. 6 sa TTMWP sa Caloocan CPS dahil sa paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Possession of Drug Paraphernalia).

Ayon kay B/Gen. Dela Cruz, ang pagkakaaresto sa mga akusado ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng NPD laban sa mga wanted na indibidwal at sa patuloy na pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at hustisya sa Camanava area. (Richard Mesa)

PBBM, ipo-promote ang kapakanan ng mga kababaihan, kapayaan sa UN events

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BIBIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang commitment ng Pilipinas na isulong ang kapakanan ng mga kababaihan sa 70th session ng Commission on the Status of Women (CSW) sa New York, Estados Unidos.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Assistant Secretary Angelica Escalona na inaasahan na magbibigay ng kanyang pananalita si Pangulong Marcos sa nasabing event.
“Magsasalita po ang Pangulo sa 70th Session ng Commission on the Status of Women o CSW 70,” ang sinabi ni Escalona sa press briefing sa Malakanyang.
“He will also highlight here the Philippines’ commitment to promote, advance and protect the rights and well-being of women and girls,” aniya pa rin.
Ang working visit ng Pangulo sa Estados Unidos ay mula Marso 8 hanggang 11.
Makakasama naman ng Pangulo sa byahe niyang ito si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, pati na rin sina DFA Secretary Maria Theresa Lazaro, Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., at Presidential Communications Office acting Secretary Dave Gomez.
Ang CSW ay isang UN commission na nagsisilbi bilang principal global intergovernmental body na nakatuon para i-promote ang ‘gender equality, karapatan ng mga kababaihan, at women’s empowerment.’
Ang CSW 70 ay nakatuon naman sa pagpapalakas ng access sa katarungan para sa lahat ng mga kababaihan, pino-promote ang inclusive at equitable legal systems, inaalis ang discriminatory laws, at tinutugunan ang structural barriers.
( Daris Jose)

BI AT PHILIPPINE ARMY, LUMAGDA SA KASUNDUAN

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

LUMAGDA sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Philippine Army at Bureau of Immigration upang palakasin ang koordinasyon sa pagbabantay sa hangganan at seguridad ng bansa.

Nilagdaan ang kasunduan noong Pebrero 23 sa Fort Bonifacio sa Taguig City nina Army Commanding General Antonio G. Nafarrete at Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.

Sa ilalim ng kasunduan, pagtitibayin ang palitan ng intelligence information, koordinasyon sa operasyon, at pagsasagawa ng joint trainings at field operations upang labanan ang terorismo, human trafficking, transnational crime, at iba pang immigration violations.

Magkakaroon din ng Joint Coordination Committee upang pangasiwaan ang mga polisiya, operasyon, at mga programang magpapalakas sa seguridad ng bansa. Ayon sa dalawang ahensya, layunin ng partnership na mas maprotektahan ang mga hangganan ng Pilipinas at ang kaligtasan ng mamamayan laban sa mga banta mula sa ibang bansa. (Gene Adsuara)

Jessie Buckley and Christian Bale Ignite Maggie Gyllenhaal’s Bold “The Bride!”

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

JESSIE Buckley and Christian Bale ignite a provocative, punk-inspired reimagining of a classic monster tale in Maggie Gyllenhaal’s “The Bride!” — now showing in cinemas worldwide.

Wild, daring, and electrifying—Maggie Gyllenhaal’s “The Bride!” storms into cinemas with a fearless vision that reimagines one of literature’s most compelling stories. Starring Academy Award nominee Jessie Buckley and Academy Award winner Christian Bale, the film blends gothic romance, monstrous humanity, and cultural rebellion into a thrilling cinematic experience.

Set against the vibrant backdrop of 1930s Chicago, this powerful new take on the Frankenstein mythos pulses with attitude, spectacle, and heart.

In the film, Christian Bale plays a lonely Frankenstein searching for companionship in a world that fears him. Desperate for connection, he seeks out groundbreaking scientist Dr. Euphronious, portrayed by five-time Oscar nominee Annette Bening.

