• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2025

Abang-abang na lang sa magaganap na proposal: RHIAN, malapit-lapit nang pakasalan ni SAM dahil ayaw nang patagalin

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INAMIN ni Sam Verzosa na malapit-lapit na silang ikasal ni Rhian Ramos.
Ayaw pa niyang magbigay ng detalye tungkol dito, kaya abang-abang na lang daw kung kailan ito magaganap.
Kuwento ng business partner ni RS Francisco sa Frontrow, “seryoso na, na mabibigay ko ‘yung buong sarili ko sa kanya lalo na tapos na ‘yung campaign.
“Focus na kami sa sarili namin. Mas marami akong oras sa kanya at sa tingin ko ito na ‘yung oras para sa amin.”
Kaya naman hindi niya itinanggi na kasado ang kanilang wedding plan.
“Dapat. Dapat lang kasi hindi na tayo bumabata at masaya na ako. Nahanap ko na ‘yung partner ko sa buhay. Bakit ko pa patatagalin? ,” say pa ni SV.
“Edi pinakamadaling panahon,” dagdag niya pa.
“Syempre, wala na akong ibang pino-focus kundi sarili ko, personal na buhay, negosyo at tsaka syempre si Rhian.”
“Wala pa. Wala pa nga kayong nababalitaan. So, abang-abang na lang siguro kayo. Sandali na lang,” sagot pa ni Sam tungkol sa proposal.
Kinuwento rin ni SV ang muli nilang pagsali sa marathon ni Rhian.
“Second marathon namin ito kasi we run New York marathon last year.”
“Na nagka-issue kasi nga tumakbo ako sa pulitika, ginamit pa ‘yun against saka napakaliit na bagay.
“So, ngayon ido-document ko lalo, ibi-video ko para makita nila. Gusto nila naka-live pa para makita na tinapos.
“It’s for fun and it’s for charity. Hindi naman kami tumakbo sa marathon para makipagpabilisan.
“Nandun kami, first of all, to help the Smile Train. Iyon ‘yung charity na tinutulungan ko. “Nagpapa-opera kami ng mga kabataan na may bingot or tinatawag na cleft palate. And hundreds na napa-opera namin. Even before pa akong tumakbo ng marathon. Nag-London marathon ako, ‘yun din ang mga binigyan namin ng tulong. Marami na rin kaming napaopera. “And this year sana mas marami pa. Makalikom pa ng mas maraming funds para makatulong sa mga kababayan natin and ayun tuluy-tuloy lang ‘yung pagtulong.
“Sabi ko nga, healthy na ako sa marathon, nakatulong pa ako, na-enjoy pa namin ‘yung view at nakapag-bonding pa kami ni Rhian,” kuwento pa ni Sam na walang regret kahit hindi siya pinalad na maging mayor ng lungsod ng Manila.
Anyway, ang bongga ng birthday gift ni SV sa kanyang business partner na si RS dahil niregaluhan niya ito ng luxury electric car na Tesla Cybertruck worth P18 million.
Ang bongga naman talaga nang naturang Cybertruck na nakita namin nang iparada ito sa labas ng Alba Resto.
Aminado naman si RS noong umpisa ay nahirapan siyang mag-adjust ang liit ng likod nito pero ang gaan daw i-drive.
Nakita rin namin na ito ang ginamit nang manood siya sa first night ng ‘Super Diva’ concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda sa sa Araneta Coliseum last August 8, na kaarawan mismo ni RS.
(ROHN ROMULO)

Pareho silang freshman students: SOFIA, back-to-school na at magkaklase sila ni ALLEN

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BACK-to-school na ang Sparkle loveteam nila Sofia Pablo at Allen Ansay.

At sa pagkakataong ito ay pareho silang freshman students sa UST Angelicum College in Quezon City.
Ikinatuwa pa ni Next Gen Leading Lady ay college classmates sila ni Allen.
“From SHS to college… but this time, with him,” caption ni Sofia sa pinost na reel sa Instagram kunsaan nili-lip-synced nila ni Allen ang song na “You Belong With Me” ni Taylor Swift.
Sa IG account naman ni Allen, pinost nito ay “your college freshman.
Naikuwento noon ni Allen na tumigil muna siya pansamantala sa kanyang pag-aral sa kolehiyo para pasukin ang showbiz sa pamamagitan ng reality artista-search ng GMA-7 na StarStruck season 7 in 2019 kunsaan naging First Prince (first runner-up) siya sa winner na si Kim de Leon.
Pangarap daw kasi noon ng Next Gen Leading Man na sundan ang yapak ng mga iniidolo niyang sina Dingdong Dantes at Alden Richards.
Dahil naging successful ang loveteam nila ni Sofia, mapa-TV at sa ilang product endorsements, panahon na raw na bumalik si Allen sa school dahil na-inspire siya sa sipag at tiyaga sa pag-aaral ng kanyang ka-loveteam.
Kaka-graduate lang ni Sofia from senior high school noong nakaraang June 2025.
“Last year, sabi ko parang gusto ko nang pumasok nang pag-aaral kasi nakikita ko siya (Sofia) napagsasabay niya naman and ngayon finally magkaklase na kaming dalawa,” sey ni Allen sa interview nito sa 24 Oras noong August 7.
Parehong Bachelor of Arts in Communication ang kinuhang kurso nila Allen and Sofia sa UST Angelicum College.
“Na-feel naming na mas ano sa career path namin and work namin ‘yung communication. At least mas mate-train din kami behind the camera,” sey ni Sofia.
Parehong good role models sa mga kabataan ngayon sina Sofia at Allen. Kahit na kumikita na sila sa showbiz, goal din nila ang tuparin ang pangako nila sa kanilang mga magulang na makakuha ng college diploma.
Huling napanood ang Team Jolly sa GMA Afternoon Prime series na ‘Prinsesa Ng City Jail’ na nagtapos noong June 21, 2025.
Sa magkakasunod na big events para sa 75th anniversary ng Kapuso Network aktibo ang Team Jolly tulad ng GMA Gala 2025 last August 2 at sa launch ng bagong station ID ng GMA-7 na Forever One With The Filipino noong August 5.
Noong August 7 naman ay dumalo rin sina Sofia at Allen sa premiere ng Ganito Tayo, Kapuso sa Power Plant Mall Cinema, Rockwell Drive.
***
EXCITED si Ruru Madrid para sa Sparkle World Tour ngayong Agosto.
Makakasama niya sina Kyline Alcantara, Aiai Delas Alas, Jessica Villarubin, Boobay, and Pepita Curtis para i-entertain ang global Pinoys sa Canada.
Ayon kay Ruru: “I’m just very grateful right now. It’s actually my third time para sa Sparkle World Tour. Noong una, we went to Canada, we went to Tokyo last year. This time, Canada ulit.
Gaganapin ang Sparkle World Tour ngayong August 16 and 17 sa Toronto, Canada, in partnership with Taste of Manila. Sa August 29 to September 1 naman gaganapin ang Sparkle World Tour sa Eau Claire Park, Calgary, in partnership with Fiesta Filipino. Samantala, ang GMA Pinoy TV na nagse-celebrate ng 20th anniversary ay ang proud media partner ngayong 2025 Sparkle World Tour.
Dagdag pa ni Ruru ay gusto niyang makilala at makapiling ang mga Pinoy na naninirahan sa Canada.
“Nakakatuwa kasi tayong mga Pilipino gusto nating makilala ‘yung mga Kapuso natin na nasa abroad. Alam po natin ang kanilang mga buhay doon. I’m very excited lalo pa ngayon na makakasama ko ngayon ang aking Mama Ai (Ai-Ai delas Alas).
***
PROUD Pinoy at heart ang Fil-Canadian na si Manny Jacinto dahil nakatrabaho niya ang malalaking Hollywood stars sa TV at pelikula.
Breakout role niya ay ang comedy series na ‘The Good Place’ kunsaan co-stars nita sina Kristen Bell at Ted Danson. Nasundan ito ng mga pelikulang ‘Bad Times at El Royale’, ‘Cora Bora’ at ‘Top Gun: Maverick’ with Tom Cruise.
Naka-love scene naman niya si Nicole Kidman sa Amazon Prime series na ‘Nine Perfect Strangers.
“Nicole is legend. Larger than life. But, you know, she’s so nice and generous and so talented. Like, you have to step up… Sobrang mabait,” sey niya.
Gumanap naman siyang fiancé ni Lindsay Lohan sa hit comedy film na ‘Freakier Friday.’ Mabait daw ito pati ang co-star nilang si Jamie Lee Curtis.
Hindi lang pala si Manny ang Pinoy actor sa naturang movie. Gumanap na mother niya ay Gigette Reyes. Lumabas ang aktres sa mga teleserye tulad ng ‘Tayong Dalawa’,  Lobo’, ‘Atlantika’, ‘Darna’, ‘Hiram’, ‘Bituin’ at ‘Pangako Sa ‘Yo.’ 
Na-introduce siya sa pelikulang ‘Bad Bananas Sa Puting Tabing’ kunsaan nanalo siya ng best supporting actress sa 1983 Metro Manila Film Festival.
 
 
(RUEL J. MENDOZA)

WHEN LIFE PULLS YOU DOWN, LOVE LIFTS YOU UP, WATCH THE OFFICIAL TRAILER FOR “REGRETTING YOU” NOW!

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
We read it. We felt it. Now we’re about to see it. Regretting You, from the best-selling author of It Ends with Us and the director of The Fault in Our Stars, opens only in cinemas October 22. Starring Mckenna Grace, Mason Thames, Allison Williams, Dave Franco, Scott Eastwood and Willa Fitzgerald.
Watch the trailer: https://youtu.be/eAQzHAFixzM
And check out the newly released poster:
#RegrettingYouMovie
Photo credit: Paramount Pictures
Synopsis:
Based on the bestselling book, REGRETTING YOU introduces audiences to Morgan Grant (Allison Williams) and her daughter Clara (Mckenna Grace) as they explore what’s left behind after a devastating accident reveals a shocking betrayal and forces them to confront family secrets, redefine love, and rediscover each other. REGRETTING YOU is a story of growth, resilience, and self-discovery in the aftermath of tragedy, also starring Dave Franco and Mason Thames with Scott Eastwood and Willa Fitzgerald, in cinemas October 22.
Paramount Pictures Presents In association with Constantin Film and Domain Entertainment and north.five.six. A Constantin Film Production A Harbinger Pictures and Frayed Pages Production “REGRETTING YOU”
Executive Producers: Oliver Berben, Colleen Hoover, Allison Williams, Mckenna Grace, Dave Franco, Jon D. Wagner, Emily Magee, Pete Chiappetta, Anthony Tittanegro, Andrew Lary, Michael Rothstein, Samuel Hall, Warren Goz
Produced by Brunson Green, p.g.a., Anna Todd, Flavia Viotti, p.g.a., Robert Kulzer
Based on the book by Colleen Hoover, Screenplay by Susan McMartin and Directed by Josh Boone
Cast: Allison Williams, Mckenna Grace, Dave Franco, Mason Thames, Sam Morelos with Scott Eastwood with Willa Fitzgerald and Clancy Brown
#RegrettingYouMovie @paramountpicsph

(ROHN ROMULO)

Alex Eala balik ensayo na bilang paghahanda sa US Open

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BALIK ensayo na si Pinay tennis star Alex Eala bilang paghahanda sa pagsabak niya sa US Open.
Sa kaniyang social media account ay makikita ang ilang kuha habang ito nagsasanay sa hard courts ng Rafa Nadal Academy sa Mallorca, Spain.
Magugunitang umatras na ito sa paglahok sa Cincinnatti tournament nitong Linggo dahil sa shoulder injury.
Noong Hulyo 28 ay nabigo si Eala kay Marketa Vondrousova ng Czech Republic sa Canada Open.
Dahil dito ay bumaba rin ang ranking niiya sa Womens Tennis Associaton na mula sa ranked 65 ay naging ranked 68 na ito.

Coach Tim Cone, hindi na ikinagulat ang ginawang ‘big-shot’ ni Justin Browlee sa Gilas vs. Saudi Arabia

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INIHAYAG ni Coach Tim Cone ang kanyang hindi pagkagulat na reaksyon sa naganap na laro ng Gilas Pilipinas kontra Saudi Arabia sa 2025 FIBA Asia Cup.Philippine travel guide
Sa isinagawang pulong balitaan matapos ang laro, kanyang ibinahagi na wala ng bago aniya sa ginawang pagpasok ng puntos ni Justin Brownlee sa huling quarter.
Kung saan ipinasok o na-shoot ng naturang Gilas player ang three-point shot sa natitirang 3.7 seconds ng fourth quarter.
Dahil rito’y tabla ang puntos ng magkatunggaling koponan sa iskor na 79-all, nagdulot upang magkaroon ng overtime.

2 HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION NG PDEA, 1 KILO NG SHABU NAKUMPISKA

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NATIMBOG ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) BARMM, sa suporta ng mga law enforcement partners at ng Lokal na Pamahalaan ng Parang sa ilalim ni Mayor Cahar P. Ibay, ang dalawang high-value target sa isinagawang buy-bust operation noong August 11, 2025, sa Purok Nursery, Barangay Making, Parang, Maguindanao Del Norte. Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang isang kilo ng hinihinalang shabu at pagkalansag sa isang drug distribution network sa rehiyon.
Ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA Maguindanao del Norte Provincial Office, na may operational support mula sa PDEA Maguindanao del Sur Provincial Office, Regional Special Enforcement Team, PNP Maritime Group, Parang Municipal Police Station, RIU 5th MDM/RIU 15, 32nd Marine Company – MBLT-2, Technical Support Company RMFB 14-A, at ang – PRO Drug Enforcement Unit.
Nakumpiska at narekober ang dalawampung (20) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang cellular phone, isang yellow eco bag, isang license holder, isang Suzuki Rider motorcycle, isang brown at black bag, at identification cards.
Kinilala ang mga nahuli na suspek na sina Alias “Kintang,” 27-anyos may asawa, magsasaka mula sa Talitay, Maguindanao del Sur, at Alias “Alinor,” may asawa, residente ng Kabacan, North Cotabato. Parehong nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), na may parusang habambuhay na pagkakakulong.
Binigyang-diin ni Direktor Gil Cesario P. Castro na ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng epektibong pagbabahagi ng intelligence, inter-agency cooperation, at ang dedikasyon ng lahat ng kalahok na unit sa walang humpay na paglaban sa ilegal na droga.
Inulit ng DRDO ng PROBAR PCOL Siason ang kanilang pangako na makipagtulungan sa PDEA sa paglaban sa kalakalan ng ilegal na droga at pangangalaga sa mga komunidad.
Binigyang-diin ni Mayor Cahar P. Ibay ang pakikipagtulungan sa mga tagapagpatupad ng batas upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, na tinitiyak ang buong suporta para sa mga operasyon laban sa droga sa Parang at sa rehiyon ng Bangsamoro.
Ang operasyong ito ay sumasalamin sa pangako ng PDEA na tumugon sa panawagan ng Local Government Unit (LGU) ng Parang para sa suporta sa paglaban sa ilegal na droga, na nagpapakita ng determinasyon ng lahat ng katuwang na ahensya na protektahan ang komunidad at rehiyon sa pamamagitan ng walang tigil na pagtugis sa mga sindikato ng droga at pagbuwag sa kanilang mga kalakalan. (PAUL JOHN REYES)

NORTH SOUTH COMMUTER RAILWAY, AARANGKADA NA RIN 

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MATUTULOY  na rin ang North South Commuter Railway project ng Department of Transportation (DOTr) sa tulong ng Manila LGU  matapos itong dalawang taon na natengga.
Binisita  nina Transportation Sec. Vince Dizon at Manila City Mayor Isko Moreno-Domagoso ang  bahagi ng Old Antipolo Street kanto ng Abad Santos Avenue upang simulan nang gibain ang ilang mga istraktura .
Dito rin inilatag ang mga plano sa gagawing proyekto na ayon kay Dizon ay nasa mahigit isang kilometro lamang.
Aniya nai-award ang kontrata noong 2023 at ngayon lang ito nasimulang gumalaw sa ilalim aniya ng liderato ni Yorme kaya laking pasasalamat ni Dizon at national government lalo na sa alkalde dahil masisimulan na ang proyekto.
Sinabi naman ni Domagoso na kung ano ang makabubuti lalo na sa ating mga kababayan,ang lokal na pamahalaan aniya ay susuporta 101 % .
“In fact totoo po ‘yung sinabi ni Sec.Vince na noong miniting niya kami ng team niya sabi ko subukan ninyo naman bagong gobyerno ng Maynila because ite been a delay for two years”. anang alkalde.
Sa nasabing panahon wala aniyang gumagalaw sa nasabing proyekto upang masimulan na matapos umanong maharang ng nakaraang administrasyon.
Tiniyak naman ni Dizon na walang dapat ikabahala ang ilang mga bahay, paaralan, simbahan at iba pang establisyimento dahil hindi sila maapektuhan sa oras na simulan na ang proyekto.
Nagpapasalamat naman si Mayor Isko sa DOTr dahil bukod sa hindi maaapektuhan ang ilang mga bahay, matutulungan pa ang Manila LGU na mapalawak pa ang floodway sa naturang kalsada upang maiwasan ang pagbaha mula Blumentritt sa Sta. Cruz hanggang Tondo.
Simula naman ngayong araw ay ipapatupad na ng Manila LGU na one way ang daanan sa Old Antipolo Street para bigyan daan ang mga kagamitan partikular ang mga truck ng DOTr sa pagpapatayo ng North South Commuter Railway. (Gene Adsuara)

Pagsiwalat sa 2025 small committee amendments, unang hakbang sa budget reform; Cong. Tiangco

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DINOBLE ni Navotas Congressman Toby Tiangco ang kanyang hapon sa House Committee on Appropriations na ganap na isiwalat ang lahat ng amendments na ginawa ng small committee sa 2025 national budget na tinawag niyang mahalagang unang hakbang tungo sa tunay na reporma sa badget
Binigyang-diin niya na bago talakayin ang 2026 budget, kailangan munang maging malinis ang Kongreso kung paano binago ang 2025 budget.
“Sa lahat ng bagay, bago ka humingi ng bagong budget, dapat ipakita mo muna ‘yong paggastos sa nakaraang budget. Bago pag-usapan ang 2026 budget, dapat lang na ipakita muna ang 2025 small committee amendments,” ani Tiangco.
Idinagdag niya na kapag nabuo na ng appropriations panel ang tinatawag nitong “sub-committee on budget amendments review,” ang pangunahin at hindi mapag-usapan na priyoridad nito ay dapat na imbestigahan at ilantad ang mga insertion na ginawa ng 2025 small committee.
“Kung seryoso kayo and to show good faith, ang first step is ilabas nila ang amendments ng small committee noong 2025 budget. Kung ayaw nila ilabas ‘yan, lokohan lang ito,” sabi niya sa interview sa Headstart with Karen Davila.
Sinabi ni Tiangco na hindi dapat palagpasin ng Kongreso ang kontrobersiya na pumapalibot sa 2025 budget, at sa halip ay panagutin ang mga miyembro ng small committee sa mga pagbabagong ginawa nila.
“Non-negotiable yan. Kung gusto namin ipakita na transparent kami, ipakita nila ‘yong amendments ng small committee sa 2025 budget,” aniya.
Hindi ko papakawalan ang 2025 small committee. We have to be accountable. Pera ng taumbayan yan. Hindi pupwedeng kalimutan na lang natin yan,” dagdag niya.
Hinamon ni Tiangco si Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co, na namuno sa House Committee on Appropriations na gumawa ng 2025 General Appropriations Act (GAA), na ipaliwanag at ilabas ang mga pagbabagong ginawa ng small committee.
Ipinunto din ni Tiangco na ang small committee ang unang pagkakataon para sa mga mambabatas na magsingit umano ng mga amendment sa budget.
“Nagcoconcentrate ang iba sa bicam pero ang bicam sa huli na yan. Ang unang opportunity na magkaroon ng insertions o amendment is the small committee,” pahayag niya. (Richard Mesa)

