• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2025

PBBM, kumpiyansa na hindi masasangkot ang LGU execs sa ghost projects

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng kumpiyansa si Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. na walang opisyal ng lokal na pamahalaan ang madadawit sa ghost projects.

Ito’y matapos na ulitin ni Pangulong Marcos na ang local government units ay bibigyan ng direct funding hinggil sa pagtatayo at rehabilitasyon ng mga silid-aralan sa buong bansa.

”At saka nakakasiguro ako kasi – ako malakas ang loob ko sa mga LGU executives dahil hindi sila puwedeng mag-ghost project. Sisitahin kayong lahat. Hindi kayo puwedeng gawin substandard at pagka ginawa ninyo ‘yun araw-araw ay minumura kayo ng mga constituents ninyo kung hindi tama ang trabaho ninyo,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging pagbisita sa Butuan City.

Umaasa ang Pangulo na ang pagtapik sa LGUs ay makapagpapabilis sa konstruksyon ng mga silid-aralan.

”And that is what we are doing now, and this is – close – a closer coordination between the national government and the LGUs,” ang winika ng Pangulo.

”This is part of that new principle, that new concept that we are adopting, and then the new scheme that we have to accelerate the building of schoolrooms, school buildings in and around the Philippines so that we will achieve at least partway ang naging kulang sa ating mga schoolroom, sa ating mga school building,” dagdag na pahayag nito.

Sa bagong scheme, hahawakan ng local government units ang pondo, habang ang Department of Public Works and Highways at Department of Education ay sanib-puwersa na imo-monitor ang pagtatayo ng mga silid-aralan.

(Daris Jose)

57-anyos na vendor, isinelda sa boga

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 57-anyos na vendor nang damputin ng pulisya dahil sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek na si alyas “Mang Boying”.

Sa ulat, habang nasa vicinity ng Damata, Block 4, Brgy., Tobsuya ang mga operatiba ng Northern Police District–District Special Operations Unit (NPD-DSOU) para mag serve ng warrant of arrest sa lugar nang mapansin nila ang nakalantad na puluhan ng baril sa baywang ng suspek dakong alas-8:30 ng gabi

Nilapitan nila ang suspek sabay nagpakilala bilang mga pulis bago kinumpiska ang dala nitong isang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala.

Nang walang maipakita ang suspek na kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing baril ay inaresto na siya ng mga pulis.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa NPD-DSOU custodial facility unit habang dinala naman ang baril sa NPD Crime Laboratory para sa ballistic examination upang matukoy kung nagamit ito sa mga krimen. (Richard Mesa)

Nakakulong na akusado isinama sa labas, opisyal ng pulisya, timbog

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DINAKIP ng kanyang mga kabaro ang isang mataas na opisyal ng pulisya nang mabisto na isinama niya palabas ng detention cell ang naka-detine na wanted na kriminal para sa pagbuo ng kaso sa Caloocan City.

Inilabas ng Northern Police District (NPD) ang ulat ng pagkakadakip sa 54-anyos na hepe ng District Special Operations Unit (DSOU) na may ranggong Lieutenant Colonel, Lunes ng umaga, matapos na maisampa ang kasong paglabag sa Article 223 ng Revised Penal Code o ang “Conniving to Evasion of Service of Sentence” at kasong administratibo laban sa opisyal.

Dakong alas-5:30 ng hapon noong Sabado nang magsagawa ng sorpresang inspeksiyon sa Detention Facility ng DSOU sa Larangay St. Brgy. 14 ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office- Regional Intelligence Division (NCRPO-RID), kasama ang Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD) ng NPD.

Dito, nabisto ang pagkawala ng 43-anyos na akusado sa pagpatay na si alyas “Burdigoy” matapos maaresto sa bisa ng warrant of arrest noong Agosto 3, 2025.

Tinawagan ng jailer ang kanilang hepe at nang makaharap ang mga nag-inspeksiyon, inamin niyang isinama niya palabas ang detenidong akusado para sa pagbuo ng kaso na dahilan para ipaaresto siya ng NCRPO kina P/Lt Christopher Mamigo at P/Cpl. Christian Viado ng DIDMD-NPD. (Richard Mesa)

Pagpapalakas sa Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act (Republic Act 11037) sa pamamagitan House Bill 5681, isinusulong

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KASUNOD na rin ng pagpapatupad ng School Health Week, iginiit ng isang mambabatas ang importansiya ng mas

malakas na paglalaan ng masustansiyang pagkain.

Dahil dito, isinusulong ni Quezon City Rep. PM Vargas ang pagpapalakas sa Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act (Republic Act 11037) sa pamamagitan House Bill 5681 na magpapalawig at mag-u-update sa nasabing nutrition program para sa mga mag-aaral.