Together, they revive a murdered young woman—ushering in the birth of The Bride, played by Jessie Buckley.

Yet what follows is far from the quiet companionship Frankenstein imagined. Instead, the world erupts into chaos and transformation: murder, possession, cultural upheaval, and an explosive romance that defies every expectation.

Fresh from winning Best Actress honors at the Actor Awards, BAFTA, Golden Globes, and Critics Choice Awardsfor her acclaimed role in Hamnet, Jessie Buckley brings fierce intensity to the film’s rebellious heroine.

Indeed, this version of The Bride refuses to stay silent or subdued. Instead, she sparks a radical movement, shaking the very foundations of the society around her.

Director Maggie Gyllenhaal, the Academy Award–nominated filmmaker behind The Lost Daughter, delivers a daring cinematic experience that blends gothic horror, romance, and rebellious spirit.

“It’s naughtier, wilder, more dangerous,” teases Gyllenhaal.

Her fresh storytelling transforms the classic monster tale into something vividly modern yet timeless, filled with emotional depth and striking visual style.

From Warner Bros. Pictures comes “The Bride!”, a First Love Films / In The Current Company production and a striking Maggie Gyllenhaal film.

Prepare for a film that is wild, radical, and unforgettable. Experience the powerful story, rebellious spirit, and electrifying romance of “The Bride!” — now showing only in cinemas. #TheBrideMovie

(ROHN ROMULO)

3 most wanted persons, tiklo sa Valenzuela

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kulungan ang tatlong most wanted persons nang malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.
Ikinasa ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang manhunt operation laban sa tatlong indibidwal na pawang residente ng Brgy., Canumay West at nakatala bilang mga Most Wanted Person sa Valenzuela CPS.

Dakong ala-1:10 ng hapon nang tuluyang makorner ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Lt. Felix Viernes sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Robin Santos, katuwang ang mga tauhan ng Police Sub-Station 1 ang mga akusado sa kanilang lugar.

Hindi na nakapalag ang mga akusado nang bitbitin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Metropolitan Trial Court, Branch 81, Valenzuela City, noong February 26, 2026, para sa kasong Robbery in an Uninhabited Place or in a Private Building under Article 302 of the Revised Penal Code na may inirekomendang piyansa na P36,000.00.

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz ang Valenzuela Police sa kanilang pinaigting na kampanya para tugisin ang mga wanted na indibidwal. (Richard Mesa)

PBBM gagamitin ang byahe sa Estados Unidos para manligaw: Pinas, hangad ang mas malakas na suporta para sa UNSC seat

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hangad ng Pilipinas ng mas malawak na suporta mula sa international para sa inaasam nito na non-permanent seat sa United Nations Security Council (UNSC).
Ang halalan para sa UNSC 2027-2028 term ay isasagawa sa June 2026.
Sinabi ni DFA spokesperson Assistant Secretary Angelica Escalona na nakatakdang magsalita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang special session ng United Nations General Assembly sa New York sa Marso 9 at 10.
Bibigyang-diin ni Pangulong Marcos ang long-standing commitment ng Pilipinas sa UN simula pa sa pagtatatag nito noong 1945.
“In his address at the General Assembly, the President will underscore how the Philippines has continuously and constructively engaged the United Nations and UN member-states since the UN’s founding in 1945,” ayon kay Escalona sa press briefing sa Malakanyang.
Sinabi pa ni Escalona na “the Philippines has advanced the rule of law, multilateralism, sustainable development, climate resilience, humanitarian action, and the promotion of human rights and protection of vulnerable groups in conflict situations.”
Bibigyang diin din ng Pangulo na ang makakuha ng UNSC seat ay makapagbibigay sa Pilipinas ng mas malakas na boses sa ‘global peace at security matters’ na nakaaapekto rin sa national interests gaya ng soberanya, maritime security, global economy, at kapakanan ng mga overseas Filipino Workers.
Samantala, sinabi ni Escalona na pinag-aaralan din ng Pilipinas ang naunang imbitasyon dito na sumali sa panukalang “Board of Peace,” na nauna nang binanggit ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez. (Daris Jose)

