• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

PBBM, pinangasiwaan ang oath of office ni DENR Acting Secretary Cuna

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINANGASIWAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ni Juan Miguel Cuna bilang Acting Secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isang pormal na seremonya sa ginawa sa Palasyo ng Malakanyang.
Inatasan ng Pangulo si Cuna na pamunuan ang DENR, kung saan una siyang naglingkod bilang Undersecretary mula July 2017 hanggang February 2026 at bilang isang Assistant Secretary mula 2008 hanggang 2017.
Nagtamo si Cuna ng Master’s degree sa Public Management sa Lee Kuan Yew School of Public Policy, National University of Singapore at John F. Kennedy School of Government, Harvard University sa Estados unidos.
Natapos niya ang kanyang Bachelor of Laws mula Ateneo Law School, at Bachelor of Arts in Development Studies mula University of the Philippines, Manila.
Si Cuna ay nagsilbi rin bilang City Councilor ng 5th District ng Maynila mula 2001 hanggang 2007 at naunang itinalaga bilang Director ng Presidential Legislative Liaison Office sa Office of the President of the Philippines mula 1998 hanggang 2001.
Bago pa pumasok sa mas mataas na public service, nagtrabaho siya bilang Local Legislative Staff Officer V sa Manila City Council noong 1995. Maliban sa kanyang government career, nagsilbi rin si Cuna bilang law professor sa Arellano Law Foundation.
( Daris Jose)

Para maikasa ang distribution sa lalong madaling panahon… Tiniyak na may fuel subsidy ang gobyerno sa transport, agriculture – Sen Tulfo

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKIPAG-UGNAYAN si Sen. Raffy Tulfo sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), Department of Energy (DOE), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at Department of Agriculture (DA), bilang Chairman ng Senate Committee on Public Services, upang personal na matutukan ang mga programang tutugon sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa agricultural at transport sector dulot ng sigalot sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Sen. Raffy, kritikal na panahon ito upang makapaglatag agad ng maayos na sistema para maikasa ang distribution ng fuel subsidies sa lalong madaling panahon para sa mga magsasaka, mangingisda at mga public utility drivers/riders.
Binigyang-diin ni Sen. Tulfo na mahalagang matiyak ang mga ito upang maagapan at masuportahan agad ang hanapbuhay ng mga manggagawa sa nasabing mga sektor lalo pa’t wala pa ring kasiguraduhan ang paghupa ng tensyon sa Middle East.
Ayon naman kay DOTr Assistant Secretary Jojo Reyes, may nakahanda silang P2.5 billion fuel subsidy funds na paghahati-hatian ng DILG na makakakuha ng 33.9% o P832 million para sa mga tricycle operators and drivers associations (TODAs), 11.01% o P270 million sa DICT para sa mga delivery riders at 55% o P1.3 billion sa LTFRB para sa public utility vehicle (PUV) drivers.
Kung kakalkulahin, inaasahang makakatanggap ng P1,150 per unit ang tricycle drivers, P1,800 ang delivery riders, P10,500 kada drayber ng modernized jeepney at P4,500 – P5,000 sa traditional jeepneys at iba pa.

Iniulat naman ni DA Usec. Roger Navarro na may nakahanda raw silang P100 million para sa mga magsasaka, na ayon kay Sen. Tulfo ay hindi katanggap-tanggap at dapat pang madagdagan.
Sa ayuda sa mga mangingisda, sinabi ni BFAR National Director Elizer Salilig na bagaman may nakadeposito silang P50 million sa Development Bank of the Philippines (DBP), hindi nila ito magagamit bilang fuel subsidy dahil sa matagal na panahon ay hindi pa rin sila sinasagot ng DBP para maglabas ito ng supplemental agreement para maipamahagi na ang nasabing pondo para sa mga mangingisda.
(Daris Jose)

Eala makakaharap si Yastremska sa pagsisimula ng Indian Wells

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SISIMULAN ni Pinay tennis star Alex Eala ang 2026 Indian Wells tournament sa pamilyar na kalaban.

Makakaharap kasi nito si Dayana Yastremska ng Ukraine para sa round of 64 sa California na magsisimula sa umaga ng Sabado, oras sa Pilipinas.

Nakapasok kasi si Yastremska sa second round matapos talunin si Zhang Shuai.

Pasok agad ang 20-anyos na si Eala sa second round matapos na makatanggap ng first-round bye sa WTA 1000 tournament.

Noong nakaraang taon kasi ay tinalo ni Eala ang Ukrainian tennis star sa Eastbourne Open quarterfinals.

Mayroon ng mga titulo ang Ukrainian tennis star kung saan nagkampeon ito sa Hong Kong noong 2018 at matapos ang isang taon ay magkasunod na nagkampeon din sa Hua Hin at Strasbourg.

Habang target ni Eala na maulit na makapagkampeon matapos na makamit ang Guadalajara title noong 2025.

PSC itinutulak ang Olympic Sports sa lokal na paligsahan kasabay ng simula ng 32nd NCRAA

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTULAK ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mas malawak na pagpasok ng Olympic sports sa mga lokal na athletic meet ng bansa.

Kasabay ng pagbubukas ng ika-32 National Capital Region Athletic Association (NCRAA), hinimok ni PSC Chairman Patrick Gregorio ang mga organizer at atleta na isama at pagtuunan ng pansin ang mga Olympic sports upang mas maraming kabataang Pilipino ang mahikayat na subukan ang mga ito.

Ayon kay Gregorio, nagsisimula sa mga lokal na paligsahan ang pagkakadiskubre ng talento ng mga atleta, at mas lalaki ang interes ng publiko kung makikita ang mga Olympic sports sa mga lokal na torneo.

Dagdag pa niya, nakahanda ang PSC na tumulong sa paghahanap at pagsasanay ng mga atletang Pinoy na may potensyal na makapag-uwi ng gintong medalya sa Olympics, lalo na sa Los Angeles 2028 at Brisbane 2032 Games.

Nagpahayag ng suporta si NCRAA General Manager Buddy Encarnado at tiniyak ang kahandaan ng liga na sundin ang panawagan ng PSC.

Posibleng magsilbing hudyat ito ng mas malawak na saklaw ng NCRAA, na dati’y nakatuon lamang sa basketball, volleyball, cheerleading, futsal, table tennis, at badminton.

Sa kasalukuyan, nakikita ng PSC ang lumalaking interes ng kabataan sa athletics, swimming, at combat sports gaya ng taekwondo at judo, na pawang bahagi ng Olympic program.

Layunin ng komisyon na palakasin ang grassroots development upang makapaghanda ang bansa ng mas maraming world-class athletes na kayang makipagsabayan sa pinakamalaking sports tournament sa buong mundo.

Sumabak sa matinding training ang representative ng Baguio City… ROXIE, naghahanda na sa ‘Miss Universe Philippines’ swimsuit show

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na si Sparkle beauty queen Roxie Smith sa Miss Universe Philippines swimsuit show sa March 21 sa Boracay kunsaan i-represent niya ang Baguio City.“Definitely, importante pasarela. I’ve been training multiple times. I’ve had multiple sessions with Sir Ian (Lorenz), and he’s one of the best in the industry. Of course, wardrobe and styling is everything, so I prepared that beforehand.
“Yung sunblock ko, ready na rin. I love the beach, and I’m happy that it’s going to be held there. I feel like it’s in my preferred environment, which I’m very grateful for,” sey ni Roxie.
May total na 51 candidates ang maglalaban sa naturang pageant. Halos lahat daw ay kilala na Roxie at nagba-bonding na raw silang lahat.
“There are 51 candidates, so that gives me 50 people to meet, and I’ve had conversations with each one already. We’re able to build relationships. That’s the core of Miss Universe Philippines, really women empowerment and building relationships, and enjoying the moment together.”
“I’m more than excited, this was my little girl dream. As young as the age of three, I already knew what I wanted. I knew I wanted to go for Miss Universe.”
***
MAG-ONE week pa lang sa outside world ang ‘PBB Celebrity Collab Edition 2.0’ Kapuso Big Winner Caprice Cayetano, kaya nag-a-adjust pa raw ito.
Four months kasi siyang nasa loob ng PBB house kaya may mga nakasanayan na siyang gawin na nadala niya sa paglabas niya.
“Noong kumakain po ako, naglagay pa ako ng name tag ko. Nasanay po kasi kami na may name tag sa Bahay ni Kuya.
“Tapos ang aga ko pong nagising. Para kasing narinig ko yung wake-up call sa amin ni Kuya, yung theme song po!” tawa pa niya.
Dahil tinanghal siyang Big Winner, ready na si Caprice sa mga magiging trabaho niya sa GMA, kasama na rito ang tambalan nila ng co-housemate niyang si Heath Jornales.
May mga fandom na ang CAPEATH sa social media at may teleserye na silang gagawin titled ‘Pangarap na Ginto.’
“Nagulat po kami sa support nila sa amin ni Heath. Nakakatuwa yung CAPEATH fans. We look forward po sa mga pagsasamahan naming mga project dito sa GMA,” sey ni Caprice.
***
NAGING open ang Hollywood actress na si Christina Applegate sa kanyang tell-all book na ‘You with the Sad Eyes.’
Ayon sa aktres: “The book will cover everything from abuse I suffered as a child to my mother’s heroin addiction to me finding fame before suffering from breast cancer and then multiple sclerosis (MS). My life isn’t wrapped up with a bow. People’s lives, sorry for lack of a better term, f**king suck sometimes. So, I’m being as honest and raw as I possibly can. This is not an inspirational book, by any means. But it can inspire.”
After being diagnosed with MS in 2021, hindi na raw siya makalakad at kailangang naka-wheel chair na siya.
After sumikat ni Christina as a teen actress in 1987 via the sitcom, Married… With Children, naging bida siya sa sarili niyang sitcom titled Jesse in 1998. Muli siyang nagbida sa mga series na Samantha, Who? (2007), Up All Night (2011) at Dead To Me (2019)
Nanalo siya ng Primetime Emmy Award for Outstanding Guest Actress in a comedy series for Friends in 2003.
Ilan sa mga nagawa niyang pelikula ay ‘Don’t Tell Mom The Babysitter’s Dead’, ‘The Sweetest Thing’, ‘Anchorman’, ‘Hall Pass’, ‘Vacation’ and ‘Bad Moms.’

