• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Susubukang umarte muli dahil nami-miss na niya: KIM, inamin na nagkatampuhan sila ni ANTOINETTE dahil kay DINGDONG

INAMIN ni Kim delos Santos na nagkatampuhan sila ni Antoinette Taus dahil kay Dingdong Dantes.

Naganap ito sa “Fast Talk” segment ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 11, na kung saan ay tinanong si Kim ni King of Talk Boy Abunda kung sino ang artistang nakatampuhan niya.

Nagsimula raw ang tampuhan nina Kim at Toni dahil pareho silang may gusto kay Dingdong, na sa bandang huli’y nakarelasyon ni Antoinette.

“Parehas kaming gusto nung time na ‘yun siguro kaya lagi kami nagtatalo,” pag-amin ni Kim.

“Siya ‘yung lalaking gusto ko before, si Dingdong, pinagseselosan before. Ay nasabi ko rin! First time kong banggitin ‘yun.” 

Nilinaw naman ni Kim na naayos rin nila ni Antoinette ang kanilang tampuhan.

“Tumanda na, e. We’re older. Siyempre, bagets, e, we were teens, so selos dito, selos du’n, ‘yung mga ganu’n,” sabi ni Kim.

Samantala, inamin din ng aktres na nami-miss niya ang pag-arte at gusto niyang bigyan ang sarili ng one last try.

“Kasi nami-miss [ko], Tito Boy, it’s in your blood. It’s like you miss it,” sabi ng dating aktres.

At kung hindi raw mag-work, babalik siya ng Amerika dahil meron naman siyang stable job.  Ayaw lang niyang magkaroon ng ‘what if?’

Ibinahagi rin ni Kim na nakakuwentuhan niya sina Dingdong at Polo Ravales, na nagsabing may bagong show ang Kapuso Primetime King.

“And then, Dingdong was asking me if it’s okay for me to come here and stuff like that, and I said, ‘Yeah, I can always ask for changing my work to PRN as needed.’ 

“So, it’s one of the options that I’ve been thinking about. And Dingdong was like, ‘Sigurado ka ba?'” pahayag ni Kim.

Well, abangan na lang natin ang pagbabalik-telebisyon ni Kim na siguradong ikatutuwa ng kanyang mga tagahanga.

(ROHN ROMULO)