Ito ang itinuring ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” Oducado sa paghahain nitong panukalang batas bilang 2661 na nagsusulong ang unti-unting pagbawas ng sodium content sa pre-packaged food products tulad ng canned goods, cereals, sandwich spreads, chips, at iba.
Paliwanag ng mambabatas na layon panukala na maiwasan ang pagkalat ng sakit na may kaugnayan sa ganitong uri ng pagkain o unhealthy lifestyle ng ilang pinoy na mahilig kumain ng pagkaing may mataas na sodium content.
Ilang sakit aniya na may kaugnayan sa pagkain ng may mataas na sodium o alat ay hypertension o heart disease at chronic kidney disease.
Ayon kay Oducado, hindi lamang layon ng panukala na mabawasan ang salt content sa pre-packaged foods kundi nais din nitong makatulong na mailigtas ang mga Pilipinos na magkaroon at dusa sa hypertension at kidney disease.
Nangangamba rin ito na maraming Pinoy ang hindi batid o kulang sa kaalaman sa kanilang kinakain. Bilang resulta, ilan sa mga ito ang nagdurusa ng hypertension at kidney disease, mag sakit na kinukunsiderang “silent killers.”
Naniniwala ang mambabatas na sa pamamagitan ng reformulation ng sodium levels na nakapaloob sa kanyang panukala ay magawa ng mga food manufacturers na mag-produce ng mas masustansiyang pagkain ng hindi nakokompromiso ang lasa o presyo ng produkto.
“The bill aims to encourage manufacturers to create healthier options without sacrificing taste or affordability,” pagtatapos ni Oducado. (Vina de Guzman)


UMAAPELA ang Philippine General Hospital (PGH) sa publiko na sa ibang ospital na lamang muna dalhin ang mga pasyente bunsod ng pagtaas ng mga dinadalang pasyenteng may leptospirosis at pneumonia.