• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2025

Maraming oras ang mawawala sa anak ‘pag tumanggap: IZA, wala pa sa plano na balikan ang teleserye

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI talaga masasabi ang buhay.

Ganito ang nangyari sa dating T.G.I.S. member na si Red Sternberg. Base sa nabalitaan namin, may plano talaga itong umuwi ng bansa ngayong taon. Isa sa dahilan ang matagal na rin namang pina-planong reunion project ng original T.G.I.S. group.

Nakauwi naman sa bansa si Red, kasama ang kanyang asawa na si Sandy at tatlong anak.  

Nakasama rin niya ang mga kaibigan sa T.G.I.S., pero bilang pagbibigay ng huling pag-alaala na sa kanya.

Very thankful ang pamilya ni Red sa ibinigay na tribute, oras at lahat sinagot nila para wala ng iintindihin pa ang mag-iina niya. 

Present sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Michael Flores, Ciara Sotto, Rica Peralejo, Direk Mark Reyes at maging si Kim delos Santos na umuwi from the U.S.A. 

May kutob kaming si Onemig Bondoc na naman ang hindi nag-show-up. 

Natuwa pa naman kami nang makita ito na nakipag-reconnect na sa grupo after the announcement ng pagpanaw ni Red, pero hayun nga…

Anyway, sana ay matuloy pa rin ang reunion project ng grupo kahit kulang na sila.

 

***

 

KAHIT na gumagawa na ng ilang pelikula, tumatanggap ng mga guesting at endorsement, talagang ang teleserye ay wala pa raw sa plano ni Iza Calzado na balikan.

 

Aminado naman itong nami-miss niyang gumawa ng series, but as a mom to Deia, alam daw kasi niya na maraming oras niya ang mawawala sa anak kapag tumanggap siya ng serye.

 

Eh si Iza pa naman, very hands-on talaga sa anak nila ni Ben Wintle at sabi nga namin sa kanya, kapag nakikita namin ang mga post niya sa social media, kitang-kita namin kung gaano siya ka-in-love sa anak. Eh, napaka-bibong bata pa naman ni Deia.

 

Nakausap namin si Iza nang i-launch siya ng METRO sa SM North Edsa bilang ambassador ng mga cooking wares. Na ayon kay Iza, sakto raw para sa kanya dahil hindi talaga siya marunong magluto. 

Ilan lang ang mga nailuluto niya, though, her specialty na pasta Bolognese ay well-requested ng mag-ama niya.

 

Since ‘Start with Metro,’ sign daw ito sa kanya na mag-start na rin na seryosohin ang pagluluto. 

 

(ROSE GARCIA) 

Collab nila na ‘Umaaligid’ nag-debut sa No. 4: SARAH at SB19, muli na namang pumasok sa Billboard chart

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MULI na namang pumasok sa Billboard chart si Sarah Geronimo at ang P-pop Kings na SB19.
Ang newest collaboration ng Filipino pop icons na “Umaaligid,” ay nag-debut No. 4 sa Billboard’s World Digital Song Sales Chart, ayon ito sa ulat ng Billboard Philippines noong Martes.
 Ayon sa publikasyon, nakamit ang successful chart-breaking na ito mula kina Sarah at SB19 sa dalawang araw lamang na pagsubaybay sa chart, inilabas lamang ito noong Miyerkules, noong Hulyo 30, 2025.
Itinatampok ng Billboard World Digital Song Sales Chart ang Top 10 sa mga nangungunang international track sa US bawat linggo, batay sa digital download data.
Hindi ito ang unang pagkakataon ni SB19 at Sarah G pumasok sa mga chart.
Ngayong taon, nag-debut ang single ng SB19 na “DAM” sa No. 1 at “DUNGKA!” ay No. 7 sa Billboard World Digital Song Sales.
Samantala, ang “Gento” ay nag-debut din at nangunguna sa No. 8 noong Hunyo 2023. Ang SB19 ay opisyal na ang OPM artist na may pinakamaraming chart entries, ayon sa Billboard.
Noong 2024, natanggap ng SB19 ang Voices of Asia award sa Billboard Korea’s Billboard K Power 100 event sa Seoul, South Korea.
Samantala, ang “Umaaligid” ang pangalawang entry ni Sarah sa World Digital Song Sales chart, kasunod ng “Tala” noong 2020 sa No. 13.
Noong 2024, ang Popstar Royalty ang naging unang Pinay na nanalo ng Billboard Global Force Award.
(ROHN ROMULO)

