MATAPOS ang sampung (10) taon na pag-aayos ng Dalian trains dahil sa problema nang hindi tugmang standards sa Metro Rail Transit 3 na ginawa ng CRRC Dalian ay tumakbo na rin ang unang tatlong three-car na bagon.
Ang nasabing Dalian trains ay may kabuuang 16 na three-car light rail vehicles.
Ang mga bagon ay dumating sampung (10) taon na ang nakalipas matapos na lagdaan ang kontrata sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at CRRC Dalian ng
China.
Dahil sa karagdagan Dalian trains, ang pamunuan ng MRT 3 ay positbo na
makakatulong ito sa paglago ng turismo sa buong kalakhang Maynila dahil tataas ang kapasidad ng mga sasakay.
Sa ngayon ay tumataas ang mga bilang ng mga sumasakay kung kayat malaking
tulong ito upang mabigyan ng magandang serbisyo ang mga pasahero lalo na ang mga taong gustong pumunta sa mga lugar na may mga tourist attractions.
Turismo at Commuter Mobility
Ang Manila’s MRT 3 ay isang lifeline sa kalakhang Maynila na nagdudugtong sa
mga neighborhoods at airport upang maglakbay papunta sa tourist spots lalo na sa lungsod ng Maynila.
Dahil dito, ang bagong Dalian trains ay makakatulong upang magkaroon nang mas mabilis at komportableng paglalakbay ang mga tao sa loob ng mas maikling oras ng paglalakbay.
Mula sa colonial walls ng Intramuros hanggang sa mga luntiang harden ng Rizal Park at papuntang Museum’s galleries hanggang sa mga shopping malls sa SM Megamall, Mall of Asia, at cultural zones sa lungsod ng Quezon, ang MRT 3 ay nakakatulong upang maglakbay sa mga nasabing tourists spots.
- Ang mas maganda at mabilis na trains ay nagbibigay din ng isang magandang serbisyo sa loob ng peak travel times na tiyak na panalo ang mga residente at ang lumalagong merkado ng turismo.
Tumataas din ang bilang ng mga turista ang dumarating at bumabalik sa Pilipinas
dahil sa pagkakaroon ng gumaganda at maaasahang transportasyon sa bansa kung kaya’t nakakatulong ito upang makagala at makapaglibot sa mga city’s best sights ng stress-free.
Kapasidad at Mabilis na turn-around ng trains
Ang bagong Dalian trains ay makapagpapalakas ng kapasidad ng MRT 3. Ang bawat three-car set ay nakapagsasakay ng may 1,182 na pasahero kung kaya’t
maiiwasan ang pagsisikip sa mga platforms kapag peak hours. Malaking tulong na ito kapag may mga holidays at fiestas ang pamilya.
Kung may malaking kapasidad ng mga trains, ang ibig sabihin ay magkakaroon ng mas maikling waiting times ang mga pasahero na mamasyal at papasok sa mga opisina.
Mas magkakaroon ng isang kaaya-aya at masayang paglalakbay ang mga pasahero dahil mayroong improved na circulation, roomy seats, at trains na darating on time at kada konting minuto lamang ang ipaghihintay.
Dahil dito, ang isang pasahero ay hindi na mahihirapan na kumuha ng mga
connecting transportasyon sa mga buses, jeepney, at taxis.
Sasakay na lamang sila sa mga istasyon ng Quezon Avenue, Ayala Avenue or
EDSA at makakarating na sila sa kanilang destinasyon. Magagalak din sila dahil ang MRT 3 ay tumatakbo sa elektrisidad kung kaya’t walang polusyon kumpara sa mga buses at metro cars na gumagamit ng diesel.
Kung naghahanap ang mga turista ng isang eco-friendly na transportasyon, ang
MRT 3 ang isang klase ng transportasyon na mag-stand-out. Sa ginagawang modernisasyon at rehabilitasyon ng MRT3, kasama ang pagkakaroon ng isang greener na
paglalakbay dahil ito ay may mas mababang carbon footprints na maganda para sa mga
pasahero at mga planet-friendly visitors.
Expansion sa darating na panahon at Pagsasama sa sektor ng Turismo
Dahil patuloy na lumalago ang operasyon ng MRT 3, ang DOTr ay may planong
mas mapalawak pa ang mga nasabing electric fleet upang mas mapalakas ang connectivity sa buong kalakyang Maynila.
Simula pa lamang ang pagdadagdag ng Dalian trains sa nasabing aspeto ng
modernisasyon ng MRT 3.
Sa lalong madaling panahon ay dadagdagan pa ito ng four-car sets at may plano rin na pahabain ang oras ng serbisyo upang mabigyan ng kaukulang oras ang tumataas na bilang ng pasahero.
Kung may mabilis at maaasahang na transportasyon mas marami pa ang madadaliang sumakay papunta sa mga lugar na may historical landmarks, entertainment hubs at green parks.
Alam ng pamahalaan na importante ang seamless na transportasyon upang ang
mga turista ay maengganyong bumalik at ibalita sa buong mundo na maganda ang
Pilipinas.
Ang DOTr ay isa sa mga sangay ng pamahalaan na sumusuporta sa Philippines’ tourism push. Ang isang modernong kalakyang Maynila ay magiging kaaya-ayang bansa
na may imaheng epektibo at environmental na pangangalaga sa bansa kung saan ang isang turista ay maaaakit na bumalik-balik upang puntahan ang mga pangunahing tourist
attractions hindi lang sa kalakyang Maynila kung hindi sa buong bansa.
Konkluksyon
Ang pagdadagdag ng Dalian trains sa MRT 3 ay isang malaking hakbang para sa isang magandang pampulikong transportasyon sa kalakhang Maynila. Dahil araw-araw na parehas sumasakay ang mga tao at turista dito, sila ay makakaranas at makakita ng
isang mas maganda at maayos na paglalakbay.
Dahil sa bumabalik at lumalagong industriya sa turismo, ang rehabilitasyon at pag-aayos nito ay makakatulong upang mapanatili ang mga turista at mga pasahero na makapaglakbay at sumakay ng may mainam na pagkilos mula sa isang cultural at historical sites papunta sa iba pang lugar na may magandang tanawin. LASACMAR