• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 28th, 2025

Ads October 28, 2025

Posted on: October 28th, 2025 by Francis Paolo Torres No Comments

Taduran balak labanan ang kapwa Pinoy na si Jerusalem para sa WBC title

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINABALAK ng IBF minimumweight champion na si Pedro Taduran na hamunin ang kapwa Pilipino na si WBC champion Melvin Jerusalem, sakaling hindi matuloy ang laban niya kontra Puerto Rican boxer na si Oscar Collazo.

Matapos matagumpay na madepensahan ang kanyang korona bilang IBF minimumweight champion, agad na nakatuon ang atensyon ng tubong Libon, Albay na si Taduran sa mas malaking entablado. Nais niyang makaharap si Collazo, ang kasalukuyang WBA champion na may malinis na rekord na 13-0.

Walang pangamba si Taduran at tiwala siyang kaya niyang talunin si Collazo.

Ngunit kung sakaling hindi matuloy ang laban kontra sa Puerto Rican boxer, balak ni Taduran na hamunin si Melvin Jerusalem upang sungkitin ang kanyang titulo at belt.

Boston, bigo pa ring magbulsa ng panalo sa loob ng tatlong magkakasunod na game

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BIGO pa ring magbulsa ng panalo ang Boston Celtics matapos itong padapain ng Detroit Pistons sa ikatlo nitong game ngayong season, 119 – 113.

Hindi naging sapat ang 41 points na ibinuhos ni 2024 NBA Finals MVP Jaylen Brown para maipanalo ng Celtics ang ikatlo nitong game ngayong season.

Magkakasama ang mga bagitong Pistons star na nagdumina sa panalo sa pangunguna ni Jalen Duren na kumamada ng 24 points at 18 rebounds habang 21 points at 12 rebounds naman ang ambag ng guard na si Ausar Thompson.

Hini rin nagpahuli si Pistons captain Cade Cunningham na gumawa ng 25 points at walong assists.

Sa loob ng tatlong game, pawang malamiyang depensa ang ipinakita ng Boston, na labis na sinasamantala ng kanilang mga nakalaban tulad ng Pistons.

Sa ikatlong game ng 2024 NBA champion, tanging 38 rebounds lamang ang nakuha nito habang 55 rebounds ang kinamada ng Pistons.

Nananatili pa ring hindi nakakapaglaro si Boston star Jayson Tatum habang nagpapagaling sa kaniyang achiles injury.

Pinas, nananatiling target kahit walang Edca sites

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT walang Enhanced Defense Cooperation Agreement (Edca) sites, nananatiling ‘target’ ang Pilipinas dahil sa strategic location nito.

Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr., araw ng Biyernes, kung saan sa ilalim ng Edca, ang Estados Unidos ay pinapayagan na mag-imbak ng mga kagamitan at mag-deploy ng tropa nito sa loob ng Philippine military bases, kung saan tatlo sa mga ito ay matatagpuan malapit sa self-ruled Taiwan.

“Even if there are Edca sites or not, we are still a target,” ayon kay Brawner nang hingan ng reaksyon sa impresyon na ang Edca sites ang dahilan para targetin ng Tsina ang bansa.

Matatandaang, taong 2023, itinalaga ng Malakanyang ang apat na karagdagang Edca site na matatagpuan sa Camilo Osias Naval Base sa bayan ng Sta. Ana town at Lal-lo Airport sa bayan ng Lal-lo, kapuwa sa Cagayan province; Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela province; at Balabac, sinasabing southernmost island sa Palawan province.

Ang Edca sites sa Cagayan at Isabela ay kapwa malapit sa Taiwan, kung saan itinuturing ng Tsina bilang renegade province subject sa reunification.

“It’s because of our location, the geolocation of our country,” he said. “Our location is very strategic, we are near Taiwan, and we are in the middle that obstructs their ships going to the Pacific Ocean,” ayon kay Brawner.

Sa kabilang dako, kinuwestiyon ng Chinese Embassy ang bagong Edca sites, sabay sabing ang Pilipinas ay maaaring “get dragged by the US to interfere in the Taiwan question.”

Samantala, may limang lokasyon ang Edca site, ito ay ang Antonio Bautista Air Base sa Palawan, pinakamalapit sa Kalayaan Group of Islands; Basa Air Base sa Pampanga, tahanan ng fighter planes ng Philippine Air Force, at Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, pinakamalaking military camp ng bansa at isang frequent location ng Philippine-US military exercises.

Ang dalawang iba pang lugar ay ang Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu at Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City. (Daris Jose)

Gobyerno, handang pigilan ang destab plot laban kay PBBM- Malakanyang

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKAHANDA ang gobyerno ng Pilipinas na kontrahin ang anumang pagtatangka na i-destabilize ang administrasyong Marcos.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang gobyerno ay ganap na handa para sa anumang aksyon na maaaring may plano laban sa administrasyon.

“Handa naman po ang gobyerno sa anumang maaaring balakin nila,” sabi ni Castro nang hingan ng komento ukol sa lumabas na balita na maaaring makaranas ang Pilipinas ng political unrest kahalintulad sa situwasyon sa Myanmar.

Kaya ang payo ni Castro sa publiko ay manatiling bigilante at dedmahin ang impormasyon mula sa “obstructionists” at “fake news peddlers” na ang pangunahing layunin ay alisin sa puwesto si Pangulong Marcos.

“Tingnan ninyo muna kung saan nanggagaling ang mga issues na ito. Ito po ba ay galing sa mga obstructionists, fake news peddlers, walang mga awtoridad para magsalita,” ang tinuran ni Castro.

“Kung ito po ay kumakalat at nakita ninyo kung saan galing at maituturo ninyo na malamang na ito ay mula sa mga nagnanais na paalisin ang Pangulo sa puwesto, huwag po nating paniwalaan,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Ombudsman Jesus Crispin Remulla, sumulat kay Senate President Vicente Sotto III para hilinging ipatupad ang 2016 dismissed order laban kay Villanueva

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Sa panayam kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang pagsulat kay Senate President Vicente Sotto III para hilinging ipatupad ang 2016 dismissed order laban kay Senator Joel Villanueva, ito ay matapos katigan ni dating Ombudsman Samuel Martires ang motion for reconsideration ni Villanueva noong 2019 para baliktarin ang naturang dismissal order. (BOY MORALES Sr.)

Navotas, may bagong patient transport vehicle

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng patient transport vehicle na maaaring magamit ng Joint Rescue Team ng lungsod para matulungan ang mga pasyenteng Navoteño na maihatid papunta o masundo mula sa ospital o iba pang pagamutan. Lubos namang nagpasalamat si Mayor John Rey Tiangco sa @pagcor_ph sa ipinagkaloob nitong bagong patient transpot vehicle.

(Richard Mesa)

Malakanyang, kinumpirma ang pagkakatalaga kay Atty. Lito Magno bilang NBI OIC

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay Atty. Angelito “Lito” Magno bilang officer-in-charge ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ito’y matapos tanggapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni NBI director Jaime Santiago.

Ang bagay na ito ay inihayag mismo ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa sidelines ng 47th ASEAN Summit and Related Summits sa Malaysia.

Isang veteran agent at abogado, tumaas ang ranggo ni Magno mula line agent na naging Deputy Director for Investigative Services.

Si Magno ay kilala sa kanyang expertise sa imbestigasyon, ICT, at law enforcement leadership.

Buwan ng Agosto, nagbitiw sa puwesto si Santiago, sinasabing “detractors and those who have sinister interest” sa kanyang posisyon ay “incessantly” gumawa ng hakbang para sirain ang kanyang reputasyon.

Sinabi ni Santiago na tinanggap na ni Pangulong Marcos ang kanyang irrevocable resignation. (Daris Jose)

PBBM, kumpiyansa na hindi masasangkot ang LGU execs sa ghost projects

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng kumpiyansa si Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. na walang opisyal ng lokal na pamahalaan ang madadawit sa ghost projects.

Ito’y matapos na ulitin ni Pangulong Marcos na ang local government units ay bibigyan ng direct funding hinggil sa pagtatayo at rehabilitasyon ng mga silid-aralan sa buong bansa.

”At saka nakakasiguro ako kasi – ako malakas ang loob ko sa mga LGU executives dahil hindi sila puwedeng mag-ghost project. Sisitahin kayong lahat. Hindi kayo puwedeng gawin substandard at pagka ginawa ninyo ‘yun araw-araw ay minumura kayo ng mga constituents ninyo kung hindi tama ang trabaho ninyo,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging pagbisita sa Butuan City.

Umaasa ang Pangulo na ang pagtapik sa LGUs ay makapagpapabilis sa konstruksyon ng mga silid-aralan.

”And that is what we are doing now, and this is – close – a closer coordination between the national government and the LGUs,” ang winika ng Pangulo.

”This is part of that new principle, that new concept that we are adopting, and then the new scheme that we have to accelerate the building of schoolrooms, school buildings in and around the Philippines so that we will achieve at least partway ang naging kulang sa ating mga schoolroom, sa ating mga school building,” dagdag na pahayag nito.

Sa bagong scheme, hahawakan ng local government units ang pondo, habang ang Department of Public Works and Highways at Department of Education ay sanib-puwersa na imo-monitor ang pagtatayo ng mga silid-aralan.

(Daris Jose)

57-anyos na vendor, isinelda sa boga

Posted on: October 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 57-anyos na vendor nang damputin ng pulisya dahil sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek na si alyas “Mang Boying”.

Sa ulat, habang nasa vicinity ng Damata, Block 4, Brgy., Tobsuya ang mga operatiba ng Northern Police District–District Special Operations Unit (NPD-DSOU) para mag serve ng warrant of arrest sa lugar nang mapansin nila ang nakalantad na puluhan ng baril sa baywang ng suspek dakong alas-8:30 ng gabi

Nilapitan nila ang suspek sabay nagpakilala bilang mga pulis bago kinumpiska ang dala nitong isang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala.

Nang walang maipakita ang suspek na kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing baril ay inaresto na siya ng mga pulis.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa NPD-DSOU custodial facility unit habang dinala naman ang baril sa NPD Crime Laboratory para sa ballistic examination upang matukoy kung nagamit ito sa mga krimen. (Richard Mesa)