• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 12th, 2025

Singil sa NAIA overnight parking binabaan

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINABAAN ng kalahati ang sinisingil na overnight parking para sa mga pasahero na aalis mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).Sa isang pahayag sa kanilang FB account, binalita ng NAIA na puwedeng mag parking ang mga pasahero kung saan ay itatago na lamang nila ang ticket at boarding pass kapag sila ay maglalakbay.
Pagdating nila ay kanila lamang ipakikita ang kanilang boarding pass sa counter at sisingilin lamang sila ng kalahati para sa standard overnight rate. Ang sinisingil ngayon ay nagkakahalaga ng P600 para sa 24 na oras mula sa dating P1,200. Ang mga buses naman ay kailangan magbayad ng P1,200 mula sa dating P2,400 habang ang sa motorcycles ay naging P240 mula sa dating P480.
“The parking fees were raised in October last year to prioritize passengers, noting that the lower parking rates unintentionally encouraged misuse of the airport’s limited parking spaces. However, one group has questioned before the Supreme Court the increases in airport fees under the San Miguel-led NAIA operator, saying that the PPP Code never empowered implementing agencies to grant their private partners unbridled power to fix any kind or category of rate or charge,” wika ng NAIA.
Samantala, sa sektor pa rin ng aviation, sinabi ng bagong talagang Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez na patuloy silang nakikipag-usap sa mga airlines upang humanap ng paraan na maging mababa ang pamasahe sa darating na Undas at Kapaskuhan.
Nakipag-usap na rin noon ang dating DOTr Secretary Vince Dizon sa mga airlines upang maging mababa ang pamasahe sa mga domestic flights lalo na sa mga kilalang destinasyon sa Pilipinas tulad ng Siargao. May mga ulat sa DOTr na ang pamasahe sa Siargao ay tumaas ng hanggang P30,000 para sa balikan na trip kahit na ang fuel surcharge ay bumaba na ng husto.
“I am going to meet the airlines to see where their discussion ended. Definitely, the objective is to have it lowered,” wika ni Lopez.

Speaker Romualdez walang papel sa internal party issue

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINIGYANG linaw ni dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, spokesperson ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na walang papel ang lider ng Kamara sa internal party realignments o sa umanoy infrastructure concerns na inihayag ni Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga Jr.
“Speaker Ferdinand Martin Romualdez respects the right of every Member of the House to voice their views. That said, I must make it clear that the Speaker has no involvement in any internal party matters or political realignments within the House of Representatives. These are concerns best addressed by the individual parties and their respective leadership,” ani Barbers.
Nilinaw din nito na ang pagsilbi bilang caretaker ng distritong naiwan ni dating Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, tatay ni Kiko Barzaga, ay purong administratibo lamang.
Aniya, hindi nakialam si Romualdez sa infrastructure projects o funding decisions.
“His office ensured the continuation of essential services, retained key district staff, and upheld the late congressman’s commitment to his constituents during a time of transition,” paliwanang ni Barbers.
Iginiit ni Barbers na patuloy si Speaker Romualdez sa pagbibigay prayoridad sa pagkakaisa at good governance sa Kamara.
“Speaker Romualdez remains open to any dialogue with Rep. Barzaga, should he wish to raise issues or seek clarification. The Speaker continues to lead the House with a focus on unity, responsive service, and meaningful reforms—anchored on the principles of transparency, accountability, and integrity in building a Bagong Pilipinas,” pahayag ni Barbers. (VINA de GUZMAN)

Malabon LGU, suportado ang imbestigasyon sa flood control project

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGLABAS ng pahayag ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon na suportado nito ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa mga iregularidad sa mga proyektong kontra-baha na labis nakaapekto sa mga mamamayan ng lungsod.
“Kasama ng mga mamamayan ng Malabon, nananawagan kami ng pananagutan. Buo ang aming tiwala at suporta sa kampanya ng pambansang pamahalaan laban sa katiwalian,” pahayag ng LGU.
“Inaasahan namin na ang mga taong mapapatunayang may pagkukulang ay papanagutin sa batas, at magkaroon ng makabuluhang pagbabago sa mga ahensyang responsible,” dagdag nito.
Patuloy naman umano gumagawa ng hakbang ang Lokal na Pamahalaan upang masolusyunan ang pagbaha, kabilang dito ang modernisasyon ng mga pumping station, pagpapatayo ng konkretong daluyan ng tubig, matitibay na pader sa kahabaan ng mga ilog, at pagkakaroon ng drainage master plan na magsisilbing gabay para sa mas maayos at pangmatagalang solusyon.
Ipinangako at tiniyak din ng Pamahalaang Lungsod sa bawat Malabueño na hindi sila titigil hangga’t hindi natatamo ang isang Malabon na mas ligtas, mas matatag, at mas handa laban sa baha. (Richard Mesa)

LTO, TUTULONG SA PNP-ANTI CYBERCRIME GROUP PARA SUGPUIN ANG MGA GUMAGAWA NG PEKENG LISENSYA

Posted on: September 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INATASAN ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang Land Transportation Office (LTO) na patuloy na makipagtulungan sa Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) upang sugpuin ang mga indibidwal na nagbebenta ng pekeng identification cards gaya ng driver’s license.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hikayatin ang publiko na gamitin ang eGov application para sa lehitimong transaksyon ng mga ID.
Sinabi ni LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza na hindi titigil ang ahensiyang hanapin ang mga indibidwal sa likod ng ilegal na paggawa ng driver’s license at ibang government-issued ID.
“This is one of the positive events sa cybercrime division para masugpo na itong pekeng lisensya. Tuloy-tuloy lang tayo rito,” ani Asec. Mendoza sa press conference kasama sina Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, PNP-ACG Diredtor Bernard R. Yang, LTO at Philhealth.
Sa press conference, ipinresenta ng PNP-ACG ang dalawang suspect na nahuling gumagawa ng mga pekeng ID at lisensya sa Valenzuela niyong Lunes.
Nahuli sa dalawang suspect ang iba’t ibang ID, printer at ibang kagamitan para sa paggawa ng pekeng ID.
Tiniyak din ng LTO na pag-aaralan ang pag-improve sa security features ng lisensya para hindi madaling magaya ng mga gumagawa ng pekeng IDs.
(PAUL JOHN REYES)