• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2025

Cong. Tiangco, suportado ang panawagan ni Pangulong Marcos Jr. para sa accountability sa flood control projects

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA kanyang statement, sinabi ni Navotas City Representative Toby Tiangco na buo ang kanyang suporta sa matapang at kinakailangang hakbang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ilantad at harapin ang mga nakakatakot na anomalya sa flood control programs sa bansa.
Ayon kay Tiangco, ang pagbubunyag sa 6,021 projects na nagkakahalaga ng mahigit ₱350 bilyon o higit sa 60% ng kabuuang bilang ng mga proyekto, kulang sa mga pangunahing detalye ng proyekto ay hindi lamang nakakaalarma; ito ay hindi katanggap-tanggap.
Ang higit aniyang nakakabahala ay ang katotohanan na 15 contractor lamang ang nakorner ng 20% ng buong 545 bilyong badyet, na nagdulot ng mga seryosong katanungan tungkol sa pagiging patas, transparency, at potensyal na katiwalian sa pagpapatupad ng proyekto.
“As Representative of Navotas, a city that is below sea level, I know firsthand what’s at stake. Our people endure rising waters, damaged homes, disrupted livelihoods, and threats to health and safety. Every peso wasted or misused on flood control is a betrayal of communities like ours”, ani Cong. Tiangco.
“We cannot and will not allow critical infrastructure to become a playground for inefficiency or worse, corruption”, dagdag niya.
“I fully support the President’s directive to audit and clean up these programs, and I urge all agencies, contractors, and local officials to cooperate without delay. The launch of sumbongsapangulo.ph is a welcome step that empowers citizens to speak out, and I encourage Navoteños to make full use of this tool to report any irregularities they witness”, aniya.
“There must be zero tolerance for abuse of public funds, especially when the lives and safety of our people are on the line. We demand results. We demand accountability. And we demand justice for every community that has been left vulnerable due to incompetence or dishonesty’, dagdag niya
“Let this be the start of real reform—not just in flood control, but in how we serve our people”, sabi pa ni Tiangco. (Richard Mesa)

Higit 100 benepisyaryo mula sa vulnerable sectors, nakatanggap ng libreng livelihood packages

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMABOT sa kabuuang 106 ‘Bigasan’ Livelihood Packages ang naipamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa mga miyembro ng vulnerable sectors, na kinabibilangan ng Persons with Disability (PWDs), senior citizens, solo parents, returning Overseas Filipino Workers (OFWs), at home-based workers.
Ang One ‘Bigasan’ Livelihood package ay binubuo ng anim na sako ng bigas kasama ang iba pang mahahalagang pangangailangan sa negosyo, na may layuning mabigyan ng matatag na pagkakakitaan ang mga tatanggap nito.
Dagdag pa rito, tatlo pang benepisyaryo ang nakatanggap ng mga makinang panahi at iba pang tailoring materials, habang ang isa naman ay nabigyan ng barbecue business package.
Kinilala ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang mga hamon na kinakaharap ng mga miyembro ng mga mahihinang sektor sa paghahanap ng marangal at sapat na kabuhayan at ipinahayag ang inisyatiba ng kanyang administrasyon na konkretong matugunan ang mga alalahaning ito sa pangmatagalang paraan.
“Kahit noong hindi pa ako Mayor, marami na ang nagsasabi sa atin na mga miyembro ng vulnerable sectors sa lungsod na nahihirapan silang makahanap ng kabuhayan at trabaho sa iba’t-ibang kadahilanan,” ani Malapitan.
“Kaya naman mula noong nagsimula ang ating unang termino, regular nating binibigyan ng prayoridad ang mga senior citizen, PWD, solo parent, at mga magulang ng child laborers na magkaroon ng sarili nilang pagkakakitaan, bukod pa sa pag-aalis ng mga sistemang nagdi-diskrimina sa kanila,” dagdag niya.
Kabilang sa mga benepisyaryo ng ‘Bigasan’ Package ay si G. Marcelino Estonactoc, 67, na kamakailan lamang ay nagtapos sa Maypajo High School.
Ayon kay Mayor Along, patunay si G. Estonactoc na anuman ang katayuan o edad, lahat ng handang magsikap para sa mas magandang buhay ay makikinabang nang malaki sa mga patakaran at programa ng pamahalaang lungsod
“Nakita naman po natin ang kwento ng buhay ni Mang Marcelino, na patunay na ang pagsisikap na maabot ang mga pangarap, walang pinipiling edad o estado sa buhay. Kaya asahan po ninyo na tutulungan natin ang mga kagaya niya na magkaroon ng oportunidad na bigyan ng maganda buhay ang kanilang mga sarili,” ani Mayor Along. (Richard Mesa)