“Hindi puwedeng gutom ang batang nais matuto. Kung may laman ang tiyan, mas handa ang isipan, ‘ ani Vargas.

Sa kabila aniya ng kasalukuyang feeding programs, patuloy pa rin ang malnutrition sa mga bata.

Kabilang sa panukalang amendments ay ang paglalaan ng mainit na pagkain at milk-based supplements, at malakas na koordinasyon sa Deparment of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng centralized school kitchens at local food sourcing.

Hinikayat naman niya ang lahat ng sektor na magtulungan para sa kalusugan at nutrisyon ng mga bata.

“Ang tunay na edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagbabasa at pagsusulat, kundi sa pangangalaga ng kalusugan ang ating Kabataan,’ pagtatapos ni Vargas. (Vina de Guzman)

Resignation ni NBI Santiago, tinanggap na Inanunsyo ni NBI Director Jaime Santiago na tinanggap

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGAP na ni Pangulong Ferdinand Marcos ang irrevocable resignation ni NBI Director Jaime Santiago.

Ayon kay Santiago, ngayong araw, Lunes ay ipinagbigay-alam sa kanya na natanggap na ng Pangulo ang kanyang pagbibitiw at anumang oras ay lalabas na ang kautosan at magkakaroon na ng panibagong liderato.

Pinasalamatan naman ni Santiago ang mga kawani ng NBI sa kanilang suporta at hinimok na ipagpatuloy ang kanilang trabaho na sinimulan.

Noong Agosto, nagsumite si Santiago ng kanyang irrevocable resignation na magiging epektibo sa pagkakatalaga ng kanyang reliever upang hindi makagambala sa maayos na daloy ng mga operasyon.

Inaasahan naman na papalit kay Santiago ang dating NBI Assistant director na si Lito Magno bilang Officer-in-Charge ngunit ayon kay Department of Justice spokesperson Atty.Polo Martinez, wala pang pahayag sa pagkakatalaga kay Magno. (Gene Adsuara)

NHA, namahagi ng ₱39M ayuda sa mga biktima ng kalamidad sa Ilocos Norte at Cebu

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI ang National Housing Authority (NHA) ng may kabuuang ₱39M halaga ng financial support bilang bahagi ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng ahensya upang matulungan ang mga naging biktima ng Super Typhoon Nando sa Ilocos Norte at ng magnitude 6.9 na lindol sa probinsya ng Cebu.

Bilang kinatawan ni General Manager Joeben A. Tai, pinangunahan nina Acting Region 1/CAR 1 Regional Manager Engr. Jefferson F. Ganado at Region 7 Regional Manager Engr. Hermes Jude D. Juntillo, ayon sa pagkakasunod-sunod, ang mga seremonya.

Dumalo rin sa mga kaganapan sina Ilocos Norte First District Representative at Majority Floor Leader Alexander “Sandro” Marcos, Daanbantayan, Cebu Mayor Gilbert Arabis Jr., at iba pang mga lokal na opisyal.

“Sa direktiba ng ating mahal na Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang NHA po ay may nakalaang pondo para sa EHAP upang makapaghandog ng tulong pinansyal sa mga naging biktima ng mga kalamidad. Ito po ay para makatulong kami sa inyong pagbangong muli at mabigyan ng pag-asa sa buhay,” ani GM Tai.

Ayon sa tally ng NHA, may kabuuang 2,853 pamilya ang nakatanggap ng EHAP cash assistance, kung saan nakapagbigay ang ahensya ng ₱12.97 milyon sa Ilocos Norte at P26.11 milyon sa Cebu.

Mula sa kabuuang bilang, 1,226 sa kanila ay galing sa 12 cities/municipalities ng First District ng Ilocos Norte na ginanap noong Oktubre 16 at 20, 2025. Ito ay matagumpay na naisagawa sa pakikipagtulungan ng opisina ni Hon. Ferdinand Alexander A. Marcos.

Sa kabilang banda, umabot sa 1,627 na pamilya mula sa Cebu Province ang nakatanggap ng EHAP cash aid, na binubuo ng 1,085 pamilya mula sa San Remigio, 416 sa Daanbantayan at 126 na pamilya mula sa Sogod.

Ang Super Typhoon Nando ay tumama sa lalawigan ng Ilocos Norte noong nakaraang buwan, samantala ang magnitude 6.9 na lindol ay yumanig sa isla ng Cebu noong Setyembre 30, 2025. Ang parehong kalamidad ay nagbunsod sa libu-libong Ilokano at Cebuano na lumikas sa mga pansamantalang tirahan, at ang mga ito ay humantong sa malawakang pagkasira ng mga imprastraktura, agrikultura, kabuhayan, at maging ng mga buhay.