Dahil pinahalagahan ang ‘sustainable fashion’: YASMIEN, pina-redesign ang 2004 red gown niya para isuot sa ‘GMA Gala 2025’

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI bumili o nagpatahi ng mamahaling gown si Yasmien Kurdi para sa GMA Gala 2025 na ginanap sa Marriott Hotel in Pasay City noong August 2.
Proud ang Kapuso actress na sabihing isang “upcycled” JC Buendia gown ang kanyang sinuot bilang pagbigay-pugay sa 75th anniversary ng GMA Network na nagpabago ng buhay niya.
Sa kanyang Facebook account, pinost ni Yasmien na pina-“redesign” niya kay Buendia ang sinuot niyang red gown noong Judgment Night ng StarStruck season one noong 2004.
Sa naturang Judgment Night ay naging First Princess si Yasmien kay Jennylyn Mercado na tinanghal na kauna-unahang Ultimate Female Survivor ng StarStruck.
Kahit nga raw 21 years old na ang naturang gown, malinis at in good condition pa raw ito kaya puwede pa raw siyang masuot ulit.
Post ni Yasmien: “Do you remember this gown? This is the very same gown I wore during Starstruck’s Judgement Night 21 years ago! You might even catch a glimpse of it in the opening and closing scenes of GMA’s Station ID on TV.
“For GMA’s 75th Anniversary, I wanted to do something meaningful,  a quiet tribute to everything this network has given me.
“That’s why I went back to the one and only Sir JC Buendia to have this gown upcycled.
“It was such a warm and nostalgic moment catching up with him after so many years. Ang galing ng ginawa niyo sa gown… akala ko forever na siya sa cabinet ko. magagamit ko papala ulit.
“Big thanks to my stylist Gabby Wu for making it all work even with my super last-minute prep (alam mo na, sobrang busy!).
“I had the best time at the Gala reconnecting with old friends who truly feel like family. Happy 75th, GMA! Here’s to many more years of storytelling and memories.”
Sa isang separate post, pinahalagahan ni Yasmien ang “sustainable fashion” that “refers to clothing and other fashion products designed and produced with consideration for the environment and the people involved in the production process.”
Kasama rito ang pag-reuse ng garments to encourage longevity, timeless style and minimize negative environmental impacts.
“Sustainable fashion is more important than ever, so I had this special gown upcycled by the talented Sir JC Buendia. It’s a beautiful reminder that we can honor the past while embracing the future without compromising style or the planet.
“Thank you to my amazing glam team who pulled everything together despite my very last-minute prep.
“Cheers to timeless fashion and a sustainable future,” caption ni Yasmien.
Ilang international celebrities who encourages sustainable fashion ay sina Jane Fonda, Leonardo DiCaprio, Emma Watson, Angelina Jolie, Alicia Silverstone, Gwyneth Paltrow, Olivia Wilde, Pharrell Williams, Natalie Portman, Mark Ruffalo, Cate Blanchett, Kate Middleton and Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel na may sariling sustainable fashion line called R’Bonney Nola.
Wala pang sinisimulan si Yasmien na bagong teleserye after ‘The Missing Husband’ noong 2023.
Pahinga raw muna ang aktres after nitong isilang ang kanyang second baby girl named Rayla Layla noong April 2024.
Mommy duties daw muna si Yasmien dahil 1 year old pa lang si Rayla. Gusto raw niyang masubaybayan ang paglaki nito tulad sa ginawa niya noon sa kanyang panganay na si Ayesha, who is now 12 years old.
***
PUNO ng exciting memories ang naging latest trip ni Kapuso singer Anthony Rosaldo sa US kamakailan.
Nagpakaturista muna si Anthony sa California, New York and Las Vegas pagkatapos ng sunud-sunod na trabaho sa TV at entablado.
Huling napanood ang ‘The Clash’ season one finalists sa tatlong locally-produced musicals na ‘Ang Huling El Bimbo’, ‘Liwanag Sa Dilim’ at ‘Rent’. Napapanood din siya sa weekly musical variety show ng GMA na ‘All-Out Sundays.’
Isa sa binili ng singer sa L.A. ay ang Bottega Veneta Andiamo Medium Leather bag na ang halaga, according to Net-A-Porter, ay $6,211.00 or P356,585.96.
Ang naturang bag ay gamit ng ilang male celebrities tulad ng rapper-producer na si A$AP Rocky, Euphoria star Jacob Elordi at ng actor-singer na si James Reid.
Gamit niya ang mamahaling unisex bag sa pagpanood niya ng Broadway musical na ‘Sunset Blvd.’ sa New York at sa ‘Cowboy Carter’ concert ni Beyonce sa Las Vegas.
(RUEL J. MENDOZA)

Chris Evans and Pedro Pascal are out to steal hearts in “Materialists”

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AFTER finding the perfect Lucy in Dakota Johnson, director Celine Song set her sights on completing her leading trio in Materialists.

For Lucy’s broke, soft-hearted ex John,  Song met an immediate match with Chris Evans after meeting with him. “I walked away from that conversation knowing that in his humility, his passion, his dedication to his craft… there was something about the way he was talking to me about his love and his work, his ambitions, the places he felt certain and the places he felt uncertain. It was very moving to me, it’s a feeling that doesn’t leave you.”

Evans wanted to work with Song as he was drawn to her previous work, her 2023 Academy Award-nominated debut Past Lives. “What Celine is so good at is taking scenes that feel simple, but are still incredibly deep and complex,” Evans says. “Those moments that maybe we’ve seen in romances, she has a way of making every moment feel the way it feels to us in life, which is special and personal and meaningful and complex and lasting.”

Watch the “First Look” featurette: https://youtu.be/T2Yi3D3CDzU

Materialists tells the story of Lucy, a young ambitious matchmaker in New York City. Chance encounters leave her torn between the perfect match, the charming and rich Harry, and her imperfect ex, sweet yet troubled John.

For the character Harry, Song created a man that a pragmatic matchmaker like Lucy would find high-value in the dating pool. “Harry wants to be the most valuable version of himself, and he has a lot in common with Lucy on that level,” Song says. “They’re really clear about their own value, and they also believe in improving it, which is why I think Harry and Lucy respect each other so much.”

In Pedro Pascal, she found a sweetness in personality that would offset the carefully constructed persona of Harry. “Pedro I’ve known and loved for a while, but one day we were having a conversation that went very deep about the holiness of love — and the insane difficulty of love, love as a challenge — and I just realized then and there that I was talking to Harry.”

Find out who will capture Lucy’s heart as Materialists now showing in Philippine cinemas.

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)

BUY-BUST OPERATION NG PDEA SA LAS PIÑAS NAGRESULTA SA PAGKAKAHULI NG KALAHATING KILO NG SHABU, 3 ARESTADO

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BUY-BUST OPERATION NG PDEA SA LAS PIÑAS NAGRESULTA SA PAGKAKAHULI NG KALAHATING KILO NG SHABU, 3 ARESTADO
ARESTADO ang tatlong indibidwal sa isinagawang buy-bust operation noong gabi ng Agosto 4, 2025, sa Brgy. Zapote, Las Piñas City, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu.
Naganap ang operasyon dakong alas 9:46 ng gabi sa kahabaan ng M. Santos Street, Santos Village III, at isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-NCR, sa pakikipag-ugnayan sa PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit III.
Ang mga suspek na kinilala sa kanilang mga alyas na “Ed”, 57y/o, lalaki, may asawa, “Al,”, 39y/o, lalaki, binata, at “Tim,” 34y/o, lalaki, binata, ay naaresto sa aktwal na transaksyon. Nakuha sa kanilang possession ang isang heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 1 gramo, na nagsilbing subject ng buy-bust.
Nakumpiska rin sa operasyon ang isang itim na sling bag na naglalaman ng isang self-sealing plastic bag na may karagdagang 500 gramo ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, na umabot sa 501 gramo.
Kabilang sa iba pang ebidensyang narekober sa pinangyarihan ay ang buy-bust money, ilang identification card, at isang mobile phone na ginamit umano sa ilegal na transaksyon.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang paglabag na ito, na may kinalaman sa pagbebenta o paghahatid ng mga ipinagbabawal na droga ay may parusang habambuhay na pagkakakulong hanggang kamatayan at multang aabot mula ₱500k hanggang 10M.
Ang matagumpay na operasyong ito ay isang patunay sa walang patid na pagsisikap ng PDEA sa pamumuno ni DG Isagani Nerez at ng mga katuwang nitong ahensya sa pagpigil sa pagkalat ng ilegal na droga sa mga komunidad. Muling pinagtitibay ng mga awtoridad ang kanilang pangako sa pagtiyak na ang mga sangkot sa trafficking ng droga ay mananagot. (PAUL JOHN REYES)

PBBM, nakasungkit ng defense deals sa India

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KAPUWA pinirmahan ng Pilipinas at India ang security deals na naglalayong palakasin ang strategic ties sa pagitan ng mga bansa.
Hanggang ngayon ay nasa India pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa kanyang five-day visit sa nasabing bansa.
Kapuwa sinang-ayunan ng dalawang lider ang kasunduan na magpapalakas sa ugnayan sa pagitan ng kani-kanilang armed forces — army, at air force at maging ng kanilang navy, kasama ang Indian warships na kasalukuyan ngayong nakikibahagi sa patrol sa West Philippine Sea (WPS) kasama ang kanilang Philippine counterparts para sa unang pagkakataon.
“We agreed to continue levelling up our collaboration in defense and security… we have agreed to establish mechanisms for service-to-service talks for information sharing and training exchanges among our militaries,” ayon kay Pangulong Marcos.
Pinaigting naman ng Pilipinas ang defense cooperation nito na may kasamang mga kapanalig sa nakalipas na taon matapos ang serye ng banggaan sa Tsina sa pinagtatalunang katubigan.
“India and the Philippines are friends by choice and partners by destiny,” ang sinabi naman ni Modi kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sabay sabing “From the Indian Ocean to the Pacific, we are untied by shared values.”
Ang naging pagbisita ni Pangulong Marcos ay sinundan ng pagkuha sa BrahMos supersonic cruise missile system ng India — ang unang pag- export ng New Delhi — na may delivery na nagsimula noong Abril sa ilalim ng $375 million deal na nilagdaan noong 2022.
Ani Pangulong Marcos ang dalawang panig ay nauugnay sa “far-reaching, productive and forward looking” na talakayan.
“We expressed satisfaction over the rapid pace of the Philippines’ ongoing defense modernization and the expanding capabilities… of India’s indigenous defense industry as a partner in this undertaking, exemplified by our BrahMos project,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.
Ang India ay miyembro ng Quad group, kabilang ang ‘fellow democracies’ gaya ng Estados Unidos, Japan at Australia.
Kasama rin sa pag-uusapan ang plantsahin ang terms of reference para sa negosasyon ukol sa “preferential trade agreement” sa pagitan ng Maynila at New Delhi.
Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang India para sa tulong nito sa iba’t ibang larangan sa panahon ng Houthi’s Red Sea attacks bilang first responders at pagkilala sa 2016 arbitral ruling na nagbasura sa pag-angkin ng Beijing sa halos kabuuang bahagi ng WPS.

Año, tinawag na ‘iresponsable’ ang ‘rocket launch’ ng mga Intsik

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TINAWAG na “irresponsible testing” ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año ang inilunsad na Long March 12 rocket ng People’s Republic of China.
Ang katuwiran ni Año, nagdulot ng alarma at nalagay sa peligro ang mga tao sa Palawan.
“Loud explosions caused by the Chinese rocket launch caused widespread alarm and concern in Puerto Princesa City and other municipalities, particularly in coastal barangays in the province,” Año, who is also National Security Council director general, ang sinabi sa kalatas.
“Local residents also saw a fireball cross the sky that later exploded causing the ground to shake,” aniya pa rin.
Habang wala namang naiulat na nangyaring agarang pinsala o nasaktan, sinabi ni Año na ang mga bumagsak na debris mula sa inilunsad ay nagbigay ng malinaw na panganib at peligro sa mga lupain at sa ‘ships, aircraft, fishing boats, at iba pang vessels’ na daraan sa drop zone.
Binanggit din ni Año ang posibilidad na may lumutang na debris sa paligid ng lugar at patungo sa mga kalapit na baybayin.
“The government has deployed surface and aerial assets to look for debris associated with the loud explosions caused by the Chinese rocket launch from Hainan Island,” ayon kay Año.
“The public is strongly advised to inform local authorities if suspected debris is sighted. The public is advised against retrieving or coming in close contact with debris materials that may contain toxic fuel residues. We are coordinating closely with local authorities and coastal fishermen on this matter,” dagdag na wika nito. ( Daris Jose)

DOE, ipinag-utos ang ang mabilis na restorasyon sa 25 Visayas, Mindanao power plants

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IPINAG-UTOS ng Department of Energy (DOE) sa mga generation firms na nago-operate ng 25 power plants na nasa ‘forced outage’ o shutdown condition ng power station, transmission line o distribution line at walong iba pa na nasa ‘derated capacities’ sa Visayas at Mindanao na kaagad na ibalik ang kanilang pasilidad.
Ang kautusan mula sa Department of Energy (DOE) ay naglalayon na patatagin ang suplay sa dalawang pangunahing grupo ng mga isla, na nakararanas ng yellow alert status dahil sa mababang power supply margins.
Ang Visayas grid ay nasa yellow alert mula 1 p.m. hanggang 9 p.m., ikatlong pagkakataon kung saan ipinalabas ang yellow alert status ngayong buwan.
“There are 14 generation facilities in the Visayas that are on forced outage, while five others are on derated capacities,” ayon sa DOE.
Sa kabilang dako, may 11 power plants sa Mindanao ang nasa ‘forced outage’ at tatlo naman ang nasa ‘derated capacities.’
Inatasan naman ni Energy Secretary Sharon Garin si Undersecretary Mario Marasigan na “to lead this effort and work closely with all affected generation companies to establish clear and realistic timelines for the full return to service of these plants.”
“We expect full cooperation and accountability. Delays are no longer acceptable at this point,” ang sinabi ni Garin sa isang kalatas.
Nanawagan naman ang DOE sa pribadong distribution utilities (DUs) na maghanda para sa posibleng pagpapagana ng Interruptible Load Program, isang programa kung saan ang hinihiling ng DUs sa kanilang customers na may generation capacities na pansamantalang magtiwala sa kanilang kakayahan na bawasan ang presyon sa grid.
Hinikayat din ng Kalihim ang publiko at industrial at commercial establishments na tumulong na ayusin ang paggamit kapag peak hours.
“By working together and making small adjustments in our energy use, we can stay productive while helping protect the integrity of our power system,” ang sinab pa rin ni Garin. ( Daris Jose)

PBBM, hindi magpapalabas ng ‘unverified list’ ng mga nasa likod ng flood control mess- Malakanyang

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI magpapalabas si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng hindi beripikadong listahan ng sinasabing nasa likod ng substandard flood control projects sa bansa.

Ito’y matapos na tawagan ng pansin ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila De Lima si Pangulong Marcos na pangalanan, litisin at panagutin ang mga sangkot sa flood control corruption.

“Hindi puwedeng ‘mahiya naman kayo.’ Kung palpak ang proyekto at nalulusaw ang pondo, may dapat managot,” ang sinabi ni De Lima sa kanyang privilege speech, araw ng Lunes.
“Don’t threaten us with a re-enacted budget. Kung babalik lang din tayo sa parehong budget insertions… eh ‘di parang sinabing: Mahiya naman tayo pero tuloy pa rin ang ligaya,” aniya pa rin.
Bilang tugon, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi gagamit ang Pangulo ng pagbabanta o kaya naman ay unverified list habang isinasagawa ang imbestigasyon.
“Hindi po gagayahin ng Pangulo ang anumang klase ng pag-threaten lamang. Hindi po siya maglalabas ng anumang mga listahan na hindi verified. Kung nangyayari man ito sa mga nakaraang administrasyon, hindi po gagawin ng Pangulo ‘yan,” ang sinabi ni Castro sa press briefing sa New Delhi, India, kung saan si Pangulong Marcos ay nasa kanyang state visit.
Sa pinakabagong episode ng kanyang podcast, sinabi ni Pangulong Marcos na may ilang indibidwal at korporasyon ang sangkot sa corrupt schemes sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang natukoy, sa kalaunan ay iba-blacklist mula sa government projects.
Hindi naman pinangalanan ni Pangulong Marcos ang mga kontratista, kung saan sa kalaunan ay sasampahan ng reklamo laban sa mga tao at kompanya na nag-deliver ng substandard projects.
Tiniyak naman ni Castro na hahabulin ng gobyerno ang mga ‘unscrupulous individuals at kanilang kasabwat’ na nasa likod ng nabigong flood control projects sa oras na matapos na ang imbestigasyon.
“Mahirap po kasi na mag pabilis-bilis lang po, yung padalos-dalos sa kilos na mali pala at baka meron tayong inosenteng masabit at maapektuhan. So dapat po verified lahat ang facts at pananagutin po ang dapat managot. At yan po ang gusto ng Pangulo,” ang sinabi ni Castro.
Sinabi pa rin ni Castro na ang imbestigasyon ay hindi lamang magiging limitado sa maanomalyang flood control projects.
Kaya nga hinikayat ni Castro ang publiko na mag-report ng maanomalyang infrastructure projects sa kanilang lokalidad para maisama ang mga ito sa gagawing paga-audit.
“Kung meron po kayo nalalaman na mga anomalya na nagaganap sa inyong mga syudad, sa inyong mga munisipyo, sabihin nyo lamang po para ito ay ma-imbestigahan,” ang winika ni Castro. ( Daris Jose)

1,500 PAMILYA NASUNUGAN SA HAPPYLAND, TONDO

Posted on: August 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMABOT sa Task Force Charlie ang sunog na tumupok sa mga kabahayan sa Happyland , Aroma sa Tondo Maynila.
Sa pinakahuling update mula sa Bureau of Fire Protection, umabot sa humigit-kumulang 1,5000 ang mga pamilya na nawalan ng tirahan nang lamunin ng apoy simula alas 9 pasado ng umaga ng Miyerkules.
Upang mapabilis ang pag-apula sa sunog , nagpadala ang Office of the Civil Defense (OCD) ng tatlong helicopter o heli bucket na ayon kay Manila Mayor Isko-Moreno Domagoso ay nanggaling pa ng probinsya.
Personal namang nagtungo sa sunog at ipinag-utos na ni Manila Mayor Isko sa Department of Social Welfare Development (MDSWD) partikular kay Director Jay De La Fuente na ibigay ang anumang mga pangangailangan ng mga residenteng apektado ng sunog.
Ayon kay De La Fuente, apat na evacuation center ang kanilang gagamitin bilang pansamantalang matutuluyan ng mga nasunugan sa Brgy.105.
Habang inaapula ang sunog, bigla namang bumuhos ang malakas na ulan na malaking tulong para sa mga bumbero na maapula ang sunog.
Ang mga bahay ay gawa sa light materials na karamihan ay barung-barong kung saan may mga kalakal o junck shop na lalong nagpalala sa paglaki ng sunog dahil sa mga kalakal na madaling kainin ng apoy.
Katuwang din ng BFP ang MDRRMO, MPD, Manila Health Department (MHD) at MDSWD at Philippine Red Cross .
Samantala, isang bumbero naman ang iniulat na sugatan habang sinisikap na apulahin ang malaking sunog. (Gene Adsuara)