P1 provisional fare increase hinihimay na ng LTFRB
- Published on August 13, 2025
- by @peoplesbalita
PINAG-ARALAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na P1 provisional fare increase ng mga transport groups sa mga Public Utility Jeepneys (PUJs).Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, nirerebyu na ng kanilang mga tauhan ang hinaing petisyon ng mga PUJs para matiyak na patas ang gagawing desisyon.
“We are studying the petition in detail to ensure that any fare adjustment is fair, reasonable, and based on solid justification,” pahayag ni Guadiz.
Nabatid na naghain ang LTFRB ng petisyon ang grupo ng PUJs na PASANG MASDA, ALTODAP, at ACTO para sa dagdag pasahe sa traditional at modern PUJs.
Tiniyak ni Guadiz na ikokonsidera ng board ang kapakanan ng mga operator, drayber pati na ng mga commuter sa gagawing desisyon sa fare hike petition.
“Our goal is to balance the needs of the riding public and the sustainability of public transport operations,” dagdag pa ni Guadiz.
Nais ng mga petitioners na ideklarang permanente ang P1 provisional fare hike noong Oktubre 2023 at dagdagan ng P2 provisional increase na nangangahulugan na P15 na ang pamasahe sa traditional PUJs at P19 sa modern PUJs.