Ang EHAP ay isa sa mga programa ng NHA na nagbibigay ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng iba’t ibang kalamidad na layuning makatulong sa kanila na muling itayo ang kanilang mga tahanan at magsimulang muli.

(PAUL JOHN REYES)

Love Bus larga na sa Metro Manila sa Disyembre

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ilarga na sa Metro Manila ang iconic “Love Bus” noong 1970’s upang magbigay ng libreng sakay.

Nitong Sabado, Oktubre 25, sa isang pulong at tinalakay, sa pang­nguna ni MMDA Chairman Don Artes kasama ang mga opisyal mula sa Global Electric Transport (GET), Ayala Land, Robinsons Land Corporation, Ortigas Land, at Megaworld upang tuklasin ang mga iminungkahing ruta para sa Love Bus at ang posibleng paglalagay ng mga loading, unloading, at charging station sa mga shopping mall.

Sinabi ni Artes na ang Love Bus ay magbibigay ng libreng sakay para sa mga commuter sa iba’t ibang lokasyon sa buong Quezon City at Pasig City, na may mga itinalagang loading at unloading points tulad ng Robinsons Galleria, MMDA Main Office, Arcovia City, Bridgetown Opus Mall, Parklinks (Ayala), at Eastwood City patungong Ortigas Center at Robinsons Cainta hanggang Venice Mall.

Aprubado na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang libreng sakay ng Love Bus, na ­inaasahang magserbisyo simula Disyembre 2025 o Enero 2026 sa Metro Manila.

Una nang inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “Free Ride” program sa Valenzuela City noong nakalipas na buwan sa kanyang ika-68 kaarawan, para sa persons with disabilities (PWDs) at senior citizens at sa regular na pasahero sa peak hours.

Ang programa ay nagkaroon na ng pilot run sa Cebu at Davao noong Hulyo.

Anton Ignacio, inaasahang magdadala ng gintong medalya sa SEA Games 2025

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG magdadala ng gintong medalya si Anton Ignaio, 19-anyos, sa larangan ng jet ski sa 2025 Southeast Asian (SEA) Games kung saan apat (4) na beses na itong naging world champion at kamakailan lang ay nagwagi ng dalawang title sa International Jet Sports Boating Association World Finals.

Aminado si Ignacio na natakot siya noong una sumubok at nanatili lang sa swimming pool, ngunit sa tulong ng kanyang ama, isang dating national champion na ngayon ay kanyang coach, at ng kanyang ina bilang manager, nakamit niya ang kasanayan at kumpiyansa sa Jet Sports.

Araw-araw niyang pinaghahandaan ang kompetisyon sa Subic Bay, kasabay ng pag-eehersisyo at pag-aaral.

Sa kanyang unang SEA Games noong 2023 sa Cambodia, sinabi niyang ito ay isang “warm-up” lamang. Ngayong handa na ang binata na makapaghatid ng ginto para sa Pilipinas sa susunod na SEA Games.

Mga atleta ng bansa patuloy ang pamamayagpag sa Asian Youth Games

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang pamamayagpag ng mga atleta ng bansa sa nagpapatuloy na 3rd Asian Youth Games sa Bahrain.

Mayroong ng anim na gintong medalya at dalawang silver medals ang nakuha ng Pilipinas.

Ang panibagong nagdala ng gintong medalya ay ang mga Muay performers ng bansa na kinabibilangan nina Zeth Gabirel Bueno at Lyle Anie Ngina sa individual wai kru.

Dinagdagan pa nina Jan Brix Ramiscal at Tyron Jamborillo ang pagkuha ng ikatlong gintong medalya.

Naniniwala ang Philippine Olympic Committee na madadagdagan pa ang hahakutin na gintong medalya ng mga atleta dahil sa mayroong ilang mga events pa na lalahukan ng mga atleta ng bansa.

Malakanyang, nangakong magbibigay ng update sa itinatakbo ng Maharlika Investment Fund

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang Malakanyang na magbibigay ito ng estado sa itinakbo ng Maharlika Investment Fund.

Nilagdaan bilang batas sa ilalim ng Republic Act No. 11954 ang Maharlika Investment Fund noong Hulyo 18, 2023 subalit naging operational lamang noong unang quarter ng 2024.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na handa silang maglabas ng update hinggil sa naging takb ng operasyon ng MIF kasama na ang mga negosasyon na pinasok nito.

Layon aniya nito na gamitin ang financial assets at ibang legal na instrumento para sa strategic investments na magpapalago sa pambansang ekonomiya, lalong-lalo na sa infrastructure at ibang priority sectors.

Pakay din nito na mag-generate ng maayos na returns, palawakin ang fiscal space ng bansa at paghahanap ng alternatibong pinansyal na mapagkukunan para sa mga malalaking proyekto. (Daris Jose)