Mabagal, maanomalyang waste management system ng Pilipinas; dahilan ng malalang pagbaha sa Metro Manila; Erice

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MARIING sinabi ni Caloocan City 2nd District Congressman Edgar “Egay” Erice na ang mabagal at maanomalya umanong waste management system mayroon ang Pilipinas ang dahilan kaya’t di nabibigyan ng solusyon ang paulit-ulit at malalang pagbaha sa Metro Manila.
Sa kanyang talumpati sa harap ng ika-20 Kongreso na naganap noong Lunes, Agosto 11, 2025, sinabi ni Erice na hindi lamang dahil sa kakulangan sa imprastraktura ang dahilan ng pagbaha sa bansa kundi ang sirang sistema ng pangangasiwa ng basura.
Aniya, sa tagal ng kanyang karanasan sa pamahalaan at pangangasiwa sa environmental sanitation, nasaksihan nito ang hirap at sakripisyo ng mga taga-Caloocan mula sa mga nagdaang kalamidad gaya ng mga bagyong Dante, Emong, Fabian at Habagat.
Tinukoy ng mambabatas ang datos mula sa isang pag-aaral ng Bloomberg noong 2020, kung saan lumabas na Pilipinas ang nangunguna sa buong mundo sa pagbibigay ng plastic waste sa karagatan – patunay, ayon sa kanya, ng mabagal at maanomalyang waste management system na pumapabor lamang sa ilang malalaking kontratista.
Ayon kay Erice, bilyon-bilyong piso ang ginagastos ng mga lokal na pamahalaan para sa garbage collection, ngunit 60-70% ng basura ay nananatiling nakatambak sa mga kanal, estero, at ilog.
Dahil dito, nananawagan siya ng “clean up all” policy na mag-oobliga sa mga garbage contractor na linisin hindi lamang ang mga kalsada, kundi pati ang lahat ng daluyan ng tubig.
Kasama sa kaniyang iminungkahing solusyon ang malawakang dredging mula sa DPWH na, ayon sa mga pag-aaral, maaaring magpababa ng pagbaha ng 30-70% at magpabilis ng paghupa nito mula tatlong oras hanggang kalahating oras.
Binanggit din ni Erice na may tinatayang 600,000 pamilya ang nakatira sa tabi at ibabaw ng waterways kaya hinimok niya ang pambansang pamahalaan na pabilisin ang relokasyon ng mga ito at tiyakin ang in-city relocation upang maiwasan ang kanilang pagbabalik sa mga lugar na delikado.
Bilang pangmatagalang hakbang, iminungkahi rin niya ang pagtatatag ng Metropolitan Manila Regional Administration na pamumunuan ng isang governor at isang metropolitan assembly.
Ang layunin nito ay magkaroon ng iisang pamamahala para sa waste management, flood control, trapiko, transportasyon, land use, at urban planning – mga problemang aniya ay hindi kayang tugunan ng 17 magkakahiwalay na LGU at ng kasalukuyang “toothless” MMDA.
Ang panukalang ito ay naipasa na sa Committee on Metro Manila Development para sa agarang pagtalakay. (Richard Mesa)

1 MONTH NA ANTI-COLORUM OPERATIONS NG LTO, 284 SASAKYAN ANG NAHULI

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAHULI at na-impound ng Land Transportation Office (LTO), sa pamumuno ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang kabuuang 284 na sasakyan sa pinaigting na isang-buwang anti-colorum operations sa buong bansa nitong Hulyo 2025.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, isinagawa ang operasyon bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na habulin ang mga naglalagay sa panganib sa mga pasahero at tiyakin na lahat ng pampublikong sasakyan ay sumusunod sa mga alituntunin ng pamahalaan, lalo na sa mga patakaran para sa kaligtasan sa kalsada.
“Hindi safe sakyan ang mga colorum na mga sasakyan na ito dahil bukod sa issue ng road worthiness dahil marami sa mga ito ay mga expired na rehistro, wala rin intong mga insurance na isa sa mga requirements sa mga public utility vehicles,” ani Asec Mendoza.
“Marami na tayong nahuli at tayo ay natutuwa dahil nakakakita na tayo ng improvement sa ating adhikain na wakasan ang iligal na gawain na ito,” dagdag pa niya.
Batay sa datos ng LTO, 79 sa mga nahuling sasakyan ay tricycle, habang 51 naman ay motorsiklong ginagamit bilang motorcycle taxi.
Nahuli rin ang 60 van o UV Express, 56 truck, at 16 sedan-type na pribadong sasakyan na iligal na ginagamit sa pagsasakay ng pasahero.
Nahuli rin ang labing-isang pampasaherong jeepney at apat na bus.
Mula nang maupo siya bilang pinuno ng LTO noong kalagitnaan ng 2022, ipinag-utos na ni Asec Mendoza ang maigting na kampanya laban sa mga kolorum na sasakyan bilang suporta sa mga lehitimong operator at driver na nawawalan ng tinatayang 30% ng kanilang kita araw-araw dahil sa iligal na operasyon.
Ang ilang aksidente na kinasasangkutan ng mga kolorum na sasakyan kung saan hindi nakatanggap ng anumang tulong ang mga biktima dahil sa kawalan ng insurance, ang isa ring nagtulak sa LTO na mas paigtingin pa ang pagsugpo sa iligal na gawaing ito.
Binalaan din ni Asec Mendoza na ang kolorum na operasyon ay itinuturing na isang kriminal na gawain, at binanggit ang ilang kaso kung saan parehong nahatulan ang operator at driver ng multa at pagkakakulong.
Bilang karagdagang paghihigpit, naglabas si Asec Mendoza ng memorandum noong nakaraang taon na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng LTO na tanging utos ng korte ang maaaring magpalabas ng mga sasakyang na-impound sa ilalim ng anti-colorum operations.
Nagpasalamat din si Asec Mendoza kay Secretary Dizon sa kanyang buong suporta sa kampanyang ito. (PAUL JOHN REYES)

P1 provisional fare increase hinihimay na ng LTFRB

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAG-ARALAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na P1 provisional fare increase ng mga transport groups sa mga Public Utility Jeepneys (PUJs).
Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, nirerebyu na ng kanilang mga tauhan ang hinaing petisyon ng mga PUJs para matiyak na patas ang gagawing desisyon.
“We are studying the petition in detail to ensure that any fare adjustment is fair, reasonable, and based on solid justification,” pahayag ni Guadiz.
Nabatid na naghain ang LTFRB ng petisyon ang grupo ng PUJs na PASANG MASDA, ALTODAP, at ACTO para sa dagdag pasahe sa traditional at modern PUJs.
Tiniyak ni Guadiz na ikokonsidera ng board ang kapakanan ng mga operator, drayber pati na ng mga commuter sa gagawing desisyon sa fare hike petition.
“Our goal is to ba­lance the needs of the riding public and the sustainability of public transport operations,” dagdag pa ni Guadiz.
Nais ng mga petitioners na ideklarang permanente ang P1 provisional fare hike noong Oktubre 2023 at dagdagan ng P2 provisional increase na nanga­ngahulugan na P15 na ang pamasahe sa traditional PUJs at P19 sa modern PUJs.

Dapat nang paghandaan ang buhay ng may asawa: BEA, mukhang malapit-lapit nang maging Mrs. VINCENT CO

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAY nakarinig raw kay Bea Alonzo nang sinabi nito na malapit na siyang maging Chinese dahil sa boyfriend si Vincent Co na presidente ng Puregold.
Meaning, nakahanda na si Bea sa new chapter ng buhay niya, ang pag-aasawa.
Saka sa edad ni Bea, ay dapat lang naman siguro na lumagay na siya sa tahimik para magka-baby pa sila ni Vincent na kung hindi kami nagkakamali ay nasa late 30’s na.
From a source, maliban sa madalas magkasama sa abroad for vacation o business trip, nakarating na rin daw si Vincent sa sosyalin at yayamaning farm ni Bea sa Zambales.
Maging si Bea ay naipakilala na rin daw ni Vincent sa kanyang parents na sina Susan at Lucio Co. At marami ang humahanga rito kay Vincent, at napaka very supportive nito sa career ni Bea sa showbiz.
Na tuwing may nagpa-picture na fan sa girlfriend ay tumatabi siya at ‘di umeeksena.
Sa ngayon busy sa rin sa kanyang online business si Bea at wala pang balita kung may new project siya.
Huling napanood ang actress sa teleserye nila ni Carla Abellana at Benjamin Alves na ‘Widow’s War’ sa GMA.
***
Gonzaga family, patok na patok sa vlog at Tiktok
PAREHONG matataas ang views ng Gonzaga sisters kapag magkasama silang nagsa-sayaw sa Tiktok.
Naku, lalo pang nagiging riot kapag ka-join nina Toni and Alex ang kanilang parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy na malaki rin ang following sa social media.
Yes, humamig lang naman ng from 5 million to 20 million views ang Gonzaga family sa Tiktok at vlog ni Alex.
Yung latest dance video nga ng mga ito na kasama ang hubbby ni Toni na si Direk Paul Soriano at mister ni Alex na si Lipa City Vice Mayor Mikee Morada ay umabot na sa 21.8M views in just 5 days.
Tapos yung lambingan at biruan naman video naman ni Alex at Mommy Pinty na naka-upload sa official Facebook Page ni Alex ay as of August 9 ay meron ng 9.7 million views.
Well, always good vibes naman kasi ang hatid ng Gonzaga family sa viewers kaya’t marami talaga ang mga sumusubaybay sa kanila sa buong mundo.
Hindi rin nagtatagumpay ang mga paninira sa Gonzaga sisters. Wala naman kasing naniniwala sa mga fake news kina Toni at Alex.
(PETER LEDESMA)

Vanderlei Zamora, pambato ng ‘Pinas sa ‘Mister Teenager Universe 2026’

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINAKILALA na kamakailan ang magiging kinatawan ng Pilipinas para sa ‘Mister Teenager Universe 2026’ na si Vanderlei Zamora. 

Naganap ito na send-off mediacon at sashing ceremony na in-organize ng pageant National Director na si Charlotte Dianco at nagmamay-ari ng Spring Fairy Entertainment Productions.

Sa April 2026 pa ang ‘Mister Teenager Universe 2026’ na gaganapin sa Surabaya, Indonesia, kaya may ilang buwan pa si Vander sa kanyang paghahanda sa pagrampa sa naturang competition.

Nakasama rin sa event para magbigay ng suporta sina Miss Teen Universe Philippines 2025 Chiara Mae Vizcaya Gottschalk at Miss Teen Earth Philippines Meridith Bobadilla. Naroon din si Miss Teen Model International 2024 2nd Runer Up Dharella Anne Alconcel.

“I’m conditioning my mind, preparing myself mentally, inspiring myself, I’m working out more,” sabi ng 17-anyos na Grade 12 student sa De La Salle Greenhills.

First time pa lang sasabak si Vander sa pageant at sa international pa. 

“This is my first pageant. I wanted to join because personally, I love challenges. I like challenging myself, I like develop, try new things and yes that’s why po,” pagbabahagi pa ng nag-iisang anak nina Dennis at Charlene Zamora na very supportive parents sa lahat ng kanyang gustong pasukin.