Early gift sa kanya bago ang Women’s Day… NADIA, absuwelto sa akusasyon ng paggamit ng marijuana sa Senado

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ABSUWELTO!
Magandang balita na na-absuwelto ang aktres na si Nadia Montenegro sa akusasyon ng paggamit ng marijuana sa Senado, Agosto nitong nakaraang taon noong kasalukuyang tauhan si Nadia ni Senator Robin Padilla.
Mismong ang abogadang si Atty. Maggie Abraham-Garduque ang nagbahagi nito sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Facebook post kaalibat ang litrato ng resolusyon.
Narito ang post ni Atty. Maggie…
“Congratulations Nadia Montenegro Pla.
“This is an early gift for you before the women’s day on March 8.
“The resolution categorically stated that despite the fact that he knew that you were not smoking marijuana in the senate of the Philippines on August 12, 2025, the respondent made an incident report which became the basis of the widespread false news against you last year not only to your extreme damage and prejudice but to your family as well.
“This is a testament that albeit you are a woman, you can fight so that YOUR TRUTH can be heard.
“I know what you have gone through and I am very happy to be your lawyer so that this vindication will be given and finally given to you.” [oncoming fist emojis]
Ayon pa sa abogado ni Nadia, “This revelation of her truth is the start of healing for Nadia.”

Nag-react at nag-sorry naman si Nikko… GIL, binasag na ang katahimikan tungkol sa viral video scandal

Posted on: March 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BINASAG na ng aktor na si Gil Cuerva ang kanyang katahimikan tungkol sa leaked video scandal na kumalat at pinagpiyestahan sa social media.
Sangkot din ang mga aktor na sina Arron Villaflor, Ron Angeles, at Nikko Natividad, na meron ding maseselang video at tinawag pa silang ‘big four’.
Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, Marso 5, ibinahagi niya sa kanyang reels ang kanyang official statement tungkol sa isyu…
Panimula ni Gil, “Hey everyone. I just want to briefly address the issue that had circulated online over the past few days. This will be the only time I speak about it, and I will not be commenting any further after this.”
Ang naturang leaked video at ibinibenta ngayon online ay ni-record ng walang pahintulot.
“The video being shared online was recorded without my knowledge or consent during a private moment.
“The use of hidden camera and the distribution of that recording are serious violation of my privacy and constitute a crime,” pahayag pa niya.
Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa kanyang pamilya at mga kaibigan…
“Thank you to my friends and family who reached out with support during this time, and thank you to those who spoke up to defend my name,” say pa ng aktor.
Dagdag pa niya, “That’s all that really needs to be said. I’m okay, I’m fine, and life goes on,” sey ng aktor.
Nauna na siyang ipinagtanggol ng ex-girlfriend na si Lexi Gonzales sa mga bashers.
“Disgusting how some people are like flies who flock on other people’s dirty laundry. You guys are absolute scum of the Earth,” gaslit na pahayag ng aktres.
“Spreading false information and manipulated content of someone is punishable by law. Kadiri kayo. Repulsive. You wouldn’t know what that means kasi nothing disgusts you.”
Marami naman ang humanga sa ginawa ni Gil na pag-amin, samantala ang comedian at TV personality na si Nikko ay nag-react na rin sa viral video.
Sa kanyang social media account, pinost niya ang short message na, “I’m sorry.”

Ads March 7, 2026

Posted on: March 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Rider, nahulihan ng baril sa Oplan Sita sa Malabon

Posted on: March 6th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang 40-anyos na rider matapos mabisto ang dalang baril nang masita ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Malabon City, Martes ng umaga Sa ulat ni Malabon Police Chief P/Col. Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, kinilala ang suspek na isang messenger at residente ng Navotas City.Ayon kay Col. Umipig, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng TMRU sa Brgy., Concepcion nang parahin nila ang suspek na sakay ng isang motorsiklo na may improvised na plaka para sa biripikasyon dakong alas-9:30 ng umaga.Sa isinagawang pag-inspeksyon, nadiskubre ng pulisya sa loob ng sling bag ng suspek ang isang kalibre .9mm Taurus firearm na may magazine, bala at holster.Nang wala siyang naipakitang kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing baril ay pinosasan siya ng mga pulis habang inimpound naman ang kanyang motorsiklo nang wala rin siyang naipakitang mga dokumento nito.Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) sa Malabon City Prosecutor’s Office.Pinuri naman ni NPD Director Gen. Dela Cruz ang Malabon CPS sa pagiging alerto ng mga ito na dahilan ng pagkakaaresto sa suspek at binibigyang-diin na ang NPD ay nananatili aniyang matatag sa pagpapaigting ng kampanya laban sa kriminalidad para matiyak ang mas ligtas na komunidad. (Richard Mesa)

Ads March 6, 2026

Posted on: March 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments