• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2025

Lumalaganap na mga bagong modus partikular na ang ‘punit passport’ scheme, ikinababahala

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nagbabala si OFW Party List Rep. Marissa Magsino ukol sa ‘punit passport’ scheme kung saan sinisira ang passport ng pasahero para ma-offload. Nakaalarma rin ang illegal recruitment sa Bahrain. Iniimbestigahan ng BI ang sindikatong sangkot sa pagpapadala ng OFWs sa ilalim ng maling kontrata.

Tambay, kulong sa pag-iingat ng hindi lisensyadong baril sa Malabon

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nahuli si alyas ‘Jeff’, 44, matapos mahulihan ng cal. 38 revolver na walang lisensiya sa bisa ng search warrant sa Brgy. Longos, Malabon. Inaresto siya ng Malabon SS5 sa pangunguna ni P/Capt. Lalaine Almosa. Kakaharapin niya ang kaso sa ilalim ng RA 10591. Pinuri ni Gen. Ligan ang pinaigting na kampanya laban sa loose firearms.

Riding-in-tandem na armado ng baril, laglag sa ‘Oplan Sita’ sa Malabon

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Inaresto ang 21-anyos na estudyante at angkas nitong tattoo artist matapos takasan ang Oplan Sita sa Malabon. Nasamsam ang isang replica ng cal. super 38 pistol, improvised firearm, at motorsiklong walang plaka. Kakaharapin nila ang kasong paglabag sa RA 10591, RA 4136, at BP 881. Pinuri ni Gen. Ligan ang mabilis na aksyon ng pulisya.

P3.5M shabu, nasamsam ng NPD sa buy bust sa Caloocan

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nasabat ng NPD-DDEU sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera ang 520 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P3.5M sa buy-bust operation sa Caloocan. Nahuli ang suspek sa Brgy. 188 dakong alas-2:54 ng madaling araw. Nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165. Pinuri ni P/BGen. Josefino Ligan ang matagumpay na operasyon.

Bulacan, nagsagawa ng dalawang araw na food fest para sa Kalutong Bulakenyo 2025

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Ipinagdiriwang sa Bulacan Capitol Mini Forest Park ang Kalutong Bulakenyo 2025 mula Abril 29 hanggang 30. Pinangunahan ito nina May Arlene Torres ng PHACTO at Dr. Cheng Daenos ng DOT Region 3. Tampok ang Bulacan Beverage Competition, HRM student demos, Puni Making Workshop, at cooking exhibitions ng kilalang chefs. May food fair din kung saan tampok ang mga lokal na produkto mula sa iba’t ibang exhibitors. Bahagi ito ng Filipino Food Month na inilunsad ng NCCA, DA, DOT, at PCHM.

Higit 200K trabaho, alok ng DOLE ngayong Labor Day

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Aabot sa mahigit 200,000 trabaho ang alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa job fair ngayong Mayo 1. Sa 216,144 trabahong iniaalok ngayong taon, mahigit 34,000 dito ay overseas jobs. May 69 sites nationwide, kabilang ang 14 sa NCR. Tampok ang SMX Convention Center bilang pangunahing venue. Sa Quezon City, may 1,000 trabahong alok sa QC M.I.C.E. Center. Inaasahan ang partisipasyon ng 100 kompanya at ahensiya ng gobyerno. Nag-set up rin ng one-stop shop para sa government services. Kabilang sa mga employer ang National Bookstore, Hotel SOGO, Max’s, SM supermarkets, at marami pa.

Ads May 1, 2025

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAYO UNO KILOS PROTESTA, HANDA ANG MPD

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HANDA na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa inaasahang malaking kilos protesta ngayong Labor Day o Mayo Uno.
Sa panayam kay MPD Director P/Brig.General Benigno Guzman, mahigit kumulang 3,000 kapulisan ang kanilang idedeploy sa mga lugar na maaaring pagdausan ng protesta ng mga militate at iba pang grupo sa pribado at pampublikong sektor.
Ayon kay Guzman, kabilang sa mga lugar na maaring pagdausan ng programa ng mga rallyista ay ang Liwasang Bonifacio, Mendiola, Plaza Miranda .
Magde-deploy din ng tauhan sa labas ng tanggapan ng Department of Labor of Employment (DOLE) dahil inaasahan din na may susugod rito para manawagan.
“Yung DOLE meron din tayo (deployment) diyan dahil Labor Day nga, posibleng meron ding magtutngo duon paar magprotesta”, sinabi ni Guzman.
Ayon kay Guzman, ito ay upang matiyak ang kaayusan, kapayapaan at seguridad sa pagdiriwang ng Labor Day.
 (Gene Adsuara)

Last year pa yun pero ‘di naman lumaki ang tiyan:  KATE, mabilis na sinagot ang kumalat na balitang buntis 

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGKAROON ng timeout sa kanyang sunud-sunod na trabaho ang Sparkle hunk na si Jay Ortega.
Binisita ni Jay ang isla ng Siargao para sa isang maikling bakasyon. Nag-share ito ng ilang pictures sa kanyang Instagram account.
Dahil first timer sa isla, sinubukan ni Jay ang ilang mga kainan sa Siargao, nag-wind down habang nagbabasa ng libro at nagkakape, lumangoy sa beach at sa isang fresh water lagoon, at nag-wine pa sa tabing-dagat.
Naglaro rin siya ng basketball kasama ang ilang mga turista at locals doon, nag-motorsiklo para makalibot, at bumisita pa sa isang tattoo shop.
Kinilig kay Jay ang ilang locals sa Siargao dahil kilala nila siya sa pagganap niya bilang Japanese soldier sa epic-serye ng GMA na Pulang Araw. Ngayon ay napapanood siya sa murder-mystery series na SLAY.
***
MABILIS na sinagot ni Kate Valdez ang kumalat na balitang buntis daw siya.
Nagsimula raw ang chismis sa TikTok videos nila ng boyfriend niyang si Fumiya Sankai. Napansin daw netizens na lumalalad daw ang balakang nito kaya in-assume na buntis ang Sparkle actress.
Sa isang joint post, sinagot nila Kate and Fumiya ang tungkol sa buntis issue.
“Last year pa ‘yan ah! Kaloka kayo. Eh ‘di bulok na ‘yung bata sa tiyan ko mga buang kayo,” natatawang sagot ni Kate.
Sa tanong na kung bakit hindi pinapakita ang katawan ni Kate sa video, heto ang natatawang sagot ng aktres:  “Kailangan ba? Di ako na-inform.”
After na sagutin ni Kate ang mga tanong, patuloy lang daw sila ni Fumiya na mag-spread ng kilig at fun vibes on TikTok.
Noong August 2024 unang lumabas ang balitang nagde-date ang dalawa. Nag-celebrate si Kate ng kanyang birthday with Fumiya sa Hong Kong Disneyland. Since then, nagkaroon na sila ng fan base sa TikTok.
Kate described the Japanese singer as a “blessing” and a “beautiful soul.”
***
SA pag-attend ni Meghan Markle sa TIME100 Summit in New York City kamakailan, nai-share niya kay Time CEO Jessica Sibley na kakaiba raw ang happiness niya ngayon with husband, Prince William.
“I’m the happiest I’ve ever been. To have a partner and a husband who is just so supportive and to have healthy kids that are so joyful in the freeness of their life and the safety of their life that we create for them… I never would have imagined at this point I would feel so happy and grateful, and I really do,” sey ng Duchess of Sussex.
Kahit daw dumaan sa countless rumors ang marriage nila ni William, nanatili raw silang matatag sa mga dumating na pagsubok sa pagsasama nila.
“We made a very, very conscious effort to create boundaries for ourselves and for our mental health, for our well-being and certainly to role model that as well for our children.”
Napapanood si Meghan sa Netflix series na With Love, Meghan.
(RUEL J. MENDOZA)

Binaril ang 89-anyos na biktima… PTFoMS kinondena pagpatay sa beteranong mamahayag sa Aklan

Posted on: May 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MARIING kinondena ng Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS ang pagpatay sa beteranong mamahayag na si Juan “Johnny” Dayang, na kasalukuyang President Emeritus ng Publishers Association of the Philippines.
Nangyari ang insidente dakong alas-8 ng gabi ng Abril 29, 2025 sa bahay nito sa Barangay Andagao, Kalibo, Aklan.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nasa loob ng kanyang bahay ang biktima ng biglang pasukin ito ng hindi kilalang mga supsek.
Nagtamo dalawang tama sa likod nito ang 89-anyos na biktima.
Ayon kay PTFoMS Executive Director Usec. Jose Torres Jr. mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang task force sa mga kaukulang ahensya para sa imbestigasyon ng kaso at matukoy ang salarin.
Hinimok naman ng task force ang publiko na manatiling mapagmatyag at suportahan ang mga pagsusumikap ng pamahalaan na itaguyod ang kalayaan sa pamamahayag at pangalagaan ang mga mamamahayag sa Pilipinas.
Kaisa rin aniya ang PTFOMS ng buong media community sa pagdadalamhati sa pagpanaw ni Dayang, na isang haligi at may malaking kontribusyon sa malayang pamamahayag sa bansa.
(Daris Jose)