Isa sa mga advocacy niya ay ang pagtaguyod ng mental health awareness sa mga kabataan.

Matagal na rin niyang pangarap ang maging aktor, kaya naman plano niyang kumuha ng Theater Arts.

Nasa dugo rin pala ni Vanderlei ang showbiz dahil kamag-anak niya sina Lance at Rannie Raymundo. Marunong din siyang kumanta at tumutugtog ng drums.

Pahayag pa ni Vander, “The main goal is to win, it’s a dream come true kapag nangyari ‘yan. Apart of that main goal is to enjoy the moment, be the best it can be and also to discover myself. Because apart from the pageantry, I will learn a lot of things like ethics, understanding people.”

Sumasabak na rin si Vander sa mga workshop bilang paghahanda sa kanyang sarili, bago sumabak sa pag-arte.

“The audition part haven’t tried it, I’m preparing myself in enhancing physical appearance, my mindset, mentally and my relationship with God.

“Before I ge into that I want to make sure na ready na talaga ako,” dagdag pa ng pambato ng ‘Pinas sa Mister Teenager Universe.

Best of luck Vanderlei Zamora!

(ROHN ROMULO)

May dalawang nominasyon sa ‘Star Awards for TV’: GLADYS, katuwang sa pagma-manage ng showbiz career ni CHRISTOF

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAY mga nagprisinta pero si Gladys Reyes na mismo ang namamahala o manager ng anak na si Christophe Sommeruex.
Common knowledge na anim na taon pa lang ay nasa showbis na si Gladys, kaya alam na ng aktres ang pasikot-sikot.
At ngayon ngang pinasok na rin ito ng panganay na lalaki bilang isang singer at songwriter sa Star Music, katuwang ni Gladys ang Star Magic para sa showbiz career ng pa­nganay nilang anak ni Christopher Roxas.
“Siguro kung merong medyo nakakaalam sa pasikut-sikot dito isa na ako do’n dahil six years old ako when I started. ‘Yung sa akin is ‘yung gui­dance lang, ‘yung gabay of course with (Star Magic), panatag ako eh.
“Alam ko naman na hindi nila pababayaan si Christof. ‘Yung sa akin is bilang magulang lang din and at the same time na bilang nasa industry ako ‘di ba nando’n ako kung maaa­ring hindi na niya pagdaanan ‘yung mapapahamak pa siya, magkakamali siya, bakit hindi pa natin i-guide. Kumbaga bigyan natin ng short cut kaysa long cut. “Makakasalamuha ka pa ng mga taong mapagsamantala, ‘di ba? Kaya importante talaga na ‘yung concern mo hindi lang bilang magulang and at the same time concern ka do’n sa karera niya,” mahabang salaysay at paliwanag pa ni Gladys.
Sa mga anak ni Gladys at Christopher ay parehong nakitaan niya na mahilig sa showbis ang tatlong lalaki at isang babae ang na mga anak niya pero mas desidido raw ang panganay na lalaki at bunso.
Samantala, nominado si Gladys bilang Best Supporting Actress dahil sa role niya sa “Black Rider” at Best Comedy Actress sa “One for All, All for One” sa 37th Star Awards for TV.
Nakatanggap din ng nominasyon ang bunsong anak na si Grant Summereux bilang “Best Child perfomer” at si Christophe Sommeruex naman ay “Best New Male TV Personality” para pa rin sa “One for All, All for One”.
Gaganapin ang awards night sa Aug. 24, 2025 sa prestiyoso at bongacious sa 10th Floor Ballroom ng VS Hotel Convention Center, na matatagpuan sa 799 EDSA Southbound, South Triangle, Quezon City.
(JIMI ESCALA)

MTRCB Clears 9 Films for Mid-August Screening

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THE Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) approved nine films for public exhibition, all set to premiere this week.

Among the highlights is the award-winning Filipino documentary film,”Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea,” about the lives of Filipino fishermen in the disputed waters.