PBBM, kakausapin muna ang mga stakeholders, mga kinatawan ng simbahan ukol sa online gambling —Malakanyang

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ng Malakanyang na hindi pa naitatakda ang miting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga stakeholders para pag-usapan ang online gambling.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang tanungin kung kailan maaasahan ng publiko ang pinal na desisyon hinggil sa polisiya ukol sa online gambling upang ang anumang mga pagbabago ay maisasaalang-alang sa plano ng paggasta para sa susunod na taon.
”Actually, nakausap po natin ang DBM [Department of Budget and Management] at ngayon po kasi sila magsusumite ng budget o ng NEP, at ang panukala naman ng Pangulo na makausap ang mga stakeholders kasama na po ang representative mula sa mga simbahan ay hindi pa po ito nai-schedule as of the moment,” ang sinabi ni Castro.
”Ito pa lamang po ay kasasabi ng ating Pangulo lalong-lalo na doon sa MPC [Malacañang Press Corps] sa India. So, mag-i-schedule pa lamang po ang Pangulo para po makausap ang lahat ng maaaring mga concerned parties para maisagawa ang sapat na pag-aaral patungkol sa online gaming,” aniya pa rin.
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na plano niyang bumuo ng polisiya sa online gambling at isama ang simbahan sa konsultasyon.
Winika ng Chief Executive na hindi ang online gambling ang problema kundi ang social effects sa mga kabataan at sa mga taong adik sa sugal.
Nauna nang iginiit ng ilang mambabatas ang pangangailangan ng agarang pagbabawal sa online gambling, dahil sa epekto nito sa lipunan.
Maging ang ilang digital finance companies ay nananawagan din ng regulasyon o total ban para mas maprotektahan ang mga konsyumer at mapababa ang mga panganib na kaakibat ng e-gambling.
Pinag-aaralan na rin ng pamahalaan ang mga panawagang ipagbawal ang online gambling at ang posibleng epekto nito sa ekonomiya at mamamayan ng bansa.
Samantala, hindi naman sapat para kay Sen. Win Gatchalian ang mga kasalukuyang restriksyon ng GCash laban sa mga e-gambling ads.
Ayon sa senador, sa dami ng Filipinong umaasa sa e-wallets gaya ng GCash, Maya, at Coins.ph, iginiit niya na mas malaki ang kanilang obligasyon na protektahan ang publiko—lalo na ang mga kabataan—laban sa mapanlinlang at mapanirang bisyo ng sugal.
Hinimok din ni Gatchalian ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na higpitan ang regulasyon sa mga digital financial platforms upang hindi ito magamit bilang kasangkapan sa pagsusugal. ( Daris Jose)

VP Sara, matibay ang tiwala at kumpiyansa kay Kaufman

Posted on: August 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINANINDIGAN ni Vice President Sara Duterte ang kanyang tiwala at kumpiyansa kay Atty. Nicholas Kaufman sa paghawak sa kaso ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakahain sa International Criminal Court (ICC).
Ipinahayag ito ni VP Sara habang papalapit na ang pagdinig sa ‘confirmation of charges’ ng kanyang ama sa ICC — na nakatakda sa Sept. 23.
“Of course, yes. Because she was the lawyer chosen by former president Duterte, so we simply follow the client’s choice,” ang sinabi ni VP Sara sa isang panayam nang tanungin ukol sa kanyang tiwala at kumpiyansa kay Kaufman.
“So as long as the former President Duterte says, `he is my lawyer,’ we will follow and cooperate with whatever the legal team needs,”dagdag na pahayag nito.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC ang dating Pangulong Duterte matapos siyang arestuhin at ipadala sa The Hague, Netherlands, para sa crimes against humanity na di umano’y kanyang nagawa sa panahon ng kanyang ‘war against drugs.’
Ang war on drugs ng dating Pangulo ay nagresulta sa pagkasawi ng 6,000 katao habang ang ulat naman ng human rights groups ay umabot ito ng 20,000.
(Daris Jose)