• June 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 25th, 2025

Malakanyang, muling binasura ang panawagan ni VP Sara na sumailalim sa drug test si PBBM

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING binasura ng Malakanyang panawagan ni VIce-President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa drug test para patunayan na hindi siya gumagamit ng ilegal na droga.
Para kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, dapat na maisip ni VP Sara na noong nakaupo pa sa puwesto ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo ” Digong” Duterte, hindi rin siya sumunod sa kahalintulad na request.
“Did she also ask her father to undergo a drug test? Has she forgotten the previous spokesperson’s statement that a sitting President cannot be ordered to take a drug test?” ang sinabi ni Castro.
Matatandaang Agosto 2018, sinupalpal ng Palasyo ng Malakanyang ang hamon ni Senador Antonio Trillanes IV na magpa-drug test si Digong Duterte at ang kanyang pamilya.
Paliwanag ni Presidential spokesman Harry Roque, bilang pangulo ng bansa na isang halal ng bayan, walang sinuman ang maaring mag-utos sa Punong Ehekutibo na magpa-drug test.
Kung gagawin man aniya ito ng pangulo, dapat ay kusang hakbang at hindi dahil sa mando ng iilang tao.
Ang paulit-ulti na panawagan kay Digong Duterte na sumailalim sa drug test ay matapos na aminin nito na gumagamit siya ng marijuana upang manatiling gising na kalaunan ay binawi niya ang pahayag niyang ito at sinabing nagjo-joke lang siya.
Inamin din ni Digong Duterte na gumagamit siya ng fentanyl, isang napakalakas na painkiller na pinrescribed (prescribe) para sa kanyan spinal injury mula sa isang aksidente, sabay sabing para siyang nasa-“cloud nine” kapag gumamit siya nito.
Sa ulat, hinimok ni VP Sara si Pangulong Marcos na sumailalim sa drug test matapos ang binitawang alegasyon ni Senator Imee Marcos na gumagamit umano ang First Family ng ipinagbabawal na droga.
Sinabi ni VP Sara na dapat magpakita ng resulta ang Pangulo upang mapatunayan na kaya pa nitong pamunuan ang bansa.
Ang buweltang pahayag ni Castro, mas pinili ni Pangulong Marcos na dedmahin ang akusasyon laban sa kanya lalo na ng kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos na gumagamit siya ng ilegal na droga at sa halip ay ipagpatuloy ang kanyang pagtatrabaho para sa mga mamamayan at sa bayan.
“President Marcos continues to work and pursue the corrupt — unlike others who showed signs of outbursts, cursing, making death threats, and uncontrollable anger issues,” ang sinabi ni Castro sabay sabing “That is the behavior of someone acting ‘out of touch,’ as if under the influence of illegal drugs.”
(Daris Jose)

Navotas, sinimulan ang Kapaskuhan sa Christmas tree lighting at fireworks display

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng pagsisindi ng higanteng Christmas tree at fireworks display sa Navotas Citywalk at Amphitheatre noong Nobyembre 20, opisyal na binuksan ng Navotas ang kapaskuhan sa lungsod.
Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Rep. Toby Tiangco ang seremonya at ribbon cutting sa Navotas Christmas Bazaar, na nagtatampok ng 35 local merchants at small businesses.
Itinampok din sa kaganapan ang pagpapakilala at sashing ng mga opisyal na kandidato para sa Mutya ng Navotas 2026.
“Every year, we eagerly look forward to the Christmas tree lighting. It symbolizes that despite challenges, we have much to be grateful for. May we embrace the true spirit of Christmas and spread unity, compassion, and love,” ani Mayor Tiangco.
“Christmas in Navotas is not just about lights and decorations, but about bringing hope and support to our fellow citizens. May our programs remind us that together, we can face life’s challenges,” pahayag naman ni Rep. Tiangco.
Kasabay nito, ipinagdiwang ng lungsod ang magkasanib na kaarawan ni Mayor at Congressman Tiangco sa mga aktibidad na nakasentro sa komunidad na nagsama-sama ng mga residente sa lahat ng edad. (Richard Mesa)

LTFRB NAGBABALA SA MGA PUV DRIVER, OPERATOR NA SUNDIN ANG BATAS HINGGIL SA 20% FARE DISCOUNT LALO NA SA MGA ESTUDYANTE

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Z. Lopez, sa mga driver at operator ng public utility vehicles (PUVs) na mahigpit na sundin ang umiiral na batas hinggil sa 20% fare discount, lalo na para sa mga estudyante.