The movie is rated PG (Parental Guidance), suitable for viewers below 13 years old, provided they are accompanied by a parent or supervising adult.

Also rated PG is the Filipino docu-drama, “Sa Likod ng Tsapa,” which tells the story of Police Colonel Hansel Marantan and the challenges and triumphs of Philippine law enforcement officers.

Another local entry, “Wild Boys,” starring brothers Aljur and Vin Abrenica, earned an R-13 rating, which limits viewing to audiences aged 13 and above.

Directed by Carlos Morales, the film follows the struggles of an entertainment bar facing threats that could lead to its closure.

In addition to local films, six international movies will also hit the silver screen, including the Harry “Potter Movie Marathon” (PG), a magical journey through the beloved fantasy saga, and “6 Days” (PG), a documentary concert celebrating the 10th anniversary of South Korean pop-rock band Day6.

The American action-crime comedy, “The Naked Gun,” starring Liam Neeson, and the horror film, “Evil Within Walls – Dasim,” both received an R-13 rating due to themes that may not be suitable for children below 13 years old.

“Nobody 2,” a thrilling action film about a former assassin forced back into his violent past, earned an R-16 rating, restricting viewing to audiences aged 16 and above.

Meanwhile, the supernatural horror , “Together,” has been classified under two ratings – R-16 and R-18 (for viewers aged 18 and above) – offering audience-specific viewing preferences.

MTRCB Chairperson Lala Sotto reaffirmed the Board’s commitment to ensuring that all films undergo a thorough review process to provide age-appropriate classifications that protect viewers, especially young audiences, while respecting creative freedom.

“We remain dedicated to providing age-appropriate ratings that serve as a guide for families in choosing the content they watch, while also supporting the growth and diversity of the local and international film industry,” said Sotto.

(ROHN ROMULO)

Susubukang umarte muli dahil nami-miss na niya: KIM, inamin na nagkatampuhan sila ni ANTOINETTE dahil kay DINGDONG

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INAMIN ni Kim delos Santos na nagkatampuhan sila ni Antoinette Taus dahil kay Dingdong Dantes.

Naganap ito sa “Fast Talk” segment ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 11, na kung saan ay tinanong si Kim ni King of Talk Boy Abunda kung sino ang artistang nakatampuhan niya.

Nagsimula raw ang tampuhan nina Kim at Toni dahil pareho silang may gusto kay Dingdong, na sa bandang huli’y nakarelasyon ni Antoinette.

“Parehas kaming gusto nung time na ‘yun siguro kaya lagi kami nagtatalo,” pag-amin ni Kim.

“Siya ‘yung lalaking gusto ko before, si Dingdong, pinagseselosan before. Ay nasabi ko rin! First time kong banggitin ‘yun.” 

Nilinaw naman ni Kim na naayos rin nila ni Antoinette ang kanilang tampuhan.

“Tumanda na, e. We’re older. Siyempre, bagets, e, we were teens, so selos dito, selos du’n, ‘yung mga ganu’n,” sabi ni Kim.

Samantala, inamin din ng aktres na nami-miss niya ang pag-arte at gusto niyang bigyan ang sarili ng one last try.

“Kasi nami-miss [ko], Tito Boy, it’s in your blood. It’s like you miss it,” sabi ng dating aktres.

At kung hindi raw mag-work, babalik siya ng Amerika dahil meron naman siyang stable job.  Ayaw lang niyang magkaroon ng ‘what if?’

Ibinahagi rin ni Kim na nakakuwentuhan niya sina Dingdong at Polo Ravales, na nagsabing may bagong show ang Kapuso Primetime King.

“And then, Dingdong was asking me if it’s okay for me to come here and stuff like that, and I said, ‘Yeah, I can always ask for changing my work to PRN as needed.’ 

“So, it’s one of the options that I’ve been thinking about. And Dingdong was like, ‘Sigurado ka ba?'” pahayag ni Kim.

Well, abangan na lang natin ang pagbabalik-telebisyon ni Kim na siguradong ikatutuwa ng kanyang mga tagahanga.

(ROHN ROMULO)