• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDEA, DDB nagbabala sa publiko laban sa paglaganap ng sigarilyong “Tuklaw” sa Pilipinas  

XML:com.adobe.xmp: ???? ? ? ? ? 2025-08-08? da1eb7c0-5eca-4647-aee3-ea756dd637f8? 525265914179580? 2? ? ? ? ?? ? Yes? ?? ? ? ? No-Tobacco – 4? ? ? ?? ? Miguel Tan? ?? ? Canva doc=DAGveJRZaNc user=UAF9S9i_Aew brand=BAF9SypyKAw template=Red and Black Modern No-Tobacco Day Instagram post? ???

NAGBABALA sa publiko ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang Dangerous Drugs Board (DDB) laban sa paglaganap ng “Thuoc Lao”, na kilala bilang “Tuklaw” na sigarilyo sa mga lansangan.

Inilabas ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez ang resulta ng mga laboratory findings ng Agency sa sigarilyo na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng nicotine at synthetic cannabinoid na idinisenyo upang gayahin ang mga epekto ng marijuana ngunit mas mabisa at mapanganib. Kapag ginamit ng mga naninigarilyo ang “Tuklaw” ay maaaring makaranas ng mga psychotic episodes at hallucinations.

Nakaagaw ng atensyon sa publiko kamakailan lang ang mga naiulat sa balita na ang ilang mga teenager ay nangingisay at nawalan ng malay matapos subukang manigarilyo ng “Tuklaw”.

Ang “Thuoc Lao” ay isang planta ng tabako na lumago sa kabundukan ng Northern Vietnam. Sa lokal, maaari itong pausukan o nginunguya bilang bahagi ng kanilang mga ritwal. Ang tradisyonal na paraan ng paninigarilyo ng tabako ay ang paggamit ng tubo na tinatawag na bamboo bong. Ang nicotine content ng “Thuoc Lao” ay maaaring umabot ng hanggang siyam na porsyento kumpara sa mga ordinaryong sigarilyo na may average na isa hanggang tatlong porsyento lamang.

Ang mga nakamamatay na sigarilyong ito na may synthetic cannabinoid ay halatang smuggled goods at iniulat na ibinebenta online. Nagbabala ang PDEA sa publiko na huwag tangkilikin ang sigarilyong “Tuklaw” dahil sa mga seryosong panganib nito sa kalusugan.

Pagkatapos magsagawa ng mga confirmatory test gamit ang Gas Chromatograph – Mass Spectrometry (GC-MS) na tumukoy sa pagkakaroon ng synthetic cannabinoid sa mga sigarilyong “Tuklaw,” ang PDEA Laboratory Service ay humingi din ng tulong sa mga international at domestic forensic laboratories para makapagtatag ng isang tiyak na resulta.

“Ang parehong ahensya ay makikipag-ugnayan din sa mga kinauukulang sektor, mga eksperto sa kalusugan ng publiko, at sa mga iba pang ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of Health, National Bureau of Investigation at ang Food and Drug Administration, upang matiyak na ang anumang resulta ng panukalang patakaran ay komprehensibo, balanse, at maipapatupad,” sabi ni DDB Chairman Secretary Oscar F Valenzuela.

“Ang tunay na layunin ay protektahan ang kapakanan at interes ng pangkalahatang publiko laban sa mga banta at panganib ng nakakahumaling at nakakapinsalang mga sangkap tulad ng mga sintetikong cannabinoid”, pagtatapos ni DDB Chairman. (PAUL JOHN REYES)