KOREAN NATIONAL INARESTO, SCAM HUB, NADISKUBRE SA PAMPANGA

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national at nadiskubre ang isa pang pinaghihinalaang scam hub sa isinagawang enforcement operation sa Angeles City, Pampanga.
Sa ulat kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, nagsagawa ng operasyon ang Intelligence Division–Special Response Team (ID-SRT) noong hapon ng Pebrero 25 na nagresulta sa pagkakaaresto ng 33-anyos na Korean national na si Yu Jaemin.
Nag-ugat ang operasyon mula sa isang intelligence information na nagsasabing sangkot ang nasabing indibidwal sa operasyon ng isang pinaghihinalaang scam hub na tumatarget sa kapwa Korean nationals at posibleng iba pang dayuhang biktima.
Nagsagawa ng surveillance ang mga operatiba sa target na lugar at nakita ang suspek na lumabas sa kanyang tirahan at nagtungo sa isang opisina sa Poinsettia Street sa Angeles City.
Pagpasok sa nasabing lugar, nadatnan ng mga operatiba ng BI ang labing-isang iba pang Korean nationals na nakatalaga sa kani-kanilang workstations at aktibong gumagamit ng operational equipment. Ang setup ng lugar, kabilang ang mga nakatalagang work areas at mga aktibidad na isinasagawa sa mga digital devices, ay tumutugma sa mga ulat hinggil sa operasyon ng mga scam hub.
Natagpuan ang mga indibidwal na abala sa kanilang mga gawain nang ipatupad ang operasyon, kaya agad na isinagawa ang beripikasyon ng kanilang pagkakakilanlan at immigration status at napag-alamang tatlo sa mga dayuhan ay mga fugitives from justice na may umiiral na derogatory records, habang ilan naman ay natuklasang overstaying na lumalabag sa Philippine Immigration Act of 1940, na may mga susog.
Bago isinagawa ang operasyon, nagkaroon ng wastong koordinasyon sa Philippine National Police (PNP) Pampanga at PNP Angeles City upang matiyak ang pagiging lehitimo at maayos na pagsasagawa ng operasyon.
Habang isinasagawa ang enforcement operation, dumating sa lugar ang isa pang Korean national na nagpakilalang lessor o manager ng property. Iniulat na nakialam ito sa operasyon at maling nag-angking ipinadala siya ng mga awtoridad ng Korea. Gayunman, kinumpirma ng BI sa pamahalaan ng Korea na walang ganitong representasyon na ginawa ng mga ito.
Kalaunan ay dinala ang mga nasabing indibidwal sa Maynila para sa booking at dokumentasyon, at kasalukuyang nakadetine sa BI Warden’s Facility habang hinaharap ang kanilang mga deportation case.
Ayon kay Viado, magsasagawa pa ng imbestigasyon ang ahensya hinggil sa background ng Korean national na nagtangkang manghimasok sa operasyon at sa posibleng koneksyon nito sa iligal na aktibidad na natuklasan sa lugar.
Muling iginiit ng pinuno ng BI ang matibay na paninindigan ng ahensya laban sa mga foreign-led scam hubs na nagpapatakbo sa bansa.
“Hinding-hindi namin pahihintulutan ang mga organisadong fraud syndicates na samantalahin ang ating mga komunidad at gamitin ang teritoryo ng Pilipinas bilang base ng kanilang mga kriminal na operasyon,” ani Viado. “Magpapatuloy ang aming mga intelligence at enforcement units sa mahigpit at koordinadong aksyon kasama ang aming mga katuwang sa law enforcement upang matiyak na ang mga dayuhang lumalabag sa ating mga batas ay maaaresto at mapapaalis sa bansa (Gene Adsuara)