Ipinahayag ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II ang babala matapos makatanggap ng mga reklamo na ilang sasakyang pampasahero ang hindi nagbibigay ng 20% discount tuwing long weekends at sa mga nagdaang class suspensions.

“Napakalinaw ng batas tungkol dito. Dapat may discount ang mga estudyante kahit sa mga holiday basta’t sila ay naka-enroll,” ani Chairperson Mendoza, na idinagdag na ang babala ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. upang matiyak ang kapakanan ng mga estudyante.

Tinukoy niya ang Republic Act 11314, o “An Act Institutionalizing the Grant of Student Fare Discount Privileges on Public Transportation.”

Ayon sa Seksyon 4 ng Batas: “Ang fare discount na ipinagkakaloob sa ilalim ng Act na ito ay dapat ipatupad sa buong panahon ng enrollment ng estudyante, kabilang ang weekends at holidays.”

“Kaya’t muli naming pinaaalalahanan ang mga operator at driver na mahigpit na sundin ang batas. Kung wala man kayong anak o kamag-anak na estudyante, lahat tayo ay dumaan sa buhay estudyante,” dagdag ni Chairperson Mendoza.

“Kaya umayos kayo dahil kung hindi, ako mismo ang mag-aasikaso ng mga kaso laban sa inyo para hindi lang kayo magmulta kundi mawalan pa kayo ng prangkisa,” mariing babala niya.

Batay sa batas, ang pinakamataas na parusa para sa mga PUV driver ay tatlong buwang suspensyon ng driver’s license at multang ₱1,000 sa bawat paglabag.

Samantala, ang operator ay maaaring pagmultahin ng hanggang ₱15,000 at mabawi ang Certificate of Public Conveyance.

Hinimok din ni Chairperson Mendoza ang mga estudyante na magsampa ng reklamo sa LTFRB sa pamamagitan ng Hotline 0956-761-0739 o sa mga social media account ng LTFRB.

Ipinanawagan din niya ang parehong hakbang sa iba pang benepisyaryo ng fare discounts gaya ng senior citizens at persons with disabilities.
(PAUL JOHN REYES)

Pamilya Marcos nag-aalala sa inaasal ni Sen. Imee; PBBM sinabing ‘di niya kapatid ang nagsalita sa TV

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nababahala ang kanilang pamilya at maging ang kanilang mga kaibigan sa inaasal ngayon ng nakatatandang kapatid nito na si Senator Imee Marcos kasunod ng mga naging pahayag nito sa publiko.

Ayon sa Pangulo, hindi niya nais talakayin ang mga usaping pampamilya sa publiko ngunit kinailangan niyang magsalita dahil sa kanilang kinakaharap.

Iginiit ng Pangulo na ang nakikita at napapanood ng publiko ay taliwas sa tunay na katauhan ng kanyang kapatid, batay na rin sa obserbasyon ng kanilang mga pinsan at kaibigan.
Dahil dito, umiigting ang kanilang pag-aalala at umaasa silang agad na bumuti ang sitwasyon nito.
“It’s anathema to me to talk about family matters generally in public. I do not like to – we do not like to show our dirty linen in public. So, I’ll just say this much. For a while now, we’ve been very worried about my sister. When I say “we”, I’m talking about friends and family. And the reason that is, is because the lady that you see talking on TV is not my sister. And that view is shared by our cousins, our friends.

‘Hindi siya ‘yan. Hindi siya ‘yan. So, that’s why we worry. So, we are very worried about her. I hope she feels better soon,” pahayag ni Pang. Marcos.
Nang tanungin ang Pangulo kung nag-uusap pa ba sila ng kanyang ate na si Sen. Imee , sinabi ni Pang Marcos na hindi sila nag-uusap sa kasalukuyan at hindi na raw sila gumagalaw sa parehong mga grupo, maging sa larangan ng pulitika o pribadong gawain.
“ We don’t really – we no longer travel in the same circles, political or otherwise. So, no,” wika ng Pangulong Marcos.

Ads November 25, 2025

Posted on: November 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments