Tatlong komite, magsasagawa ng imbestigasyon sa flood control projects
- Published on August 7, 2025
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni House Committee on Public Accounts chairman at Bicol Saro Rep. Terry Ridon na dalawa pang komite ang kasamang magsasagawa ng imbestigasyon sa pagrerebyu ng mga flood control projects ng gobyerno, kasunod na rin ng alegasyon ng malawakang korupsyon at substandard implementation.
Bukod sa komite ni Ridon, sasama rin ang House Committees on Public Works na pinamumunuan ni Surigao del Sur Rep. Romeo Momo, at Good Government and Public Accountability na pinamumunuan naman ni Manila Rep. Joel Chua.
Ayon kay Ridon, ang joint inquiry ay bilang tugon ng kamara sa naging pahayag ni Presidente Bongbog Marcos sa nakalipas na ika-apat na State of the Nation Address nito.
Sinabi ng mambabatas na sisilipin ng tatlong komite kung nagkaroon ng raket at kickback sa anumang lebelo ng gobyerno sa ukol sa flood-control initiatives.
Kasama na aniya rito kung papaano ipinatupad ng DPWH ang implementation ng mga proyekto, tulad ng mga report sa nakalipas na tatlong taon na kinabibilangan ng natapos, nadelay, substandard o posibleng ghost projects.
Gayundin kung anong mekanimos ang nagamit para i-blacklist ang nagsamantalang contractors.
Sa ginanap na preliminary briefing nitong Lunes, inihayag ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na habang top priority ang flood mitigation projects sa ilalim ng Build Better More Program, ang actual na implementation ay naantala dahil sa right-of-way acquisition issues, procurement delays at coordination gaps sa ilang LGUs at stakeholders.
Dagdag pa aniya ang budget cuts na nakaapekto sa kakayahan ng ahensiya na agency na maipatupad ang ilang programa. Mula 2023 hanggang 2025, P181.16 billion ang ibinawas sa kanilang foreign-assisted projects, P103.5 billion mula sa right-of-way allocations, at P50.59 billion mula sa preliminary and detailed engineering programs. (Vina de Guzman)